Chereads / Apat Kamo? SERYOSO?! / Chapter 5 - Chapter 5: Framed

Chapter 5 - Chapter 5: Framed

Tuluyang bumagsak sa sahig ang katawan ni Marco habang hawak-hawak niya ang ulo ni John.

Napangiti naman ang babaeng nakasuot ng itim na crop top at duguang pantalon. Lumakas ang tawa niya habang pinanood ang pagbagsak ng wala nang buhay na katawan ni Marco.

Dinilaan niya ang dulo ng baril at saka humarap sa lalaking utusan niya.

"Ano pang hinihintay mo? Pagmukain mong si Marco ang pumatay sa kanila dali!"

Mabilis namang kumilos ang lalaking utusan at isinagawa ang utos ng baliw na babae.

Lumabas ng kwarto ang babae at sumilip sa bintana.

Ang taong ito ang nagtulak sa magkakapatid sa kanilang kadiliman.

Inisa-isa niyang tirahin ang magkakapatid at kinuha ang lahat ng meron sila.

Wala naman siyang ibang hinangad kundi ang magkaroon ng kung ano mang meron sila.

Kaso pinagdamutan siya ng magkakapatid.

Kaya eto, dinaan niya sa dahas upang makuha ang gusto niya.

Pumunta ang babae sa bintana at pinagmasdan ang madilim na ulap. Kasing dilim ng ulap ang budhi ng babae. Walang habas niyang kinamkam ang lahat ng dapat ay para sa kanya. Ni hindi siya nagdalawang-isip na pumatay ng tao para lamang makamit ang ninanais niyang kaginhawaan sa buhay.

Napangiti siya sa sariling repleksyon sa salamin ng bintana.

Ngayong nasa kanya na ang lahat at wala nang balakid pa sa kanyang target ng kumpanya at pamana, kailangan naman niyang i-inform ang mga kasabwat niya.

Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang unang tao na nasa listahan niya ng contacts.

*Ring

*Ring

*Ring

"Hello?", paos na boses ng lalaki ang maririnig sa kabilang linya ng cellphone. Wari'y may accent ang pananalita ng lalaki.

"It's already finished", sabi ng babae sa kanyang kausap.

"Oh really? I hope you are not taking me for a fool", paninigurado ng lalaking kausap.

"I can assure you. You will hear the news tomorrow morning", nakangiting sabi ng babae sa kausap.

"Then expect the negotiated money after I hear the news, got it?"

"Yeah, yeah sure. By the way, are you going to take all of their money?", tanong ng babae sa kausap.

"No, take it if you want to", reject ng lalaki sa tanong ng babae.

Sino ba naman siya para tanggihan ang biyaya?

Labis ang saya na nararamdaman ng babae.

Tiyak na sasaidin niya ang lahat ng meron ang magkakapatid. Nang sa ganon, walang matanggap ang mga kamag-anak nila.

Kukunin niya mula sa pera hanggang sa mga lupaing pag-aari nilang lahat.

At hindi na niya kailangang mag-alala pa. Dahil na-forge naman na niya lahat ng will ng magkakapatid. All she needs to do is to verify it in front of their relatives para hindi na sila pa maghabol sa yaman na sa kanya lamang mapupunta.

"Is there something you want to say?", tanong ng foreigner sa kanya.

Agad naman bumalik sa katinuan ang babae at agad na ni-replyan ang kausap.

Mahirap na, baka bawiin pa nito ang sinabi.

"No, no, I have nothing to say anymore"

*Click

"Tsk! Kala mo kung sino siya. Sabagay, hindi ko ito magagawa lahat kung hindi kami nagtulungang mawala sa mundo ang engot na magkakapatid na yan", umupo ang babae sa sofa habang hinihintay ang lalaking kasama niya.

Hindi naman nagtagal ang kasama niya at lumabas na ng kwarto.

"Tapos ka na?", tumango ang lalaki.

Tumayo na ang babae sa kinauupuan niya at lumabas ng unit.

Pagkapasok ng dalawa sa kotse ay saka tinaggal ng lalaki ang kanyang mask sa mukha at lumingon sa pwesto ng babae.

"Ang saya mo ngayon Babe", nakangiting sabi ng lalaki sa babae.

"Oo naman, sinong hinde eh wala na ang lahat ng balakid sa aking mamanahing kumpanya at sa will ni daddy. In the end, ang fake heirs and heiress ang tunay na tagapagmana ng lahat! Sinong nagsabi na makukuha ng true heirs ang dapat na sa amin? Never!", sigaw ng babae sa kasintahan niya.

"Oh baby, kalma. Ngayong wala nang balakid sa pag-ibig nating dalawa, mas maganda kung ikasal na tayo", hinimas ng lalaki ang babaeng kasintahan niya.

"Learn how to wait baby. Baka pagsuspetyahan tayo ng mga kamag-anak niya. Lalo na ang nanay nila", tinulak ng babae ang kamay ng lalaki.

"Paano ang anak natin? Baka maghinala sila na lalo na't kamukha ko yung bata"

"Ano ka ba babe! May pera na tayo, we have what we call plastic surgery. Babaguhin natin ang mukha ng analk natin para hindi sila makahalata", malungkot na sabi ng babae sa kasintahan niya.

Masakit man sa isang ina na katulad niya ang palitan ang mukha ng anak niya lalo na't kamukha ito ng lalaking minamahal niya pero wala siyang magagawa.

Kailangan niya itong gawin upang hindi sila pagsuspentyahan ng mga tao sa paligid niya.

Buti na lamang at bilang lang sa kanyang kamay ang mga taong nakakita sa kanyang anak. At dalawa doon ay patay na.

Nakagat ng lalaki ang kanyang labi. Paulit-ulit niyang sinabi sa sarili na kailangan nila itong gawin para sa kinabukasan nila.

"Ayos lang Baby. Naiintindihan ko"

"Pero hindi niya maiintindihan. Bata lang siya pero kailangan nating baguhin ang mukha niya. Dahil lamang sa kamukha mo siya", malungkot na sabi ng babae sa kasintahan.

"Magiging maayos din ang lahat Babe. Maiintindihan niya rin ang lahat sa tamang panahon", pag-aalo ng lalaki sa babae.

Tumango na lang ang babae at saka pinaandar ang kotse bago sila tahimik na umalis sa lugar.

Ang mga taong nakipagtulungan naman sa babae ay napabuntong-hininga.

Sa wakas! At sa kanila na mapupunta ang lahat ng dapat na kanilang mamanahin.

Wala na silang aalalahanin pa.

Ang magkakapatid na iyon ang sagabal sa kanilang tagumpay. Hindi porket natagpuan na ang tunay na tagapagmana sa kanilang mga dapat ari-arian ibabasura na sila ng kanilang ama?

Hindi pwede!

Ngunit hindi nila kayang kalabanin ang mga rightful heirs.

Successful, rich, established careers at distinguished personalities sila.

Hindi nila kayang makipag kumpetensya sa kanilang apat.

Kaya isa lang ang kanilang naiisip na paraan.

Yun ay magtulungan sila upang hindi makuha sa kanila ang dapat ay kanila.

Matagal na pagpaplano at lahat ang ginawa nila.

Sinimulan sa panganay hanggang sa bunso. Ganyan nila silang magkakapatid napa-ikot sa kanilang mga palad.

At ngayong wala na sila sa mundong ito, hindi na nila kailangang mag-alala pa.

Dahil bukas na bukas ay magkakaalaman na wala na ang mga taong humadlang sa kanila.

Kanya-kanyang celebration ang ginawa ng mga taong ito. Hindi man halatang masaya sila sa pagkakamatay ng kanilang kalaban, alam nila sa mga sarili nilang magiging maayos ang lahat.

------------------------------

Kinabukasan ng mapayapang umaga, lahat ng tao ay nabahala sa una nilang nakita sa balita.

Sumabong ang internet sa umusbong na balita tungkol sa nakakaawa at malungkot na pagkamatay ng magkakapatid.

Isang namatay sa car crash, isang nagsuicide at isang pumatay ng kapwa niyang doctor bago nagcommit ng suicide.

Maraming chismis ang lumitaw sa mga comment sections ng webpages ng mga balita at maraming tumutok sa palabas sa kanilang mga telebisyon.

Naging maingay ang umpisa ng umaga.

Maraming nadismaya sa balita lalo na sa mga kamag-anak ng magkakapatid. Sikat ang storya ng magkakapatid dahil sa kanilang kagalingan sa kanilang mga careers.

Ang kanilang tagumpay ay nakalathala din sa mga dyaryo.

At sa mga hindi sila kilala, agad silang hinanap sa internet at binasa ang mga related articles tungkol sa magkakapatid.

Nagluluksa naman ang mga taong malapit sa kanila at kanilang mga kaibigan.

At dahil sa konting manipulation na iniwan sa lugar ng pinangyarihan, ay maraming nagalit kay Marco.

Ang Doctor Marco na kilala sa medicine field. Ang doctor na kilala hindi lang sa kanyang pilosopiya kundi pati na sa kanyang tagumpay ay ngayong kalaban ng buong bansa.

Nagkaroon pa ng suspetsa ukol sa suicide ng kuya niya at aksidente ng ate niya.

They are now pointing fingers kay Marco na siya ang may pakana kung bakit namatay ang kanyang mga kapatid.

Na planado niya ang lahat ng pagkamatay nila.

Imagine sabay-sabay silang namatay sa iisang araw lamang.

At ang huling namatay, ang may pinakamalaking naimambag sa larangan ng medisina at may pusong-mamon sa mga mahihirap ay isa palang masamang tao.

Ang mga taong nasa likod naman ng pagkamatay ng mga taong ito, ay ngayong nagliliwaliw dahil sa balita.

Ang mga kalaban at mga may ayaw sa kanila ay ngayong nagce-celebrate sa pagpanaw ng magkakapatid.

Lingid sa kanilang kaalaman, ang singsing na nasa daliri ni Marco ay kasalukuyang inaayos na ang mga files na narecord at mga ebidensyang nakalap ng bunsong kapatid.

Ang artificial intelligence na ginawa ni Marco at nakaprogram na i-upload ang mga nakalagay at nakastore na data ay maisawalat after mamatay ng may-ari.

Nagkakaaberya lamang dahil sa dami ng files na nasa singsing.

Hindi alam ng mga tunay na suspect ang tungkol sa singsing.

Ang kanilang kasiyahan ay hindi nila aasahang magiging maikli lang pala dahil sa isang pagkakamaling maayos na pag-inspect sa gamit ng mga namatay. Sa pagsira ng mga ebidensya.

Ang asawa naman ni Kayzel ay dumalo sa burol at sa pag-anunsyo ng inheritance na kanilang pineke. Samantalang ang tunay niyang kasintahan ay nasa likod ng upuan habang nakikinig sa magandang anunsyo ng kanyang kayamanan na makukuha mula sa tatlong magkakapatid.