Hay... wala talagang magsasalita sa amin eh no?
Maiigi pang simulan ko na.
"So, I assume you're like me right? Bumalik sa oras", I said those words na hindi patanong kundi isang fact.
Tumango sila Jekris at Marco.
"So hanggang saan ang naabutan niyo?", tanong ko.
For sure ako ang naunang nawala sa future selves namin bago sila sumunod sa akin.
"Nung nagpakamatay ako", reply ni Jekris.
"Nung namatay ka sa aksidente at si Kuya Jekris naman ay naabutan kong patay na sa condo unit niya", Parehas kaming napatingin ni Jekris kay Marco.
So mas marami siyang nalalaman kesa sa amin.
"It's a shame na namatay ako by accident. Gustong-gusto ko pa namang sampalin ang dalawang iyon!", nanggagalait kong sabi.
"Hindi ka namatay thru accident. It's all planned. Tulad na lang ng pagcommit ni Kuya Jekris ng suicide. They all know what's going to happen", nanlaki ang mata namin ni Jekris.
So ang pagkamatay ko ay isang planadong pagkawala ko sa mundo sa future?
At si Jekris ay tinulak nila para mag-suicide?
"Eh ikaw? Anong ginawa nila sa iyo? Paano ka namatay?", curious na tanong ni Jekris.
"Pinatay nila ako. Yung asawa mo at kabit niya Ate Kayzel. Marami silang magkakasabwat. Sinimulan nila kay Kuya Lenard hanggang sa akin. Lahat nang yun ay planado nila para hindi tayo makabalik pa sa mga tunay nating pamilya", salaysay ni Marco.
"Tunay na pamilya?", sabay naming tanong ni Jekris.
"Hindi niyo alam?", gulat na tanong sa amin ni Jekris.
Sabay na naman kaming tumango. Yung mukha ni Marco, it's like saying, 'what are your monies for?' sabay iling sa amin.
"Hayy... ganto kasi yun----", and Marco went to explain our backgrounds.
Even though we are siblings and was raised by our own mother, lahat kami ay half siblings lamang. We came from different fathers.
At ang fathers namin ay renowned for their richness and power. My dad is someone big sa entertainment industry. Isang CEO for the largest entertainment chains sa buong mundo. As much as I am happy right now na isa pala akong nawawalang heiress like those na nasa novels lang, I am disgusted that I have a useless father.
Para sa kanya laro lang ang pag-ibig. Hurting my mother and leaving her with nothing but a child to raise on her own. Tapos nang kailangan niya ng leeway para manahin at mapasa kanya ang kumpanya, he payed his ex at nag-adopt ng unknown child instead of looking for me?
I mean he got the time and money pero hindi man lang ako sumagi sa isip niya or si Mama na iniwan niyang buntis.
Such a heartless man. Kung siya lang ang tatay ko, edi wag na.
Ako ay shock sa mga nalaman ko.
Bakit hindi ko naisip na magpabackground check? The fact na hindi kami magkakamukhang apat na anak ni Mama dapat naisip ko yun.
Pero hindi, kasi last time I checked we share the same blood type.
Si Marco lang ang nag-investigate sa amin at ang sumabaybay sa mga nagtatangka sa aming mga buhay.
Although he did his best, hindi pa rin sapat. Dahil maraming variable ang hindi niya makontrol lalo na mag-isa lang siyang lumalaban sa dilim.
Pero isa lang ang naiisip kong tanong.
"Marco, bakit hindi mo samin sinabi? Maniniwala naman kami kung ininform mo kami", tanong ko.
Nag-isip muna si Marco bago niya ako tingnan sa mata muli.
"Masyado kayong busy noon. Ikaw Ate, busy ka sa kakahabol mo sa asawa na kahit siguro tuko hindi mo pakikinggan", feeling ko tinusok ako ng matalas na kutsilyo sa sinabi ni Marco.
Napatawa naman si Jekris. Yeah yeah, ako na ang dakilang martyr. Ako na ang baliw.
Bakit ko nga ba pinakahabol-habol si David noon?
Ngayon ko lang naisip na wala namang redeeming qualities sa lalaking iyo bukod sa itsura niya.
Ang acting skills, ekis. Ang attitude, ekis. Ang loyalty ekis.
Blood sucker, check. Pretentious bastard, check. Womanizer, check.
Wow i fell for a useless human being.
Tumingin naman si Marco sa direksyon ni Jekris. Napatigil sa pagtawa si Jekris at napalunok ng laway.
Napangiti ako sa direksyon niya.
'Akala mo takas ka? Hinde! Now it's your turn!', yan ang sinasabi ng aking ngiti.
"At ikaw naman, masyado kang nagtitiwala agad sa nakikita mo. Ok lang maging good samaritan pero sana magkaroon ka ng good character judgement para hindi ka naloloko. Ang talino niyong dalawa pero hindi ko alam kung saan niyo ginagamit", yan pinagalitan tuloy kami ni Bunso.
Napakakamot na lang kaming dalawa ni Jekris sa aming mga batok.
Kinalma naman ni Marco ang sarili niya. At this point of view, sa tingin ko siya talaga ang panganay sa aming apat at hindi si Kuya Lenard, o ako, o si Jekris.
Nagkatitigan kami ulit sa isa't-isa at saka kami natawa.
We all did something that we are not proud of in the future pero dahil we now have a second chance, gagawin ko na ang gusto ko sa buhay.
Babawiin ko din ang lahat ng dapat ay sa akin.
And to my dad? Be prepared kasi parehas ko kayong patatalsikin ng ampon mong si Ianah.
Abangan mo lang Ianah at sisirain ko ang buhay mo.
Ikaw din David. I'll give you every pain that you gave me a hundred, no a thousand times. Just you all wait.
After namin tumawa ay naging seryoso ang aming atmosphere.
All of us are currently thinking kung ano-anong mga events ang mangyayari sa aming mga buhay after namin umalis dito sa province para mag-aral ulit sa Maynila.
All of our shits starts nung bumalik kami sa Maynila for my first year highschool. If I'm correct, I'm turning first year highschool na this coming school year.
The very start of my aggressive bullying. One of my first tragedy that left me a deep scar.
"Guys", tawag ko sa dalawa na siya namang tumingin sa direksyon ko.
"We still have two months right? Before the start of school year ulit?", tumango naman ang dalawa sa tanong ko.
"Sama kayo sa makeover ko?", tanong ko ulit.
"Makeover? As in make-up?", nandidiring tanong ni Jekris.
"Tangiks hinde, ibang makeover man. As in babaguhin natin mga itsura natin", paglilinaw ko.
"Paano?", sabay na tanong nila Jekris at Marco.
"Why don't we hit gym at mag-hire ng instructor at mag-exercise bago magsimula ang school year", suggestion ko.
"Saan tayo kukuha ng gym instructor?", tanong naman ni Marco.
"Di puros mga galing militar ang mga kamag-anak natin from Granddy's side? Why not we try it? You know build up some muscles na kakainggitan ng mga classmates natin"
"Not bad sis. Pero kayanin kaya natin?", nag-aalalang tanong ng dalawa sa akin.
Well, walang madaling military training exercise. Pero it will surely help our bodies to take shape. Two months lang need ko para sa foundation ng katawan ko.
I think I will need half a year para magkaroon ng model type body. Wala namang problema since skinny naman na ako. Nagsimula lang akong tumaba nang mamatay si Kuya Lenard at nagkaroon ako ng stress-eating disorder.
Mas magandang masimulan ang exercise ngayon.
Magsisimula na rin akong gumamit ng make-up at ayusin ang buhok ko.
Marami namang kakilala si Granmmy na parlorista. Kahit basic make-up lang muna. Para sa malaki kong comeback.
Ang saya siguro makita ng mga mukha nang nam-bully sakin palihim noong nasa elementary ako.
Maganda rin siguro kung mapapa-inlove ko si Eric na siyang magiging school heartthrob ng school at isa sa mga unang nang-bully sa akin after kong bumalik as first year highschool.
It will be a thrilling experience kung ako naman ang magiging school's number one beauty.
Aagawin ko ang korona na iyon kay Alenna.
"Well kung gusto niyong makaganti sa mga bullies niyo join me sa transformation ko. Para kayo na ang maging new heartthrob ng school. Isama na rin natin si Kuya Lenard. Wala yung magagawa kapag nagcombine tayo sa desisyon. For sure, pipilitin yun ni Granmmy", pang-aaya ko.
It's not a bad idea. Since mababago din ang pananaw ng mga classmates ni Kuya Lenard sa kanya. Maraming may ayaw sa kanya dahil mataba siya ngayon currently.
Pero kung sisimulan niya ang intense training, it wil only take a year or two para magkaroon si Kuya Lenard ng beach body.
"I agree, Ate. When do we start?", tanong sa akin ni Jekris.
"Well, let me talk kay Granmmy. Siya lang kasi ang may connection sa mga kapatid ni Granddy since ayaw ni Granddy sa gadgets. Alam mo naman, parang may pagka-hermit si Granddy"
Matapos naming umagree sa makeover plan namin ay diretso naming kinausap si Granmmy na siyang pumayag sa aming plano.
Agad-agad niya silang tinawagan.
Syempre, prinessure ni Granmmy si Kuya Lenard para sumali sa aming binabalak na pagbabago sa aming mga sarili.
The next day, ginising kami ng aming mga lolo mula sa higaan kahit hindi pa pumapatak ang alas-sais ng umaga sa orasan.
Mga kapatid man sila ng Granddy namin at lolo sa perspective ng iba, ang mga katawan naman nila ay masasabi kong pwedeng kumalaban sa isang body builder.
At iyon na ang simula ng maka-impyernong training/exercise namin para gumanda ang aming mga katawan.
Hindi lamang yun. Yun din ang simula ng pagiging make-up at hair dressing expertise ko, na magiging ultimate weapon ko in this life.