"Hay sa wakas at nakuha na natin ang yaman ng tatlong engot na yun", masayang sigaw ni Ianah bago siya tumalon patalikod sa kamang malambot.
"Sulit naman ang paghihintay natin sa paglabas ng resulta sa inheritance. Biruin mo yun, yung mga kamag-anak nilang kunwari'y mabait sa kanila dahil sa mga yaman at impluwensya nila ay hinahabol din ang kanilang mga natirang yaman at lupa. Buti na lang talaga at nakagawa tayo ng will nila at may pirma nila ang mga forged documents, kung hindi aagawin pa nila sa atin ang mga pera nila", salaysay ni David sa kanyang kasitahan.
Hindi makikitaan ng kahit isang konting kalungkutan ang kanyang mukha habang nagbabalat siya ng mansanas para kay Ianah, ang babaeng tunay niyang mahal at ina ni Michael na kanilang anak.
"Kamusta naman si Michael?", tanong ni Ianah sa kanyang fiance.
"Na kay Grandma siya ngayon. Nagpapahinga mula sa plastic surgery. Ready na kong ipaglandakan sa lahat na ikakasal na kong muli!", sabay ngumiti ang magkasintahan.
Napangiti si Ianah sa sinabi ng kanyang fiance.
Inabot ng halos isang taon ang pagproseso ng mga bagay-bagay bago mapunta sa mga kamay nila ang yaman ng magkakapatid.
Hindi nagsisi si Ianah na makipagtulungan sa foreigners na yun dahil nakuha na niya ang inaasam na pera.
At hindi lang yun, sa kanya na rin mapupunta ang kumpanya ng kanyang ama.
Para sa isang ampon na kagaya niya, kailangan niyang makibagay sa kanyang ama at lolang ayaw sa kanya.
Kinailangan ng ama niyang umampon ng bata dahil sa last will ng lolo niya.
Kailangan niyang magpakita ng patunay na siya ay may anak na at asawa.
Walang problema na kumuha ng asawa. Ang ex ng amang umampon kay Ianah ang nagpanggap bilang ina sa harap ng lolo ng ama.
Nagpakasal sila at kahit saglit lang ang itatagal ng kasal nila ay pumayag na ang babae.
Wala namang tatanggi sa pera.
Kaya hanggang sa mamatay ang ama ng umampon sa kanya, nanatiling mag-asawa ang dalawa.
Naging malungkot si Ianah dahil alam niyang once mamatay na ang lolo niya ay itatakwil na siya ng amang umampon sa kanya.
Kaya nang makita nila ang nilalaman ng kabuuan ng last will, ay natuwa si Ianah.
Hindi na niya kailangan pang mag-alala na itapon siya, according sa last will, considered and registered as part of the family na si Ianah. Alam ng lolo ang pinaggagawa ng anak niya. Na hindi totoo ang kasal na naganap sa ex niya at pag-ampon kay Ianah.
Kaya bilang parusa sa kanyang anak, nilagay niya sa last will na kailangan niyang manatiling kasal sa ex niya at hinding-hindi itatakwil si Ianah na siyang apo niya.
Galit man ang ama ni Ianah sa kinalabasan ay wala na siyang magagawa. Dahil mawawala sa kanya ang posisyon bilang tagapagmana ng multi-billion company nila na hinding-hindi pwedeng mawala sa kanya.
Akala nang lahat na hanggang doon lang ang pasabog ng patriarch ng pamilya.
Pero doon sila nagkakamali.
Halos lumuwa ang kanilang mga mata at lumihis ang kanilang mga kaluluwa sa katawan ng maibunyag na ang tunay na tagapagmana na si Kayzel ay ang nawawala heiress ng pamilya.
Si Kayzel Montonya, ang nawawalang anak ng ama ni Ianah at ang tunay na tagapagmana sunod sa kanyang ama.
Bagama't may share siya sa kumpanya, maliit na persyento lamang ito.
Kaya hangga't hindi pa nahahanap ang tunay na heiress, ay pinagbuti ni Ianah ang sarili niya upang maging karapat-dapat siya bilang parte ng mayamang pamilya na ito.
Ngunit hindi pa rin sapat.
Nang mahanap nila ang tunay na heiress, lahat sila ay hinangaan ang babae.
Isang successful business woman with a powerful influence and money.
Isang babaeng kilala sa kanyang larangan at isang anghel sa mata ng buong bansa.
Isang pigyura na hindi niya malalagpasan.
Hindi lamang yun.
Ang magkakapatid na Montonya ay mga anak din ng prominenteng pamilya na nawawala dahil sumama sila sa kanilang ina nang itakwil ito.
Iisa ang ina ng magkakapatid pero magkakaibang ama.
At ang magkakapatid na iyon ay kilala sa kanilang sariling sikap na yaman at koneksyon. Idagdag pa ang kanilang aking kagandahan at kagwapuhang taglay na siya namang naging number one hot topic sa most eligible bachelors at bachelorette.
Kaya naman ginawa lahat ng adoptive father ni Ianah ang lahat upang ipaglandakan sa lahat na anak niya si Kayzel Montonya.
Hindi lang pera ang habol ng ama niya kundi pati koneksyon na higit pa sa inaasahan nila.
Kaya labis na lamang ang inggit ni Ianah sa stepsister niya.
Feeling niya kahit anong gawin niya ay hindi pa rin ito papantay sa kanyang kapatid at lagi siyang mananatiling nasa dilim o anino ng kanyang kapatid.
Hindi lamang siya ang nakakaramdam ng labis na inggit at galit.
Kundi pati na ang mga pamilyang naghahabol din sa mga kapatid ni Kayzel.
Ngunit hindi ito alam ni magkakapatid na Montonya. Hindi nila alam na sila pala ay ang mga nawawalang heir at heiress.
Kaya naman nagdesisyon ang mga taong galit na maagawan ng posisyon na magtulungan upang mapabagsak ang magkakapatid.
At ang resulta?
Sucessful ang mission nila.
Ngayon maaangkin na nila ang sa tingin nila ay dapat sa kanila.
Tumayo si Ianah sa pagkakahiga niya at inaya ang kasintahan na lumabas sila at mamasyal sa bakasyunan nila.
Sayang naman kasi kung hindi nila susulitin ang masayang moment na ito.
Matapos magbihis ng dalawa na talaga namang mapapatigil ka sa paghinga ay naghawak kamay at handang nang lumabas ng kwarto.
Pero sa halip na isang magandang salubong ng araw at refreshing na ihip ng hangin ang sumalubong sa kanila ay isang malaking anino ang bumati sa kanila.
Ang harap ng bahay na kanilang binili gamit ang perang nakuha mula sa pagkamatay ng magkakapatid ay napaliligiran ng mga pulis.
Hindi lamang iyon.
Napaliligiran din sila ng camera at reporters na panay ang silaw ng flash sa kanilang mga mukha.
Maraming tao ang nagtipon sa harap ng bahay nila.
Biglang kinabahan ang magkasintahan.
Hindi maganda ang nararamdaman nila.
"Excuse me officer, may maitutulong ba ako sa iyo?", tanong ni David.
Agad namang nabawi ni Ianah ang kanyang sarili mula sa pagkakagulat at kinalma ang sarili niya.
"Kayo ba sila David Sorero at Ianah Alterois?", tanong ng pulis sa kanila.
"Opo kami yun. May problema ba?", mahinahong sagot ni David.
"Arestado kayo sa salang pagpatay sa magkakapatid na Montonya at forgery of falsification of documents ng last will ng magkakaptid na Montonya. May kapatan kayong manahimik. Anumang sasabihin niyo ay maaaring gamitin laban sa iyo sa korte ng batas. May karapatan kayo sa isang abogado"
Matapos magsalita ng pulis ay agad pinosesan ang kanilang mga kamay.
Ianah resisted from them pero bigo siya.
'Hindi maaari! Wala akong ebidensyang iniwan! Paano nila nalaman?!', sigaw ni Ianah sa kanyang isip.
Parehas silang magkasintahan ng iniisip.
'Hindi kaya... pero hindi nila gagawin yun. Dahil babagsak din sila once kumalat ang katotohanan'
Pero hindi iyon pwedeng mangyari dahil wala na silang gusto mula sa isa't-isa at nagkapirmahan pa silang mga sangkot sa krimen na wala silang gagalawin sa mga ari-arian ng magkakapatid.
Nagsisisigaw naman si Michael habang kinakaladkad silang dalawa papunta sa kotse ng mga pulis.
Napuno ng katahimikan ang kulungan kung nasaan sila David, Ianah at ang iba pa nilang mga kasamahang sangkot sa krimen.
Mabuti na lamang at nahabol pa ng mga pulis ang mga accomplices ng main suspects bago pa sila makasakay ng eroplano.
Matapos maiayos ng AI ang mga data na nakalap ni Marco, nagsimula itong maaupload sa internet.
They failed to notice na naka-post na pala ang mga evidences that points them out.
Huli na nang mabalitaan nila na maraming nang nakapanood at nakabasa ng lahat ng ebidensya.
Sinubukan ng panig ng mga suspects na tanggalin agad ang balita but they failed.
Now they are facing the consequences of what they had done.
Dati si Marco ang kaaway ng bayan, ngayon ay silang anim na. Especially for Michael and his affairs.
His career affected him because he is a famous actor. Because he has the backing of his wife Kayzel Montonya, ay naging smooth ang flow ng kanyang acting career.
Now his fans turned from supporters to haters.
Sila ang naunang nambash sa kanya. Kasama niya si Ianah sa pagbagsak.
At ang tatlo pa nilang accomplice?
Masama ang pagkakatingin nila sa kanilang magkasintahan. Blaming her and Michael for not doing their job on erasing the evidence.
Ngayon madudungisan din ang mga pangalan nila at ng pamilya nila.
It's now too late to regret everything now that the cat is out of the bag.
Hindi nila alam na si Marco, ang pinakatahimik sa magkakapatid, ang pinakamabait sa magkakapatid at pinakadown-to-Earth personality, ay siyang metikulosong nag-iimbestiga sa kanilang bawat galaw. Sa bawat plano nila at bawat taong sangkot sa krimeng ginawa nila.
Hindi nila inasahan na isang doctor pa ang magpapabagsak sa kanila.
Sabi nga nila evil never wins.
Kahit patay na si Marco,ay matagumpay niyang naihatid ang hustisya sa kanilang pagkamatay.
Siya lang mula sa magkakapatid ang nakakaalam ng lahat ng galaw nila at plano nila.
At eto ang huling araw nila sa mundong ibabaw bago sila ipapatay ng mga pamilya nila matapos masintensyahan ng habang-buhay na pagkakakulong.
Pero kahit na naging mapayapa ang lahat ng pangyayari, ang kaluluwa ng taong mapaghiganti ay hindi kailaman'y matatahimik.