Chereads / Apat Kamo? SERYOSO?! / Chapter 9 - Chapter 9: Caterpillar Turns Into Butterfly

Chapter 9 - Chapter 9: Caterpillar Turns Into Butterfly

"Four hun-hundred ninety-nine!"

"F-five hundred!"

Nawalan na nang lakas ang aking mga kamay at tuluyan na akong bumagsak sa mabuhanging lupa.

Amoy araw at pawis na ang aking katawan.

Puro lupa naman ang aking malinis na ngayon ay maduming damit.

Hingal na hingal ako habang nakasubsob sa lupa. Wala na akong pakeelam kung may makakita man sakin sa ganitong posisyon. Ang mahalaga makuha ko yung lakas para sa susunod na drill.

Hindi nga biro ang ginawa nilang training para sa amin.

Kahit pa sabihin nating binabaan nila ang normal standards na ginagamit sa military training by 90% yung natitirang 10% ay sobra na sa amin.

Kaming magkakapatid na lumaki na hindi nararasan ang hirap sa buhay ay ngayon natitikman ang bagsik ng pagmamakeover ng katawan namin.

Nagkakaroon na ako ng konting muscles sa braso. At dahil dati na akong payat, nagkaroon lamang ng shape at tone ang aking katawan. Mas maitim na ako kesa sa dati kong itsura.

No scratch that, lahat kami umitim. Bilad sa buong araw.

Ang legs ko na mas toned at mukhang muscular.

Small achievement na sa akin ang maka-survive sa hellish training/exercise na ito. Idagdag mo pa yung paggising namin ng alas-kwatro tuwing umaga. Todo eyebags na ito eh.

Mamaya mukha na akong kwago nito bago mag-umpisa ang school year.

Buti na lang maraming natural remedies ang hinanda ni Granmmy kaya naman hindi gaanong halata ang eyebags ko.

At dahil nagsisimula na akong tubuan ng pimples at typical whiteheads katulad ng isang teenager. Araw-araw din akong dinadalhan ni Granmmy ng mga pang-facial ko upang kuminis ang mukha ko. Kaya naman satisfying ang end result kahit na two months ko pa lang ginagamit. Iba talaga kapag may lola ka na expert sa herbs. Iba ang effect sa balat at mas nagmukhang nourished ang balat ko. Mas nagmukha tuloy akong bata.

Of course, sila Jekris, Marco at Kuya Lenard din nakisakay na lamang sa pa-facial beauty ko.

Ang end results?

Mas gwapo na silang tingnan. Parang rough diamond na na-polish na. May tinatagong kagwapuhan pala itong mga kapatid ko. Syempre hindi ko sasabihin yun sa kanila. Lalaki lamang ang mga ulo ng mga ito.

Tuwang-tuwa na nga sila sa kinalabasan ng mga katawan nila.

Tumangkad din ako kumpara sa 1.65 meters kong height, 1.70 meters tall na ako.

Thanks to my Granddy's brothers. Monitored nilang lahat ang kakainin namin from breakfast to dinner. Mas controlled yung sa akin dahil sabi ko sa kanila na gusto kong tumangkad pa sa current height ko. Syempre I need more height for my plans.

Bukod pa sa physical training namin, may tutor din ako para sa make-up at hairdressing tuwing hapon. Kaya naman todo ang inggit sa akin ng mga kapatid ko kasi maagang napuputol ang aking exercise compared sa kanila.

Hectic ang mga schedule namin.

Pero ganun talaga. Beauty comes with pain. Di bale worth it naman ito kapag nagpasukan na.

Just you all wait at makakakita kayo ng transformed Kayzel Montonya.

"Buhay ka pa ate?", nakangising tanong sa akin ni Jekris.

Napatawa na lang ako ng sarkastiko.

"Eto buhay pa naman", nakahandusay kong reply. Parehas namin habol ang aming mga hininga.

"Jek"

"Oh?"

"Pa-flex nga ng biceps mo?", natatawang request ko.

Mas lalong lumakas ang tawa ko nang mag-flex nga siya. Isang maliit na burol ang nakikita ko. Hindi siya tulad nung ibang lalaki na ala-mount Everest ang datingan ng biceps kapag flinex.

Yung kay Jekris isang maliit na umbok ng muscles.

Not bad.

Pero nakakatawa pa ring tingnan.

"Tawa ka dyan. Kapag ito lumaki who you ka", confident na declaration ni Jekris.

Umupo ako at tumingin sa direksyon ng mga lolo namin.

"Granddies! Gusto daw ni Jek ng malaking biceps!", sigaw ko.

Siniko ako ni Jekris habang tatawa-tawa naman ako.

Agad nag-perk up ang mga tenga nila at ngumiti nang hindi kaaya-aya. Nag-freeze ang ngiti ko sa labi at si Jekris.

We felt the chills in our spines.

I patted Jekris' shoulder.

"Good luck lil bro"

"I hate you"

-------------------------------------------------------------------

"Sigurado kayong nakapake na ang mga dadalhin niyo pa-Maynila?", tanong ni Granmmy sa amin.

"Opo, nandito na lahat ng gamit namin Granmmy", sagot ni Kuya Lenard.

Nakasakay kami ngayon sa family van namin. Pauwi na kami sa Maynila.

Tapos na ang two-months vacation namin. Binigyan na rin kami nila Granddy ng exercise plan. Sayang naman daw kasi ang pinagpaguran naming body makeover.

Natawa na lang ako nang maibigay na sa amin ang plan. Mukhang walang balak sila Granddy na bigyan kami ng break dahil mas dumami ang nasa exercise plan namin.

"Oh siya sige na. At baka kayo ay ma-traffic pa", paalam ni Granmmy sa amin habang nakabukas pa ang pinto ng van.

"Bye Granmmy! Bye Granddy! Sa sunod na summer vacation ulit!", sigaw namin bago isarado ang pinto at umandar na papuntang port.

Medyo mahaba-haba din ang byahe papuntang Maynila.

Mga isang oras papuntang port, tatlong oras sa barko at dalawang oras na byahe papuntang bahay.

Siguro mga hapon na kami makakarating sa bahay niyan.

Mas maganda kung itutulog ko muna itong byahe. Gisising na lang ako mamaya kapag sasakay na ng barko.

Matapos ng mahabang tulugan ay biglang huminto ang van na sinasakyan namin.

Nagising ako dahil sa ingay sa labas ng van.

"Anong meron?", tanong ko kahit nakapikit pa ako.

"Nasiraan sila, kailangan nilang makarating din sa port tulad natin. Nanghihingi sila ng tulong", paliwanag ni Jekris.

"Nasan si Kuya Lenard?"

"Nasa labas kausap yung mga tao", si Marco naman ang sumagot.

Napaupo ako ng maayos mula sa backseat. Tinupi ko ang mga upuan na nasa harap ko, binuksan ang pinto ng van saka ako lumabas.

Napatigil sila sa pagsasalita at napatulala sa akin.

Bigla naman akong nahiya sa kanilang titig pero carry lang ako sa paglakad papunta sa kanila.

"Kung papunta kayo sa port, sumabay na kayo sa amin. Tutal dun din naman ang punta namin", bungad ko sa kanila.

Napatitig si Kuya sa akin.

I just gave him the 'What? May space sa van' look.

Wala namang issue kung sasabay sila sa amin. From what I see mga 20 minutes ride na lang ang layo namin sa port. Malayo-layo din yun kung lalakarin nila.

"Bro ang ganda niya"

"Kahit medyo baggy ang damit, she looke hot"

Hindi ko na lang pinansin ang mga bulungan ng magkakabarkada na ito.

Kasya pa naman sa loob ng van ang limang tao so why not diba? Though mukhang playboy ang tatlong kasama at mukha namang matino yung dalawa. Kaya yung dalawang matino na lang ang kinausap ko na nakatitig pa rin sa akin.

"P-pwede naman. K-kung ok lang sa inyo na m-makis-sakay kami hanggang port", agad na reply nung nakasalaming lalaki.

"Sure no problem. Ano kunin niyo na mga gamit niyo at sumakay na kayo sa van. Doon kayo sa backseat", reply ko at tumalikod na.

Hindi naman nagtagal at umandar na kami ulit.

Katabi ko na ngayon si Marco sa kaliwa at si kuyang nakasalamin sa kanan ko. Yung tatlong playboy nasa pinaka-backseat at yung isang pang matino ay katabi ni Kuya Lenard.

Medyo maingay yung tatlo sa likod but that's fine.

Sanay na ako sa magulong environment.

Kung may kapatid ka for sure walang peaceful time ang meron ka. Lalo na kung malilikot at magugulo ang mga kapatid mo.

Tumingin sa akin si kuyang naka-blue sleeve shirt. At ngumiti ng alanganin sa ingay ng kanyang mga kasama.

"Sorry sa ingay", paumanhin niya.

"Ok lang sanay naman na ako", reply ko. Nginitian ko din siya pabalik pero mas nagmukhang na-starstruck siya lalo.

"Umm... ok ka lang?", tanong ko.

Bigla naman siyang natauhan at namula ang mukha at tenga. Napalingon siya sa harap at hinimas ang kanyang batok.

"Y-yes. Sorry about that", nahihiyang reply niya.

Nang makita ko ang side profile niya dahil nga nahihiya siyang tingnan ako sa mga mata ko, ay nakita ko ang features niya.

Matangos ang ilong niya, dark blue eyes, dimples sa kaliwang pisngi, makinis na mukha, black hair at maputi. All in all he doesn't look that bad. He's pretty handsome himself.

"Ummm...", napangisi ako. Looks like he's uncomfortable with me staring at him.

"What?", inosenteng tanong ko.

"Nothing", reply niya. Hindi siya mapakali sa kinauupuan niya.

"Gwapo ka", I boldly said.

Na-freeze ang buong katawan niya. Napatingin siya sa akin. And gosh sobrang pula niya.

"Ano?", shock na tanong niya.

"Binge, sabi ko gwapo ka"

"Ako?", sabay turo sa sarili na parang hindi siya naniniwalang gwapo siya.

"Ay hinde, yung salamin sa likod mo ang gwapo kuyang naka-blue", pang-aasar ko.

Mas pula pa ata siya kesa sa kamatis at strawberry.

Napatawa ako at hinayaan ko na siyang magprocess ang utak niya sa sinabi ko at natulog na ako.

------------------------------------------------------

"Oh pano ba yan? Goodbye na Miss", sabi ng isa sa tatlong playboy.

Natigilan sila nang makita nila ang nakamamatay na tingin ng aking mga kapatid.

"Sige, alis na din kami. Kitakits na lang", sabi ko at umandar na ang kotse namin para pumila at sumakay ng Roro.

"Sige. Thank you sa ride!", sigaw nila ulit bago sila pumunta sa pilahan ng bilihan ng ticket.

Maraming napapatitig sa amin mula sa pilahan ng kotse hanggang sa barko.

Binuksan kasi ng boys ang bintana ng kotse. Huling langhap na daw nila yun sa province air. Ayan tuloy ang daming nakatingin sa amin. May mga nagbigay pa nga ng pagkain at drinks sa amin. Hindi naman namin tinanggihan. Free food eh.

Sa barko naman ang dami ding lumapit na babae sa mga kapatid ko. Wala namang lumapit sa akin dahil sa death glare ni Kuya Lenard. Natakot sa natural na malaking katawan ni Kuya.

Buti na lang at nakasara na ang bintana namin nang makalapag kami sa Batangas port at tuloy-tuloy na ang biyahe namin papuntang bahay.

Matapos ng welcome celebration ni Mama sa amin ay inayos na namin ang mga gamit namin.

Next week na ang start of school year kaya mas lalo akong na-excite.

Ang comeback ko. I'll be the new queen of the school.