Althaea Cassidy's POV
Six months later....
Matapos ang huling pagkikita namin ni Greige. Kahit matagal na rin kami ni Zen dito sa Japan, hindi pa rin siya mawala sa isip ko. Kahit ano kong gawin paglayo sa kanya, siya pa ring inaalala ko.
"Hey Althaea!" nabalik na lamang ako sa ulirat nang tawagin ako ni Zen. "Akala ko nakikinig ka. Nasa malayo pala iniisip."
"I am sorry." mahinahon kong tugon.
"Siya pa rin ba iniisip mo?" napatingin ako sa kanya at nagulat. "Siya nga." ngumiti siya na pasarkastiko. "Sa kabila ng lahat siya pa rin."
"Ano bang sinasabi mo Zen? Pwedeng antok lang yung tao?"
"See naging defensive ka na kaagad pagdating sa lalaking 'yon." sabi niya naiinis. "Niloko ka na nga at sinaktan, bakit hindi mo pa rin siya gawang kalimutan ah? Samantalang ako ginawa ko na ang lahat di mo pa rin kayang mahalin?"
"Hindi totoo yang mga sinasabi mo Zen." paliwanag ko.
"Pwede ba Althaea huwag mo na ikaila sa sarili mo na hindi mo na siya mahal pero ang totoo may nararamdaman ka pa rin sa kanya." giit ni Zen sa akin saka siya tumayo at napatingala ako sa kanya.
"Zen." pagpigil ko sa kanya.
"Pagod na ako Althaea. Hindi ko na kayang maghintay sa ganito. Walang patutungan ang lahat." pahayag niya habang nanatili pa rin siyang seryoso.
Parang hindi na siya si Zen na dating kilala ko. Naging iba na siya. Siguro kasalanan ko rin naman kung bakit eh. Ang bobo ko kasi. Niloko na nga ako't sinaktan mahal ko pa rin siya. Hindi ko alam kung bakit hindi magawang kalimutan si Greige.
Paglipas na ng gabi, napansin kong nag-iimpake na si Zen ng kanyang mga gamit. "Babalik ka na ba ng Pilipinas? Iiwanan mo na rin ba ako dito?" sunud-sunod kong tanong sa kanya habang nagpipigil sa pagluha.
"Yes. Babalik na ako ng Pilipinas tutal wala ng patutunguhan pa ang lahat kahit magtagal pa ako rito." sabi niya na walang lingun-lingon sa akin kaya nagawa kong lumuhod sandali at hawakan ang kanyang mga braso para pigilan siya.
Hindi ko kasi kayang mag-isa manatili dito ng sa ganitong sitwasyon. Kailangan ko ng comfort niya.
"Buo ng desisyon ko Althaea. Babalik na ako ng Pilipinas. Siguro ito na yung paraan para makawala na rin sa ganitong sistema. Nakakapagod at masyado na rin akong nasasaktan dahil sa kabila ng pagbibigay ko ng efforts wala pa rin nangyayari. Ano pa kung mananatili ako dito?" reklamo niya pero hindi ko pa rin tinatanggal ang mga braso ko sa kanya.
"Zen, please pwede ba natin pag-usapan 'to oh?" pakiusap ko sa kanya. "Hindi ko sinasadya saktan ka eh. Please?"
Bigla na lang niya marahas na iniwaksi ang mga kamay kong nakapatong sa kanyang braso.
"Hindi sinasadya? Ano sa tingin ang ginagawa mo sa akin ngayon, Althaea? You are selfish." mas napapikit na lang ako nang sabihin niyang makasarili ako.
Ganun ba talaga tingin sa akin selfish? Pagkatapos ng lahat ng ginawa kong sakripisyo. Ginawa ko naman ang makakaya para kalimutan siya pero nandito pa rin eh. Nandito pa rin siya sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit mahal ko pa rin siya hanggang ngayon sa kabila ng lahat?
Hinayaan ko na rin si Zen at hindi ko na pinigilan pa kaya tumungo na lang ako sa aking kwarto para doon ilabas lahat ang emosyon.
Buong gabi hindi ako nakatulog kakaiyak at kakaisip ng problema kaya na lang ganito kamaga ang aking mga mata. Inaasahan ko rin na mag-alala pa sa akin si Zen pero ni anino niya hindi ko nakita kaya nasaktan na rin ako sa ginawa niya. Hindi ko inaasahan na magiging ganito siya ka-cold sa akin pagkatapos nito.
Huminga ako nang malalim saka tumungo sa kusina upang magtimpla ng kape at pagkatapos magluto na rin ng breakfast. Mga ilang minuto matapos ko ihanda ang agahan, may narinig akong kalabog ng pinto sa bandang sala kaya napahinto ako at puntahan ito.
Bumungad sa akin na si Zen na may hawak ng ticket at passport pabalik ng Pilipinas. Hindi ko na siya tinanong pa tungkol doon at niyaya ko na lang siya kumain ng almusal.
"Kumain na ako sa labas." sabi niya sabay talikod sa akin patungo sa kanyang kwarto.
Hindi ko na lang maiwasan mapahawak sa aking dibdib dahil sa kirot na na aking nararamdaman. Isang kirot na kung saan labis akong nasasaktan sa ganitong sitwasyon.
Tahimik at mag-isang kumain ako ng agahan saka muli bumalik sa kwarto. Hindi ko na rin naipagpatuloy ang pagsusulat ng nobela dahil lugmok ako ngayon at wala na rin sa concentration.
Lumipas ng ilang mga oras, palabas na ako ng kwarto nang makita ko na si Zen hila na niya ang maleta palabas din ng kanyang silid. Napansin niya ako pero hindi kinubuan at diretso lang patungong salas.
Sinundan ko siya at niyakap para pigilan ang kanyang pag-alis. Pilit niyang kumawala pero hindi niya magawa hanggang sa marahas niya tinanggal ang nakapulupot kong braso sa kanya.
"Zen please. Huwag mong ituloy 'to." pakiusap ko sa kanya ulit.
"No, Althaea. I have to. I know this is the time para makalimot na sa lahat ng bagay tungkol sayo. Babalik ako ng Pilipinas to move on dahil sawa na ako sa ganitong sitwasyon natin na walang pagbabago kaya nakikiusap rin ako sayo, hayaan mo na ako." sabi niya at tumalikod na rin habang ako ay nanatili lamang sa pagtulo ng aking mga luha. Tahimik ko lang siya pinagmamasdan papalabas ng apartment dahilan para mas humalgulgol pa ako.
Pagsapit ng gabi, tinapay lang kinain ko tutal wala na rin akong gana magluto at kumain. Bigla na lang pumasok sa isip ko ang alak. Tama. Kailangan ko maglasing ngayon para sandaling makalimot sa problema.
Madali kong nilagak ang alak hanggang sa hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.
Lumipas ang dalawang linggo kong pamamalagi sa loob ng apartment, sa gitna ng aking pagmumukmok at pag-inom at sa loob ng labing pitong araw na nababalot ng lungkot ang aking paligid, nagawa ko ulit bumangon mula sa naranasan kong problema.
Napag-isipan ko kasi mag-aral na rin ng Japanese tutal matagal-tagal akong mamalagi ako dito at kailangan mapag-aralan ang lenggwahe nila lalo pa't mag-isa lang ako. Kumuha ako ng online course atleast nasa loob lang ako ng apartment dahil ayaw ko na munang makipag-usap sa sinumang tao through face to face. Mukhang nagkaroon ng malaking lamat sa buhay ko simulan nang iwan ako ng isang kaibigan na akala ko na dadamayan ako sa aking problema, na akala ko hinding-hindi niya ako iiwan at susukuan anuman mangyari. Masasabi kong puro lamang sila salita, walang paninindigan. Mabuti na lang through internet ko lang makakasalamuha ang iba kahit papaano malabanan ko.
Kasalukuyan naman akong naglalakad patungo sa isang restaurant para kumain. Tinamad na rin kasi ako magluto lalo pa na medyo stress sa pag-aaral ng katana.
Diretso lang ako sa paglalakad nang may napansin akong isang pamilyar na naglalakad din na babae sa aking harap. Hindi ko makita ang itsura dahil nakatalikod ito sa akin. Sa aking kuryosidad, sinubukan kong maglakad nang mabilis para makatungo sa kanyang harap at makita ang itsura ng babae.
Nanlaki na lamang ako nang siya ang makita ko sa lugar na ito at puno ng tanong sa aking habang tinititigan siya dahilan para mapansin niya rin ako.