Chereads / Apat Kamo? SERYOSO?! / Chapter 7 - Chapter 7: Restart With All Of Us

Chapter 7 - Chapter 7: Restart With All Of Us

A/N: The POV will center kay Kayzel.

-----------------------------------------------------------------------------

Hindi ko alam kung gaano na ko katagal dito sa kadiliman na ito. Ang alam ko lang matagal na akong naglalakad dito sa walang hanggang daan na tinatahak ko.

Hindi ako nakakaramdam ng pagod.

Hindi kumakalam ang tiyan ko.

At hindi rin ako buhay.

Ramdam kong malamig na ang aking katawan.

Tandang-tanda ko pa ang aking pagkamatay. The way I died, it was a negligence on my part.

*chuckle

Bigla akong napatawa sa sarili ko. Hindi ako pwedeng maging driver.

Kapag nabobroken heart hindi tumitingin sa paligid. Haist, nakakatawa.

Kamusta na kaya sila Jekris at Marco. Sana maayos lang sila. Sigurado akong iiyak ng todo si Marco. Iyakin pa naman yun. Lalo na nung namatay ang kuya namin.

Kaya sumumpa siyang maging doktor. Nagpursige para maisalba ang mga taong nasa binggit ng kamatayan.

Atonement na niya sa sarili niya dahil sa nangyari kay kuya. Ang panganay sa aming magkakapatid.

Ang saklap lang at hindi ko na sila makikita pang muli.

Na namatay ako dahil sa asawa ko. Ang ahas kong asawa. Looking back at myself, isa akong t*nga.

Pinakahabol-habol ko ang asawa ko. Sinakripisyo ko ang lahat para sa kanya. Pero sa huli ako pala itong nagmukhang ewan sa harap niya.

Nagmukhang engot sa unang pamilya niya.

Ang manloloko na yun. Ni hindi man lang sinabi sakin na may iba na pala siyang pamilya. Sabagay, kung ako ang nasa posisyon niya hindi rin ako aamin.

Pinabuhay niya ang pamilya niya sa akin. Ang kapal talaga ng mukha.

Kaya pala ang laki ng hingian niya sa akin. Hindi niya man lang ako binigyan ng kahit isang patak ng centimo.

Napaka-idyota ko talaga.

Pinagpupukpok ko ang aking ulo kahit wala naman akong maramdamang sakit.

"Huh?", napatakip ako sa bibig ko.

Simula nang mapunta ako dito sa madilim na lugar na ito, hindi ako makapagsalita.

Ang kaya ko lang gawin ay lumakad nang lumakad.

"WAH! @$^&(@!!(@&@&@&@^@%#$!!!!"

Matapos ang matagal kong paglalabas ng sama ng loob ay tumigil ako dahil hiningal na ako kakasigaw at kakamura sa hangin.

Gumaan ang loob ko kahit papaano.

Ang sarap pala sa pakiramdam ng maging ganito minsan.

Walang inaalalang image at inaalalang sasabihin ko sa mga kausap ko. Ako kasi yung tipo ng tao na kailangang mamaintain ang image as a big boss.

Ngayon ko lang narealize na sobrang kong perfectionist ay hindi ko na naasikaso ang sarili ko. Lagi kong iniisip ang sasabihin ng iba about me and my family that will affect my company.

Ngayon ko lang din naisip na I don't really love my job. As a successful CPA, I can't feel the love and passion sa trabaho ko.

I'm all about prestige.

Kung may second chance.

Kung meron man, please lang isang beses pa.

Pumatak ang aking luha mula sa aking mga mata.

Ang lahat ng kinikimkim kong damdamin mula nung nabubuhay pa ako hanggang ngayong namatay na ako.

Bumuhos na parang dam na nagpakawala ng tubig.

I have so many regrets in my life na gusto kong mabago.

Please, isang pagkakataon pa.

"PLEASE! GIVE ME ONE MORE CHANCE!", sigaw ko while clutching my chest.

Bawling my eyes out of pain and misery.

"I want one more chance please"

Hiling ko bago ko ipikit ang aking mga mata sa huling pagkakataon.

---------------------------------------------------

'Aray naman ba't ang sakit ng ulo ko?', tanong ko sa sarili ko.

Wait! Masakit? Ang ulo? I thought...

Agad kong hinawakan ang nasa paligid ko.

Malambot na kama? Nakahiga ako sa malambot na kama? Pero walang kama sa...

Agad na nagmulat ang aking mga mata. Sinalubong ako ng silaw ng araw mula sa bintana ng kwarto.

After makapag-adjust ang aking mga mata sa biglaang liwanag, napatingin ako sa ceiling.

Sobrang pamilyar ako dito sa ceiling na ito.

Nakalakihan ko na ang ceiling na ito. If I'm not wrong nasa dulong kwarto ako ng bahay ng lola ko sa mother side.

Napaupo ako biglaan sa kama.

Maayos ang katawan ko, mainit ang mga kamay ko at katabi ko ang aking mga kapatid matulog sa kwarto ng ito tulad ng dati.

Si kuya sa pinakadulo ng kama malapit sa pinto, sunod si Jekris na nabukas pa ang bibig matulog, ako, at si Marco na nasa tabi ng bintana.

Kailangan kong i-confirm to kung talaga bang binigyan ako ng second chance ni Lord tulad ng hiling ko.

Hinawakan ko ang balikat ng natutulog na si Jekris at malakas kong inalog sa pagkakatulog niya.

Agad namang nagising si Jekris. Nakakapagtaka lang at parang halos kapos siya sa hininga niya. Na para bang nalunod siya at na-cpr. Umupo siya at hinawakan ang kanyang dibdib at hinahabol ang kanyang hininga.

Hinintay ko siyang kumalma na inabot nang ilang minuto.

Kinapa niya muna ang sarili niya.

Tiningnan ang kanyang mga kamay na parang may hinahanap.

At katulad ng ginawa ko, lumingon-lingon din siya sa paligid niya.

At nagkatinginan kaming dalawa.

"Ginagawa mo?", tanong ko.

"Ikaw, ginagawa mo? Bakit mo ako ginising?", balik na tanong niya sa akin.

Sabay na nanlaki ang aming mga mata.

Sabay rin kaming lumingon sa pwesto ni Marco at Kuya Lenard. Sabay rin kaming ngumiti at agad na hinawakan ang dalawa pang natitirang natutulog.

Hinawakan ko si Marco sa balikat habang si Jekris ay hinawakan naman si Kuya Lenard sa balikat din.

Nagkaroon kami ng silent countdown bago namin sila binulabog sa magandang panaginip nilang dalawa.

Agad namang nagising ang dalawa. At tulad namin ni Jekris, si Marco ay mas malala pa ang lagay ng siya ay magising.

Parang walang hangin sa lungs niya at ngayon lang nakasagap ng hangin muli.

Parang bagong silang na sanggol na kulang na lang eh umiyak ng pagkalakas-lakas.

Samantala, si Kuya Lenard naman ay ayos lang ang kalagayan at galit na galit na nakatingin kay Jekris.

Ngumiti na lang si Jekris at napakamot sa batok.

"Problema niyo?!", shucks maling gising ata si Kuya.

Hinawakan ko si Jekris sa balikat at tinapik-tapik ito. Tumingin sa akin si Jekris.

'Maaalala ka ng lahat bilang isang magiting na bayani Jekris', ayan ang sinasabi ng aking mga mata bago ako tumalikod at nagkunwaring walang nangyayari.

For sure, galit yan sakin dahil sa betrayal ko.

Hahaha, mas maganda na yung mas konti ang casualties. Kaiba pa naman si Kuya magalit. Ipagdarasal na lang kita Jekris.

At nagsimula na ang giyera sa pagitan ni Jekris at Kuya Lenard. Agad tumakbo si Jekris habang habol-habol naman siya ni Kuya paalis ng kwarto.

Tingnan ko si Marco na tapos nang kalmahin ang sarili niya. At katulad namin ni Jekris, chineck niya rin ang sarili at medyo malungkot ang kanyang mga mata.

'Wait don't tell me na parehas kami?!'

'Bumalik din ba siya sa oras katulad ko?'

Wait kalma. Kailangan ko tong maconfirm.

Hinarap ko si Marco sa akin. Nagtitigan kami bago ako hinawakan ni Marco sa mukha, hanggang sa braso. Puno ng pag-aalala ang kanyang mga mata.

"Ayos ka lang?", tanong ko.

"Eh ikaw? Akala ko... akala ko patay ka na", mahinang sabi niya.

Huli na nang marealize niya ang sinabi niya sa akin.

Bigla niyang tinakpan ang kanyang bibig na para bang may nasabi siyang hindi dapat.

Doon ko lang naconfirm na katulad ko, bumalik din siya sa oras bago magkandaleche-leche ang buhay namin.

Hindi lang ako ang binigyan ng second chance. Pati si Marco.

"Gising na pala kayo eh. Bumangon na kayo diyan at mag-umagahan na tayo", sabay kaming napalingon sa pintuan.

Si Granmmy! Ang lola namin sa mother side! Ang pinaka anghel naming lola na bihira lamang magalit.

Nakasuot siya ng mahaba niyang daster. Ang makulay at magandang daster niya. Naka-earings din siya at suot-suot ang kanyang mga alahas.

Walang nagbago sa kanya kahit isang look of the day niya ay ganoon pa rin.

Ang lola naming daig pa ang mga bagets kung magdamit. Dinaig ang ibang lola sa paligid dahil kahit senior na siya eh, mukha pa ring nasa 40s.

Bigla akong napatawa. Kasi naman kailangan niya pang patunayan na isa na siyang senior citizen at ilabas ang card niya tuwing mag-aavail siya ng discount for seniors like her.

"Bakit ka napatawa?", tanong ni Granmmy.

"Wala po. Sila Kuya Lenard at Jekris po kamusta?", natatawang palusot ko.

"Ayun, pinaluhod ng Granddy mo sa munggo. Ang aga-aga naman kasi at nag-iingay yang kuya at kapatid mo. Ayun nagalit ang matanda", nakangiting sabi ni Granmmy.

"Sige po Granmmy at aayusin na namin ang kama at lalabas na kami for breakfast"

"Bilis niyo ah at baka lumamig na ang mga pagkain", paalala sa amin ni Granmmy bago siya lumabas ng kwarto.

-------------------------------------------------

Kasalukuyan kaming nasa terrace ng bahay. Dito namin naisipang magtipon-tipon.

Kaming tatlo lamang ang nandito sa terrace.

Si Kuya Lenard ay kasama si Granddy na magkapain ng mga manok.

We figured out na labas si Kuya sa situation naming tatlo. Base sa kinikilos nila Jekris at Marco ay confirm na katulad ko ay nagreicarnate din sila.

Akala ko talaga sa novels, o mangas lang yun nangyayari. Turns out na nangyayari din ito in realtime.

Nagtitigan muna kami. Walang may gustong magsalita sa aming tatlo.

We may be in our younger selves right now. Pero ang mentality namin ay the same age as when we died.

At dahil tatlo kaming bumalik sa oras ay kailangan naming mag-usap tungkol sa mga events na na-miss namin.