Chapter 14 - Chapter 14

Xyzrielle's PoV:

Isa lang ang salitang magagamit ko para idescribe ang situation ko ngayon.

Isang malaking TORTURE!

Sobrang torture sa akin. Mygoodness. Ano bang pumasok sa utak nitong si arte at ginaganto ako? Ang unfair. Oo, alam ko lasing sya pero kase—— argh!

Is this her new way para bawian ako? Mabuti na lang talaga at malakas ang self control. Nagawa kong hindi gawin ang gusto nyang ipagawa sa akin.

'Relax, Xyzrielle. Wag kang magtake advantage sa kanya. Tsaka na kapag nasa tamang pag-iisip na ang babaeng 'to'

Wait lang. Bakit parang nagiging manyak na ako? I should stop thinking this way. Mali 'to.

Mabuti naman at sa awa ni Lord, nakarating na kami rito sa bahay ko. Kunting tiis na lang, Xyzrielle. Nagbibingi-bingihan na lang ako kahit patuloy pa rin ang pangungulit at pagdada nitong si Arte na halikan ko uli sya.

Like, hello? Hindi pa ba sapat 'yung kanina ha? Nakakadami na sya ah. Nakakaaddict ba 'yung lips ko kaya sya ganyan?

Hndi ko maiwasang mapatawa sa naisip ko. Sa tuwing tinatry nya akong ikiss ay umiiwas ako. Kaya ang ending ay sa pisngi tumatama ang lips nya.

May pagkamakulit din pala si Athena.

Pagpasok ko palang ay kitang-kita ko na ang pusa kong si Buricat. Namiss ko sya. Nakita kong naubos nya ang binigay kong pagkain kanina. Kumarengkeng kaya sya habang wala ako? Bukas ko na lang siguro irerefill 'yung pagkain nya. Pagod na rin kasi ako.

"Hooo! Finally!" Sigaw ko matapos mailapag si arte sa higaan ko. Ano na bang next step na gagawin ko? Panay pa rin ang pagsasalita nya ng alien language. Aish... bahala nga sya riyan.

Nagtatalo ang isip ko kung papalitan ko ba sya ng damit. My gosh. Help Me huhuhu.

Kapag pinalitan ko sya ng damit..

Pros: Hindi sya magkasakit. Mas comfortable pa syang matulog.

Cons: Pwedeng maging dragon sya at magalit sa akin dahil nakita ko ang kanyang mga treasure. Pero, meron naman akong ganon diba?

Kapag pinabayaan ko naman ang babaeng 'to...

Pros: Hindi na ako mapapagod. Hindi rin sya magagalit kapag kagising.

Cons: Pwede hindi sya maging comfortable kapag natulog.

Aish. Anong gagawin ko? Nalilito na ako. Dapat pala,bhindi ko na inuwi 'tong si Arte. Namomoblema tuloy ako ngayon. Bahala na nga.

Athena's PoV:

Hmmm...

Ang bango naman nitong unan ko. As far as I remember ay strawberry yon. But this one smells like a chocolate. Ang sarap. Parang gusto kong kagatin.

Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa unan ko. Gosh. Kahit araw-araw ko 'tong yakapin okay lang. Sasabihin ko nga kay yaya na ito lagi ang gamitin nyang fabcon tuwing naglalaba.

Naramdaman kong yumakap din ang unan sa akin. Pero isinawalang-bahala ko na lang 'yon. Ang weird naman. Sa pagkakaalam ko ay walang kamay ang pillow, right?

Maybe, nananaginip lang ako. Kulang siguro ako sa tulog.

Itutuloy ko na sana ang pagtulog ko nang may naramdaman akong kamay sa bandang pang-upo ko. Hindi pa ito nakuntento at pinisil-pinisil pa.

WHAT THE FUCK?

WHO THE HELL DID THAT?!

Goddamnit. Nag-iinit ang ulo ko.

Wala na akong sinayang na oras at agad na sinipa ang katabi ko. Isang malakas na kalabog ang aking narinig.

The fuck? Sino naman 'tong katabi ko huh?

I slowly opened my eyes. Iginala ko ang aking panigin sa paligid at napagtanto ko na hindi ito ang room ko.

Agad na bumalot ang kaba at takot sa akin. Wait. Don't tell me, may nangyari sa amin nitong katabi ko?!

Pinakiramdaman ko naman ang aking sarili. I sighed in relief nang malaman kong wala namang masakit sa akin. I'm safe. But wait!

Bumaba ang aking tingin sa suot-suot kong damit. Bakit iba na ang suot kong damit? Sinong nagpalit sa akin? At bakit wala na akong suot na bra?

I clenched my fist. Parang kumukulo ang dugo ko sa galit at inis. Shit. Baka mamaya, pinagsamantalahan ako nitong poncio pilato na 'to. Oa na kung oa but I don't care.

"Awww... bakit mo naman ako sinipa ha?" Tanong ng kung sino. Naningkit ang aking mata. Kilala ko ang boses na 'yon ah.

Unti-unting tumambad sa akin ang mukha ni Xyzrielle. Hinihimas nya ang kanyang likod dahil na rin siguro sa pagbagsak nya kanina. She's also pouting. Ang cute.

Oh shit! Erase, erase. Ang panget nya tignan. Panira ng araw to be exact.

"Bakit ako nandito ha? Sabihin mo nga! May nangyari ba sa atin ha? Pinagsamantalahan mo siguro ako noh. Atsaka, bakit iba na 'yung na damit ko?" Mataray kong tanong dito. Oo na. Ako na ang advance mag-isip.

Nakita kong nanlaki ang kanyang mata sa sunod-sunod kong tanong. Maya-maya pa ay narinig kong napatawa sya.

Bitch, what the fuck?! Mukha ba akong clown? Nang makabawi ay tumikhim sya at nagsimula nang magsalita.

"Nalasing ka kagabi, okay? May nangyaring gulo. Hindi mmo na siguro matandaan pero sa tingin ko ay mas okay na 'yon. Next, WALA pong nangyari sa atin. Mukha ba akong rapist ha? Nasa tamang pag-iisip naman ako. Atsaka, malaki ang respeto ko sayo. Ako ang nagpalit ng damit mo para mas komportable ka." Mahaba nitong sagot.

My mouth went agaep. Sya ang nagpalit sa akin.. so, nakita nya 'yung mga babies ko? Masasapak ko talaga ang babaeng ito kapag tama ang hula ko.

"Hoy! Meron din akong nyang sayo at tsaka, nakapikit ako noong pinapalitan kita. Kahit nung tinanggal ko ang bra mo. Promise." Dagdag pa nya.

Nakataas ang kamay nya na para banng nanunumpa. Napansin kong nakatingin sya sa bandang dibdib ko. Matatalim na titig ang ipinupukol ko sa kanya.

"Pervert!" I shouted at sinimulang paghahampasim sya. Agad syang nag-iwas ng tingin habang namumula ang kanyang pisngi. Tsk. Napaghahalataan.

Pero kahit na ganon, super thankful pa rin ako kay Xyzrielle dahil sinave nya ako kahapon doon sa guy. Grabeng takot ang naramdaman ko that time. Mabuti na lang at nandoon sya.

I swear, makukukong talaga ang guy na 'yon dahil sa ginawa nya!

Suddenly, biglang nagflashback sa isipan ko ang pinaggagagawa ko kagabi.

Freaking hell!

Bakit pa kasi ang harot ko? Bakit ko 'yun ginawa in the first place. Argh! This is so embarrassing. Ayoko nang maalala pa.

I heaved a deep sigh at pinakalma ang aking sarili. Relax, Athena. Makakalimutan nya rin 'yon. Makakalimutan mo rin 'yon soon. Wag mo na lang isipin at nang hindi ka gambalain.

But truth to be told, I enjoyed the kiss naman eh. May angal ba kayo sa nararamdaman ko? Hmp.