Dalawang buwan na ring lumipas pagkatapos akong naospital sa nangyaring pagkaaksidente sa akin at dalawang buwan na ring nagdaan na hindi na kami nagkikita ni Zen dahil sa palagay ko sinisisi niya ang sarili sa nangyari sa akin. Kahit nasabi ko naman na hindi siya ang dahilan kung bakit nakipag-break sa akin si Greige. Siguro napakababaw ng naging rason ko kaya hindi niya pinaniwalaan. Feeling ko tuloy na-guilty pa rin ako sa nangyayari.
Napabuntong-hininga bago kong napag-isipan bumubaba na ng kwarto para kumain na ng breakfast kasama ang parent ko.
"Good morning, Althaea. Heto nagpaluto akong luncheon meat na paborito mo ring kainin." sabi ni Mom habang tinuturo ang nasabing pagkain.
"Kamusta ka na anak? Papasok ka ba ngayon?" bungad na tanong naman ni Dad.
"Hindi po. Nagbigay naman po ako ng permiso sa HR na magli-leave ako ng ilang araw pati po sana sa inyo ngayon." nakaseryoso kong sabi saka umupo na rin para kumain na ng breakfast.
"Ayos lang sa amin anak na hindi ka na muna papasok sa opisina. Alam naman kasi namin ng Mom mo na hindi madali yang pinagdadaanan mo ngayon."
Napangiti naman ako sa sinabi ni Dad kaya kahit papano naalis yung bitterness ko sa araw na ito. Simula kasi noong hindi nagparamdam si Greige, simula noong napansin kong wala na siyang pakialam sa akin naging ganito na ako. Dati rati parati akong nakangiti at napakaganda ng mood ko ngayon napaka-bitter ko na at parating seryoso kaya ganun na lang magtaka ang ibang empleyado sa akin pati si Athena. Sinabi ko kina Mom and Dad na huwag na muna nilang sasabihin kahit kanino ang tungkol sa amin ni Greige dahil kapag nalaman niya pa 'yon tiyak akong susugod iyon sa opisina nila baka masira pa ang reputasyon niya bilang C.E.O pati ng kumpanya.
"May pupuntahan ka ba ngayon anak?" tanong naman sa akin ni Mom.
"Opo sa kahit saang lugar na matipuhan kong puntahan. Gusto ko lang i-relax muna ang isip ko para naman mabawasan itong nararamdaman ko at makapag-focus nang maayos sa trabaho."
"Huwag mong aalahanin ang mga aasikasuhin sa kumpanya, Thaea. Isipin mo lang muna ang sarili mo. Kami na lang bahala doon, ok?" maotoridad na saad ni Dad at napatango-tango na lang din ako bilang tugon. "Basta mag-iingat ka lang at kung kailangan mo ng tulong, tawagan mo lang kami." bilin pa niya.
"Yes Dad." maikli ko lamang na sagot.
Pagkatapos nilang kumain. tumayo na rin sila para ihanda na ang sarili sa pagpasok sa trabaho habang ako nanaman kumakain pa rin.
Mga ilang sandali pagkatapos kong bumalik sa kwarto para mag-ayos, nagpaalam muna ako Yaya Helena saka na ring lumabas at pinaandar ang kotse.
Nakarating na rin ako sa lugar na kung saan matatanaw mo ang buildings at ang buong kabahayan na nakapalibot sa siyudad pati ang mga sasakyang dumaraan sa kalsada.
Patuloy lang ako sa paglakad hanggang sa may nakita akong isang pamilyar na lalaki tinawag ko ito at lumingon sa akin. Dalawang buwan na ring hindi kami nagkita nito kaya ganun na lamang niyakap niya ako nang napakahigpit at hinayaan ko lang siya.
"Kamusta ka na?" bungad ni Zen sa akin.
"Ayos pa naman ako." sabi ko naman sa kanya.
"Namayat ka ng husto Thaea. Huwag mo naman sana pabayaan ang sarili mo nang dahil sa walang kwentang lalaki na 'yon."
Kahit naiinis na siya naroon pa rin ang pag-alala niya sa akin bilang kaibigan. Na-missed ko rin siya sa totoo lang.
"Mabuti pa umupo tayo doon tapos hintayin mo ako bibili lang saglit ng makakain natin." sabi niya saka na kaagad na dumiretso kung saan may mga nagtitinda na mga pagkain.
Napapaisip na lang ako sa aking sarili na hanggang kailan kaya ako magiging ganito dahil sa kanya. Bakit hindi ko magawang mag-move on para makalimutan ko na siya na kahit anong gawin ko wala pa ring nangyayari apektado pa rin sa break up namin, sa pangloloko niya sa akin ng harapan at pagbabalewala. Hindi ko na talaga naiintindihan ang sarili ko ngayon. Masyado kasi pa kasi akong nagpapadala sa emosyon ko nang dahil kay Greige na matagal namang din walang pakialam.
"Siya nanaman ba iniisip mo?" napa-smirk na lang siya sa kanyang tanong. "Ilang beses ko naman na ipaalala sayo na kalimutan mo na siya." naiinis na sabi niya.
Kung madali lang sana kalimutan siya noon pa sana noong nahuli ko siyang may kahalikan na ibang babae at yung pagbalewala niya sa akin noong naaksidente at naospital ako, ni anino niya hindi ko man lang nakita at ni boses niya wala akong narinig. Saka mahigit sa apat na taon na rin ang tinagal ng relationships namin tapos mauuwi na lang sa hiwalayan dahil sa isang misunderstanding lang naman. Siyempre hindi ganoon kadali sa akin na makalimutan siya dahil sobra ko siyang minahal higit pa sa pagmamahal na ibinigay ko kay Zen noong kami pa.
"Hindi ganoon kadali Zen." sabi ko pa sa kanya dahilan para mapalingon siya sa akin.
"Alright. Heto kainin mo muna." pagdivert na niya ng usapan.
Alam kong nasasaktan na rin siya dahil sa pinagdadaanan ko ngayon kaya ganito na lang siya mainis. Matagal na rin kaming nanahimik sa isa't isa hanggang siya na mismo ang nagsalita at nagyaya sa akin na maglakad-lakad dito sa lugar.
"Akala ko hindi na tayo magkikita pero nagpapasalamat ako kay Bathala na pinagtagpo niya tayo rito." sabi niya habang nakatingin lang sa aming dinaraanan.
"Nagulat nga ako nang makita kita dito."
Lumingon siya sa akin dahilan para tumigil kami sa paglalakad. "I am sorry sa nasabi ko kanina sayo. Nadala lang rin kasi ng emosyon dahil sa nararamdaman ko para sayo Althaea." sabi niya saka muli kaming naglakad at pinagmamasdan ang buong paligid at nilalanghap ang masarap na simoy ng hangin
Nang mapagod naman kami sa paglalakad, napagdesisyon naming umupo sa may tabi para makapagpahinga.
"Buo ng desisyon ko, Althaea." sambit niya kaya napatingin ako sa kanya. "Na hindi na ako lalayo sa tabi mo. Hindi na kita hahayaan na maging miserable ang buhay mo ng dahil lang sa lalaking 'yon. Aalayan kita at tutulungang makalimutan siya. Papayagan mo ba akong manatili sa buhay mo bilang isang kaibigan?"
Napatango naman ako sa kanyang tanong at pumayag ako sa gusto niya tutal wala naman na kami ni Greige at masaya na siya sa ibang babae dahil siguro hindi talaga kami ang para sa isa't isa.
Pinagtagpo lamang kaming dalawa ngunit hindi tinadhana para sa isa't isa.
Akala ko nga kami na talaga ang magkakatuluyan sa huli dahil sa tagal na rin ng relasyon pero hindi pala. Wala nga talaga sa tagal ng pagsasama kung magkakatuluyan ang dalawang tao kundi nasa kapalaran 'yan.
"Mahal na mahal kita, Althaea kaya hindi ko hahayaan na magdurusa ka pa ulit nang dahil sa kanya. Hinding-hindi na ako papayag pang muli. Handa akong sumugal kahit di sigurado kung mamahalin mo pa rin ako pabalik basta makasama lang kita at bumalik ka sa dating babae na nakilala ko at minahal nang lubusan."
Pagkatapos niyang sabihin iyon, unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin hanggang sa maglapat na ang aming mga labi. Hindi ko na siya pinigilan pang gawin ito dahil gusto ko siyang pagbigyan at makabawi sa sakit rin na naidulot ko sa kanya.
Tama itong ginawa ko ang pagbigyan siya dahil sa pamamagitan ng kanyang halik nararamdaman ko kung gaano niya ako kamahal at pinahahalagahan kahit magka-ibigan lang kami na kahit hindi na siya yung tinitibok ng aking puso.
Patuloy lamang ako sa pagrespond sa kanyang halik hanggang sa nararamdaman ko na ring palalim-lalim na rin ito. Hindi ako tumigil at hinayaan ko lang siya tutal malaya rin naman ako, walang masasabing nagtaksil ako kay Greige na siya naman ang unang nagloko sa aming dalawa ano pa.
Pagkatapos naming mamasyal ni Zen, umuwi na rin kami gamit ang kotse ko gayundin sa kanya. Dumiretso na kaagad ako sa kwarto at nagbihis ng pambahay saka naupo sa kama at sumandig sa headboard nito habang iniisip sa nangyari sa amin ni Zen.
Hinayaan ko lang siyang halikan ako at tumugon din sa mga halik siya. Ginawa ko 'yon para maibsan ang sakit nararamdaman niya kahit labag din sa akin. Hindi naman ako na-guilty sa hindi ko pagpigil sa kanya tutal kagustuhan ko ring mapagbigyan siya kahit sandali.
Hinihiling ko na sana matutunan ko ulit siyang mahalin o maibalik ang dating pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya at kalimutan na rin si Greige. Sa aming dalawa ako ang lugi. Siguro ito na ang tamang panahon para makapag-move on dahil wala naman na kakahantungan ang feelings ko para kay Greige lalo pa kung masaya na siya sa bagong girlfriend niya ngayon at mukhang tuwa-tuwa pa 'yon pinagsasaluhan ang isa't isa.
Hays ano ba pumapasok sa isip mo Thaea? Nagiging censored ka na rin ba ngayon?
Tinatapik-tapik ko ang aking pisngi nang ma-realized ko agad ang kaing sinabi. Nakaramdam bigla ako ng kilabot sa aking iniisip at mabilis na tibok sa aking puso dahil sinasaktan ko rin naman ang sarili.
Mag-move on ka, Althaea! Kalimutan mo na siya tutal kinalimutan ka na rin niya ng ganoon ng kabilis kahit matagal kayong nagsama.
Tama. Magmo-move on na ako simula ngayon at magandang bagay rin na nariyan si Zen sa tabi ko. Sa kanya ko na lang muli pagtutuunan ng pansin baka sakaling maibalik ko pa ang feelings para sa kanya.
THE FOLLOWING DAY.
Napagdesisyon kong pumunta sa farm namin at malayo ito sa mansion na kung saan isang oras ang biyahe papunta roon. Nakapagpaalam na rin ako kina Mom and Dad kanina pati kay Yaya Helena bago tumungo pasakay sa aking kotse.
Tinignan ko muna ang mga dala ko baka may nakalimutan dalhin na mga kailangan. Napansin kong nandito na lahat kaya pinaandar ko na ang sasakyan saka na pinatakbo palabas.
Pagkarating ko sa lugar, kaagad sumalubong sa akin ang mga tauhan roon ang katiwala ng bahay. Masaya silang bumati sa akin pagakatapos bumalik na ulit sila sa kanilang mga trabaho. Pinapasok na rin ako ng mga katiwala roon at pinatuloy kaagad ako sa kwarto na kung saan ako tumuloy rito noong nagkita ulit kami ni Athena.
"Matagal ka na naming hindi nakikita, Ma'am Thaea pati yung kambal mong si Athena. Kamusta ka naman?" ka-edaran din ito ni Yaya Helena na si Aling Mildred.
"Ayos naman po. Busy din po kasi sa kumpanya kaya po hindi na nakakapunta dito."
"Oo nga eh pero yung Mom and Dad niyo tatlong beses ata sa isang buwan pumupunta rito para silipin yung mga trabahador at bisitahin ang bahay pati ang lupain." pagkukuwento niya.
Wala nga akong ka-ideya ideya na pumupunta rin pala sila rito sabagay nakakarelax kasi ang ambience dito kaysa doon sa mansion palibhasa ang lugar napapalibutan ito ng mga punongkahoy at mga pananim ng mga gulay at prutas kaya mas masarap langhapin ang hangin.
Napapaisip tuloy akong pumunta rito kada buwan kahit isang beses lang para magpahinga at mag-relax.
"Tamang-tama Ma'am Thaea ang inyong pagdating may niluto kaming sopas dito." magiliw na sabi naman ni Rica na naabala sa pagkuha ng aking pagkain. "Heto po." nginitian ko siya saka tinikman ang luto.
Napakasarap kaya tuloy lang ako sa pagsubo lalo pa nagutom din ako at napagod sa mahabang oras ng biyahe.
Habang kumakain nakikipag-usap pa rin sila sa akin hanggang sa matapos ko ang kinakain.
"Talagang napakaganda mo talaga, Ma'am Thaea." nakangiti habang pinupuri ako ng isa mga katiwala dito na si Glydel.
Napayuko na lang din ako dahil naiilang sa kanilang mga compliments sa akin.
"Ikaw pa rin talaga si Ma'am Thaea na kilala namin noon." si Yaya Mildred.
Pagkatapos ng kwentuhan namin, pinuntahan ko muna ang mga trabahador sa labas at bumalik naman sa kanilang mga ginagawa ang mga katiwala ng bahay.
Tinignan ko lang sila kung papaano magtrabaho dito sa farm sa di kalayuan para hindi sila ma-distract sa akin sa kanilang ginagawa. Mga ilang sandali iniwan ko na sila doon at pumunta roon sa may papasok papunta sa taniman ng mga palay at mais. Saglit ko lang 'yon tinignan dahil kailangan ko na munang magpahinga ngayon at mamaya na lang ako magagala dito.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at alas-tres na pala ng hapon. Naalala kong hindi pa pala ako nakakapag-lunch sabagay kumain naman ako ng sopas bandang alas-diyes.
"Hello po, Ma'am Thaea buti gising ka na may merienda po dito para sa inyo." alok sa akin ni Rica.
Naupo na kaagad ako at kumain ng pagkaing inihanda ni Rica. Pagkatapos, binalak ko na rin gumala sa buong farm pero hindi ko pa lahat ito mapupuntahan dahil sa lawak nito. Sa malapit lamang ako magpupunta lalo na hapon na rin at bukas na lang ako pupunta sa malayuan gamit ang scrooter ni Mang Felipe na siyang humahawak at namamahala sa mga mangagawa dito.
Naglalakad ako papunta sa puno ng mangga nang may bigla nagtakip ng aking mga mata. Inamoy ko ang pabango nito dahilan para madali ko siyang makilala. Si Zen.
Paano niya nalaman na nandito at napuntahan itong lugar dahil kami lang naman ni Athena at ng parents ko nakakaalam ng lupaing namin na ito.
"Ikaw si Zen." mabilis kong sabi na kaagad naman niyang inalis ang kanyang mga palad at humarap ako sa kanya.
"Paano mo nalaman na nandito ako ahhh? Saka papaano mo natunton itong lugar samantala kami lang sa pamilya ang nakakaalam nito?" sunod kong tanong sa kanya at nginitian niya lang ako.
"Sinabi sa akin ng Dad mo nandito ka raw nang pumunta ako sa mansion niyo para bisitahin ka sana." sabi niya. "Di ba sabi ko sayo kahapon hinding hindi na ako lalayo sa tabi mo kahit siya pa rin ang mahal mo?"
Naalala ko naman iyon eh pero, ewan.
"May mga dala ka bang…." pinatigil niya kaagad ako sa aking sinasabi.
"Mayroon akong dala pagkatapos kong pumunta sa bahay niyo, umuwi ako para magdala ng mga gamit."
Napatango-tango lang ako bilang sagot at tinalikuran para maglakad-lakad ulit. Hindi po kasi kaya yong magsasama kami ng ganito katagal, gusto ko lang sana ako lang muna.
"Hindi ka ba masaya na nandito ako?" tanong niya habang hinahabol ako sa paglalakad.
"Hindi naman sa ganun." maikling sagot ko.
"Bakit parang nag-iba kaagad ang mood mo? Kung ayaw mo ako makasama sabihin mo lang, aalis naman ako at rerespetuhin ko ang desisyon mo."
Bigla akong nakaramdam ng awa kaya bigla ko na lang siya niyakap nang napakahigpit at ganun din siya. Sobrang tagal ng yakap na 'yon na parang ayaw ko ng kumawala sa mga yakap niya dahil lalo pa na sobra pa rin akong nalulungkot dahil ko matanggap na iniwan na ako ni Greige at sumama sa ibang babae. Gusto ko nang may masasandalan ako sa oras na ito at makakasama. Muli kong binawi ang sinabi ko kanina na ako lang muna. Hindi ko kaya ata mag-isa na nalulungkot at walang makikinig sa aking mga hinaing sa kanya. Ngayon narito ang taong alam kong hindi ako pababayaan at iiwan, wala ng iba kundi si Zen.
Sobra akong nagpapasalamat sa kanya na kahit nasasaktan na siya hindi niya pa rin ako iniiwan sa ere na panahon na kailngan ko ng karamay.
Huwag kang mag-alala Zen babawi ako sayo, susuklian ko lahat ng kabutihan na pinakita mo sa akin kahit wala akong kasiguraduhan na masusuklian ko rin ang pagmamahal mo, papahalagahan ko lahat ng pagmamahal mo na lang sa akin bilang kaibigan mo.
Pagkatapos ng pagyakap hinalikan niya ako sa noo saka na niya ako hinila pabalik ng bahay na magkahawak pa aming mga kamay.