Chereads / Forever is not Enough (Book 2 Unanticipated Love) / Chapter 7 - Chapter 7: The Contract

Chapter 7 - Chapter 7: The Contract

Lumipas ang anim na buwan simula nang aminin na sa akin ni Cassidy na hindi na niya ako mahal. Hanggang ngayon sariwa pa rin ang sakit, hanggang ngayon para pa rin nangungulila sa kanya at hanggang ngayon sobrang mahal ko pa rin siya at wala pa ring nababago.

Akala ko noong simulan kong ligawan si Natalia at naging official ang aming relasyon, nang siya na iyong parati kong nakakasama at nakakausap makakalimot na ako kay Cassidy iyon pala mas lalo lang tumitindi.

Kamusta na kaya siya ngayon? Masaya na kaya siya kasama ang lalaking 'yon? Malamang nga siguro. Kasi naka-move on na nga siya sa akin eh at ako na lang hindi pa.

Mga ilang sandali pa ay may kumatok sa pintuan ng office at kaagad ko itong pinapasok.

"Oh Harold." bungad ko sa kanya habang siya naman ay hindi mapakali ang mga mata. "Ano nangyayari? Bakit ganyan ang itsura mo?" sunud-sunod ko ng tanong sa kanya saka may inabot siya sa akin na folder.

Teka. Contract ito ng company nila Cassidy.

"Ano meron dito?" muli kung tanong saka ko nang binuksan ang lamang ng folder at napansin ko ang biglang pagterminate ng kanila kontrata sa kumpanya namin.

Ano ibig sabihin nito?

"Anong nangyari? Bakit hininto  ang negotiation ng kumpanya nila sa atin?"

"Iyan din ang ipinagtataka ko Greige kung bakit. Eh di kaya....." habang napapaisip siya sa magiging dahilan ng termination of contract. "Eh di kaya dahil sa break up niyo ni Althaea?"

Business is business. Walang kinalaman ang personal life naming dalawa sa negosyo.

"May iba siguro silang dahilan." pagdedeny ko sa sinabi ni Harold dahil napaka-impossible kung ganun.

Saka si Athena naman ang nagpapatakbo ng business nila at alam kong wala rin naman siyang alam tungkol sa nangyari sa amin ng kakambal niya.

Kailangan kong pumunta sa office nila para makausap at i-clarify kung bakit nagterminate sila ng contract sa amin.

"Greige saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Harold sa akin.

"Pupuntahan ko si Athena para itanong sa kanya kung bakit sila nagterminate ng contract. Gusto ko malaman ang dahilan nila."

"Sige brad. Mag-iingat ka na lang." sabay tapik niya sa akin sa balikat.

Nagtungo na nga ako sa kanilang opisina at saktong nagkasalubong kami ni Athena sa elevator.

Dinaanan lang niya ako at hindi pinansin.

"Athena." tawag ko sa pangalan niya dahilan para mapahinto ito. "Bakit niyo tinerminate ang contract ng company niyo sa amin? May problema ba?"

Maya-maya pa ay lumingon at naglakad palapit hanggang sa bigla niya akong sinampal.

"Para 'yan sa ginawa mong pananakit at panloloko sa kapatid ko."

Napahawak ako sa aking pisngi dahil malakas ang pagkakasampal niya sa akin.

"Nangako ka sa akin at sa mga magulang ko na hindi mo na siya sasaktan at iiwan. Pero ano ginawa mo, Greige? Inulit mo ulit." naiinis na pahayag niya sa akin.

Iyon pala ang dahilan kung bakit nakipagkalas ang kumpanya nila sa amin. Talaga bang pinutol na nga ang ugnayan ng pamilya niya sa pamilya ko? Talagang pinutol na nga niya ang magbibigay ng connection sa aming dalawa?

"Hindi ko intention na saktan siya." paliwanag ko pa rin.

"No Greige. Hindi na ako maniniwala sayo dahil kahit noon nagawa mo rin akong saktan di ba? Kaya wala ring impossible na hindi mo saktan si Thaea."

"Hindi mo alam ang buong kwento, Athena. Hindi ko niloloko ang kapatid mo. Please believe me." pakiusap ko sa kanya subalit mas lalo pa itong nangigil sa akin.

"Hindi ako maniniwala. Dahil kita ko namang nasasaktan ang kapatid ko dahil sayo. Kaya pwede ba, umalis ka na at huwag ka nang magpapakita pa dito at huwag na huwag ka na rin magpapakita pa sa kapatid ko." sabi niya habang tinataboy ako paalis.

Kaya wala akong ginawa kundi umalis na rin at sumakay ng kotse. Napag-isipan kong puntahan si Cassidy sa mansion nila at para makausap ko siya ulit. Gusto kong makausap siya kahit huling sandali na lang dahil tutal wala na rin kaming pag-asa pa. May girlfriend na ako at may boyfriend na rin siya. May kanya-kanya na kaming buhay.

Nagtungo ako sa kanilang bahay at si Yaya Helena lamang ang naabutan ko.

"Oh Sir Greige." pagkakita sa akin.

"Hello po. Gusto ko lang sana makausap si Cassidy."

"Wala na siya dito, Sir Greige at matagal na siyang hinding umuuwi dito."

Unti-unting nawala ang ngiti ko sa mga labi.

"Saan siya nagpunta?"

"Pasensya na iho, pero di ko alam eh. Siguro its time para iwasan niyo na ang isa't isa para hindi na kayo makapanakit. Kung ako Sir Greige hayaan mo na si Thaea at kung nasaan man siya ngayon masaya na siya at huwag mo na sana guluhin pa." paliwanag sa akin ni Yaya at napatango na lamang ako bilang sagot.

Nagpaalam na kaagad ako sa kanya at bumalik sa kotse. Doon ko muli binuhos ang aking nararamdaman. Hindi ko pa rin lubusang matanggap na wala na talaga kaming pag-asa.

Kasalukuyan kaming nasa restaurant ngayon at kasabay na kumakain ni Natalia. While eating I can't avoid myself to think about her and to miss all about her lalo na wala siya ngayon sa Bicol maybe nasa Manila siya ulit kasama ang ex-boyfriend niya.

"Hey Greige!" bigla na lang ako nagulat sa boses niya. "Ang lalim ata ng iniisip mo ahhh, sa trabaho ba 'yan?"

"Ah oo." I lied dahil hindi ko naman pwede sa sabihin sa kanya ang dahilan. Ayaw kong guluhin niya buhay ni Cassidy. "I am sorry."

"Ok lang. Ganyan ba talaga kapag business-minded person kahit kasama na ang girlfriend nila yung trabaho pa ring iniisip?"

"Oo." medyo naiinis na rin ako sa tanong niyan 'yan para kasing nadi-distract niya ako sa pag-iisip ko kay Cassidy.

"Tipid mo ata sumagot ngayon ah. Is there any problem? O baka iniisip mo nanaman ex girlfriend mo at dinadahilan kunwari sa business ang iniisip."

Ibang klase din ang babaeng tao? Ganun ba talaga ako kahalata para mapansin niya at malaman na siya iniisip ko? Oh no, I'm stupid.

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili at magsinungaling ulit dahil wala akong balak sabihin sa kanya ang iniisip ko.

"Hindi ko siya iniisip, ok?" saka ko na lang muling tinuloy ang pagkain.

"Sinungaling." kaya marahan kong binitawan ang kutsara na hawak ko. Ano ba talaga gusto niya? Magjowa na kami na kahit napalitan lang ako niligawan ko siya para manahimik lang at tigilan na niya pagsusupetsa at pagbabanggit kay Cassidy.

"Pwede ba Natalia. Huwag na natin pagtalanan ito, ok? Wala naman patutunguhan tong pagtatalo natin."

"Mabuti pa umalis na tayo." Sabay labas niya ng restaurant at kaagad ko siyang hinabol at sinubukang suyuin para masabing sincere ako sa kanya at siya yung gusto ko na. Kailangan kong gawin ito. Kailangan ko magpakatatag at maging matured pa para sa pagbalik niya mahalin niya ako ulit. Alam kong di naman siya gaano magtatagal doon. Gusto niya lang mag-unwind sa nagawa kong pananakit at panloloko na rin sa kanya.

Inihatid ko na lang muna si Natalia sa bahay nila. Nagulat ako sa kanyang ginawa. Bigla niya akong ninakawan ng halik.

"Mahal mo ba talaga ako Ford?" tanong niya pagkatapos. Tumango lang din ako bilang tugon. "Bakit iniisip mo pa rin yung ex mo na 'yon?" may pagagalaiti niya pang tanong.

"Kalimutan mo na 'yon saka hindi naman siya iniisip ko. Trabaho ko sa opisina." pagdadahilan ko ulit actually hindi ko pa rin makalimutan si Cassidy at nakakaramdam ako ng lungkot matapos i-cancel na ng company nila ang kontrata sa amin. Ibig sabihin tinanggal na rin niya connection niya sa akin. Maging sa facebook hindi ko na rin siya nahagilap baka nagdeactivate na siya o kaya binura na rin.

"Siguraduhin mo dahil kapag oras na nalaman ko na may ugnayan kayong dalawa. Alam mo na ang gagawin ko sa girlfriend mong 'yon." sabi pa niya nang pagbabanta kaya kaagad akong na-alerto.

"Huwag na huwag mo siyang gagalawin. Huwag mo nang guluhin pa ang tahimik niyang buhay nakikiusap ako sayo. I will do everything para itigil mo na ito." napangisi siya sa aking naging pahayag.

"Natatakot kang mapahamak siya? Eh kung ganun may feelings ka pa rin sa babae na 'yon."

"Wala na nga sabi." napahilamos na lang ako ng mukha bilang reaksyon. "Matagal ko na siyang kinalimutan, ok?"

Kahit masakit para sa akin sabihin ang ganoon napilitan pa rin akong gawin ito dahil I have no choice. Ayaw ko rin mapahamak si Cassisy at gumulo pa ang buhay niya.

"Kung nakalimutan mo na nga siya." bigla niyang inalis ang saplot ng kanyang katawan. Nanlaki ako sa aking nakita at napaatras. Hindi pwede 'to kaya mabilis kong hinablot ang kanyang suot at hinagis sa kanya.

"Natalia, hindi ito ang gusto kong gawin. So please magbihis ka nga muna." kalmado pero medyo naiirita na rin saad ko.

Baliw na talaga ang babaing ito. Wala na talaga siyang hiya. Sa ginagawa niyang 'yan sino pa kayang lalaki ang magseseryoso sa kanya ng ganyan.

"Nakikiusap ako sayo Natalia bigyan mo naman sana kahihiyan ang sarili mo, ok? Kaunti naman sana respeto." pakiusap ko sa kanya dahil ko na maiwasan pang maawa sa mga ginagawa niya. Para kasing binababa na niya masyado ang sarili.

Bigla niya ako ulit ninakawan ng halik subalit tinulak ko siya palayo.

"Please Natalia. Kung gusto mo mahalin kita ng seryoso, tumino ka." pagkasabi ko niyon, naglakad na rin ako palabas ng kanilang bahay. Hindi ko na kasi kaya makita ang ganitong pinagagawa niya lalo pa tuloy na pinamumukha sa akin na nagtataksil ako kay Cassidy.

Mabilis ko nang pinatakbo ang sasakyan hanggang sa makarating na ako ng mansyon at nakasalubong ko rin sina Mama at Papa na nakakunot ang noo.

"What happened to you, son? You seems like you have dated or flirted many girls." puna ni Papa sa akin.

"It's just not like that Papa." maikli kong sagot.

"How do you say so, Greige? How can we believe in you? Look at yourself." puna rin si akin Mama kaya mas lalo tuloy akong nawawalan na ng gana.

"Mali po kayo ng hinala sa akin." I tried to defend myself to them but still they disagree.

"Simula nang magkahiwalay kayo ni Althaea naging ganyan ka na son." nakita ko sa kanila ang pag-aalala sa akin. "Pero huwag mo naman sana sirain ang sarili mo at reputasyon mo bilang C.E.O ng ating kumpanya."

"Malaking impact niyang ginagawa mo sa image ng business natin Greige kaya nakikiusap kami ng Papa mo na umayos ka naman." pagpapaalala sa akin ni Mama.

Nginitian ko lang sila ng pilit saka ako nagpaaalam na sa kanila tumungo sa aking kwarto.

Dinabog kong sinarado ang pintuan saka naupo sa silya at doon ko pinaghahampas at pinagsasabunot ang sarili dahil sa mga nangyayari. Napagod ako at napahiga sa kwarto saka tuluyan kong naipikit ang mga mata hanggang sa nakatulog na pala.