Althaea Cassidy's POV
Sa sobrang bilis ng panahon, hindi ako makapaniwala na maglilimang taon na pala kami in a relationship ni Greige. Bigla tuloy ako na-excite kahit two weeks pa naman bago ang exact date ng 5th year anniversary namin.
Last year sa United States kami nagcelebrate nito at balak kong dito naman kami ulit sa Pilipinas.
Napag-isip isip ko nga eh kung naalala pa kaya niya anniversary namin lalo na napakabusy na niya ngayon dahil siya na ang C.E.O ng kumpanya nila.
Sinubukan ko siyang tawagan ngayon dahil alam kong lunch break naman ngayon at kumakain na rin siya ng ganitong oras.
Nagtipa ako sa aking cellphone at tinawagan si Greige.
Bakit panay ring lang ang cellphone niya? Huwag naman niyang sabihin na busy pa siya sa ganitong oras? Hindi ba niya napapansin na tanghali na? Huwag naman sana siyang magpalipas ng gutom. Masama sa kalusugan 'yon.
Inulit ko ang pagtawag sa kanya subalit hindi niya pa rin sinasagot.
Ngayon na nga lang ulit kami makakapag-usap through calls kasi kapwa kami busy. Tanging text lang ginagawa namin kaso minsan hindi naman siya nagre-reply.
Bigla na lang akong nakarinig ng katok sa pintuan ng opisina at nilingon ko ito, hinayaan ko na lamang pumasok siya. Si Troezen. Isa siya sa naging business partner ng kumpanya namin at nasa kabilang building ang business na pinapatakbo niya ngayon. Madali lang sa kanya makapunta dito sa opisina ko sa tuwing lunch break kaya madalas rin kami magkasama nito at nagkakausap.
"Oh bakit nakasimangot ka diyan? May problema ba?" nag-alalang tanong niya sa akin kaya napailing-iling na lang ako dahil ayaw ko sabihin sa kanya ang problema ko.
Hindi ko kasi pinapaalam sa kanya ang tungkol sa amin ni Greige dahil ayaw ko nang mag-alala pa siya at mag-isip ng kung anu-ano.
"Wala naman. Gutom lang siguro ako. Halika na kumain na tayo." hinila ko na siya para mawala na yung isip niya kung bakit ganito ang itsura ko ngayon.
Siya na ang nag-order ng pagkain na parati niya pa ring ginagawa. Napaka-sweet at caring pa rin niya katulad ng dati. Ang swerte naman ng babae magiging girlfriend niya dahil wala nang hahanapin pa.
"Kumain ka ng marami ah. Namamayat ka na masyado kakatrabaho." dagdag pa niya at tumango lang ako bilang sagot.
Habang ngumunguya ako ng pagkain napansin ko ang pagtitig niya sa akin kaya napatitig rin ako sa kanya na agad naman siyang umiwas.
"May dumi ba ako sa mukha o sami sa bibig?" tanong ko sa kanya.
"Wala naman." napangiti siya na naipagtaka ko.
"Ano nginingiti-ngiti mo diyan ahh?"
"Hindi ka rin pala talaga nagbabago, Thaea. Ikaw pa rin 'yong babaeng minahal ko simula't sapul."
Sa sinabi niyang 'yon bigla ko siyang hinampas sa braso. Kung anu-ano na lang sinasabi.
"Hay nako Zen. Hindi ka makakahanap ng girlfriend sa ginagawa mong 'yan."
"Wala na akong balak magkaroon pa ng bagong gf. Kuntento na akong nakikita kita, nakakausap at nakakasama bilang magkaibigan. Wala na akong ibang mahihiling pa." sabi niya saka tinuloy muli ang pagkain habang ako naman nakaramdam ng awa sa kanya.
Sa totoo lang kasi, ayaw kong habambuhay siya maging ganito. Gusto ko may babaeng magmamahal sa kanya ng higit pa sa pagmamahal na ibingay ko sa kanya noon. Bilang kaibigan niya, nais kong maging maligaya siya pagdating ng araw.
"Pero Zen hindi ito ang gusto ko para sayo."
"Hayaan mo ako Thaea at saka masaya naman na ako na kahit magkaibigan lang tayo."
Nanatili pa rin siyang nakangiti habang sinasabi niya iyon sa akin pero nararamdaman ko pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata.
Kung hindi na lang sana ako pumayag magpanggap at sa kagustuhan ng mga magulang ko kami pa sana at siya pa sana mahal ko.
Pinagsisihan mo bang minahal mo si Greige?
May parte sa isip ko na oo kahit mahal ko siya.
Di ba kapag mahal mo dapat tanggap mo kung ano siya? Kapag mahal mo hindi ka dapat nanghihinayang?
Ewan ko ba bakit ko pa iniisip 'to. Mahal na mahal naman ako ni Greige at nararamdaman ko naman iyon, sobrang mahal ko rin siya na mas higit pa sa pagmamahal ko kay Zen noon. Pero bakit ganito? May mali ba sa aming relasyon? Bakit parang hindi ako sigurado ngayon? Dahil lang ba wala na kaming time para sa isa't isa?
Hindi naman ata sapat na dahilan 'yon para kuwestiyunin ko ang aking pagmamahal para kay Greige.
"Uy Thaea!" nabalik na lang ako sa ulirat nang gulatin ako ng kasama ko.
"Huwag mo nang isipin yung mga sinabi ko at wala kang dapat ipag-alala sa akin." wika niya na may ngiti pa rin sa kanyang mga labi.
"Pero...."
"No but's." kontra niya pa sa sasabihin ko.
Pagkatapos namin kumain ng lunch break tumungo na rin kami sa kanya-kanya naming opisina at siyempre hinatid niya pa talaga ako kaya hindi maiwasan ng mga empleyado na kiligin sa aming dalawa na kahit sinabi ko sa kanila na magkaibigan lang kami ni Zen.
Maraming akong tinapos na paperworks ngayong araw kaya naman makakauwi na ako ng maaga ngayon.
Magkasabay na rin kami umuwi ni Zen at hinatid na rin niya ako sa bahay na parati niyang ginagawa.
Dapat nga si Greige ang gumagawa nito sa akin pero parati na lang siya busy.
Pagkabihis ko ng pambahay, muli kong hinablot ang cellphone sa table at sinubukang muli na tawagin si Greige.
Sobra akong nadismaya na hindi niya sinasagot mga tawag ko nitong mga nakaraang linggo na hinahayaan ko lang tutal sobrang busy siya sa pagiginh C.E.O.
Minsan hindi ko maiwasan ang maghinala sa kanya dahil sa tuwing nagkakausap kami sa phone ang cold niya na hindi ko malaman ang dahilan.
Eh di kaya nagkabalikan na sila ni Phoebe? Baka siya naman talaga ang mahal ni Greige at hindi naman ako dahil naawa lang siya sa akin at nagkasakitan sila ni Zen noon?
Kung anu-ano na tuloy pumapasok sa isip ko ngayon. Muli ako napalunok sa mga nang mapagdesisyon kong puntahan si Greige sa opisina niya.
Tama. Kakausapin ko siya bukas at kakamustahin na rin.
KINABUKASAN. Nagpaalam muna ako kay Zen na hindi ko siya makakasabay ng lunch dahil bibisitahin ko si Greige sa opisina niya baka nakakalimutan na rin niyang kumain sa tanghali at magkasakit naman siya.
Naglalakad na ako ngayon palapit sa office niya hanggang sa kumatok na ako.
"Come in." seryosong tugon niya.
Nakangiti ako nang buksan ang pinto nang bumungad sa akin ang mga nakapatong na papeles niya sa kanyang table habang nakatutok naman siya sa computer.
Napapansin kong parang hindi niya napapansin ang presensya na pagparito ko.
"Greige...." sabi ko kaya napalingon na siya sa akin na seryoso ang mukha.
"Hindi ka man lang nagtext na pupunta ka pala." malamig na tugon niya.
"Gusto ko kasi ma-surprise ka kaya hindi ko sinabi." saad ko habang nanatili pa rin ang pagngiti ko.
"Hindi naman ako na-surprised."
Nagulat na lang ako sa naging sagot niya sa akin kaya nilapag ko na muna ang pagkain na inorder ko kanina baka mahulog pa ito sa mga kamay ko.
"Mabuti pa kumain na muna tayo." pag-iba ko na lang ng usapan kaya unti-unti ko nang nilabas ang mga pagkain binili ko kanina.
"Mamaya na lang ako kakain wala akong gana."
Tumigil ako sa paglabas ng mga pagkain at muli siyang hinarap.
"May problema ba tayo Greige? Please sabihin mo naman ohhh. Pwede naman natin pag-usapan habang kumakain tayo." malumanay kong saad sa kanya subalit isang mapaklang ngisi ang ginawad niya sa akin.
"Iwasan at layuan mo na si Troezen."
Napaatras ako sa sinabi niya.
Hindi ako papayag na layuan si Zen. Ayaw kong maging miserable ang buhay niya. Kaibigan na lang nga ang maiibigay ko sa kanya bakit ko pa ipagkakait sa kanya 'yon.
"Hindi ako papayag. Kaibigan ko siya."
"Kaibigan nga ba?"
"Magkaibigan lang kami ni Zen eh. Ilang beses ko ba sasabihin sayo 'yon."
"Hindi ako naniniwala. Hindi ko nga masasabi kung ako nga talaga ang mahal mo at hindi siya."
"Nagseselos ka lang wala sa lugar, Greige. Itigil mo na 'to please." nagmamakaawang saad ko kanya.
"Alam mo na pala eh. Bakit hindi mo na layuan ang lalaking 'yon?"
"Kaibigan ko siya, Greige. Hindi ko pwede gawin sinasabi mo."
"Ngayon papipiliin kita kung sino sa aming dalawa ang pipiliin mong makasama."
Mas nagimbal ako sa kanyang naging pahayag kaya ganun na lang ang pagbagsak ng aking mga luha.
"Si Troezen o ako?"
"Wala akong pipiliin sa inyong dalawa."
mabilis kong tugon.
"Let's break up."
Bumagsak ang dalawang balikat ko nang sabihin niya 'yon. Kaya mas lumapit pa ako sa kanya para makiusap.
"No, Greige. Huwag mong gawin ito please. Maniwala ka naman sa akin na ikaw lang ang mahal ko at kaibigan lang turing ko kay Zen."
Pagsusumamong tugon ko sa kanya at niyakap pero pilit niya akong nilalayo kaya muntik naman ako matumba sa malakas na pagtulak niya sa akin.
"Tapos na tayo Althaea kaya wala ka ng karapatan pa para pumunta pa dito at kausapin ako."
Mas lalo akong humagulgol sa harap niya habang hinahayaan lang ako sa kung ano mangyari sa akin.
"Hindi ako makakapayag sa gusto mo." muli nanaman akong yumakap sa kanya saka naman niya ako kinaladkad palabas ng kanyang opisina.
First time kong makiusap at sumuyo sa isang lalaki. Wala akong pakialam sa ego ko basta't huwag lang si Greige sa akin. Kahit hindi tama itong ginagawa ko basta mapigilan ko lang siya.
"Greige....." habang pilit kong yumakap sa kanya.
"Umalis ka na Althaea. Huwag ka ng babalik at magpapakita pa sa akin. Tapos na tayo." sabi niya sabay tulak sa akin palabas saka sinarado ang pinto.