Chereads / Forever is not Enough (Book 2 Unanticipated Love) / Chapter 9 - Chapter 9: Phoebe and I

Chapter 9 - Chapter 9: Phoebe and I

Kakarating ko lang ng apartment matapos ang sandaling pag-uusap namin ni Phoebe. Bukas na lang daw itutuloy ang naudlot naming usapan dahil may mahalagang pupuntahan raw sila ng boyfriend niya. Sa umpisa nagulat siya sa akin dahil mag-isa lang ako at mas nagulat pa siya nang malaman niyang wala na kami ni Greige.

Flashback:

Habang umu-order kami ng tea at pancakes hindi mapigilan ni Phoebe mag-usisa tungkol sa aming dalawa ni Greige.

"I can't expect na maghihiwalay pa kayo lalo na napapansin ko naman noon na sobrang wagas ang pag-iibigan sa isa't isa." sambit niya saka nagpasalamat sa waitress na nagserve ng pagkain sa amin at ganoon din ako.

"All I know na mahal ka ni Greige. Masasabi ko ngang 'head over heels' siya sayo eh. Hindi ako talaga makapaniwala na lolokohin ka niya at harapan pa mismo." dugtong pa niya.

Kahit ako di makapaniwala na lolokohin niya ako nang ganito sasaktan lalo pa sa tagal na rin ng relasyon namin, maaaring impossible 'yon. Nagkamali ako.

"Hindi ko rin inaakala dahil sa limang taon naming magkarelasyon nagawa pa niya magloko."

"Kaya pala nag-ibang bansa ka na para maka-move on. Pero bago ka pumunta ng Japan nagkausap pa ba kayo ni Greige?"

Napatango-tango ako saka sinubo ang cake. "Sa isang event at hindi ko inaasahan na magkikita kami roon kasama yung girlfriend niya."

Nanlaki ang mga mata ni Phoebe sa kanyang narinig.

"Mukhang nagkamali ako ng pagkakakilala kay Greige. Hindi ko akalain na ganun na lang sa kanya ang magpalit ng babae kapag nagsawa na." napangiting sarkastiko si Phoebe sa kanyang nalaman.

Ikukwento ko na sa kanya ang tunay na nangyari nang tumawag na ang boyfriend niya kaya nagpaalam na rin kami sa isa't isa...

End of flashback

Pumanhik muna ako sa kwarto para magpalit na ng damit pambahay at saktong pagkabihis ko ay biglang tumunog ang phone ko. Bumungad sa screen ang mukha ng kakambal ko si Athena.

"Hello sis. Musta ka na?" nakangiting bati niya sa akin habang kumakaway.

"Iniisip mo pa rin ba siya?"

"Hindi naman." pagsisinungaling ko dahilan para mapangiwi siya.

"Forget him. He doesn't deserve someone like you, ok. Hindi na lang ako magtataka na saktan ka niya ng ganyan eh. He did that to me before as you will know about my past to him."

May kaunti naman akong nalaman tungkol sa pag-aaway nilang dalawa pero hindi exact details. Simula noong nahulog na ang loob sa kanya hindi na ako nag-usisa pa sa past nila ng kakambal ko.

"I think Zen is the right guy for you. He is your ex-boyfriend right?"

"Wala na rin siya dito." mabilis kong sagot kaya napaawang na lang ang bibig ni Athena sa naging sagot ko.

Napa-tzk na lang din siya bilang reaction.

"Mga lalaki talaga sa umpisa lang magaling kapag nagsawa na iiwan ka na. Pero naiiba ang husband ko sa lahat ng guys. Yes, he is an American and we expect that he would be a bad guy who always seen in some movies however he looks different. Kaya ganun ko na lang siya kamahal." kwento niya at napangiti naman ako.

"Bihira na lang talaga ang tulad niya. It is very rare to find somewhere."

"Siguro nga."

"Ok. Don't be sad, sis. If were you, forget that guy na. He just make your life miserable and I don't want you to suffer for just that stupid love."

Straightforward talaga itong si Athena kahit nakakasakit yung sinasabi niya pero may parte naman doon na magigising ka sa katotohanan.

"Iwasan mo na rin kaya pagiging mabait masyado para naman yung mga guys hindi na nakakalapit sayo tapos bandang huli iiwan at sasaktan ka. Hays. Ganyan naman mga karaniwang lalaki ngayon, mahusay magpa-impress and at the end of the day kapag kaunting problema lang sa inyong dalawa at nagsawa iiwan ka na rin."

Kahit ganito ang kakambal kong ito mahal na mahal ko siya. Kahit noong kabataan namin, parati niya akong binabato ng mga bitter words dahil daw sa sobrang bait ko raw, nagagawa daw akong utuin ng iba. Isa yan yung time na sumama ang loob ko sa kanya.

Palibhasa naman kasi siya very straighforwarded person, medyo wild nga lang pero matalino kaya mas nilalapitan pa rin siya ng mga guys noon.

Maraming bagay naging dahilan kung bakit habang tumatagal lumalayo na ang loob ko sa kanya. Dahil tingin ko kasi sa sarili kapag kasama ko na siya, para akong kasing liit ng buto ng papaya. Dagdag na rin iyong siya parating pinapaboran ng mga magulang ko.

"I will try." napa-English na tuloy ako sa kanya.

"Huwag ka nang magdalawang-isip diyan. I think it is the best way to cheer up yourself."

"Ok." napipilitan kong sagot.

"Anyway, tutal mag-isa ka naman diyan. Can we visit there for three days with my children?" nag-aalangan ako sa aking isasagot dahil sa biglaang plano niya.

"Para naman may makasama ka at makakausap, right? Saka namimiss ka na rin ng mga pamangkin mo eh."

"Pag-iisipan ko muna." natigil siya saglit sa aking sagot.

"Nope. Why you still thinking about it? Basta, whether you like it or not we will go to Japan to see you."

Napabuntong-hininga na lamang ako sa pagpupumilit ng kakambal pumunta dito.

"Alam ba 'yan ng asawa mo?" paninigurado ko lang baka ayaw pala ng husband niya tapos pupunta siya dito.

"I will talk to him later about that." sabi niya habang may kinakalikot sa kanyang mga gamit. "Anyway, see you next time since I have looking for something here on my desk. Bye."

Ayon nagpaalam na nga kami sa isa't isa at muli na lamang ako natulog sa kama. Maya-maya pa'y hindi ko namalayan na mag-aala-singko na pala ng hapon.

Napag-isipan ko na rin kumain ng meryenda pagkatapos ay maligo na rin lalo pa galing din ako sa labas.

Pagkalipas ng mga ilang minuto, napag-isipan ko na rin magluto ng panggabihan hanggang bukas ng umaga para may kakainin pa ako.

Madalas pagtitipid ang ginagawa ko sa Japan lalo pa't sobrang taas ng mga bilihin dito. Wala pa naman akong kita at tanging naipon ko lahat sa pagtatatrabaho sa kumpanya namin meron ako.

Wala pang nakukuha na kita sa pagsusulat ko ng nobela dahil sa drama session ko. Grabe. Sa susunod na araw, binabalak ko na rin ituloy ito dahil kailangan ko na ng pera.

Pagsapit na ng gabi, nagbasa lang muna ako ng libro hanggang sa nakaramdam na ng antok at nakatulog.

Kinabukasan...

Narito na ako ngayon sa isang Streamer Coffee Company na pinakatanyag na coffee shop sa Tokyo, Japan. Dito raw kasi kami magkikita sabi ni Phoebe sa kanina sa text.

Napakaganda ng lugar. Simple pero nakaka-attract sa mata dahil sa mga palamuti na ginamit dito. Napaka-creative ang designers nito, nakakabilib.

Mayroon ring libreng Wi-fi kaya madali kong hinanap ang pinakamaganda at pinakamasarap na specialty na kape nila rito. Napadako ang aking tingin sa isang uri ng kape. Napa-creative din kaya mas lalo akong namangha.

Tatawagin ko na sana ang waitress nang bigla itong lumapit sa akin.

"Ohayōgozaimasu. Go chūmon wa nandesuka, okusama?" sabi niya sa salitang Japanese at mabuti na lang napag-aralan ko ang salita nila at mabilis na natutunan yung basic language.

(Translation: Hello, good morning. What is your order, Ma'am?)

"Rate no meibutsu o itadakemasu ka? Arigatōgozaimashita." siguradong sagot ko. Gusto ko talaga matikman 'yung kape nila kung gaano ito kasarap katulad ng sinasabi sa internet.

(Translation: May I have your specialty latte, please? Thank you.)

Tumango ang waitress. "Go chūmon o omachikudasai, okusama." Saka ito ngumiti bago naglakad palayo sa aking pwesto.

Mga ilang segundo pa lamang nandito na kaagad yung inorder ko. Ang bilis nila ah. Siguro kung sa Pilipinas ito, aabutin ako ng siyam-siyam.

"Kore ga anata no chūmondesu, okusama." sabay lapag ng kape. "Anata wa anata no kōhī o tanoshimu kamo shiremasen." nagbow siya sa akin pagkatapos at nginitian ko lang siya pabalik.

(Translation: Kore ga anata no chūmondesu, okusama. Anata wa anata no kōhī o tanoshimu kamo shiremasen means Here is your order, Ma'am. You may enjoy your coffee. Thank you.)

Nagulat ako pagkakita sa itsura ng coffee nila. Ang cute hehe, may naka-draw pang anime cartoon.

Pagkalipas ng kinse-minutos naubos ko na rin ang kape at sakto na rin ang pagdating ni Phoebe. Pinatake-out na lang din niya ang kape na kanyang inorder saka na rin kami lumabas.

Mayroon siyang kotse at mukhang bagong brand lang ito. 2021 Toyota Sienna ang model nito, napakaganda.

"Let's go?" tumango na lang din ako bilang sagot at pumasok na sa loob ng kotse.

Mga twenty minutes ang biyahe bago kami nakapunta sa isang lugar. Sa loob pa lamang ng kotse ramdam ko na kaagad ang ambience nito. Ang Ueno Park na kung saan sinasabing largest city green place at pinakasikat na pasyalan sa lugar.

"Is it beautiful, isn't? This is my second time na nakapunta rito. My first time is about nang sagutin ko ang boyfriend ko rito." nakangiting saad niya habang kumukuha na rin ng litrato katulad ko.

Dito pala kaya gusto niyang balikan ang lugar dahil mayroong napakagandang alaala nabuo sa lugar na ito.

"Halika, dali may ipapakita ako sayo." bigla na lang niya ako hinila sa aking braso para puntahan ang nasabing lugar.

"Here." turo niya sa mga bangkang nakaladlad rito.

Una siyang humakbang at kinausap ang lalaking mag-aassist sa amin.

"Oh come on, Althaea. Come here na. Don't be afraid." pangungumbinse pa niya sa akin.

Ayon nga nasa boat na kami at di ko maiwasan mailibot ang aking paningin. Kumuha kaagad ako ng litrato at siguradong mapupuno kaagad ang cellphone ko sa mga pictures. Isi-save ko na lang iba sa verbatim o kaya sa google drive.

Nadaanan namin ang Toshugo Shrine kaya kinuhanan ko rin siyang ng dalawang shots lalo pa nakikita ko ang mga magagandang lanterns nitong gawa sa bato.

Maya-maya pa nakarating naman kami sa isang lugar. Pinakamatandang zoo raw sa kanilang lugar sabi ni Phoebe. Halatang dito na nga siya nanirahan sa Japan dahil halos lahat kabisado na niya mga lugar.

Ueno zoo ay isang attrative na zoo na kung saan tatlong libong mga hayop raw ang matatagpuan dito katulad ng mga pandas.

Pagkatapos namin gumala, napagdesisyon muna naming kumain ng lunch. Paglipas ng ilang sandali, pumunta naman kami isang napakandang lugar sa Tokyo at bumungad sa akin katulad ng Eiffel Tower sa Paris. Meron din pala dito.

"Ano mas maganda yung tower sa Paris o yung tower dito sa Tokyo? Choose only one." sabi ng kasama ko habang patuloy niya lang tinititigan ito.

Ilang mga segundo bago ako nakasagot dahil ini-imagine ko muna iyong itsura ng dalawa. Hmmm, sa palagay ko mas maganda ang Tokyo Tower.

"Tokyo Tower ang mas maganda. Ikaw?"

"Same." nakangiting sabi niya pagkalingon sa akin. "Parati ko yang tinitignan kapag napaparaan ako sa lugar na ito." sabi pa niya kaya nagkatawanan lang din kami.

Hindi ko namalayan na nakalipas na ng tatlong-araw dahil sa paggagala namin dito sa Tokyo. Next time raw naman sa Hokkaido, Japan.

Halatang adventureous itong si Phoebe base sa pagkakakilala ko sa kanya at pagsasama namin. Nahawaan na ata ako niya eh. Pero pabor naman sa akin ito lalo na nare-relax ang isip ko kaya nakakalimutan kahit papaano yung mga negativities.

Sumunod naming pinuntahan ang Hamarikyu Gardens at nagawa kami sa Tokyo Metropolitan Park Association. Napakanda ng view kaya kaagad ko itong kinuhanan ng litrato. Napakatahimik at nasasagap yung sariwang hangin. A perfect dating place.

"Dito kami madalas tumambay ni Yuri kapag free time kami sa trabaho. Nakakatanggal ng stress." puna niya.

Halata naman eh. Napakarefreshing hehe. Balak kong dalhin sila Athena pati mga anak niya dito.

"Halika, doon tayo." turo niya sa mga benches naroon.

Hindi ko pa rin maiwasan libutin ng paningin ko ang lugar sobra akong namamangha. Kumuha ulit ang ng tatlong shots. Mapupuno na talaga internal storage ko. Save ko na lang mamaya sa verbatim.

Mga ala-sais na kaming nakarating sa apartment.

"Next time ulit ah." magiliw na sabi ni Phoebe.

"Syempre naman." nginitian ko na siya.

"Siguro naman nabawasan yang lungkot mo?"

Napatango lang ako bilang sagot.

"Good. Hmmm, I have to go now to take a rest na rin at tomorrow may pasok na rin ako. Sige bye, Althaea."

Kumaway na siya sa akin at ganun din ako bago pumasok ng apartment.

Napaupo muna ako sa sofa sa pagod kaya binuksan ko muna ang TV at nilipat ko sa TFC para makapanood ng palabas sa Pilipinas. Sakto news.

Napabuntong-hininga na lang ako sa balita na napanood ko dahil puro na lang bad news at walang good news.

Pinatay ko na lang din ang TV at tumungo sa kwarto para magbihis. Magluluto pa pala ako ng ulam.

Pagsapit ng alas-otso napag-isipan kong magbasa ulit ng libro hanggang sa nakatulog na nang mahimbing.