Mahigit isang linggo lumipas nang mamasyal at i-tour ako rito ni Phoebe sa Japan. Sariwa pa rin talaga sa akin ang masayang moment na 'yon, napakagandang i-imagine lang siya. Napansin ko ang laptop sa desk table at biglang rumehistro sa aking isip 'yung sinusulat kong nobela. Napabangon ako bigla sa kama at naupo saka binuksan ang gadget. Naka-type na agad ako ng mga benteng salita nang may biglang tumunog.
Nahinto tuloy ako at tumayo, lumabas ng kwarto upang tignan sa living room. Sa isang screen doon sa katapat ng pintuan, biglang aking nakita ang kamukha ko na may mga kasamang maliliit na bata. Sobra akong nagulat lalo pa, walang pasabi si Athena na pupunta na sila rito ng ganitong araw at oras.
Nagmadali kong pinindot open button hanggang sa nagbukas ang pinto at niluwa nito ang aking kakambal at dalawa kong pamangkin na kambal din at ang yaya nito.
"Hi, Althaea!" Masayang bati sa akin ng aking kapatid saka niya ako niyakap ng napakahigpit.
Maya-maya humiwalay siya at lumapit naman sa akin ang dalawa kong pamangkin. Umupo ako upang mayakap ko sila.
"Hindi man lang kayo nagpasabi na pupunta na pala kayo dito sa Japan. Eh di sana nakapaghanda akong ng makakain niyo." saad ko habang tumungo muna ako ng kusina. "Anong gusto niyong kainin? Ipagluluto ko kayo?
"Tulungan ko na po kayo, Ma'am!" Presinta sa akin ng yaya ng mga pamangkin ko.
"I like noodles, Tita Ganda." Suhestiyon ni Talia subalit hindi sang-ayon si Timothy sa kanya.
"Noodles, again? Are you sure of that, Talia?" Reklamo nito. "Mommy, sawa na ako sa pagkain na 'yon. Can we eat something new?"
"No. I like noodles." Muling giit ni Talia kaya naman nagpapalit ang tingin ko sa kanilang dalawa.
Napansin kong nakuha nga pa ni Talia ang ugali ng kanyang ina, hays. Nako baka paglaki niyan magiging tulad siya ni Athena. Mga ilang sandali pumagitna na sa kanila ang kakambal ko.
"I prefer to eat noodles." Biglang sumimangot ang mukha ni Timothy dahil hindi siya yung nasunod.
"Why Mom?" aniya. "Why you always listening to that girl?" Nagtatampong saad nito pero wala siyang nagawa kundi tumigil na lang pero dinilaan pa siya ni Talia kaya lalo pa nagbangayan ang dalawa.
"Stop!" Suway ni Athena sa kanila. "Hindi niyo nakikita na nasa bahay tayo ng Tita niyo? Say sorry to her." Utos niya rito pero sabi ko 'huwag na lang'.
"No, Althaea they need to apologize since hindi nila ginagalang." giit niya pero tumanggi ulit ako.
"Say sorry to your aunty, now." Sumunod ang dalawang bata sa kanya at hinimas ko lang ang ulo ng dalawa na ayos lang sa akin iyon.
Pagkatapos niyon, sinimulan ko na magluto at mga ilang minuto ay naghain na rin kami. Matapos kumain, inayos at inihanda ko muna ang kanilang magiging silid. Hinayaan ko muna sila makatulog at itinuloy ko ulit ang sinusulat ko. Alam kong kailangan muna nila magpahinga.
Nang matapos ko ang dalawang chapters ng story, lumabas na ulit ako ng kwarto upang maghanda ng merienda saka makapagluto na rin ng dinner.
"Oh Thena!" Napalingon ako sa kanya. "Kamusta ang tulog niyo?" Habang nagluluto ng pancakes at nagsasalita ng tsaa sa mga baso.
"Ayos naman. Mga bata tulog pa." agad niyang sagot at tinulungan na rin niya ako. "Kamusta ka naman dito sa Japan? Naka-move on na ba?" Bigla akong natigilan sa kanyang huling tanong.
Masasabi kong hindi pa ako nakaka-move on sa kanya. Parati ko pa rin siya iniisip, hindi mawala sa aking isip lahat ng nangyari dahil di ko sukat-akalain na maghihiwalay pa kami. Ang sakit lang talaga na malaman nang dahil lamang sa maliit na bagay humantong kami sa ganito.
"I know, sis. Huwag ka na magsalita. I see it in your eyes that you still not moving on to that guy." Sambit niya.
Hindi naman kasi gan'on kadali makalimot sa isang tao na minahal mo ng sobra lalo pa't may matagal kayong pinagsamahan. Sinubukan ko naman siyang kalimutan pero bigla na lang siya pumapasok sa isip ko. Ewan ko ba? Bakit hindi ko siyang gawang kalimutan kahit sinaktan na niya na ako ng sobra.
"I tried, Athena pero wala eh mahal ko pa rin siya." Iyan na lang ang nasabi ko dahil hindi naman ako makakapagsinungaling pa.
Napabuntong-hininga na lamang siya sa naging sagot ko. "But you have too. Masaya na siya sa babae niya ngayon as I saw them from a few days ago. They are very sweet couple right now the way you did before."
Mas lalong nasaktan sa aking narinig mula sa aking kakambal. Ako na lang pala ang hindi pa nakaka-move on sa isa't isa. Gan'on na lang pala sa kanya kadali makalimot sa tagal ng aming relasyon. Masasabi ko ngang hindi na talaga kami ang para sa isa't isa.
Mayroong bagay inabot sa akin si Athena. "Ano ito?"
"Do you want to forget him?" Tanong naman niya sa akin.
Gusto ko naman kaso hindi ko magawa kaya na lang pati si Zen nagawan na ring sumuko sa akin at bumalik na lang ng Pilinas. Kamusta na kaya siya?
Tumatango lamang ako bilang sagot. "So basahin mo ang mga nakasulat diyan."
Binuksan ko ang notebook at bumungad sa akin ang mga lists na gagawin kaya napakunot ang aking noo dahil hindi ko naiintindihan ang ibig sabihin nito.
Napansin naman ako ni Athena kaya kaagad siyang nagsalita. "Those are the lists you should do to lose into your memory and heart from guy who broke your heart. I wrote that before deciding to visit you here in Japan. I thought it could help." sabi niya saka ko lang na-gets ang nakasulat rito pero ang tanong magagawa ko ba lahat ng nakasulat dito. Magagawa ko pang baguhin ang sarili para tuluyan na siyang kalimutan? Ito ba yung solusyon para mabura nas siya sa isip ko.
"Hindi ko magagawa 'to, sis." Binalik ko sa kanyang notebook na hawak ko. Hindi ako sang-ayon sa ganitong set up para makalimot. Ayaw kong baguhin ang sarili nang dahil lamang sa broken-hearted ako kundi gusto ko ay mawala ang feelings ko para sa kanya para hindi na ako nalulungkot ng ganito.
"What did you just say?" Sarkastikong tugon ng aking kakambal. "Althaea naman. If you really want to happy again, you have to follow me. Huwag ka mag-alala alalayan naman kita sa mga gagawin mo." Patuloy pa rin siya pagpapaliwanag pero hindi pa rin ako sang-ayon.
"Sorry. My twin. I can't, hope you understand it." Saka ko na muna siyang iniwan sa kusina para makapag-isip.
Alam kong nag-alala siya sa sitwasyon ko pero yung suwestiyon niyang 'yon hindi ako papayag.
Narito kami ngayon sa Noboribetsu Onsen na sikat na town sa dinadarayo madalas ng mga tao. My first time na makapunta dito kasama sila. Nakita ko lang ito nakaraan sa Google habang nagre-research naman ako para sa nobela na aking ginagawa. Napakaganda ng paligid, colorful at refreshing.
Nakikita kong nag-e-enjoy ang aking mga pamangkin sa lugar na ito kaya naman hindi ko maiwasan ang mapangiti.
"Napag-isipan mo na ba?" tanong sa akin ni Athena habang pinagmamasdan ko lang ang mga bata.
"Hindi ko pa alam." Walang ganang sagot ko. Di na magbabago ang aking desisyon, wala akong babaguhin sa aking sarili.
Huminga nang malalim ang aking kakambal saka nagsalita, "So wala kang balak para makalaya ka na sa sitwasyon mong 'yan? Althaea naman….." Hinawakan ko ang kanang kamay niya kaya napatigil siya saglit.
"You won't do that, Athena. Don't worry about me makaka-move on din ako." Paliwanag ko sa kanya.
"No, I disagreed. Look at yourself. You're still miserable while your ex-boyfriend is now very happy with his new girlfriend.'' giit niya sa akin. ''Oh come on, sis!" inirapan niya pa ako ng mata.
Talagang ipipilit niya ang gustong mangyari kahit labag sa kalooban ko. Ganito talaga si Athena kaya noon, ito ang dahilan madalas ng aming pag-aaway. Gusto niya siya parati ang susundin kahit hindi naman tama.
"You like it or not. We will do this." Pinakita niya sa akin ang notebook na kulay green na may laman ng to-do-lists saka niya akong iniwan at naglakad papunta sa dalawa niyang anak.
Ngayon nasa bahay na kami at kakatapos lang ding manggabihan kaya narito na rin ako sa kwarto. Nakahiga at iniisip pa rin ang plano ni Athena para sa akin. Paulit-ulit sa aking utak ang mga nakasulat sa notes niya. Kaya ko ba? Magpapaalam na ba ako sa older self ko? Kailangan ko na nga ba talaga baguhin ang sarili para may mapatunayan ako?
Alas-dose na ako nakatulog kagabi kakaisip ng bagay na 'yon kaya tuloy ngayon panay aking hikab habang nagluluto na ng breakfast nila.
Balak namin pumunta sa Tokyo Tower na kung saan pinuntahan namin ni Phoebe last time. Hindi kasi sila makapaniwala mayroon ding ganoong tower na matatagpuan sa Paris, France kaya pinakita ko sa kanila ang larawan.
"Woah, ang ganda mommy." Nakangiting puna ni Talia at napatango naman ang kapatid nitong si Timothy.
Hinihila na kaming tatlo papunta roon pero nagpaiwan muna kami ni Athena para muling magkausap. Alam kong itatanong nanaman niya sa akin kung papayag na ba ako sa ganoong set up.
Bago ako natulog kagabi, pinag-isipan ko 'yong mga sinabi niya sa akin. Ngayon buo na aking desisyon sa planong gagawin – transformations. Sa tingin ko kasi, baka ito na talaga ang tamang gawin para sa sarili.
"Pumapayag na ako sa plano mo." Kaya naman nagulat siya at napaligon sa akin.
"Talaga?" kanyang reaksyon at niyakap niya ako nang napakahigpit. "Hay, thank you! Natupad na ang ipinapagpi-pray ko para sayo….."
Nagulat din ako nang ipinagpanalakin niya pa talaga ako para doon. Talagang ganito na ako kamahal ng aking kakambal.
"Kailan ba tayo magsisimula?" Tanong ko sa kanya habang siya nag-iisip muna kung anong araw o oras namin gagawin.
"Tomorrow?" Di siguradong saad niya.
"Paano mga bata? Gusto pa nila mamasyal dito sa Japan…." sabi ko.
"I will talk to them later. Ako na bahala. Basta, wala ng bawian ah?" Sinisigurado niya talagang hindi na ako aatras sa gagawin. Napatango lamang ako bilang tugon saka kami naglakad palapit sa Tokyo Tower upang samahan na rin ang mga bata.
Mahigit isang buwan raw sila rito sabi ni Athena kaya hindi kami mamoblema at magmamadali sa transformations na 'to. Pinasadya niya ito talaga para matutukan daw niya ako at ang mga bata naman ay makapag-enjoy this vacation. Napagtalunan pa raw nila ito ng asawa niya pero sa huli pinayagan na rin siya.
"Don't be so makulet to your yaya, ah." Bilin ni kambal sa kina Talia at Timothy. "Don't go somewhere kapag hindi siya kasama." Turo niya sa magbabantay ng kanyang mga anak. "Next time pa kami makakasama sa inyo with your Tita Ganda because we need somethiing important here so just stay in the playground with yaya at huwag pupunta kahit saan. Understood?" Isang mao-otoridad na sambit niya sa mga ito at tumangu-tango naman. "Sige, you may now go."
Saka na rin umalis muna ang mga pamangkin kasama ang mag-aalaga sa kanila. Napalingon naman kami sa isa't isa ni Athena.
Kinuha niya ang notebook na green at binasa ulit ang naisulat niya roon na mga gagawin namin.
Ayon kay kambal, kailangan ko raw magpapalit ng hairstyle kaya pumunta kami sa pinakamalapit na salon dito. Ito yung nagawa namin sa loob ng kalahating araw. Mula sa straight hair. Pinakulot niya ito at ginawang blonde ang kulay ng buhok. Sa ganito pa lang, may nakikita na akong pagbabago sa akin in physically.
Sumunod, pumunta kami sa mall upang mamili ng make-ups, sandals na may heels, bags, dresses at kung anu-ano pa kaya napangiwi na naman ako ginawa namin dahil hindi ko hilig ang mga ganito.
"Hep-hep, kailangan mo ito ngayong gawin. Change your lifestyle at magsisimula in physical." sabi niya kaya inabot sa akin lahat na pinamili.
Sa sumunod na araw, sinanay niya akong magsuot ng may heels na sandal. Sa umpisa, natutumba talaga ako dahil hindi sanay pero inalalayan naman ako ni Athena at tinuruan ng teknik.
''Hayan, dapat taas noo ka lang. Sa ganyang tindig, makikita na matapang ka at walang inuurungan kahit may problema kang pinapasan. Cheer up lang parati at huwag mong kalilimutan 'yan. Kaya araw-araw ipa-praktis nating gawin 'yan pati pagpapaganda mo sa sarili, tuturuan kita kung paano gawin 'yan." saad pa niya kaya tango lang ang tanging sagot ko.
Marami kaming nagawa sa loob ng kalahating buwan na 'yon. Napapansin ko ngang ibang-iba na ako sa dati in physically, mentally and emotionally, iyong babaing simple lamang noon isa na rin ngayong sophisticated woman. Ang gusto pa raw i-train sa akin ni Athena ang pagiging emotional ko raw. Naikwento niya sa akin na ganito siya, pero noong natunton siya sa America at binigyan ng treatment ng mga expert doon siya natuto at nabago. Binabahagi na niya sa akin ngayon ang mga natutunan niya noon.
Limang araw na lang natitira bago sila bumalik ng Pilipinas, nagpunta kami sa lugar kung saan napuntahan namin noon ni Phoebe at kumuha kami ng mga pictures.
"Daddy will be happy when he will see these pictures." Sabi ni Timothy.
"Yeah, I missed him too.'' Nakangusong-tugon naman ni Talia.
"Mommy, namimiss niyo na po ba si Daddy?" tanong ni Timothy kay Athena.
"Sure, my prince." Paglalambing niya rito. "Siyempre kapag umalis naman tayo dito, mamimiss na rin tayo ni Tita Ganda niyo…" dagdag pa niya. ''Are you sure, sis na hindi ka sasama sa amin sa Pilipinas?"
"Dito na lang ata ako mamalagi sa Japan at makakapangasawa ng Hapon.'' Nakangising tugon ko naman kaya natawa na lang si Athena.
"Bahala ka, Thaea. Basta mag=iingat ka na lang saka tuwing birthday natin kailangan mong bumalik ng Pilipinas gusto ko doon tayo magsi-celebrate."
"Oo naman." saad ko.
Lumipas ang isang linggo, mula nang umalis sila Athena pabalik ng Pilipinas unti-unti akong napapangiti kapag naalala sila rito. May bahagi na nakakaramdam ng lungkot dahil mag-isa nanaman ako pero ayos naman ang buhay ko dito sa Japan. Kumikita na rin ako ng pera mula sa pagsusulat ko ng nobela at nag-u-upload ng music covers sa youtube minsan kaya kumikita rin ako pera dito sa daming views at subscribers na nakukuha ko.
Ngayon napagdesisyon naman ni Phoebe na magkita ulit mamasyal. Isasara ko na sana ang pinto ng kwarto nang may biglang tumawag.