Althaea Cassidy's POV
Hindi ko namalayan mag-aalasiyete na pala ng umaga at wala pa akong nalulutong almusal. Si Zen kaya nakapag-agahan na kaya?
Kumuha muna ako ng damit sa maleta na kung saan nakalagay ang mga damit ko at iba pang mga gamit para susuutin ko mamaya pagkatapos maligo.
Pagkatapos ko magshower, dumiretso na kaagad ako sa kusina para magluto. Naalala ko tuloy si Yaya Helena na siyang parati ang nagluluto ng agahan namin.
Nang makaluto na balak kong lumabas ng apartment para yayain na si Zen baka hindi pa 'yon kumakain. Hindi ko na siya ite-text, pupuntahan ko na lang siya. Binuksan ko na ang pintuan nang tumambad sa akin na isang bouque ng bulaklak na tulips na isa sa pinakapaborito ko. Napalinga-linga ako sa paligid bago kinuha ang flowers saka muna sinarado ulit ang pinto at tinignan ang nakasulat sa card.
Naka-print lang ang nakasulat kaya hindi ko makikilala kung sino nagpadala at pumasok sa isip kong baka si Zen ang nagbigay. Hindi pa ako makakasigurado kung siya nga kaya isinilid ko muna ang mga bulaklak sa kwarto baka makita pa kasi niya. Ayaw ko na kasi siyang nasasaktan lalo pa na labis-labis ang tulong na binibigay niya sa akin at siyempre kaibigan ko rin siya.
Maya-maya pa may narinig akong tunog nagsasabing may tao kaya nagmadali akong lumabas ng silid para pagbuksan ang pinto. Bumungad sa akin si Zen na nakangiti ito kaya agad ko na siyang pinapasok sa loob.
"Kumain ka na ba ng breakfast?" tanong ko kaagad sa kanya.
"Hindi pa nga eh kaya naparito na ako sa apartment mo." sabay himas niya sa kanyang tiyan indikasyon na nagugutom na nga siya.
Niyaya ko na kaagad siya sa kusina para makakain na rin.
"Sakto kaluluto ko lang nito." saad ko habang naghahain na ng pagkain namin.
"Tulungan na kita." presinta niya kaya hinayaan ko na lang siya.
Sobrang sweet talaga ni Zen kaya na-inlove ako sa kanya noon. Sana nga magbalik yung feelings ko para sa kanya at makalimutan ko na si Greige para hindi na ako nahihirapan ng ganito.
Naalala ko nga yung pagkikita namin sa isang company's celebration, hindi ko inaasahan na naroon rin siya at nandito sa Manila, kasama iyong linta niyang girlfriend. Sobra akong nasaktan na makita siyang ibang babae, hindi ko rin kasi akalain na mauuwi kami sa ganito pagkatapos ng apat na taon na pagsasama namin.
Naalala ko rin ang pag-amin niya sa akin sa kanyang mga kasalanan, may bahagi sa puso ko na gusto ko na siya patawarin at pumayag na magkabalikan kami pero may nagsasabi na hindi na pwede dahil sinaktan niya ako at niloko. Bakit ko pa babalikan ang nangloko? Sinabi niyang nalasing siya noon pero hindi naman sapat 'yan para makipaglandian sa ibang babae.
"Halika na kain na tayo." sabi ko na lang.
Sabay-sabay at tahimik kaming kumain pero kaagad nabasag ang katahimikan dahil nagreact ako sa pagtitingin-tingin ni Zen sa akin habang kumakain kami.
"Ano tinitingin mo diyan?" tanong ko sa kanya.
"Napakaganda mo na kasi tapos ang sarap pang magluto." pambobola niya pa sa akin napangiti lang ako.
"Gusto ko ikaw na yung mapapangasawa ko balang araw dahil na sa'yo na kasi ang lahat ng katangian ng isang babaeng mapapangasawa." sabi niya habang nakatitig sa akin kaya napainom naman ako ng tubig sa kanyang sinabi dahil hindi ako naging comfortable.
Nakaramdam ako ng guilt doon lalo pa hanggang ngayon mahal ko pa rin si Greige. Simula noong magkita kami ulit, hindi nanaman siya nawawala sa isip ko. Halos gabi-gabi bigla na siyang lumalitaw sa aking isipan, pilitin ko man magalit sa kanya hindi ko magawa. Mas naninibabaw yung pagmamahal ko sa kanya.
"Balang araw matutunan mo rin akong mahalin at makakalimutan mo na rin siya. Hindi niya deserved ang mga taong tulad mo, Thaea. You are so much precious para saktan ka lang niya ng ganyan. Kung ayaw na niya sayo, kung sawa na siyang mahalin ka pero wala pa ring nagbabago sa nararamdaman ko para sayo, Althaea. Kaya nga hindi ako makahanap ng iba dahil ikaw pa rin ang nasa puso at isip ko kaya sana hayaan mo lang akong mahalin ka.
" sabi niya sa akin sabay hawak niya sa kanang kamay ko na nakapatong sa mesa.
Halos araw-araw may nagpapadala sa aking mga bulaklak at alam niya kung ano paborito ko. Eh di kaya, si Greige ang nagpapadala ng mga ito sa akin pati pagkain?
Katulad nito, narito ulit Zen para sabay kaming kumain kasi tinatamad siyang magluto sa apartment niya kasi mag-isa lang siya kaya nagdadahilan na lang ako sa kanya na nagpa-deliver na lang ako ng pagkain kahit hindi naman talaga.
Naalala ko kasi noong sinusuyo ako ni Greige, ganito yung ginagawa niya nagpapadala siya ng mga bulaklak at nagpapadeliver ng pagkain. Gusto kong ma-touch sa mga ginagawa niya pero pilit kong nilalabanan dahil ayaw ko ng magpadala pa sa aking nararamdaman para sa kanya lalo pa gusto ko na rin maka-move on na.
Kapag iniisip kong imomo-move on ko na siya parang ang lungkot ng puso ko, parang tinutusok ako ng karayom ng napakalalim. Napabuntong-hininga na lang ako sa aking mga iniisip saka muling nag-focus sa taong kasama ko ngayon.
"May problema ba, Thaea?" napatingin naman ako kay Zen sa kanyang naging tanong. "Parang ang lalim ata ng iniisip mo."
Malalim nga dahil iniisip ko ngayon na paano kita mamahalin ulit at paano ko naman makakalimutan si Greige. Kapag iniisip kong kakalimutan ko na siya ang bigat ng pakiramdam ko, kapag ikaw naman ang naiisip ko hindi ko alam kung ano dapat kung gawin para mapantayan ko ang pagmamahal mo?
"Wala naman, Zen. Baka hindi lang maganda ang pakiramdam ko ngayon." pagdadahilan na lang sa kanya.
"Baka kasi nagpapagod ka nanaman masyado at nagpupuyat kakasulat mo ng novela na 'yan." panenermon naman niya sa akin.
Naikukwento ko kasi sa kanya tungkol sa paggawa ko ng novel bilang libangan at pampalipas lang oras ba pero habang tumatagal kasi sineseryoso ko na ang pagsusulat at kung minsan nag-uupload ako ng aking music cover sa youtube, infairness puro hugot haha. May balak rin kasi akong ipasa ito sa isang publishing company baka palarin rin akong maging writer na isa sa dream ko noon nang bata pa ako bukod sa pagiging recording artist.
"Kaya naman pala." napabuntong-hininga din siya. "Di ba sabi ko sa'yo huwag kang magpupuyat? Nakakasama na kasi sayo 'yan eh. Pwede ka naman magsulat sa ganitong mga oras at hindi sa oras ng gabi."
"Oo na masterrrr." napangisi na lang din ako sabay himas niya sa bangs ko na parang bata lang kapag yung tatay sinasabihan kanilang anak na babae.
Ganyan na ganyan na siya noon pa man, hindi pa rin talaga nagbabago.
Wexford Greige's POV
Narito ako ngayon sa resthouse kasalukuyang nagpapahinga pagkatapos makipag-meet sa ibang investors ng kumpanya. Muli ko nanaman siyang iniisip, araw-araw siya na naman ang nagiging motibasyon ko para gawin ang trabaho at para hindi na muna bumalik ng Bicol.
Kailan kaya kami babalik ulit sa probinsya at ipagpatuloy ang naputol naming love story. Damn, I missed her so much, gustung-gusto ko na nga siyang puntahan sa bagong apartment na tinirhan niya kaso mukhang wala pa akong lakas ng loob harapin siya pagkatapos ng mga nagawa ko sa kanya. Siguro mga ilang araw ko muna palilipasin at hayaan na muna ring sa pagbibigay at pagdadala ko ng bulaklak sa kanya at pagkain.
"Napadala mo na ba sa kanya?" kausap ko sa kabilang linya ang isang delievery boy ng pagkain.
"Yes Sir na-ideliever ko na sa apartment niya na walang nakakapansin kahit siya."
"Good. Sige tatawag ulit ako sa inyo kapag magpapa-deliever ulit ako ng food sa kanya. Salamat." saka ko na rin ibinababa ang cellphon.
Hinding-hindi ko susukuan si Althaea, hangga't di pa niya ako napapatawad at hindi pa siya bumabalik sa akin hindi ako titigil. Papatunayan ko muli na mahal ko siya at akin lang siya na walang dapat pang makakakuha sa kanya.
Lumipas na mga linggo nanatili pa rin ako dito sa Manila at hinayaan ko na muna ang company kay Harold saka naasikaso ko naman through email. Ganoon ako ka-expert pagdating sa pagma-maanage ng negosyo na kahit sa malayo hindi napapabayaan ang kumpanya lalo pa na ipanagkatiwala na sa akin ni Papa, ayaw ko siyang mabigo.
Sa ngayon, papunta na ako sa apartment na kung saan namamalagi si Cassidy. Sabik na sabik na akong makita siya at mayakap. Naglalakad na ako patungo sa tinitirhan niya ngayon, huminga ako nang malalim bago tumingin doon sa system na kung saan nakikita ang mukha mo pati ni Cas sa loob nito.
Mga ilang sandali nakita ko na siyang binubuksan ang pinto at bumungad sa akin ang seryoso niyang mukha.
"Greige, ano ginagawa mo rito at paano mo nalaman na dito ako nakatira?"
"Walang impossible sa akin, Cas. Gusto lang kasi kita makita kaya nandito ako."
"Di ba sinabi ko na sa'yo hayaan mo na ako. Di ba may girlfriend ka na?"
Napangisi na lang din ako sa tanong niya. Para sa akin isa lang namang 'fling' si Natalia, hindi ko siya kailanman magiging girlfriend.
"Hindi ko siya girlfriend, Cas. Alam mo naman ikaw lang ang girlfriend ko."
Napangisi siya nang mapait sa akin.
"Naririnig mo ba sinasabi mo, Greige? Para sabihin ko sa'yo wala na tayong relasyon at in the first place ikaw yung unang nakipagbreak sa ating dalawa tapos sasabihin mong girlfriend mo 'ko?"
"I am sorry, Cas hindi ko sinasadya. I hope you give me another chance."
"No Greige. Huwag ka ng umasa na babalik pa ako sa'yo dahil matagal mong sinira ang realsyon na pinahalagahan natin sa loob ng apat na taon na sana maglilimang taon na rin."
Nakikita ko sa kanya na naluluha na siya. This is all my fault kung bakit siya galit ngayon sa akin. Nilapitan ko siya para kuhanin ang kamay niya pero umatras siya.
"Pumunta ako noon sa bar para makita at makipag-ayos sayo pero iba ang nadatnan ko, nakipaglandian ka pa sa ibang babae at dahil sa sobrang nasaktan ako sa ginawa mo....." tuluyan nang tumulo ang kanyang mga luha at napahikbi. "Naaksidente ako sa sinasakyan ko at na-coma ako ng ilang araw…"
Nagimbal ako sa aking narinig at napahinto. Naaksidente? Bakit hindi ko alam?
"Tapos umaasa akong dadalawin mo ako sa ospital pero wala ka."
"Hindi ko alam na naaaksidente ka, Cassidy. Sana mapatawad mo na ako." muli ko siyang nilapitan para hawakan ang kamay niya pero lumalayo siya. "Kung…kung alam ko sana pupuntahan kita kaagad."
"Laging nasa huli ang pagsisi, Greige. Ano pa nangyari na. Hayaan mo may pumalit naman sayo, si Zen. Siya lamang ang matiyaga na nagbantay sa akin na dapat ikaw ang gumawa niyon. Mas labis akong nasaktan na binalewala mo ako, Greige. Sobrang sakit…" naluluhang saad niya.
"Patawarin mo ako, sweety." paglalambing ko na lang sa kanya. "Hayaan mo akong makabawi sa'yo at mahalin kita ulit." pakiusap ko pa.
Niyakap ko siya nang mahigpit na hindi niya inaasahan at pilit niya ring kumalas sa aming yakap pero pinipigilan ko siya. Hanggang sa may sumuntok sa akin dahilan para bumagsak ako sa sahig.
Si Troezen ang sumuntok sa akin kaya gumanti din ako sa kanya at ganoon din siya ulit.
"Tama na 'yan, please." hindi ko pinakinggan si Cassidy at nakipagsuntukan pa rin ako kay Troezen.
"Pagkatapos mo siya saktan at iwan, ang kapal naman ng mukha mo magpakita pa rito." giit sa akin ni Troezen.
"Wala ka ring karapatan para agawin mo sa akin ang girlfriend ko." at sinuntok ko ulit siya hanggang sa susuntukin na rin niya ako pabalik nang harangan na ako ni Cas laban sa kanya.
"Please stop na. Greige at Zen tama na."
Tumayo na rin ako nang maayos at humarap kay Cassidy.
"Greige tigilan na natin ito, tanggapin mo na tapos na tayo at wala ka nang babalikan pa."
"Titigil na ako kapag sinabi mo sa akin na hindi mo na ako mahal."
"Umalis ka na...."
"Sabihin mo sa akin at sa harap ng lalaking 'yan na hindi mo na ako mahal, titigil na ako. Pipilitin ko ang sarili kalimutan ka na. Hahayaan na kita sa kanya."
"Hindi na kita mahal." pagkasabi niyang 'yon hindi na ako nagdalawang isip pang manatili pa sa lugar.
Naluluha akong lumabas ng apartment at napansin rin ako ng mga dumaraan pero hindi ko lang sila pinansin. Pumasok ako ng kotse at doon nagwala at nagbuhos ng sama ng loob na nararamdaman ko.
Masasabi kong wala na nga akong pag-asa sa kanya. Sobrang sakit isipin na hindi na niya ako mahal pero hindi ko pa rin siya kakalimutan. Itatanim ko pa rin sa puso ko ang aking pagmamahal para sa kanya kahit anuman mangyari, kahit mahal na niya ang lalaking 'yon mamahalin pa rin kita, Althaea Cassidy Muestra.