Lunch time na at tumunog na rin sa wakas ang bell.
Nagsilabasan sa kanya-kanyang classroom ang mga estudyante para dumiretso sa cafeteria.
Habang ako naman ay tinapos ang pang-huling activity na naka-assign para wala na akong gagawin mamaya.
"Sa wakas tapos na din!", masayang sigaw ko at sakay tumayo na papuntang cafeteria.
Nakangiti akong naglalakad habang iniisip ang menu. Masarap naman magluto sila Ate Grace yun nga lang over the top ang presyo ng pagkain. Hindi naman siya sobrang mahal pero sa mata ng estudyante ay mahal na ang presyuhan nila kumpara sa karinderia na nasa tabi lang ng school na thirty-five pesos lang may kanin at ulam ka na.
Yun nga lang bawal lumabas ng school grounds kaya kay nakikisuyo kami kay manong guard.
Kailangan may connection ka kay kuya guard at may bigay ka din syempre para ibili ka niya ng pagkain sa labas.
Pero dahil miss ko na din kahit papaano ang luto nila Ate Grace, bukas na lang ako makikisuyo kay kuya guard ng ulam at kanin ko.
Habang papunta ako sa cafeteria ay maraming tao na tumitingin sa direksyon ko.
Nagbubulungan o di kaya ay napapatulala.
Hinayaan ko na lang sila at dumiretso na ako para pumila.
Inorder ko ang usual na kinakain ko dito at saka naghanap ng mauupuan saka nagsimulang kumain.
"Thanks for the food", sabay subo ng kanin at ulam.
Ok na din ito for the price of forty-five pesos. Namiss ko ang lasang betsin na luto nila Ate Grace.
Suddenly, a bunch of girls started to sit right next to me.
I feel awkward.
Bumalik na lang ako sa pagkain ko, hoping na hindi nila ako kausapin. I forgot that I am one heck of a introvert. Well, nagiging social butterfly kapag kailangan.
"Hey girl, freshman?", tanong sakin ng mukhang senior student.
"Yes po", magalang na sagot ko.
"Oh my gosh! You're so beautiful! Can you take your glasses off for me?", request ng isa pa niyang kasama.
"Yeah sure",
After kong matanggal ang glasses na suot suot ko which I forgot to take off after kong magsagot ng activities, at natulala sila sa akin.
Literal na napanganga pa sila.
"Umm...", *nervous laugh*. Promise this is so awkward with them staring at me.
Hindi ako sanay!
"Sorry, ang ganda-ganda mo sis! How come na may ganito pa lang kaganda na nilalang sa mundo?", tanong niya sa sarili niya.
From what i can see, isa siyang popular senior ng highschool department. Yung tipo ng chicks na sociable at friendly sa lahat. Typical popular girl.
Ngumiti na lang ako sa kanila which is a bad move kasi natulala sila ulit.
Hindi lang sila ang natulala, pati ang mga katabi namin sa ibang tables at mga dumadaan na tao.
Wews, ganito pala ang feeling kapag nasa center of attention ka. Para ayaw ko na tuloy agawin kay Alenna ang korona niya.
But everything will be for nothing. Tatapakan niya lang ako ulit kahit na nag-glow up ako.
*Sighs* I guess need ko talagang maging school's idol.
And for that kailangan kong magkipagsocialize at masanay na maging center of attention.
Maya-maya lang biglang naagaw ang attention nila ng biglang sumingit si Alenna.
Umupo siya sa pagitan namin ni senior at siniko ako para umisod at bigyan siya ng space. Really the nerve of this girl.
Pinagbigyan ko siya sa gusto niya.
"Hello, kilala niyo pala si Kayzel", bati ni Alenna.
"Kayzel? So that's her name. What a pretty name for a pretty student, right girls?", at sumang-ayon naman sila.
"Yup. Nagulat nga ako sa makeover niya eh. Imagine her looks increased a lot. I feel sorry for those that bullied her", wow so sinasabi mong di ko deserve ang praises nila?
"What she's bullied?"
"Who would do that to a little girl like her?", natigilan naman si Alenna.
Right, isa ka sa mga taong nangunguna sa pagbu-bully sa akin.
"Diba? They gave her the nickname of 'Booger Girl' at 'Kuto Girl'", pagdidiin niya.
Hindi makapaniwala si Ate Senior sa mga naririnig niya.
Kalat sa buong campus ang outcasted girl sa ngalan na Booger Girl. Iniiwasan din siya for her countless lice sa ulo. Kahit fourth-year students alam ang trivia na ito. Almost all of the students doesn't want to come close to me dahil sa kuto at ayaw din nilang ma-outcast sa campus. Kaya aside from verbal bullying ay they tend to get away from me like I'm a virus.
"You mean, si Kayzel iyon?", at malungkot na tumango si Alenna.
May bahid ng pandidiri ang dumaan sa mga mata ni Ate Senior at kanyang mga kasama.
So this is what Alenna wants. to bring up my past and tell them na dala-dala ko pa rin yun. Gusto mong pandirihan nila ako because of my reputation huh? Then I'll show you the real me.
"Well, sabi nga nila everybody change. So what kung dati akong kutuhin? So what kung dati akong uhugin? The fact that I took all those negativities you all threw towards me as an inspiration to change myself doesn't label me or make me as a person. Ikaw Alenna nagbago ka ba? You're still the same old Alenna who doesn't change her way. Sa tingin mo pagbibigyan ka pa ng school for not changing your colored hair? No. For a student who is establishing herself as a role model student, who doesn't comply for changing her way by abiding the school's rules, karapat-dapat ka ba for that position?", mahabang speech ko.
Lahat sila natahimik at napatingin kay Alenna. Alenna just bit her lips for the sudden change of tides.
"I took all your comments about me and changed for the better. As you can see, I am no longer the old Kayzel that you all knew. I am the new me. And I am happy for that. Now I am not blaming the bullies pero I would like to thank them. Kasi kung wala ang pangungtuya nila sa akin hindi ko maapreciate ang sarili ko at hindi ako magbabago ng ganito. Why stuck to the past? When you can change your present and move forward towards your future. Your past can't define you for who you are but you, yourself can define who you are as a person. And I changed not for you, for him or anybody else! I changed for myself. Tandaan mo yan", I said bago ako tumayo sa kinauupuan ko.
Dala-dala ang food tray ko, naghanap ako ng mauupuan.
At nakahanap naman ako ng mauupuan with another guy nga lang.
Mag-isa lang siya sa table at kumakain.
Nakasuot siya ng makapal na glasses at nakatingin sa direksyon ko.
Ngumiti ako at pumunta sa location niya.
"May I?", tanong ko. Namula naman siya at tumango.
Umupo ako sa harap niya at nilapag ko ang pagkain sa harap niya.
"I'm Kayzel, and you are?"
"Oh, I-I'm Joshua", nahihiyang reply niya.
"Hello, nice to meet you", I showed him my genuine smile at mas lalo siyang nag-blush.
"Freshman?", tanong ko.
"I'm fourth-year highschool na", reply niya.
"Then I should call you Kuya"
"Do what you want", ngumiti din siya sa akin.
I love his vibe. Hindi masyadong maingay at hindi masyadong marites. Sakto lang. Medyo chubby siya at nerdy looking but it's alright. Though he looks shy.
"Yung sinabi mo kanina", napatingin ako sa kanya.
"What about it?"
"I like what you said earlier", I look at my food at nahihiyang sumagot.
"Thanks", mahina kong sabi.
And just like that. Mabilis lumipas ang oras at uwian na. Back to my normal routine na ako.
And my days went on easily.
After ng commotion na nangyari sa cafeteria, people started to look at me with inspiration and starts to see me in a new light.
Nag-apologize din ang si Ate Senior at kasama niya for jumping into conclusions at judging me. I forgave them and we all went in our ways.
Marami ding mga estudyante ang lumalapit na sa akin at hindi makapaniwalang ang campus' outcast ay ngayong isa nang goddess.
I also excel in my studies at sports. They never imagine na marunong akong magbasketball. Courtesy of course of my brothers and cousins.
Bihira lang kasi sa angkan namin ang mga babae. Usually puros boys ang nagpoproduce. Kaya understandable ang pagiging overprotective nila sa amin.
Si Eric naman ay panay ang lapit sa akin.
Marami na siyang kalaban ngayon sa pagiging campus heartthrob. Numero uno dyan sI Kuya Lenard na talaga namang pinagnanasaan ng lahat.
Maraming may gusto sa kanya. At katulad ko ay grabe na ang pinagbago niya.
Chubby siya noon before our diet and exercise. At dahil may daily skin care routine na din siya ay mas lalong nag-enhance ang mukha niya.
Kahit na cold at aloof si Kuya Lenard ay pinagkakaguluhan pa rin siya ng mga babae.
Si Jekris naman ay panay ang flirt dito at doon. Well, hindi niya na-enjoy ang magka-girlfriend bago siya bumalik sa oras kaya ayun. Naging malandi. Kaya eto ako, laging reminder sa kanya na masamang paglaruan ang puso ng mga babae. Unless kung playgirl din siya, charot!
Si Marco naman ay katulad ni Kuya, mas gusto ding mapag-isa. Pero open siya sa mga tao sa paligid niya, unlike Kuya na talagang ignored ka.
I'm surprised nga na hindi pa nila alam na magkakapatid kami eh.
Siguro dahil dati pa kaming hindi nag-uusap sa school masyado. Iba din ang mga schedules namin kaya hindi kami makapagsabay-sabay kumain.
But it's ok. At least I'm moving forward to the plans that I made.