Chereads / Apat Kamo? SERYOSO?! / Chapter 3 - Chapter 3: Family End

Chapter 3 - Chapter 3: Family End

Marco's POV

"Hayyy... sa wakas makakapagpahinga din!", sigaw ko sa hallway.

"Hahaha, ikaw talaga Doc. Oh eto, coffee from Starbucks", sabay tapat ng canned coffee sa harap ng mukha ko.

"Dude sa mukha ko talaga?", I jokingly said.

"Yes dude", sabay tawa sa akin. Hay, ano pa nga ba magagawa ko?

Kinuha ko sa kamay niya ang coffee at ininom ito. Lagi siyang ganito. Every operations na natatapos ko, binibigyan niya ako lagi ng canned coffee. Ako naman si grateful sa kanya, tinatanggap ko. Why not diba? At least hindi ko na kailangang bumaba pa o waste money sa vending manchine. Libre eh.

Umupo ako sa bakanteng upuan sa hallway at inistretch ang aking mga paa. Nakakangalay din tumayo during operations no. Nammamanhid na din ang kamay ko.

Nakakapagod maging doktor sa totoo lang. Wala kang gaanong oras para sa sarili mo; kung meron man kokonti, Dapat mentally prepared ka everytime you do operations; kasi hindi natin maiiwasang magkamali during operations right? Especially kung ikaw mismong ang nagooperate. And lastly, dapat physically fit ka rin para makasabay ka sa rush na dala ng Emergency Room o ER. Marami pang iba na obstacles and reasons why you want to quit the job sometimes. Pero ang mga nabanggit ko ay isa sa mga pang-karaniwang nangyayari sa loob ng ospital.

Marami man ang rason kung bakit maraming nagququit ng trabaho, hinding-hindi ako aalis. Minahal ko na itong trabaho ko. Someone may say na pinakasalan ko na ang trabaho ko pero saving lives and being able to engrave them to your heart even after they die while you try all you can do to extend their lives more is something precious to me.

Hectic man at nakakastress I still love my job.

Kinuha ko ang phone ko after ko makareceive ng notification. Ah, birthday na pala ni Kuya Jekris bukas. Kamusta na kaya siya? Ni hindi niya pa ako natatawagan since last night. Nagpakalasing na naman yun sigurado. Gabing-gabi na umuulan pa. Sana safe lang si Ate sa daan. Nagbakasyon ang driver niya.

Haist, sana talaga mamulat na siya sa katotohanang hindi siya minahal ng asawa niya kahit kailan. Baliw na babae. Dikit ng dikit sa loko-lokong iyon even after knowing na may iba na siyang pamilya.

That bastard still denying kahit na nahuli na siya. Eto namang Ate ko parang mauubusan ng lalaki sa mundo. Ang ganda ganda niyang babae. Kinaiinggitan ng lahat sa katawan at mukha tapos parang pulubi kung humabol doon sa balugang asawa. I admit gwapo ang brother-in-law ko pero that person doesn't have to be treated one for his unfaithfulness.

That lying son of a b*tch! Sarap ipabugbog. Pero hindi ko gagawin yun. Edukado akong tao, mamaya makulong pa ako, wag naman.

Maganda na yung pagkakahiga ko dito sa hilera ng upuan ng bigla akong kinalabit ng colleague ko. "Bakit?", tanong ko sa kanya. Nginuso niya ang direction kung saan ako napatingin. Isang petite nurse na humahangos sa pagtakbo ang papalapit sa amin. Napaupo ako mula sa pagkakahiga ko.

"Man iba na talaga ang kagwapuhan mo"

"Shut up man. Kung ano-ano sinasabi mo diyan", sabat ko.

"Saglit lang man baka mamaya natatapakan ko na ang long hair mo", tumatawang sabi niya habang hinahawi ang imaginary 'long hair' ko kuno. Hindi ko na lang siya pinansin at tumayo ako mula sa pagkakaupo at sinalubong ang nurse.

Huminto siya sa tapat namin habang nakapatong sa mga tuhod niya ang mga kamay niya. Hingal na hingal siya mula sa pagtakbo. Gaano kalayo ba tinakbo nito at sobra naman yata ang hingal niya, labas dila eh.

At dahil gentleman ako, binigay ko sa kanya ang hindi ko pa nauubos na canned coffee. Mabilis niya nilagok iyon at nagsabi ng mahinang 'thank you' sa akin. Inabot ko naman ang walang laman na can.

"Anong nangyare? Bakit ka tumatakbo ng ganun?", tanong ng colleague ko.

Malungkot na tumingin sa akin ang babaeng nurse. Para ngang maluha-luha siya.

"May nabangga sa pagitan ng ************. Actually para ngang nasagasaan siya. At-at dead on arrival siya. Hindi na gaanong marecognize yung mukha nung pasyente dahil grabe na yung damage na nangyare sa kotse niya. Buti na lang may ID siya at naidentify agad kung sino siya", mala-tulirong kwento niya sa amin.

"Oh, sino daw yung pasyente?", tanong ko.

Hindi siya agad nakasagot. Naka-purse lang yung lips niya. Parang ayaw niyang sabihin sa amin kung sino. Na parang natatakot siyang malaman ko yung pangalan ng tao. Bigla tuloy akong kinabahan. Yung tipong biglang sumama ang loob ko na natatakot na hindi ko maintindihan.

Nakailang tanong pa ako sa kanya at patuloy rin ang pananahimik niya. Hindi ako mapakali. Kasi sa ganoong ruta dumadaan ang Ate ko pauwi ng bahay.

Mukhang naramdaman na ng colleague ko ang pagkabalisa nung nurse at ang kaba ko. Kaya napasigaw na siya sa pagtatanong dahil na rin siguro sa inis at paulit-ulit na tanong sa kanya nang hindi nakukuha ang sagot.

"K-Kayzel", nanigas kaming pareho ng colleague ko.

"Ano?"

"Kayzel Montonya. Y-yun ang pangalan nung p-pasyente. E-eto yung I-ID", sabay abot sa akin ang wallet.

Kilalang kilala ko ang wallet na ito. Paanong hindi? Eh ako mismo ang bumuli nito nang magbakasyon ako sa Italy. Request niya na eto ang ipasalubong ko sa kanya. Pangarap na wallet niya ito at limited edition lamang ito.

Makinis ito at malambot sa pakiramdam. Marami din itong secret compartment kahit na kasing size lang ito ng smartphone. Kaya gustong-gusto ito ni Ate.

Ngayon ang maganda at pagkamahal-mahal na wallet ay nababalot ngayon sa dugo. Dugo na ang nagmatsa ay galing mismo sa katawan ng Ate ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Parang naging blurry ang lahat mula sa pandinig ko hanggang sa paningin ko.

Ni hindi ko alam kung papaano ako dinala ng mga paa ko sa ER at hinawi ang lahat ng kurtina. Hoping na mali lang ang pagkakarinig ko. Hoping na buhay pa siya at kailangan lang ng operation agad-agad. Hindi ako mapakali.

"-ir"

"Sir!"

"SIR!"

"MARCO!", natauhan ako ng bigla akong tawagin ng colleague ko at iharap sa kanya.

"Kumalma ka muna nagugulo mo na ang mga pasyente natin", kalma niya sa akin at hinila palabas ng ER. Sinundan lang siya ng manhid kong katawan. Ni hindi ko na nga napansin sa pagmamadali ko kanina na umiiyak na pala ako.

Hinila ko ang braso niya dahilan para matigil kaming dalawa sa paglalakad.

"Doc, yung kapatid ko Doc"

"Shhhh... hahanapin natin", pag-aalo sa akin ng colleague kong si John.

Naglakad-lakad kami at nagtanong tanong sa mga taong nasa loob ng ER. Hindi naman kami nagtagal at nahanap na namin ang lokasyon kung nasaan ang katawan ng Ate ko. Mabilis kaming nakapunta sa lugar na itinuro sa amin.

*BANG!*

Napatingin sa akin ang tatlong tao na nasa loob ng morgue. Hingal na hingal ako mula sa pagtakbo ko papuntang lugar na ito. Nang mahabol ko na ang aking hininga ay lumapit ako sa kinaroroonan ng tatlong tao na sa tingin ko ay in-charge sa mga patay na nasa loob ng morgue.

"N-nasaan ang k-katawan ni K-Kayzel M-Montony-ya?", nauutal na tanong ko.

"At ikaw ay?"

"Kapatid niya"

Hindi na sila nagsalita pa at agad nilang itinuro ang bangkay na na may tabon na puting tela sa harap nila. Lumapit sa akin isa sa kanila at ibinigay sa akin ang natitirang gamit ni Ate tulad ng duguang panyo at necklace na nakalagay sa ziplock.

Nakagat ko ang labi ko. Hindi ko kakayanin kung siya talaga ang nasa loob. Akala ko handa na akong makakita ng patay sa buong buhay ko bilang doktor. Hindi pa pala. Iba pa rin ang pakiramdam kapag kamag-anak mo ang namatay lalong-lalo na kung kapatid mo o ina o ama mo.

Para akong lantang gulay. Kada hakbang ko papuntang bangkay ni Ate ay tinatakasan ako ng lakas. Nanghihina na ang mga tuhod ko. Nanginginig at namamawis ang mga kamay ko. Namumutla na rin ang mukha ko. Kada hakbang ko, hinihiling kong sana ay hindi siya ang nasa ilalim ng puting kumot na iyon. Na sana ay nagkamali lang sila. Na sana ay may ibang taong gumamit ng kotse ni Ate at iba ang naaksidente at hindi siya.

Madaming sana ang sumasagi sa isip ko. Kumikirot na rin ang puso ko. Ang mga luha ko'y patuloy ang pagpatak.

Dahan-dahan kong iniangat ang kumot nang makalapit ako.

Iyon na ata ang pinakamasakit na naranasan ko buong buhay ko. Ang makitang nakahiga sa mesang malamig ang katawan ng kapatid ko. Hindi ko na napigilang umiyak ng malakas at napatungo sa harap ng bangkay ko nang kapatid.

Ang sakit. Ang sakit-sakit pala.

Nakakaawa ang itsura ng katawan ng Ate ko. Ang mukha niya hindi makilala dahil sa mga natamo nitong malalalim na sugat. Wala na rin ang kaliwang braso ng niya. Sobrang putla at lamig na rin ng katawan niya. Wala na akong maramdaman na pulso mula sa mga kamay niya. Napirat na rin ang dalawa niyang binti na parang ginulungan ng pison.

Talagang masusura ka sa itsura at kalagayan ng bangkay ng Ate ko. kung hindi ka sanay ay susuka ka kaagad unang kita mo pa lang sa katawan. Halos hindi na mamukhaan ang bangkay niya kundi dahil sa ID niya na nasa bulsa.

Tumalikod ako mula sa bangkay ng kapatid ko. Hindi ko kayang makita siyang ganyan.

Bumukas ang pinto at pumasok si John. Namalayan ko na lang na tumabingi na ang tayo ko at dahan-dahang nilamon ng dilim.