Chereads / Apat Kamo? SERYOSO?! / Chapter 4 - Chapter 4: She's Crazy

Chapter 4 - Chapter 4: She's Crazy

Marco's POV

Nagising ako sa isang hospital bed. Sinubukan kong tumayo pero lalo lamang sumakit ang aking ulo. Nalulungkot pa rin ako sa nangyari sa aking kapatid.

Hindi niya deserve lahat ng nangyari sa kanya.

Namatay na lamang siya ng ganun na lang. Ni hindi niya man lang naipaghiganti ang kanyang namatay na anak.

Nagpakapagod siya para sa kanyang ahas na asawa.

Nagsimula akong humagulhol ng malakas. Dahil hindi pa ako makatayo ng ayos, kung ano lang ang maabot ng aking mga kamay, yun ang aking pinaghahagis sa pader.

Nammamanhid ang aking mga kamay, paa, at dibdib. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nagwawala habang nakahiga.

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si John.

Bumuntong-hininga siya ng makita niya ang kalat na ginawa ko sa kwarto.

Hindi ko mapigilang maiyak ulit. Tumingin ako sa kanya, at agad niya akong pinuntahan at niyakap ng mahigpit.

"I'm sorry", yung dalawang salita lang na yun ang paulit-ulit na lumalabas sa bibig ni John.

Habang ako ay patuloy pa rin sa pag-iyak.

Pagod na pagod na rin ang aking mga mata sa aking pag-iyak. Pumipiyok na rin ang boses ko dahil sa aking hagulhol.

Matapos lumipas ang mahabang oras ay kumalma ako.

Naramdaman ata ng ulap ang aking lungkot kaya bigla bumuhos ng malakas ang ulan. Ang pait lang sa pakiramdam.

Ang sakit mawalan ng mahal sa buhay.

Isa akong doctor, kaya alam ko ang sakit na nararamdaman ng bawat pamilya ng pasyenteng namamatayan sa loob ng hospital.

Nakaramdam ako ng malamig sa aking pisngi.

Lumingon ako at nakita ko ang malumanay na ngiti ni John sa akin.

"Thank you", mahina kong sabi sa kanya.

"Ano ka ba wala yun"

Tahimik man ang kwarto pero hindi ko naramdamang mag-isa ako.

Sinamahan ako ni John hanggang sa parking lot ng condominium ng kuya ko.

"Sigurado ka bang ayos ka lang pare?", tanong sa akin ni John.

"Oo ayos lang ako"

"Nakakapagtaka lang naman kasi. Hindi sumasagot ang kuya Jekris mo. Aba'y ginamit mo na phone ko at naka-ilang missed calls ka na hindi pa rin nasagot? Doc samahan kaya kita", pagpupumilit ni John.

Umiling ako at nginitian siya.

"Kaya ko na mag-sang pumunta doon", assurance ko sa kanya.

"Kahit pa, sige ka hahandusay ako dito sa kalsada kapag hindi mo ako sinama", napatawa ako sa childish behavior niya.

Pumayag na rin akong isama siya sa condo unit ng kuya ko.

Para kaming timang dahil para siyang tuko sa likod ko na nakakapit.

Nakarating kami sa tapat ng unit ni kuya Jekris. Sinubukan kong kumatok pero walang sumagot.

"Kuya, ako to si Marco! Pabukas naman ng pinto", muli kong tawag sa labas ng unit niya.

"This is suspicious doc. Ganyan ba talaga siya? I mean mahirap ba siyang tawagin sa loob para pagbuksan tayo ng pinto?", tanong sa akin ni John habang nagtatago sa likod ko.

Umiling ako sa kanya.

Usually mga isa o dalawang katok lang ay sumasagot agad si kuya sa pinto.

Alam kong nagtatago siya para maka-iwas sa mga naghahabol sa kanyang mga tao.

Pero kahit kelan hindi niya kami pinanaliting nasa labas lamang ng unit niya.

Lalong kumapit sa mga balikat ko si John nang matanggap niya ang aking sagot sa tanong niya.

"This is suspicious man. Really really suspicious. May susi ka ba sa unit niya?"

Agad akong naghalwat sa aking bag sa suggestion niya.

Lahat kaming magkakapatid ay may duplicate key ng aming mga bahay. Ganyan kalaki ang tiwala namin sa isa't-isa.

Nang mahanap ko na ang aking duplicate set key para sa unit ni kuya ay walang alinlangan kong binuksan ang pinto at dahan-dahan kaming pumasok ni John sa loob ng bahay.

Nagkalat ang mga basag na bote sa sahig, mga maduming damit, pagkaing panis at iba pa sa lugar.

Para kaming pumasok sa dumpster. Sobrang baho ng lugar. Binuksan namin ang ilaw sa sala at feeling ni John ay maduduwal siya.

Sobrang nakakadiri ng lugar. Tinalo pa ang itsura ng basurahan sa sobrang nakakadiri ng paligid.

"Idol ko na kuya mo doc. Nagagawa niyang mabuhay sa nakakasuka na lugar na ito. Hindi na ito bahay doc eh. Basurahan na ata tong tinitirhan niya", nilabas ni John ang baon niyang mask at sinuot ito sa mukha niya.

Inabutan niya rin ako ng isang pang mask at gloves.

Natawa ako sa kanya.

"Bakit ka may baon na mask at gloves?", natatawa ako sa itsura niya ngayon.

"Nakasanayan ko na. Doctor rin ako ano ka ba. Kahit sa kotse ko may gloves, mask at first aid kit rin akong naka-ready for emergency", praning yun ang tawag sa iyo. Pero hindi ko na sinabi yun.

Tahimik na lang akong umiling at sinuot ang gloves at mask.

Para kaming nasa minesweeper.

"Kuya! Kuya Jekris! Ako to si Marco, nandito sa sala!"

Ngunit wala pa ring nagrereply.

Nagkatinginan kami ni John.

Bago namin napagdesisyunan na pumunta sa kwarto ni kuya. Buti hindi naka-lock ang pintuan niya at mabilis lamang kaming nakapasok sa loob.

Pero hindi ko inaasahan ang bubulaga sa amin.

Nakahandusay na sa sahig si kuya Jekris habang nakanganga at nakatingin sa ceiling ng kwarto niya.

Agad kong pinuntahan ang katawan ng aking kuya at kinapa ang pulso.

Nanlamig ako.

Wala akong maramdaman na pulso. Sobrang lamig at tigas na nang katawan niya na parang kahapon pa siyang binawian ng buhay.

May tuyong laway galing sa bibig niya.

Hindi! Hindi ito pwedeng mangyare!

"Hindi, Hindi! HINDE!", niyakap ko ang malamig na katawan ni kuya Jekris at umiyak.

Pagkatapos ni ate si kuya naman?!

Bakit? Baket ito nangyayare sa amin?! ANONG GINAWA NAMIN PARA MANGYARI ITO?!

Napatingin ako sa aking likuran ng bigla akong makarinig ng sigaw.

Nanlaki ang aking mga mata.

Si John, na nakatayo sa may door frame, tumulo ang dugo mula sa bibig.

Nanlalaki ang kanyang mga mata.

Dahan-dahan siyang tumungo at tinignan ang kanyang dibdib.

May nakatarak na kutsilyo sa kanyang dibdib. Tumagos ito mula sa kanyang likod papuntang harap.

Mabilis na namantiyahan ang kanyang damit ng sarili niyang dugo.

Tumingin ulit siya sa aking mga mata. Gumalaw ang kanyang mga bibig at lumabas ang mga salitang 'TAKBO' sa kanyang mga labi.

Hinigit ng sumaksak sa kanya ang kutsilyo bago tuluyang bumagsak ang katawan ni John sa sahig.

Mabilis kong pinuntahan ang katawan ni John at sinubukan kong patigilin ang pagdurugo nito.

Agad hinawakan ni John ang aking mga kamay at umiling siya.

"Hindi John, hindi kita iiwan. Saglit lang at tatawag ako ng ambulansiya", natatarantang sabi ko.

Inabot ko ang aking bag at nanginginig na kinuha ko ang aking cellphone.

Bago ko pa man ma-dial ang emegency hotline ng hospital namin, ay binaril ng sumaksak kay John ang cellphone ko dahilan upang masira ito.

"Well, well, well, kung susuwerterhin ka nga naman Marco. Nagdala ka pa ng isa pang biktima", napatigil ako sa boses na biglang nagsalita sa kwarto.

Dahan-dahan kong tinignan kung kanino nanggaling ang may-ari ng boses.

"Ikaw?!",

Siya?! ang babaeng sumira sa buhay naming magkakapatid?!

"Oo ako nga, may problema ka ba?"

"Bakit mo ito ginagawa? Hindi ka pa ba nakuntento sa ginawa mo sa amin?"

Sa halip na sagutin niya ako ay biglang lumikha ng nakakabinging ingay ng putok ng baril at tumama ito sa ulo ni John. Tuluyan nang binawian ng buhay si John.

Patago kong pinindot ang singsing ko.

"Oo, hindi pa ako nakukuntento! Nakuha ko na ang lahat ng meron ang ate Kayzel at kuya Jekris mo! Ikaw naman ang susunorin ko!", at tinutok niya ang baril sa akin.

Nanginginig man ako sa takot, sinubukan ko pa ring kalmahin ang sarili ko.

Kailangan kong malaman man lang ang dahilan ng baliw na babaeng ito.

"Ano bang ginawa namin para gawin mo ito", umiiyak na tanong ko.

"Anong ginawa niyo? Ha! Baka nakakalimutan mo na, Kayo ang dahilan kung bakit nagkandaleche-leche ang buhay ko! Gusto ko lang naman ng konting pera. Masama na bang maghangad ng pera? Hindi di ba? Pero anong ginawa niyo? Ni hindi niyo ako binigyan! Ang dadamot niyo!", nagdadabog siya.

"Paanong hindi, nagsinungaling ka na anak ni kuya ang batang dinadala mo", sarkastiko kong sabi.

Pinaputok niya ulit ang baril.

Muntik na akong matamaan. Sobrang lapit ng bala.

"So what! Anak man o hindi, siya ang huli kaya siya ang ama ng anak ko!", Pinagkukuha niya ang mga nakakalat sa sahig at pinaghahagis sa pader na parang nababaliw na tao.

Nababaliw na siya. Hindi porket kuya ko ang huli niyang nakarelasyon at wala siyang mapagbalingan ng responsibilidad ay magsisinungaling siya para lang sa pera?

Napaka-iresponsableng tao.

Mandadamay pa ng iba.

Nagsimula naman siyang tumawa ng malakas.

"HAHAHA! Buti nga sa ate mo! Pati na rin sa Jekris mo!", at nagsimula na naman siyang tumawa habang nakahawak sa buhok niya.

Ang kasamahan niyang nasa gilid lang ay hindi ko makita ang mukha.

Hindi niya pinigilan ang baliw na babaeng ito at nanonood lamang siya sa gilid.

"A-anong ginawa mo kay ate Kayzel at Kuya Jekris?", nauutal kong tanong.

"Since mamatay ka naman na sasabihin ko sa'yo. Pinatay ko silang dalawa! Pinasagasaan ko siya at pinagmukhang aksidente ang lahat! Yang kuya mo naman, Hah! kinorner ko para magsuicide. Diba masaya? At ngayon ikaw naman ang susunod!"

Tinutok niya sa akin ang baril na hawak niya saka ito pinaputok.