"Simula na ng school year! Hindi na ako makapaghintay!", masayang sigaw ko.
Mabilis akong bumangon sa higaan at nagsimula ang morning routine ko. Matapos kong gawin ang routine ko ay dumiretso ako sa dining room sa first floor para kumain ng breakfast.
Maliit lang ang bahay namin. Two-story house na may lapad na 60 square meters. Bali nasa townhouse lang kami.
Yung tipo ng townhouse na pinagbibili sa government employee.
Pero kahit na townhouse ito, nasa loob pa rin ito ng private subdivision namin.
Maliit man ang bahay namin hindi naman kami nagugutom. Nakakakain kami three times a day. Nakakapasok at nakakabayad ng utilities needed for survival.
In short, even though mayaman ang pamilyang pinanggalingan ni Mama, hindi siya umaasa sa yaman ng family niya para buhayin kami.
Solo parent siya kaya madalas wala sa bahay. Pero ok lang sa amin kasi alam namin ang hirap na pinagdadaanan niya para lang buhayin kaming magkakapatid.
Ako usually ang nagluluto, pero dahil nasa bahay si Mama siya na ang nagluto ng breakfast namin.
"Morning Ma!", bati ko sa kanya at humalik ako sa pisngi niya.
"Morning din. Gising na ba mga kapatid mo?", tanong ni Mama habang dala-dala ang nilutong fried rice.
Agad ko namang sinet-up yung patungan ng kaldero sa mesa at inayos ang kubyertos.
"Oo Ma, bababa din sila mamaya", reply ko.
"Oh siya sige kumain ka na"
Yes! Ang tagal na nung huling tikim ko sa luto ni Mama. Mas masarap pa rin siyang magluto kesa sa akin.
"Sarap Ma! Namiss ko luto mo", pinalo ako ni Mama ng mahina sa pambobola ko.
"Good Morning Ma!", bati ng mga kapatid ko mula sa hagdan.
"Sige na at kumain na kayo. Maaga pa pasukan niyo", ay ani Mama bago kaming lahat umupo sa kanya-kanyang pwesto at kumain.
--------------------------------------------------------------------------
Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin bago ako satisfied na ngumiti. First day of school year as a highschool freshman. Excited na ako sa magiging reaction ng mga dati kong classmate from elementary school.
Kilala ako sa tawag na "Booger Girl" noong nasa elem pa ako. And I used to be so ugly dahil sabog sabog ang buhok ko at hindi ako nagsusuklay. Kutuhin din ako noon kaya iwas ang girls sa akin.
Lumalapit lang sila kapag may kailangan sakin. Kasi syempre Salutatorian ako dati. Hindi kasi approachable yung Valedictorian naming noon.
At kahit na binubully nila ako, sige pa rin ako sa pagtulong sa kanila at pagsiksik sa kanila kahit na ang pa-plastic nila sa akin.
This school year marami sa dating kong classmates ang nagtransfer ng school to find more opportunity.
And magandang time din ito para magpasikat ako sa mga bagong students.
If I'm correct, freshman din ngayon si Eric Doros. Ang freshman hottie na naging school's heartthrob. I admit that he's good-looking man pero mahina siya sa studies niya. And siya ang isa sa mga naging main bullies ko before I reincarnated.
All of my highschool miseries all started kay Alenna. Ang may hawak ng title na Queen Bee. The school's hottest and ideal girlfriend.
Siya kasi ang nagsabi na isa akong model sa harap ng classmates namin. Ako kasi ang huling dumating sa room noon so she had the chance to tarnish my reputation.
Since ako na ang tampulan ng tukso mula ng elem, she took the opportunity na i-label ako as her opposite para lang iangat ang image niya.
But now, everything will be different. Aagawin ko ang korona niya sa kanya and will make her pay.
"Ate ready ka na daw ba? Magseseven thirty na!", sigaw ni Marco sa baba.
"I'm coming!", sigaw ko at nagmadaling pumunta sa location ng kapatid ko.
--------------------------------------------------------------------------
Inside the classroom…
Maraming estudyante ang nagchichikahan. May mga nabuo nang groups sa maingay na classroom.
Sa gitna ng malaking classroom ay matatagpuan ang pinaka-social butterfly. Maputing babae at may shoulder-length na buhok. May kulay ito na dark brown na siya namang bumagay sa kanyang face at complexion.
Maraming nakapalibot sa kanya at gusto siyang makausap. Sino ba namang hinde ang ang ganda niya at sa ugali pa lang niya ay kaaya-aya na.
Ang Queen Bee na si Alenna Halili. Nakangiti siya at masayang-masaya na nasa kanya ang attention ng lahat.
Maging ang freshman hottie na si Eris, ay nasa tabi niya at parehas silang napaliligiran ng tao.
Karamihan sa freshman highschool ngayon ay baguhan sa school. At bilang isang mabait na classmate ay ginawa ni Alenna na pleasing ang atmosphere for everyone. Acting like a whote lotus to build up her image.
She wants to reign the whole highschool department as the ideal girl and ideal student ng lahat.
Kaya she plans to make the elem's most ugly girl to be on the spotlight para magkaroon ng distinct comparison for her image.
Kaya she will just tell a lie a little tapos deny it kapag kinonfront siya.
Afterall, mas kakampihan ng karamihan ang mas maganda kesa sa panget.
At dahil isa siyang social butterfly, she also knows kung sino-sino ang magiging classmates niya from the list na nakuha niya.
At isang tao na lang ang wala pa sa classroom.
Ang nag-iisang tao na magandang target for her to establish her reputation and image.
'Sorry ka na lang, pero I need you to be my stepping-stone for my success', at ngumiti si Alenna ng mahinahon.
"Meron pa ba tayong classmate na wala pa sa room?"
"Oo nga. Alenna diba sabi mo every classroom ay same ang bilang ng chairs sa bilang ng students. Sino pa yung nawawala nating classmate?"
Alenna acted as if she was thinking pero alam na niya kung sino pa ang wala sa classroom.
"Oh! Si Kayzel Montonya yun", nakangiting reply ni Alenna sa classmate.
"Sino siya? It looks like you know her"
"Oh yes. Isa siyang model. Super ganda niya promise!", excited na reply ni Alenna na wari ba'y nasasabik na sa pagdating ng best friend niya.
"Oh really?", natawa na lang ang former classmates ni Alenna na hindi nagtransfer ng school.
They all know kung sino si Kayzel at ang itsura niya kaya hindi maiwasang ma-curious ang mga bagong classmates nila kung bakit sila tumatawa.
"Super ganda, more like super panget", natatawang bulong ng isang estudyante.
At nagsimula na ang bulungan about Kayzel.
Napangiti naman si Alenna. This is the atmosphere that she wants.
To build up her kind character na walang discrimination sa looks while being the queen of the school.
A kind and gentle character.
Panget si Kayzel. She was never good-looking. Ang tanging positive lang sa kanya is her brain. She is intelligent girl. Kahit na hindi siya mag-aral for a test or quiz, she always manages to score a perfect or one mistake score.
Samantalang siya, she needs to study extra hard pero above average lang siya. Kumbaga kung sa percentage, si Kayzel nasa 95% ang intelligence rate, siya naman ay nasa 80% lamang. And that makes her mad.
Kaya this time, she will be the one to break her will para maagaw niya ang intelligence spotlight bukod sa beauty spotlight.
At dahil nagsisimula na ang negative comments about Kayzel, sinimulan niya na rin ang magrevoke ng masasamang comments about her suppose-to-be-friend.
Everything is already set up.
Ang kulang na lang ay ang appearance ng main character sa stage na hinanda ni Alenna.
They will all see how Kayzel looks like.
After she appears sa classroom magsisimula siyang i-manipulate ang isip nila for them to think that she deserves the title of being the most beautiful student.
Not knowing na ang target of her malicious gossip ay nasal abas lang ng classroom door listening to everything that is inside of the classroom.
Napangiti na lang si Kayzel sa false remark ni Alenna.
The very person who made Kayzel's highschool life a living hell.
Isa ito sa dahilan kung bakit naging outcast siya noong freshman pa lang siya.
Her suppose-to-be-best-friend pala ang nambabackstab sa kanya.
Alenna always consoles her while stabbing her back.
Telling people na they should stop the bullying but never took action to reprimand the person who talks shit about her.
At dahil sa kind, gentle at innocent character niya, Alenna always puts her sa spotlight about the appearance and spout nonsense about her looks dahilan para ma-criticize siya lalo.
Her ignorance made Kayzel's appearance to be a joke. Keeping her in check about being low.
Well today is not the day that everything will fall under Alenna's plan.
Kayzel will make sure na maabot niya ang standards na sinabi ni Alenna.
'I may be a model, but I will look like one'
Dahan-dahan niyang binuksan ang classroom door at pumasok.
Kayzel puts on her most innocent face and then faced her classmate.
Napatahimik ang classroom at napatingin kay Kayzel.
Their eyes are admiring the new beauty that topples up Alenna's appearance.
Kung sa mata nila ay maganda na si Alenna, they need to take out their eyes and clean it well.
Dahil mas maganda ang babaeng nasa harapan nila ngayon na parang hinihangal.
"Is this classroom 1-2?", tanong ng mysterious girl.