Athena's PoV:
Maganda ang gising ko ngayon. I don't know why at wala na kayong pake doon. Duh.
Humarap ako sa salamin at automatic na nakakita ako ng Dyosa. Perfect. Ang perfect ko talagang tao. Wala kang maipipintas sa akin. Favorite ata ako ni Lord.
I wore a simple outfit but makalaglag panga. Kahit ano naman ang suotin ko ay bagay sa akin because I'm super fabulous.
Habang pababa ay naghuhum pa ako. Nakita ko sila Mom and Dad sa dining area. Nakauwi na pala sila.
Alam na rin nila ang nangyari sa akin. At sila na raw ang bahalang mag-asikaso non. Galit na galit nga si Dad nang malaman nya ang nangyari sa akin. But I told him na okay na ako dahil may nagligtas naman sa akin.
"Wow! Parang ang saya-saya ng prinsesa ko ngayon ah." Pambungad sa akin ni Dad. He's sipping his favorite coffee.
"It's nothing, Dad." I answered. Baka maiissue pa ako. Sinimulan ko nang kainin ang breakfast ko.
"Anak, bakit parang ang ganda mo ata ngayon? May jowa ka na ba?" Mom said out of nowhere. Nasamid ako bigla dahil sa aking narinig.
Whay?! Maganda ba ako ngayon? Last time I checked, maganda ako everyday. Never akong pumangit. Duh. Atsaka, ano raw? Jowa? Eww. Wala pang nakakasungkit sa standards ko noh.
To the point na gusto kong maramdaman 'yung tinatawag nilang sparks kapag nagtatama ang skin namin.
'Edi dapat nagpakuryente ka na lang para maramdaman mo 'yung sparks na hinahanap mo.' Argh! Paepal ka talaga, mind. Damn you.
"Mommy naman! Maganda na ako everyday nohm Atsaka, wala pa po akong jowa. Kapag meron na, ipapakilala ko sa inyo agad ang taong 'yun." Sagot ko.
Napatango-tango naman sila ngunit nandoon pa rin ang mapaglarong ngisi sa kanilang labi. Halatang may kakaiba.
When I'm done, nagpaalam na rin ako sa kanila. I didn't forget to kiss their cheeks before I leave. It's a sign of respect and love for me.
I CAN FEEL and see the stares ng maraming taoa pagkababa ko palang ng aking car. Well, hindi na bago 'to sa akin. Pero, parang may kakaiba ata ngayon. There's something off. I cannot figure it. Well, bahala nga sila riyan.
Taas-noo akong naglakad sa hallway. Hindi ko pinapansin ang pinagsasabi nila. Probably, admiration about me na naman ang pinagsasabi nila. Pero may isang usapan na nakapukaw ng atensyon ko.
'Girl, alam mo ba na muntik na maharass si Miss Athena?'
'Oo, girl. Mapanood ko 'yung video. Mabuti na lang talaga at nandoon yung girlfriend nya para iligtas sya.'
"Gosh! Nakakakilig naman sila."
Automatic na nagsalubong ang dalawa kong kilay. I clenched my fist. What the hell? Paano nakarating sa kanila ang pangyayaring 'yon? Sinong nagvideo?
Atsaka, ano raw? Girlfriend? Ano bang tinutukoy nila? Nagpapatawa ba sila? Argh! For pete's sake, I'm straight as a pole!
Isang malalim na buntong-hininga ang aking ginawa. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Baka namali lang ako ng rinig. O baka naman, hindi ako ang pinag-uusapan nila.
'Teh, nakita mo 'yung pics nila Miss Athena at ng binubully nya?'
'Oo, teh. Ang cute nga eh. Nakakakilig. Kaso isang pic lang 'yung nileak.'
Parang sasabog ang dibdib ko sa inis at galit na nararamdaman ko. I'm burning in rage and fury. Bumibigat na ang aking paghinga.
Damn it! Kanina video lang tapos ngayon, picture na. Anong next? Scandal?
Argh! Ano ba yung pinagsasasabi nila? Gusto kong malaman. I received a text from my friend saying na pumunta agad sa tambayan namin. Sa kanila na lang ako magtatanong para sigurado at totoo.
"Kamusta ka na? Okay ka na ba? Anong ginawa ni Tito roon sa guy?" Sunod-sunod na tanong ni Ella pagkapasok ko tambayan namin. Halatabg nag-aalala sila sa lagay ko.
"Kalma, Ella. Okay na at naresolba na ni Dad ang lahat." Napahinga naman sila nang maluwag sa narinig. They're somehow relieved.
Suddenly, may naalala ako.
"Guys, may tanong ako." Panimula ko sa kanila. They motioned their hand na nagsasabing ituloy ko ang nais kong itanong.
I heaved a sigh. "Kanina kasihabang naglalakad ako, may narinig akong mga usap-usapan. There's a video and a pic daw na involve ako."
Kitang-kita ko kung paano sila napalunok. Parang natense rin sila bigla. Okay? Bakit naman kaya? I'm clueless. Mas lalo akong naging mas eager na malaman ang nangyari.
"Mas mabuti kung panoorin mo na lang 'to. Mabuti na lang talaga at nakapagsave ako ng copy. Kalat na 'to sa buong campus." Stacey said.
Inabot sa akin ni Stacey ang phone nya. Sinimulan ko nang panoorin ang video. Nang matapos ay isa lang ang masasabi ko...
WHAT THE FUCK?!!
Fucking shit. Sino naman ang video non? At nileak nya pa. Sana tinulungan na lang ako ng taong 'yun diba? Ano bang gusto nyang patunayan?
At eto pa, nakuhanan 'yung part na sinabi ni Xyzrielle na girlfriend nya ako. Shit. Siguro ay iniisip na ng lahat na mag-on kami. Na 'yung dati kong binubully ay gf ko na.
Badtrip. Nakakapang-init ng ulo. Kanina good mood ako tapos biglang ganto?! Nakakaasar. Panira talaga ang mga tao. Damn them.
Kaya pala ganon ang tingin ng mga students kanina. I compose myself dahil walang patutunguhan kung magagalit ako lalo.
"Asan naman 'yung picture na sinasabi nila?" Nagtitimpi kong saad. Iniswipe ni Stacey ang phone nya at tumambad sa akin ang larawan ni Xyzrielle habang buhat-buhat ako ng parang bagong kasal.
Fuck. Wala na, finish na. They misinterpreted it.
Napahilot ako sa aking sentido. Damn. Pano ko 'to malilinis? Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Lagot sa akin ang nga taong involved dito.
Hindi na nagtanong pa ang mga kaibigan ko. I know na naghihintay lang sila magkwento ako. They respect me kaya ganon.
"Athena, meron pa pala." Saad ni Jared. Sana naman ay good news na 'yan. Too much na ang bad vibes sa akin ngayong araw.
"Uhm... Do you remember Lucas? He's here and he wants you."
I groaned loudly. May isasama pa ba ang araw ko? Isa rin sa masugid kong manliligaw si Lucas at para na rin syang stalker dahil kung nasaan ako ay naroon din sya. Super creepy nya. He keeps on bothering me.
"Wait lang. May naisip ako." Pagpigil ni Ella. She's smirking na para bang may nabuong plano sa kanyang isipan. Sana naman ay maganda ang naisip nya.
"Since sabi mo nga, Jared na bumalik na si Lucas dito sa University, siguradong kukulitin ka na naman nya, Athena." Napatango-tango ako. She's right. That's for sure.
"What if... patulan mo ang usap-usapan na girlfriend mo 'yung girl na si Xyzrielle? In that way, maiisip ni Lucas na wala talaga syang pag-asa sayo dahil sa babae ka pumapatol. Magkakaroon ka rin ng instant alalay dahil sa babaeng 'yon."
Napaisip ako bigla. Hmm... Maganda ang plano ni Ella ah. It's like I'm hitting two birds in one stone.
Kapag naging girlfried ko nga si Brownie, may instant alalay na ako. And I think, kaya nya rin akong protektahan against Lucas. Masarap pa sya humalik—— este, mali. Argh! Ano ba yan?
Ang tanong, papayag ba sya? Anyways, wala naman humihindi sa akin because I'm the great Athena Louise Sarxel. And I'm confident that Xyzrielle is not an excemption to the rule.