Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Apat Kamo? SERYOSO?!

🇵🇭Jamie_Layfor
--
chs / week
--
NOT RATINGS
14.1k
Views
Synopsis
Kapag bumalik sa oras ang isang tao, nakakayanig mundo na ang existence niya. Maraming magbabago Maraming naapektuhan Maraming tao ang nagbabago ang tadhana Dahil lang sa iisang tao... Paano kung hindi lang isa ang bumalik? Paano kung hindi lang isa o dalawa o tatlo kundi APAT?! Ano na ang mangyayari sa mundo? Sa buhay ng mga taong nakapaligid sa kanila? Maganda ba ito para sa mundo? Ano kayang gulo ang malilikha ng pagbabalik nila? A/N: The story will be in Filipino and English language.
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1: Family Tragedy (1)

Kayzel's POV

*sob*

*sob*

*sob*

Akala ko ok na ang lahat. Doon pala ako nagkamali.

Ni hindi ko na alam ang gagawin ko kung bababa ba ako sa kotse ko o iiyak na lang dito sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko maialis ang mga mata ko sa harapan. Sa bintana kung saan ko sila nakikita na buo at kumpleto.

Masayang kumakain habang nagtatawan. Na parang walang problema, walang iniintindi, walang nawawala. Kumpleto silang kumakain kasama ang anak, ama at ina. Napahikbi ako ng malakas sa loob ng kotse ko.

Tuloy-tuloy ang tulo ng luha kong maalat katulad ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maiwasang maisip na sa amin dapat yan nangyayari. Na dapat kami ng pamilya ko ang kumakain ngayon ng sama-sama. Nagtatawanan na walang pake sa kinabukasan basta magkakasama.

Nakangiti sa isa't-isa. Masayang nagsasalo-salo sa hapag-kainan. Nakagat ko ang labi ko at lumabas ang dugo sa sobrang diin ng kagat ko.

Pinaandar ko ang kotse ko at tuluyan na kong umalis. Ayoko ko na makita pa ang masasayang mukha nila. Nasasaktan ko lang ang sarili.

'Tama na Kayzel, tama na hindi na siya babalik. Pinagtaksilan ka na niya.'

Yan na lang ang mga katagang paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko. Ang sakit. Ang sakit sakit, di ko na kaya.

Ang mga luha kong patuloy ang pagtulo habang nakatingin ako sa malamig at madalim na highway. Tanging headlights lang ang ilaw ko. Halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko sa sobrang baha ng mga mata ko sa luha.

Ni hindi na rin ako makahinga ng ayos dahil sa tuloy-tuloy kong paghagulhol. Ang lalamunan ko sobrang sakit na rin kakaiyak ko ng malakas. Patuloy din ako sa pagsigaw.

"Hayop ka Jomar! Hayup ka!!!"

"Ang sakit. Ang sakit sakit ng ginawa mo. Binigay ko ang lahat, hindi pa rin sapat?!"

"Walang hiya ka!!!"

Paulit-ulit kong sinisigaw ang mga katagang iyan.

Sobrang sakit nang malaman kong namatay sa aksidente ang nag-iisa kong anak. Pero kinaya ko dahil kailangan ako ni Jomar. Mahina siya. Househusband ko lang siya dahil malaki ang sweldo ko kesa sa kanya at para na rin may magbantay sa bata.

Mahal na mahal niya ang anak namin. It's been what? 2 years ago since mamatay ang anak namin? Tapos malalaman kong may iba na pala siya?!

Ang sakit lang. Mas masakit pa nung nalaman kong simula't sapol pa lang, bago kami ikasal, may iba na siyang pamilya. May iba na siyang pinagkukunan ng kasiyahan.

Dapat pala sa simula pa lang napansin ko na ang mga mata niyang matamlay. He doesn't have any love in his eyes when he look at me except our son. Lahat ng bigay kong alllowance dapat napansin ko na. Na kaya ganoon na lang kalaki ang hinihingi niya ay para buhayin ang isa niya pang pamilya.

Lahat ng ipinakita niya sa akin ni isa ba doon ay totoo? Ang mga salita niya matatamis sa tenga, kahit isang katiting ba doon ay totoo? Hindi ko na alam kung anong totoo.

Sobrang sikip na ng dibdib ko kakaiyak. Sa bibig na ako humihinga dahil sa mga sipong tumutulo sa ilong ko. Sobrang dugyut na ng itsura ko. I'm not like this. I'm so not like this. Come one Kayzel, ikaw ang matatag na CEO ng Majenta Hotel & Restaurants known internationally. Ikaw ang sikat one of the youngest millionaire sa buong bansa. Achiever ka. You're perfect already.

Pero life doesn't want me to be happy. Life slapped me with reality that I refused to accept. Hindi ako nakinig sa mga kapatid ko at kamag-anak. Ayokong maniwalang kaya yun gawin ng mahal kong asawa.

Ipinagtabuyan ko sila. Inilayo ko ang sarili ko sa kanila. Akala ko sila ang toxic sa buhay ko at gusto lang nila akong ihiwalay sa asawa ko. We've been married for 8 years! For pete's sake!

Mahal ko siya. Mahal na mahal. Siya lang yung umibig sa akin na hindi naging ganid sa kayamanan ko. Ipinakita niya sa akin na hindi lang puro pera kapag nagmahal ka. Kahit na middle class lang siya at hindi gaanong mabuti ang sahod niya, tinanggap ko pa rin siya.

Sabi ko sa sarili ko, hindi ko kailangan ng lalaking mayaman o gwapo. Ang kailangan ko yung lalaking mamahalin ako, ako lang. Aalagaan ako hanggang tumanda kasama ng pamilyang binuo namin all throughout the years na kasal kami. Na makasama ang mga apo namin. Na makipaglaro sa kanila at maalagaan din sila.

Na busugin sila ng pagmamahal na hindi kayang bilhin ng pera.

Kasiyahan na hinding-hindi kayang bilhin ng pera.

Pero mali ako. Hindi ko napansing pera ang habol niya sa akin. Ang masakit pa doon ay nag-cheat siya sa akin all those years na kasal kami. At ang babae, syempre kilala ko.

Siya yung sumipot sa burol ni Kuya 12 years ago. Siya yung babaeng ang sabi ay buntis siya at ang Kuya ko ang ama ng batang dinadala niya. Muntik na kaming maniwala sa claim niya kasi may dala siyang pregnancy test at results. Pero dumating ang best friend ni Kuya at ang pre-recorded video ni Kuya kung saan niya inannounce ang mga bilin niya about his properties and all, napatunayan lahat ng claims.

Napahiya siya sa pamilya namin at mga bisitang nagsidalaw sa burol ng Kuya ko. Hiyang-hiya siya at may video recording pa sa USB ni Kuya yung saan nag-play yung cheating scene niya at mga binabalak nito para mahuthotan niya ang kapatid ko.

I applaud her boldness and confidence, pero sana without evidence para hindi gaanong nakakahiya. Galit na galit kami noon because she had the audacity to claim to be pregnant with my brother's child and claiming her rights towards his money and properties. She stormed out of our lives and thought that she will never show her face again. But boy I was wrong.

She showed up at my brother's company, ang bruha nagaapply ng trabaho sa kumpanya ng kapatid ko. I warned him about her, pero ang sabi niya:

"Give her a chance"

Well she is capable person. Capable to the point na sinira niya ang buhay ng kapatid ko. His career, his money, his family, his life, his everything. Walang pinatos pati mga bata. Completely leaving my poor brother so broken he doesn't know how to get back up again.

I sued her for those things that she did, guess what? Nagtago siya. Kaya pala I can't find her kasi she's been living with my husband fucking the living days out of her. At nagkaanak pa sila matagal na even before my freaking marriage!

They are not legally married but fuck! It hurts like hell. Knowing your beloved husband has been doing it behind your back. Looking so innocent and carefree. Akala niya siguro I will never find out about it.

Then I looked at my dashboard. Using my free right hand, binuksan ko ito at kumalat sa passenger seat ang mga papeles na pinadala sa akin ng kapatid ko. Ang lahat ng lupa ko nakapangalan na sa kanilang mag-anak. Even my last will stating na sa kanya mapupunta lahat ng pag-aari ko. It also states that his 'suppose-to-be-wife' will be the new CEO once I died.

The nerve! Sa sobrang panggigilait ko, tinapakan ko ang accelarator ng kotse ko dahilan para mag-overspeed. Gritting my teeth na parang mabubunot ito sa sobrang pagkiskisan nito. Then I saw ang truck, nasa ibang lane na pala ako hindi ko pa napansin.

I tried to hit my brakes para mag-slown down ang kotse ko at makapagturn pa ko sa safe lane at hindi kami magsalubong nung truck.

But I panic, kasi hindi gumagana ang brakes ko. Shit! Ayokong ibigay sa kanila ang gusto nila. I have to comeback, expose his deeds in the most humiliating way possible, at ipakulong, No! Ipapatay ang babaeng yun!

I want my revenge!

Kaya pinihit ko ang manibela ko to the left. Pero dahil mabilis ang patakbo ko ay napatagilid ang kotse ko at bumaligtad. Nagpagulong-gulong ito hanggang nasa tapat na ito ng ten-wheeler truck.

Nanghihina na ako. Nanlulumo sa mga nangyari sa buhay ko. Naaawa ako sa sarili ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. At nung tumingala ako, nakita ko ang mga ilaw ng truck. Napapikit ako ng mga mata dahil sa silaw ng mga ito.

Binusinahan ako ng truck pero huli na at gunulungan na ako nito. At nagdilim na ang paningin ko.

Fine! Panalo kayo this time pero hindi na ito mauulit pa! Just you wait I'll crush you both!

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

A/N: The real story starts at chapter 8. If you want to skip the recall chapters just go to chapter 8 directly.