SIX MONTHS LATER
Narito kami ngayon sa isang party na kung saan ipinagdaraos ang 2OTH Anniversary ng nag-invest na company kay Zen. Katatapos lang din namin kumain nang tawagin si Zen ni Mrs. Amparo ang may-ari nitong Aztra Cosmetics Inc., dahil may pag-uuspan silang importante. Nagpaalam naman siya sa akin at tumango lang din ako sa kanya saka ko lang tinuloy ang pag-inom ng juice na natitira dito sa baso.
Mga ilang sandali ay tumungo muna ako sa banyo para mag-refresh saglit ng sarili lalo pang mga maraming tao ang dumalo sa party at karamihan sa kanila ay mga professionals kaya nakaka-drain na rin para sa parte ko.
Hindi ko na rin nagawang mag-paalam kay Zen para pumunta ng CR tutal madali lang naman ako doon, gusto ko lang i-relax ang sarili mula sa mga maraming tao.
Dire-diretso lang ako papuntang comfort room nang napitlag ako sa aking paglalakad nang makita ko si Greige. Oo siya nga at ibig sabihin imbitado rin pala sa siya party na ito. Wala akong kaalam-alam eh di sana hindi na lang kami nagpunta pa dito ni Zen.
Sa halip na tumuloy sa banyo, naglakad na lang ulit ako pabalik sa pwesto namin kanina at baka hinahanap na rin ako ni Zen subalit may biglang pumigil sa akin kaya napahinto ako.
Hinarap ko siya habang napapikit ako sandali dahil hindi ko kaya siyang titigan. Akala ko nakalimutan ko na siya dahil matagal na rin kaming hindi nagkita at nagparamdaman sa isa'isa, anim na buwan na ring lumipas pero heto ngayon malakas pa rin ang tibok ng puso ko nang makita siya ulit.
"Cassidy." bulong niya sa akin tapos tinignan niya ako from head to toe. "You look so different now."
Inismiran ko lang siya para mapigilan ang aking nararamdaman.
"And I miss you."
Sa sinabi niyang 'yon doon na ako nag-react sa kanyang mga sinabi.
"I need to go." aalis na sana ako nang pigilan niya ako ulit.
"I am sorry, Cas." pagsusumamo niya.
Huli na ang 'sorry' niya. Hindi na ako babalik sa kanya pagkatapos ng dinulot niya sa akin, ayaw ko na. Masyado siyang nakakapagod mahalin, masyadong masakit ang ginawa niya sa akin. Hindi man lang niya binigyan ng pagkakataon magpaliwanag at mapakinggan ako tapos makikita ko na lang na may kalandian siyang ibang babae, torture 'yon sa akin.
"I will do everything just for you to realize that I am still love you."
Napangisi ako sa huling sinabi niya. He still love me? Eh napakadali nga sa kanya makahanap ng iba pagkatapos ng dahil sa simpleng pagkakamali ko.
"Did you hear what you're saying?"
"Walang nabago sa nararamdaman ko para sayo Cas. Please give me a second chance and I will do what you want just come back."
"No more second chances, Greige pagkatapos lahat ng ginawa mo sa akin na pananakit at panloloko."
Nagulat siya sa huling kataga na nasambit ko kaya muli siyang lumapit siya sa akin at napaatras naman ako.
"What do you mean?" nagmamaang-maangan tanong niya kaya napasarkastiko akong ngumiti sa kanya.
"Nakita kita may kahalikan ng ibang babae sa isang disco bar." napahinto siya sa aking sinabi at inaalala niya ang pangyayari.
"Paano ka nakapunta doon?"
"Hindi na importante kung kanino ko nalaman tutal tapos naman na tayo eh. Ano pa?"
Sinubukan ko ng talikuran siya pero hinarangan nanaman niya ako sa aking daraanan.
"I am sorry." napapikit siya nang mariin.
"Puro ka na lang sorry pero paulit-paulit mo na lang ako sinasaktan kaya pwede ba itigil mo na 'to." naiinis kong sabi sa kanya at nakita kong bumuhos na rin ang luha niya kaya bigla akong naghina nang makita ko siya ng ganun.
"Gulong-gulo ako that time at..." tumigil siya sandali. "Lasing na rin ako kaya hindi ko na alam yung ginagawa ko."
Sa sinabi niyang 'yon, nasampal ko siya nang napakalakas sa sobrang inis at sakit nararamdaman ko sa ginawa niya.
"You are so unreasonable, Greige at sa ginawa mong 'yan mas lalong hindi na ako mapapaniwala pa sa sinabi mo. This is enough. Tapusin na natin 'to."
Nakita ko ang babaeng kasama niya sa bar noon at napansin niya rin ako't tinarayan.
"Sino siya?" hindi makasagot si Greige dahil nanatili pa rin ang titig niya sa akin.
"Babae mo ba siya?" dagdag pang tanong nito.
"I am his ex-girlfriend lang naman?" diniin ko sa kanya ang salitang 'ex-girlfriend ' kaya mas lalong nainis ang babae.
"So ano ginagawa mo dito? May balak ka bang makipagbalikan kay Ford?"
"No. Iyong-iyo na siya." diniin ko rin 'yon sa pagmumukha ni Greige at nakita ko sa kanya ang pagkagulat sa aking sinabi.
"Bakit nandito ka pa?" muli nanaman niya akong tinaasan ng kilay.
"No, Cassidy. Just stay here." maotoridad na sabi niya at sumunod naman ang katawan ko sa kanyang utos.
"Ano sinasabi mo, Ford? Huwag mong sabihing....."
"I love her." diretsahang saad niya habang nanatili pa rin siyang nakatitig sa aking mga mata.
Muntik na akong masabunutan nung babae kung hindi ako hinarangan ni Zen at inilagay niya ako sa likod.
"Don't touch her or else kakalimutan kong babae ka!" nagagalaiting saad ni Zen habang nakatitig si Greige sa nakahawak na kamay sa akin ni Zen.
"Natalia please stop." sabay hila nang marahas sa kanyang girlfriend at aakmang lalapitan niya ako ulit nang pigilan siya ni Zen.
"Lalong-lalo ka na. Wala kang karapatan pang mahawakan siya."
"Bakit girlfriend mo na ba siya?" nanunuyang tugon ni Greige kay Zen.
"Halika na Zen, umalis na tayo rito." pagyaya ko na sa kanya dahil alam kong mas lalo lang umiinit ang tensyon at ayaw ko ng gulo.
"Sandali lang, Thaea." muli niyang hinarap si Greige. "Hindi mo ata natatandaan yung pinagkasunduan natin na kapag sinaktan mo siya, kukunin ko ang girlfriend mo sayo. Hindi na ako makakapayag na mapupunta pa si Althaea ulit sayo, in the first place ako naman talaga ang mamahalin niya kung di lang siya nagpanggap bilang kakambal niya para humarap sayo."
Pagkatapos umalis na rin kami sa kinaroroonan nila Greige at napagdesisyon na rin namin umuwi kaya nagpaalam na kaagad si Zen kay Mrs. Amparo saka na kami lumabas ng building at pinaandar na rin ang kotse pabalik ng apartment.
Wexford Greige's POV
Labis na sakit at panghihinayang ang nararamdaman ko ngayon kaya hindi ko maiwasan ang mainis sa aking sarili.
"Tigilan mo siya, Ford. Sa akin ka na kaya huwag na huwag kang magkakamali pang lumapit pa sa babaing 'yon."
Napatingin ako sa kanya at kinootan ko ng noo.
"I still love her pagkatapos ng mga ginawa ko at wala kang karapatan pigilan ako sa gusto kong gawin."
"Talaga lang?" napangisi siya. "Subukan mo lang lumapit pa sa kanya, I will ruin her life." napatitig ako muli sa kanya dahil sa gulat.
This woman is crazy.
"Pinagtatakot mo ba ako? Hindi mo ako masisindak sa mga sinasabi mo."
"Madali lang naman ako kausapin Greige, tiyak kong pagsisihan mo ang paglapit pa sa kanya because I will do everything too just you stay from her. Mahal kita Greige, noong una pa lang kita makilala sa disco bar, nahulog na ako sa'yo kaya hindi ko na sinayang ang opportunity na mapalapit ako sayo." bigla na lang niya ako niyakap pero kaagad akong lumayo sa kanya.
Naalala ko nga 'yon na siya yung babaing na-meet ko sa disco bar habang naglalasing na naman ako. Sa sobrang kalasingan, nakita ko sa kanya si Cassidy kaya hinalikan ko siya at kaagad siyang rumisponde hanggang sa napunta kami sa isang lugar na madilim dahil hinila niya ako roon na wala akong kamalay-malay.
Dahil doon muntik nang may mangyari sa aming dalawa at mabuti na lang bumalik ako sa katinuan at naalala ko si Cassidy. Hindi ko hahayaan ang sarili na mangyari iyon at sa ibang babae pa. No way. Kailangan ko munang suyuin ang babaing mahal ko at makasal kami bago mangyari iyon dahil sa kanya lang ako.
Mahal ko pa rin siya kabila ng lahat pero hindi ko lang matanggap na mas may time siyang makipag-usap sa ex-boyfriend niya kaysa sa akin. Sa tuwing may oras akong puntahan siya, madalas kong nalalaman na madalas silang nagkikita ng lalaki na 'yon kaya hindi ko maiwasan ang mainis sa kanya at masaktan sa tuwing iyon ang nakikita at naririnig ko. Sa aking palagay, parang napipilitan lang siya sa akin dahil naaawa at totoo niyan may nararamdaman pa rin siya sa dati niyang karelasyon. Kaya kung anu-ano na lang gumugulo sa isip ko hanggang sa napagdesisyon kong makipaghiwalay na sa kanya kahit napakasakit gawin.
Sa ngayon, balak ko siyang kausapin ulit at suyuin katulad noon dahil gusto ko magkabalikan kami at hindi ako papayag na mapunta siya sa lalaking 'yon. Akin lang si Cassidy, ako lang rin ang para sa kanya. Gagawin ko lahat para makabawi sa kanya at mapansin niya ako. Sobrang miss ko na siya kaya ganito na lang ang pagsisi sa ginawa ko. Dapat hindi na lang ako nagpadala sa selos, dapat pinakinggan ko ang explanations niya at dapat hindi ako nakapag-break sa kanya kaagad. Sana narito siya ngayon sa tabi ko, nakakausap at nakakasama, naglalambangian, nagpapalitan ng mga ngiti sa isa't isa.
Last na ito. Hinding-hindi na ako magpapaapekto sa aking nararamdaman. Siya parati ang iintindihin ko, huwag lang siya mawala at makita siyang may kasamang ibang lalaki. Sapat na lahat ng ito para maging aral sa akin, sapat na para magpaka-matured na ako para sa babaeng pinakamamahal ko.
"Matutunan mo rin ako mahalin, Ford katulad sa ex-girlfriend mo. Gagawin ko lahat ng gusto mo, mahalin mo rin ako pabalik." pilit sinisiksik ni Natalia ang kanyang sarili sa akin.
Hinayaan ko muna siya lalo pa buhay ni Cassidy ang nakasalalay rito. Ayaw kong gumulo ang buhay niya dahil dito sa pagbabanta ng babaeng ito. Kailangan ko lamang maging maingat at alerto. Saka ko na lang iri-reveal lahat kapag na sa akin uli siya, dahil mapoprotektahan ko si Cas sa kahit anong paraan gamit ang pera.
Bagama't hindi pa kami ganoon magkakilala ni Natalia, sa umpisa pa lang alam ko na kung ano mayroon sa kanya. Nagsaliksik ako tungkol sa kanya, napagtanto kong may madilim siyang nakaraan kaya isa rin siya maimpluwensya at kayang mag-utos magpapatay ng tao.
"Hindi mo naman kailangan gawin 'yan." sabi ko na lang sa kanya dahil kailangan ko siyang sakyan.
"Kung ganun wala na tayo problema." saka niya ako hinila papasok sa kanilang bahay kaya napatigil ako. "Bakit?" napalingon din siya sa akin.
"May appointment pa pala kami baka mahuli ako sa meeting place namin." pagsisinungaling ko ang totoo niyan babalik na ako sa resthouse para magpahinga at pag-isipan ang mga plano para suyuin muli si Cassidy.
"Sige. Next time na lang aasahan ko 'yan." tumango lang ako saka na ring naglakad palayo sa kanya dahil bigla ako kinabahan.
Alam ko ang pakay niya dahil hindi naman ako magiging C.E.O kung papatay-patay lang ako. Nirerespeto ko rin siya kahit may something na sa past niya at higit sa lahat, mahal ko si Cassidy kung may nagawa man ako sa kanya ng mali, magagawan ko pa ng remedyo.
Pinatakbo ko na ang sasakyan hanggang makarating na rin sa bahay tinutuluyan ko pansamantala. Binili ko ito two months ago, baka sakaling mapag-isipan magbakasyon may tutuluyan na ako at hindi na kailangan pang mag-rent ng condo o apartment.
SUMUNOD NA ARAW.
Nagsulat na ako ng mga gagawin ko para kay Cassidy, lahat ng kakailanganin kong gawin naisulat ko para maging consistent ang lahat. Padadalhan ko siya ng mga paborito niyang bulaklak at padadalhan parati ng pagkain sa apartment niya, simula sa breakfast time niya, lunch at hanggang dinner para di na siya mag-abala pang magluto. Sa una magiging mysterious lang muna ako sa kanya, kailangan ko pa rin maging maingat sa aking kinikilos at kailangan hindi ito mapapansin ni Natalia.
Nang maitago ko na ang notes sa isang desktable, lumabas na rin ako ng kwarto para kumain nang may narinig akong dumu-doorbell sa labas. Sinilip ko ito, si Natalia pala.
Ano ginagawa ng babaeng niyan dito?
Pinagbuksan ko siya ng gate at bigla na lang niya ako niyakap. "Hi Ford. Na-missed kita kaagad kaya nagpunta ako dito."
Nauna na siyang pumunta papasok ng bahay na akala mo siya ang may-ari.
"Nagkita pa lang din tayo kahapon ahhh."
"Oo nga pero na-missed pa rin kita. Taena na sa kwarto."
Napapitlag ako sa kanyang sinabi. Nababaliw na nga talaga ang babaing 'to.
"Talia!" maotoridad kong suway sa kanya. "Pasensya ka na pero hindi ko gusto 'yang gagawin mo. Hindi ako tulad ng ibang lalaki ngayon, ginagalang ko ang pagkababae mo. Kung anuman ang ginawa natin sa bar hanggang doon lang 'yon at wala ng hihigit pa doon."
"Nakakainis ka, Ford. Buti na lang mahal kita ka kahit boring ka." sabi pa niya pero hindi na rin ako umimik pa.
Hinayaan ko lang siya gumala dito sa bahay tutal inayos ko naman na ang lahat at inalis yung mga bagay na makakaagaw sa kanya ng atensyon.
Kung di sana kami naghiwalay ni Cassidy siya na sana ang unang babae makakatapak rito kaso wala eh, ang babaw ko naman kasi.
Napabuntong-hininga na lang ako pagkatapos isipin 'yon.
"Nagugutom ka na ba?" tanong ko na lang kay Natalia.
"Oo. "
"Kung ganun kumain na tayo." niyaya ko na rin siya mananghalian dito sa bahay tutal halatang napagod siya kalilibot nitong resthouse.
Tahimik lang din ako kumain tutal wala naman akong sasabihin sa kanya.
Maya-maya pa, binasag na ni Natalia ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Alam mo Ford, ikaw ang pinakamabuting lalaki na nakilala ko sa balat ng lupa kaya sa una pa lang nahulog na ako sayo. Bukod sa gwapo, matangkad at may matangos na ilong, mabait at maalalahanin pa." kwento niya habang ako naman ay panay kinig lang sa mga sinasabi niya at kung minsan tipid lang ang sagot ko.
Laking tuwa ko na lang nang nakaalis na si Natalia dahil may pupuntahan daw itong kaibigan, bibisitahin niya dahil matagal na raw sila hindi nagkita kaya naman malaya at mag-isa nanaman ako sa bahay habang iinisip ang mga gagagwin kong pagsuyo kay Cassidy.
I love her very much so I'll do everything just to make her mine again. I want Cassidy back because I really missed about her sweetness, smile on her face, her charm, her hugs and kisses. She's only woman that I will last to love whatever may happens, she's only the one that I want to share my whole life.
Cassidy, please wait for me. I will go to get you there away from your ex-boyfriend because you are only mine and my queen. No one can have you except me.