Jekris' POV
*Hiccup*
*Hiccup*
*Sob*
*Sob*
*Hic-
*CRASH*
Tiningnan ko ang mga kamay kong sugatan dahil sa mga nadali kong vases dahilan para mabasag. Ang hapdi ng mga sugat. Tuloy-tuloy ang pagdudugo ng mga sugat na natamo ng aking mga kamay.
Napangiti ako sa sarili ko habang tinitingnan ko ang sarili ko sa reflection ng aking bintana sa loob ng aking condo. Siguro eto na rin ang kapalaran ko sa buhay. Hindi ko lang siguro matanggap na ganon ganon na lamang mangyayari ang lahat.
Lahat ng pinaghirapan ko; nawala, naglaho, magic. Para akong saranggola na nasa itaas. At dahil nasa itaas ako ay maraming nakatingin sa akin. At ako naman nakatingin sa ibaba thinking na doon lang ako at walang tatalo sa akin.
Sa sobrang kampante ay mas tumaas pa ang posisyon ng saranggola hanggang ito ay maputol sa tali at tuluyang bumagsak sa langit. Hindi man bigla ang pagkahulog ay masakit pa rin sa saranggola na bumagsak gayong siya ang tinitingala ng lahat.
Bitter smile kung tawagin nila. Yun ang mga ngiting kasalukuyang matatagpuan sa aking mukha.
Isang malaking panghihinayang ang makikita sa aking mga mata. Habang nakatingin sa madilim at tahimik na kalangitan sa gitna ng mailaw at maingay na siyudad. I pursed my lips to stop my tears from falling pero bigo ako.
Napatungo na lang ako at naipikit ang aking mga mata sa hirap at masasamang alaalang aking naranasan.
Isa akong matagumpay na business man. Sucessful CPA Lawyer. May sariling bahay, kotse, may pera. Hindi rin magpapatalo ang aking itsura. Napakapalad kong nilalang at nasambit ko itong lahat. Nagbunga ang aking paghihirap.
Pero sa isang maling desisyon, ay gumuho ang lahat. Dapat nakinig ako kay Ate sa simula pa lang. Dapat hindi ko na siya hinayaan pang makapasok muli sa buhay ko. Sa buhay naming lahat.
Akala ko ay magbabago na siya. Akala ko nagsisisi na siya sa mga nagawa niyang pagpapahiya sa burol ng Kuya ko. Biglang susulpot at sasabihing anak niya dinadala niya at ang kapal ng mukha upang humingi ng suportang hindi naman swak sa sinasabi niyang pangangailangan ng isang bata.
Pero buti na lang mas nanaig ang katotohanan. Nabunyag din sa mismong araw na yun ang kalokohan niya matapos i-play ang video na nagpapatunay na hindi sa Kuya ko ang batang dinadala niya.
Napaka haliparot. Hindi na nahiya. Kaya tumakbong luhaan sa kung saan man.
Pagkaraan ay nagpakitang muli dala ang kaawa-awang sitwasyon ng anak niya. Walang makuhang trabaho, at nangangailangan ng tulong.
Sabi sa akin ng aking Mama, "tumulong sa nangangailangan", kaya tumulong ako.
Pinatuloy sa condo unit ko, pinakain at binigyan ng trabaho. Oo umalis din sila nung nagkaroon na silang mag-ina ng pera para umupa ng tutuluyan. Pero doon pala siya magsisimulang guluhin at kunin ang lahat ng meron ako.
Palihim na ibinenta ang kumpanya ko sa kalaban. Nagbenta ng impormasyon sa who-knows-who na rivals ko. Unti-unti akong sinira sa publiko pati reputatsyon ng aking pinaghirapang itayong kumpanya ay dahan-dahang gumuho sa lupa.
Nadurog ito nang husto. Nagkabaon-baon sa utang, tinalikuran ng lahat. Ang pinaka mamahal kong babae iniwan ako dahil kapos na ako at tuyong-tuyo na.
Ilang taong nagtago laban sa mga kaaway ko na gusto na akong lagutan ng hininga. Inuunahan pa si kamatayang sunduin ako sa lupa.
Tanging ito na lamang ang meron ako sa buhay. Ang bahay na naipundar ko. Kung saan sila unang nanirahan. Ang saklap lang. Ang bait pa naman nung bata sa akin.
Yun pala malalaman kong anak siya ng asawa ng Ate ko.
Yung hayop na lalaking yun! Hindi man lang natinag at nahiyang kumuha ng pera mula sa Ate ko para maipang-gastos sa isa niya pang pamilya!
Siya nga ang dahilan kung bakit namatay ang anak nila ng Ate ko. Ni hindi man lang umattend sa libing o burol ng anak niya at mas inuna ang unang pamilya niya.
Ang walang-hiya na yun! Kasal na pala sa haliparot na babaeng yun, nagpakasal pang muli sa Ate ko upang makahuthot ng pera. Ang kapal kapal lang dahil ang dami niyang hinihingi sa Ate ko na akala mo tumatae ng pera ang kapatid ko.
Araw at gabi niyang pinagpapaguran ang mga perang pinaggagastos niya sa unang pamilya niya.
Gustong-gusto ko na ilayo ang Ate ko sa kanya. Pero siya itong ayaw makinig at ayaw tanggapin ang katotohanang nangangaliwa ang kanyang asawa. Ni hindi ko alam kung saan niya nakukuhang ipagtanggol ang lalaking iyon.
Nagwago siya! Dahil napaikot niya ang Ate ko ng husto to the point na ayaw na siyang iwan nito. At kapatid ko pa ang nakikipagsiksikan. Ipinagtabuyan kaming mga totoong nagmamalasakit sa kanya. Talagang nabulag na siya sa asawa niya.
Haissttt... hindi ko na nga maiayos ang sarili kong buhay aayusin ko pa ang problema ng iba? Natawa na lang ako sa sarili ko. Nilibot ko ang paningin ko sa nag-iisang natitirang pag-aari kong bahay. Ang mga boteng basag na nagkalat sa sahig, mga pinggan na nag-pile up na sa lababo, mga sala-salabit na damit at mabahong kapaligiran.
Naawa ako sa sarili ko. Hindi naman ako ganitong tao. Ewan siguro nawalan na ako ng inspirasyong mabuhay matapos mangyari sa akin ang lahat ng iyon.
Hindi ko namang ginusto na magkaganito ang buhay ko. Nagkanda-letche-letche na ang buhay kong punong-puno ng pangarap at potensyal.
Hindi ito ang buhay na gugustuhin ng mga kamag-anak ko sa akin, lalong-lalo na si Mama na nasa Europe na.
Pero wala akong magagawa. Isa ito sa pinakamasakit na sampal sa akin ng realidad. Bumakat ito sa puso ko. Mas masakit pa ito sa mga naranasan kong kamalasan sa buhay ko. Nakakatawa lang dahil ako ang pinakaasensadong tao sa aming magkakapatid pero tingnan mo ako na ngayon ang pinakakaawa-awa.
Buti pa si Bunso, walang nangyari sa kanya. Bukod sa hirap mula sa pag-aaral ng doktor ay naging smooth ang dinaanan niya hanggang sa makamit niya ang tagumpay na kanyang hinahangad.
Isa na siyang magaling na doktor sa medisina ngayon. Sayang lang at nadungisan ito ng walang-kwenta at lubog sa utang niyang kapatid.
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, o kung papaano ako tatayong muli sa buhay ko. Dahil ngayon pa lang ay bagsak na bagsak na ako. Wala na akong mahanap na rason upang mabuhay pa dito sa mundong ito.
Kumawala na sa aking bibig ang pinipigilan kong mga hikbi. Tumulo na nang tuluyan ang mga luhang pinipigilan kong tumulo.
Ang mga hikbi ko ay naging hagulhol. Ang paunti-onting patak na luha ay naging gripo sa lakas ng daloy mula sa aking mga mata. Ang kagat-kagat kong labi ay nagdurugo na sa sobrang diin ng aking pagkakakagat. At tuluyan na akong napaluhod sa sahig ng aking malamig at matigas na sahig.
Napaigik ako sa aking pagbagsak. Nadali ang aking tuhod sa dulo ng coffee table pero wala akong naramdaman na kahit anong sakit. Mas masakit pa ang sakit sa loob kesa sa labas.
Ni hindi ko naramdaman na may nabasag na naman akong muli marahil ay nadali mula sa aking biglaang pagbagsak sa sahig.
Ayoko na. Tuwing makikita ko ang apat na sulok ng aking bahay ay nakikita ko lamang ang bababeng yun na naglalakad sa harap ko kasama ang kanyang anak habang nakangiti sa akin ng sarkastiko.
Mas naiinis ako sa mga labing wagas kung tumangis sa akin ng tulong pero ngingiting parang demonyo tuwing ako ay nakatalikod. Ang kabaitang ibinigay ko ay sinuklian ng kasamaan. Totoo ngang walang fair sa mundo.
Ayoko na. Sawang-sawa na ako sa buhay ko.
At kahit nanlalabo ang aking mga mata mula sa pag-iyak ko, ay nahanap ko pa rin ang daan papuntang kwarto ko.
Naglakad ako papuntang tapat ng aking side drawer at binuksan ito. Kinuha ko ang mga gamot sa loob at tinaktak sa sugatan at nagdurugo kong mga kamay.
Matagal kong tinitigan ang mga gamot na iyon sa aking mga kamay.
May iiyak kaya kapag namatay ako?
May maawa ba kapag nawala na ako sa mundong ito?
May awa pa ba ang Diyos?
Kung meron sana hindi niya ginawang ganito ang buhay ko.
Sana ginabayan niya ako at hindi iniwang mag-isang nagdurusa sa paghihirap na ito.
Na sana kumpleto pa kami at nakakapagtawanan.
Nakagat kong muli ang aking labing nagdurugo at pinikit ko ang aking mga mata.
Eto na ang aking huling sandali sa mundo. Oo, panalo ka na, ikaw na ang nanalo sa pagkakataong ito. Pero sa susunod, kung magkakaroon man ng susunod na buhay, lalampasuhin kita Leah. Ipapatikim ko sa iyo ang lahat ng masasakit na dinanas naming magkakapatid sa iyo. Lahat ng sugat na ginawa mo, lahat ng dugong umagos sa sugat namin, at lahat ng luhang lumabas sa mga mata namin, isinusumpa kong mangyayari sa iyo. Maghintay ka lang, dahil ang galit ko ay dadalhin ko hanggang sa kabilang buhay.
Matapos kong masabi ang final decision kong pagganti sa susunod na buhay kung meron man, ay tinaktak ko ang lahat sa bibig ko sabay inom ng tubig.
Mabilis umepekto ang mga gamot dahil unti-unti na akong nalalagutan ng hininga. Natumba ang katawan kong nakasandal sa higaan sa sahig at inabot ko ang aking lalamunan.
Sobrang sakit, hindi ako makahinga! Ang laway ko ay umaagos palabas ng aking labi. Napangiti na lang ako.
"Ano ba yan? Mamamatay na nga lang masakit pa haist idiota"
Ang tanging kong nasabi bago magdilim ang aking paningin at malagutan ng hininga.