"Is this classroom 1-2?", tanong ni Kayzel.
Walang nakapagsalita kahit isa sa kanila. Lahat sila ay nakatingin sa kanya.
Napangiti si Kayzel sa isipan dahil she got the reaction that she wants.
Kahit si Alenna ay napatitig sa kanya.
"Umm… hello? Eto ba ang classroom 1-2?", tanong ulit ni Kayzel na siyang nagpabalik ng katinuan sa buong classroom.
Nag-blush ang mga lalaki sa kanya. Her tantalizing and distracting eyes na parang hinihigop ka na tumingin sa kanya. Her long legs underneath that knee-length maroon skirt na talaga namang bumagay sa brown complexion niya.
Yes, she is a brown beauty. Ang proud na kulay kayumanggi ng Pilipino.
Her waist length black hair. Her height na masasabi mong she is a model. At her soft reddish-pink lips na nagpa-angat sa beautiful appearance niya.
Overall, she is a beauty beyond beautiful.
She is not a queen but a goddess.
"Yes it is Miss beautiful", reply ng isa sa mga lalaking classmate.
Nag-blush naman si Kayzel sa comment ng kaklase niya at she shyly combed her long hair to the back of her ears.
This move made her look like a shy maiden.
"T-thank you", isang musical note ang dumapo sa tenga ng lalaking sumagot.
"And you are?", agad ni tanong ni Alenna.
She is not liking this situation.
May mas maganda pa sa kanya? And worse is classmate niya pa. Even though they are like yin and yang dahil maputing babae si Alenna, hindi nito maikakaila na mas maganda ang bagong pasok na babae sa classroom.
Ang alam ni Alenna, iisa na lang ang wala sa classroom at yun ay si Kayzel.
Umiling si Alenna. It can't be true. Dahil malayo ang appearance ni Kayzel sa babaeng nasa harap niya ngayon.
It must be a mistake. Baka late enrollee ang beautiful lady na ito. At hindi siya naisama sa listahan ng first year students this year.
Binilang ulit ni Alenna ang seats sa classroom at sakto ito sa bilang ng dami ng classmates niya.
She smiled. It must be an error. Baka hindi pa dumarating ang seat ng babae na ito.
Whatever.
Alenna will lure her to be her sidekick para siya ulit ang nasa spotlight.
She needs to make things clear sa freshman na ito na siya ang queen at sisirain niya ang self-confidence niya para matuloy ang mga binabalak niya.
"Oh ikaw pala Alenna! It's nice to see you again!", bati ng babae sa kanya.
Lalong nagtaka si Alenna. This girl knows her. And she is not liking it.
"Pardon?", nagtatakang tanong ni Alenna.
"Hindi mo na ba ko kilala?", inosenteng tanong ng brown lady sa kanya.
Hinalukay ni Alenna ang utak niya kung saan niya nakita ang magandang dilag na ito pero hindi niya mahagilap kung saan niya ito nakita.
"Excuse me, pero hindi talaga kita kilala eh", apologetic na sabi ni Alenna.
"Ganon? I only changed my appearance pero ngayon hindi mo na ako kilala? Ako ito Alenna. Ako si Kayzel Montonya", nakangiting sabi ng babaeng nagpakilala as KayzeL Montonya.
Napatigil si Alenna. Nanlaki din ang mga mata niya at napatayo sa kinauupuan.
Ang babaeng ito ay si Kayzel? Kayzel Montonya?
The very girl that she plans to be her stepping stone is the very beautiful lady that is standing in front of her?
Hindi makapaniwala si Alenna.
Maging ang former classmates niya ay hindi rin makapaniwala.
Agad lumapit si Alenna sa kinaroroonan ng babae at kinuha ang ID.
Isang malaking sampal sa mukha ang natamo niya nang mabasa niya ang pangalan ng babae.
Siya nga si Kayzel Montonya.
Kinompare ni Alenna ang ID picture sa babae at hindi siya makapaniwalang eto ang babaeng balak niyang i-compare sana sa sarili niya para siya ang maging bagong standard ng beauty sa school nila.
How can she? How can she compare to this beauty?
Parang nanliliit si Alenna sa sarili at mahigpit na hinawakan ang ID ni Kayzel.
Namumutla din siya sa kinatatayuan niya.
Agad na nag-alala si Kayzel sa welfare ng "kaibigan" niya.
All while she is smirking sa satisfying reaction ng buong class 1 section 2.
They never expected for Kayzel to change this much.
Well, she now needs to act like a caring friend now after niya i-reveal na she knows Alenna.
There is no turning back now. Now that the dance has already began. They all need to dance to the music that she played.
"Are you ok Alenna?", nag-aalalang tanong ni Kayzel sa kanya.
Napakagat sa labi niya ng mariin si Alenna bago tinignan ang babaeng mula sa pagiging ugly duckling ay ngayon'y naging beautiful swan sa harap niya.
Isang total makeover ang nangyari kay Kayzel.
"Don't bite your lips. Tingnan mo dumugo tuloy", naghanap si Kayzel ng panyo na pwede niyang ipunas sa labi ni Alenna.
Ang panyo na hinanda niya kahapon para ipunas sa sugat ng kanyang matinding kalaban. Ang kanyang nemesis. Ang aagawan niya ng korona.
Kayzel very much liked the reaction that she got from Alenna.
Natikman ni Alenna ang dugo niya. Ang mapait na dugo na nalalasahan niya mula sa kanyang pagkabigong ma-establish ang kanyang pinaplanong image.
Ang koronang gusto niyang makuha ay mukhang malabong masuot niya sa pagdating ng bago reyna.
Ang unbelievable na transformation ni Kayzel Montonya ay siguradong iikot sa buong campus at possibly sa former class ng grade 6 nila Alenna.
Ang hindi kapani-paniwalang pagbabago ni Kayzel.
Ang lahat ng plano ni Alenna ay naitapon nasa drain.
She needs a new plan. A new plan that would make her the queen. A plan that will push out and outcast Kayzel from the entire school. A plan that will tarnish Kayzel's reputation.
'Hindi pwedeng mapunta sa kanya ang korona!', galit na galit na sigaw ni Alenna sa sarili.
Although nakangiti siya ngayon bilang pagtanggap sa magandang news ng pagbabago ni Kayzel ay makikita sa kanyang mga mata ang galit at inggit para sa babeng nasa harap niya.
Hindi ito lumagpas sa paningin ni Kayzel at napangiti lalo sa babae.
Kung ano man ang pinaplano ni Alenna, ay hindi ito palalagpasin ni Kayzel.
It's her turn to make things turn around into her favor.
At dahil bihasa na siya from handling clients and meeting powerful people in her past life, handling Alenna is a piece of cake.
It's time for her payback.
---------------------------------------------------------------------------------
It is currently the middle of the day, although walang formal classes na nagaganap dahil first day of school pa lang ay tinambakan na agad ang mga estudyante ng mga expected activities.
Hindi man pasahan bukas or sa makalawa ay pasahan na nito after three days.
Ito ang dahilan kung bakit naka-slouch ang mga estudyante thinking na school is boring because of compiled activities sa first day pa lang ng school year.
"Haist… first day pa lang pero feeling ko second quarter na". reklamo ng isang estudyante.
"Makabigay naman sila akala o robots tayo", reklamo ng isa pa.
"Pati minors subjects nagpapa-major", dagdag pa ng isa.
"Shhh… baka marinig kayo. First day na first day issue tayo agad sa mga teachers?", pag-aalala ng isang estudyante.
Marami na nga silang gagawin gagalitin pa nila ang teachers? No way!
Baka mas lalo lang silang matambakan. In worst case scenario baka hindi na sila pasukan for the first two weeks at maleft behind sila sa lesson.
Kaya napatahimik na lamang ang mga nagrereklamong estudyante at kinimkim na lang sa mga sarili ang sama ng loob towards the teachers.
*Flip
*Scribble
*Scribble
Yan ang tunog na maririnig sa bandang unahan ng classroom.
Kahit na karamihan ng estudyante sa class 1-2 ay panay ang reklamo ang lumalabas sa kanilang mga bibig, iisang tao lamang ang patuloy na ginagawa ang mga gawaing naka-atas sa kanila. Kasalukuyang nakasuot ng salamin si Kayzel na talaga namang bumagay sa kanya. Mas namukha siyang model student sa harap ng karamihan.
Marami ding nakatitig sa kanyang pigura.
Marami nang sumubok na lumapit sa kanya pero bigo.
Hindi biro ang aura na nilalabas ni Kayzel habang seryoso siyang nakikinig sa mga instructions ng teachers. Ni wala ni isa sa kanila ang sumubok na kumausap sa kanya bukod kay Alenna.
At ang hottie na freshman? Nag-iisip ng paraan para makalapit sa magandang dilag na ito.
Hindi siya makapaniwala na ang isang katulad ni Kayzel ay dating panget.
Hindi niya maimagine ang itsura ng babae nung siya ay elementary pa lamang.
Ayaw din paniwalaan ni Eric ang mga sabi-sabi ng former classmates ni Kayzel that she used to have so many lice and boogers to the point na siya ang dakilang nakakadiring outcast ng campus.
Kahit na brown beauty si Kayzel ay hindi mo maikakaila na mas angat siya kesa sa mga babaeng nakilala ni Eric na mapuputing babae.
Ngayon ay nag-iisip siya kung papaano lalapitan ang isang high class babe na katulad ni Kayzel.
Endangered species na ang mga katulad niya na may taglay na natural beauty.
At base sa kinikilos ng babae ay mukhang pala-aral ito dahil sa bilis nitong magsagot matapos lang ang 3-days worth na gawain.
Samantala, nanggagalait na sa galit at inggit si Alenna. Hindi siya natutuwa sa progress ni Kayzel ngayong first day of school nila.
She tried to look more of a beautiful, kind and intelligent girl pero tumalbog siya kay Kayzel.
Her pride has been stepped on.
'Di bale magtitime na for lunch. I'll make my move then', console ni Alenna sa isip niya.