Matapos ang anim na buwan pang pamamalagi ko sa Japan mas sinanay ko ang sarili sa mga bagay-bagay lalo na pagdating sa emosyon. Tinulungan rin ako ni Phoebe para mas mag-improved pa ako sa sarili.
Hindi ko maiwasan makadama ng pagka-miss sa kanya. Gusto ko kasi dito naman ako magpapasko dahil dalawang taon na rin akong wala dito at hindi kasama ang aking pamilya saka sinabihan ako ng aking mga fan readers na makipag-meet daw ako sa kanila. Kaya heto kagagaling ko lang mall at medyo pagod dahil dinagsa ako ng mga tao na humahanga at nakakakilala sa akin bilang writer pati sa pagiging singer sa youtube.
Halos na-achieved ko na ang dreams ko at naging masaya sina Mom and Dad para sa akin.
"We are so happy about your achievements our precious daughter." saad ni Dad at ngumiti lang ako.
"It is a great help too since she was already popular with her passion in music and writing so mas marami rin mas gustong mag-invest sa atin." tugon ni Mom.
"So we are expecting this Saturday that plenty of visitors will come to the anniversary of our company." sabi ni Dad habang tuloy pa rin sila sa pagkain.
"Isisingit ko lang yung pagiging singer-writer ko kapag may free-time from office work. Gusto ko ulit magtrabaho sa kumpanya natin, Dad as being the vice president of our company." Nagtinginan ang parent ko at madali kong napansin ang reaction nila.
"You don't have too, Althaea. Ang kakambal mo at si Terylene na ang bahala doon. You just focus to your career." Paliwanag ni Mom pero nakiusap pa rin ako sa kanilang ibalik nila ako sa position na 'yon.
I want to help at gusto ko makabawi sa kanila sa mahigit na tatlong taon na nawala ako rito para alalayan rin sila. Kaya kong pagsabayin ang aking career sa pagiging singer-writer at sa pagiging vice-president ng kumpanya. Nang tumuntong ako sa Japan mas natutunan ko pang maging independent at naging sophisticated woman katulad ni Athena.
I have changed a lot already, hindi na ako tulad ng dati. I am strong woman now.
Pagkatapos niyon, nagpaalam muna ako sa kanila dahil mayroon akong fansigning sa SM mall sa pagiging writer ko.
Kasama ko si Ginger para naman hindi ako mahirapan. Baka kasi dumagsa ang mga tao. Narito ang isa sa mga staffs ng publishers kung sino tumulong matuklasan ang aking akda.
"Grabe ang tao. Tignan mo ngayon dinadagsa ka na nila." Puna ni Gin sa aking tabi at napangiti lang ako habang patuloy lang sa pag-response sa aking mga fan readers na nagpapa-autograph.
Napansin ko rin ang nakapalibot na mga cameras. Mukhang sikat na rin talaga ako dahil sa akdang ginawa sa loob ng anim na buwan.
"Oo nga eh. I can't believe I reached this top." sabi ko.
"Malayo na nga talaga narating mo. Hindi lang sa pangarap pati sa kung ano ang itsura mo ngayon." pahayag niya habang patuloy lang siya nakikipangitian sa mga tao.
Maganda naman naging resulta lahat eh kaya wala akong pinagsisihan. Well, nagpapasalamat nga ako kay Athena dahil binuhos niya ang kanyang atensyon, oras at efforts para matulungan niya talaga ako. Gano'n dib si Phoebe.
"I am happy naman kung ano ako sa ngayon." Pagkatapos niyon, hindi na muna kami nagkausap dahil mas lalong dumagsa pa ang mga tao.
Mga ilang minutong lumipas, nakapagsimula na rin ako ng speech sa harap ng maraming mga tao. Pero noong huli, nadrained ako kaagad. Gets naman 'yon ni Mrs. Castillo na isang manager ng Gallilea Publisher.
Matapos ng aktibidad, napagdesisyon na rin naming umuwi. Makakapagpahinga pa rin ako.
Maglalakad na sana ako papasok ng mansion nang bigla akong sinalubong ni Yaya Helena.
"Bakit po, Yaya?" agad kong tanong.
"May bisita po Ma'am Thaea?" sabi niya lang.
"Sino po?" Nagtataka kong tanong dahil wala akong ideya kung sinumang dadalaw o bibisita sa akin dito.
"Hindi ko na naalala ang pangalan niya, iha pero nakita ko na siya dati eh." Paliwanag ni Yaya at napatango lang ako.
"Ok lang po, Yaya. Ako na po bahala makipag-usap sa kanya." sabi ko saka siya ngumiti at dumiretso na muna sa garden.
Mabilis kong tinahak papasok ng bahay hanggang sa bumungad sa akin ang isang mataas na rebulto ng isang lalaki.
Hindi pa niya napapansin ang presensya ko kaya tahimik ko lang siya pinagmamasdan at pinag-aaralan ang kabuuan niya. Nakatalikod kasi siya kaya di ko pa nakikita ang itsura.
Gumawa ako ng kaunting ingay para mapansin niya ako at lumingon siya sa akin. Nanlaki ang aking mga mata nang makita siya. Si Zen. Halos di ko na siya nakilala dahil sa laki na rin ng pinagbago niya.
"Althaea? Ikaw na ba 'yan?" Pagtukoy niya sa akin, naglakad siya palapit sa akin at niyakap niya ako.
Bumitaw ulit kami sa isa't isa.
"You look more gorgeous than before. Japan really change you." papuri at komento niya. "Long time no see."
Ngumiti lang ako bilang tugon sa kanya.
"You didn't know how I miss you." muling saad niya.
"Na-missed din kita." unang sagot ko sa kanya.
"I am sorry if I left you there." Nagmamaakawang sambit niya pero binalewala ko na 'yon.
It passed already. Di na mababalikan pa 'yon. I understand him why he did that to me. I have forgiven him now.
"Forget it now, Zen. Matagal na 'yon." paliwanag ko sa kanya. "Mabuti pa maupo muna tayo." sabay lahad sa kanya ng mauupuan.
"Thanks." sagot niya habang nanatili pa rin ang tingin niya sa akin.
Tinawag ko muna si Ate Dai na kasalukuyang nilalampasan kami, papunta sana siya sa kusina. "Can we give us some drink?" I requested and she nodded then walked away.
"You changed a lot, Althaea. I can't believe this." muli niyang saad.
"You too, Zen kaya di kita kaagad nakilala." tugon ko naman.
Marami kaming napag-usapan ni Zen. Nagkamustahan kaming dalawa hanggang sa makaramdam ako ng spark sa kanya.
Napakabilis niyon dahil isang beses pa lang muli kaming nagkita pero may nararamdaman na ako kaagad sa kanya.
It's been a one month nang ligawan ako ni Zen. Sa aking isip, it's time to answer him a yes now. Walang makakapigil sa akin, gusto ko na siya eh.
Niyaya niya akong mag-camping kaming dalawa lang at pumayag naman ako.
Kasalukuyan na akong nag-aayos ng mga gamit na aking dadalhin sa aming pupuntahan ni Zen. Nasasabik akong kinakabahan at di ko alam kung bakit.
Mga ilang minutong lumipas, nakalabas na rin ako ng silid at naglakad pababa ng hakdan. Sakto ang pagdating niya dahil palabas lamang ako ng mansion nang salubungin niya ako.
"Ako na magdadala nito." sabi niya saka sumunod na rin ako sa kanya patungo sa aming sasakyan.
Marami kaming mga dala dahil nakita ko sa backseat namin.
"Are you ready? May nakalimutan ka pa bang dalhin?" tanong niya bago paandarin ang kanyang kotse.
Nag-isip muna ako saglit kung mayroon pa akong nakalimutan pang gamit.
"Wala na. Let's go." Nae-excite na tugon ko.
Mahaba ang oras ng biyahe kaya di ko namalayan na nakarating na pala kami sa destinasyon namin.
Nakapikit pa ang kaliwang mata ko habang napansin kong abala na si Zen bitbitin ang mga gamit. Kaya kaagad akong naging alarma at madaling binuksan ang sasakyan.
"Gising ka na pala, wifey." Habang bitbit niya ang dalawang basket na may naglalamang pagkain. "Hindi na kita inabala dahil mukhang malambing ang tulog mo."
Napangiti naman ako bilang tugon saka nagpresinta ng tulungan siya.
"Huwag na wifey, ako na lang." Pagtatanggi pa niya pero nagmatigas pa rin ako at wala siyang nagawa.
Napadpad kami sa isang lugar na tahimik pero may mga taong nagbabantay dito sa may labasan nito for safetiness daw ng mga taong gustong mamasyal.
Malapit ng dumilim nang makarating kami dito. Kaya di ko na rin gaano nakikita ang dinaraanan lalo na palibot ng makakapal na puno ang lugar.
Napaka-refreshing dito dahil sa simoy ng hangin ng aking nalalanghap.
Maya-maya pa nakarating kami sa aming pwesto. Walang ibang tao kundi kami lang.
Nilapag na namin ang aming mga dala saka naglagay ng isang malaking tent si Zen para siguradong magkakasya kaming dalawa at malawak rin ang aming matutulugan.
Ipinasok na namin roon ang aming mga gamit lalo na mga pagkain.
"Heto wifey kumain ka muna." sabay abot niya sa akin ng isang sandwich at juice.
Nagutom rin ako sa mahabang biyahe namin.
"Nagustuhan mo ba?" Nakangiting sabi niya at tumango lang ako bilang sagot dahil may laman pa kasi ang bibig ko.
Maya-maya pa gumawa na rin kami ng sariling camp fire dito para magsilbing liwanag at magbigay ng init sa pagitan namin lalo na sobrang lamig dito.
Napansin ko sa peripheral vision ang pagtitig sa akin ni Zen dahilan para mapatitig ako sa kanya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya kaagad akong lumunok at umiwas ng pagtitig sa kanya.
Hindi ko kasi kaya dahil anumang oras matutunaw ako sa kanyang pagtitig.
"You have changed a lot, wifey though you still beautiful in my eyes." sabi pa niya habang nakatingala lang ako sa langit.
"Mahal pa rin kita at nahigitan pa sa ngayon. Ilang taon rin akong naghintay na magbabalik ka at ako iyong pipiliin mo uli..." saad niya dahilan na napalingon ako sa kanya.
May parti sa aking sarili ng pagkagulat ng sabihin niya 'yon. Hanggang ngayon dala pa rin niya ang nakaraan habang ako nakalimot na. I am free and happy dahil makakapagmahal muli ako at iibig muli ako pero sa isang lalaking tulad niya.
Yes, mahal ko na siya. Nakita ko ang efforts at pagpapahalaga na ginagawad niya sa akin. I appreciated. Sapat na 'yon para mahalin ko rin siya.
Kaya laking pasasalamat ko talaga sa aking kakambal sa tulong na ginawa niya sa akin sa Japan. Kundi dahil sa kanya, hindi pa rin ako magiging masaya tulad nito. Mamumuhay pa rin ako sa aking nakaraan.
"Heto." saad ni Zen saka may ipinakita siya sa akin. Isang silver necklace na may hugis puso sa gitna nito.
Hinayaan ko siyang isuot niya sa akin iyon at napangiti ako.
"Do you like the gift?" tanong niya at nakangiti akong nagpasalamat sa kanya. "Do you love me too?"
"Yes, I love you Zen. I love you so much." Kinikilig kong saad sa kanya at niyakap ko siyang napakahigpit.
Hinalikan ko siya pagkatapos sa lips at mabilis siyang tumugon. May kalaliman at katagalan ang halik. Nanatili ang aking kamay sa kanyang balikat habang siya naman ay nakahapit sa aking baywang.
Mga ilang sandali ay natigilan muna kami.
"Finally, bumalik na rin ang matagal ko ng inaasam sayo, wifey. I'm glad that you love me again." sabi niya habang nakatitig lamang sa aking mga labi.
"Tayo na ba?" Tanong niya at sumagot akong yes kaya hinalikan naman niya ako hanggang sa napahiga kami sa damuhan.
Mas lalo pang tumagal ang halik na 'yon subalit hindi kami humantong sa bagay na di pa dapat gawin ng taong hindi pa kinakasal.
Oo mahal namin ang isa't isa pero hindi kami nagpapadala sa emosyon. Kailangan maging rational pa rin kami sa mga bagay-bagay. Di kami matutulad sa iba lalo na sa kabataan na ngayon na sobrang mapusok.
Kontento na kami sa ganito lang dahil ang pagmamahal hindi lamang sa bagay na ito masusukat.
Kinabukasan, unti-unti kong idinilat ang mga mata at kinakapa ang katabi ko subalit naramdaman kong wala siya rito.
Baka lamang nangingisda lang 'yon sa tabi ng ilog. Maya-maya narito na si Zen kaya nagtimpla muna ako ng kape at kumain ng tinapay bilang almusal.
Tapos na akong mag-ayos ng sarili pero wala pa rin siya. Napag-isipan ko tuloy iwan muna ang mga gamit dito. Bago ako umalis sinuguro ko munang nakasara ang tent saka naglakad-lakad para hanapin si Zen.
Sa aking paglilibot, nakita ko siyang naliligo pala sa ilog at napansin niya kaagad ako.
"Uy wifey! Diyan ka pala." bungad niya. "Halika, samahan mo ako rito."
Hindi na ako nag-alinlangan pang sumagot at dali kong hinubad ang t-shirt at short ko. Tanging sports bra at cycling shorts ang natira sa akin. Humakbang ako palapit sa kanya at sumisisid palapit sa kinaroroonan ni Zen.
Nang makarating ako, nakahapit siya kaagad sa aking baywang.
"I've been looking for you for a while and you're just here!" As I told to him, very close to each other.
Nginisian niya lang ako, "I am sorry wifey kasi naman ang sarap ng tulog mo. Ayaw na kitang istorbohin kaya mag-isa lang muna ako napunta rito." His answer as he parted my hair on my face.
"Ok lang. Ano ka ba?" Maikling sagot ko at naiintindihan ko naman siya. "Well, let's swim habang di pa maiinit."
Hihiwalay na sana ako sa kanya nang bigla niya ulit ako hinapit muli sa bayway nang mas mahigpit.
"Why?" Curious kong tanong. Sa halip na sumagot, bigla na lang niya akong hinalikan sa labi dahilan para hindi na makawala pa.
Nakahapit naman ang mga braso ko sa kanyang leeg para mas kumportable ako. Unti-unting dumaloy ang mga kuryente sa buo kong katawan habang nagre-respond lamang sa kanyang halik.
This is a passionate kiss I ever had. Ibang-iba siya sa mga nakaraan. It was obvious that we were both thirsty based on the way, Zen and I have kissed. We could hardly be separated by the extreme tightness of our arms.
Mga ilang sandali pa ay lumubog kami mula sa tubig habang patuloy pa rin kami sa aming ginagawa. We share here the day we were together even the first day of our relationship.
Umabot ng limang minuto ang halik na 'yon. Mga ilang sandali humiwalay muna ako sa kanya parang makapaglangoy ulit pero pinigilan niya pa rin ako sa pamamagitan ng pagyakap niya sa aking likuran.
Muli ko siyang hinarap at ako naman ang kusang humalik sa kanya nang wala pang-alinlangan. I adored Zen very much, that's why walang makakapigil sa aming dalawa gawin ito. I just want to let this guy knows that I am sincere of what I feel.
I came back in a trance as remembering what happened between our kiss yesterday when there is suddenly knocking outside my room.
It's Ate Dai, "Ma'am Thaea, your parent is looking for you outside." She said which still the door is closed.
"Please tell them that I'd be there right away. I'll just finish here putting make-up on my face." My quick answer then I never heard her speaking again afterwards.
I never thought to myself that I could do that so last night I could hardly sleep because it kept coming into my mind. Nothing happened to us, it was purely different from past experiences in a relationship before.
Hindi naman ako papayag na mangyari kahit mahal ko pang isang tao. I am aware of what is right to do or not.
Matapos ang mahaba kong preparasyon, tumayo na rin ako saka lumabas ng kwarto. Nagulat na lang nang biglang lumitaw sa harap ko si Zen.
"Hey, gorgeous why you're late?" bungad niya sa akin.