Chereads / Forever is not Enough (Book 2 Unanticipated Love) / Chapter 2 - Chapter 2: Talk To My Bestfriend

Chapter 2 - Chapter 2: Talk To My Bestfriend

Nagpaalam ako sa aking secretary na hindi ako makakapasok ngayong hapon lalo na nawawalan akong gana magtrabaho matapos ang nangyari sa amin ni Greige. Sobrang bigat aking nararamdaman ngayon at hindi makapaniwala na siya pa mismo ang makikipaghiwalay sa akin.

Kaya narito ako ngayon naluluhang binabaybay ang bahay ng bestfriend kong si Gin. Gusto ko ng makakaramay at makakausap ngayon. Hindi ko kayang mag-isa at solohin itong mabigat na nararamdaman ko. Kaya lakas-loob kong kinatok ang pintuan ng kanilang bahay at gulat nang makita ako ni Gin na ganito ako.

Pinapasok niya kaagad ako sa bahay nila at pinapasok.

"Anong nangyari sayo bez? Bakit umiiyak ka?" agad niyang tanong sa akin.

"Break na kami ni Greige." sabi ko sa kanya habang patuloy pa rin sa pagbuhos ng aking luha.

"Ano?" hindi makapaniwalang reaksyon niya. "Nakipaghiwalay siya sayo? Bakit at anong rason?" naiinis niyang tugon kaya mas lalong humikbi bago sabihin sa kanya ang dahilan.

"Gusto niya kasi lumayo na ako kay Zen at hindi naman ako pumayag sa gusto niya."

"Siguro bez kung gusto mo talaga magkabalikan kayo ni Greige, mas magandang iwasan mo na muna si Zen. Baka kasi nagseselos na yung boyfriend mo sa kanya lalo pa ng may relasyon kayo noon."

Sa sinabi niyang 'yon bigla akong napatigil sa pag-iyak.

"Kasi baka napapansin niya na mas madalas kayo nagkikita at nagkakausap ni Zen kaysa kayong dalawa ni Greige." dagdag pa niya.

Tama naman si Gin pero hindi ko kayang bitawan si Zen, mahalaga rin siya sa akin. Ayaw ko rin siyang masaktan at nakikitang malungkot. Paano na lang kung iiwasan ko siya, ano na lang mararamdaman niya? Masasaktan siya di ba?

"Hindi ko kaya Gin." sabi ko sa kanya habang nangiginig pa rin dahil sa pag-iyak.

"Kailangan mo siyang bitawan bez kung talagang mahalaga pa sayo ang relasyon niyo ni Greige. Kung talagang mahal mo pa siya ang pipiliin mo."

Napayakap na lang ako kay bestfriend ko bilang tugon at muling ibinuhos ang aking luha. Hinagod niya lang likod ko at hinayaan niya lang akong umiyak habang yakap siya.

Pagkalipas ng tatlong oras, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nanatiling nakatitig lang ako sa kisame habang iniisip ang magiging desisyon.

Ayaw kong mawala sa akin si Greige dahil sobrang mahal ko siya. Kung ito lang ang daan para magkabalikan kami kailangan kong magsakripisyo at i-give up ang friendship ni Zen kahit mabigat sa akin alang-alang lamang sa relasyon namin ni Greige.

Pumasok rin sa isip ko ang 5th year anniversary namin. Gusto ko siyang isurpresa sa anniversary namin kaya kailangan ko munang iwasan si Zen. Sana maintindihan niya ako.

Sa aking pag-iisip, biglang bumukas ang kwarto at niluwa nito si Gin na may dala-dalang merienda.

"Kamusta ang tulog mo?" sabi niya sabay lapag ng tray sa table.

"Ayos naman." sagot ko kasunod na pagkuha ko ng pandesal at paghigop ng kape.

"Sige kain ka lang ng marami dahil mukhang hindi ka kumain ng lunch." sabi niya saka na rin dumukot ng tinapay. "Ano na pala ang magiging desisyon mo bez?"

"Iiwasan at lalayuan ko na muna si Zen alang-alang kay Greige. Ayaw kong maging ganito kami at hindi ako mapapalagay."

"Mahal na mahal mo nga siya noh? Hindi ko akalain na ganito ka ka-inlove kay Greige." sabay nguya ng pandesal.

"Mahal na mahal ko nga siya Gin at hindi ko na alam ang gagawin ko kapag tuluyan na kaming hindi magkaayos." saka naman ako humigop ng kape.

Napabuntong-hininga siya at hinawakan ang aking mga kamay.

"Nandito lang ako bez kung kailangan mo ng karamay. Hinding-hindi kita iiwan, tandaan mo 'yan ahhh." sabi niya saka niya ako niyakap nang napakahigpit at ganun din ako.

Sumunod na mga araw, ginawa ko nga ang sinabi ni Gin sa akin ang iwasan muna si Zen. Kaya kinausap ko ang security guard pati secretary ko na huwag ipaalam kay Zen na nandito ako.

Nag-overtime na rin ako sa opisina para makabawi sa mga hindi ko pagpasok ng mga nakaraang araw. Oo nagleave ako ng 3 days buhat ng magkausap kami ni bez. Gusto ko lang i-relax muna ang pag-iisip ko dahil hindi ako makakapagfocus na pre-occupied at stress.

Masasabi kong medyo maayos na ang pakiramdam ko nung nagleave ako.

Kaya alas-otso na ng gabi ako nakalabas ng building. Tahimik kong tinatahak patungo sa kotse ko nang may biglang nagsalita.

"Akala ko wala ka sa opisina niyo dahil sabi ng sekyu nag-out of town ka raw."

Si Zen. Nasundan niya ba ako?

Napalunok akong humarap sa kanya habang siya papalapit sa kinaroroonan ko.

"Ikaw pala Zen." gulat na saad ko.

"May problema ba tayo Althaea?"

"Wala naman." sagot ko kaagad.

"Bakit mo ako iniiwasan?"

Ngayon ibang Zen na nakikita ko. Napakalungkot at halatang tumanda ang itsura niya. Natatakpan na nito ang gwapo niyang mukha.

"Patawarin mo ako Zen pero kailangan ko lang talaga iwasan ka."

"Bakit?"

"Dahil..."

"Dahil ano?"

Galit na niyang sigaw sa akin. First time kong makita siyang ganito. Kahit pa noon hindi ko siya nakikitang nagagalit ng ganito.

"Para kay Greige!"

Nakita ko siyang tumulo ang luha at mabilis niyang pinahid iyon.

"Althaea naman. Hinayaan na nga kita sa kanya tapos pati ba naman itong pagkakaibigan, ipagdadamot mo pa? Parang tinorture mo na ako ng paulit-ulit sa sinabi mong 'yan Thaea. Napakasakit sobra."

"Hindi ko ginusto 'to Zen pero ito lang ang paraan para magkabalikan kami."

Napakunot siya ng noo pagkarinig niya sa huli kong sinambit.

"Ano?"

"Hiniwalayan ako ni Greige dahil sayo."

Napangisi siya habang patuloy pa rin ang pagpatak ng kanyang mga luha.

"Napakababaw naman ng lalaking 'yon." bulong niya. "Di mo ba alam mas nasasaktan ako sa mga nalaman kong hiniwalayan ka ni Greige dahil sakin?"

Lumapit pa siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi na tila inexamine niya ang kabuuan ko. Inayos niya ang buhok ko sa pagitan ng aking tainga hanggang sa hinalikan niya ako sa noo pati sa ilong hanggang sa aking labi.

Oo hinalikan niya ako sa labi at hindi ko ginawang tumanggi pa. Hinayaan ko lang siya dahil nagi-guilty pa rin ako sa ginawa ko sa kanya. Gusto ko siyang pagbigyan kahit nararamdaman ko nang nagtaksil ako kay Greige. Hindi ko na iniisip iyon sa ngayon dahil kailangan kong makabawi sa dinulot kong sakit sa kanya.

Sa aking palagay, ako pa rin ang first kiss niya dahil simula't sapol ako pa lang ang babaing minahal niya ng ganito. Kaya tumugon na rin ako sa kanyang halik hanggang sa tumigil na rin siya at lumayo sa akin, iniwan sa parking lot na nakaawang aking mga bibig.

Tama ba talaga ang naging desisyon kong layuan si Zen para kay Greige? Maihihiling ko na sana makahanap na rin siya ng babaing tunay na magmamahal sa kanya na hindi siya sasaktan.

Pagkatapos ng gabing iyon, hindi ko na rin nakikita si Zen maski anino niya. Talagang lumayo na siya sa akin para sa aking sariling kaligayahan. Masasabi kong napakabuti niyang tao kaya nagnanais akong makatagpo siya ng babae na mamahalin siya ng higit pa sa pagmamahal na binigay ko sa kanya. Kapag mangyayari iyon, magiging masaya na rin ako para sa kanya at hindi ko na siya makikitang malungkot katulad nito. Hindi niya deserved ang magkaganito siya dahil napakabait niyang tao.

Sa gitna ng aking pag-iisip, biglang may kumakatok sa pintuan ng akin opisina at madali ko itong pinatuloy.

Secretary ko pala.

Mayroon kaming meeting 10:00PM, siguradong magkikita kami ng kakambal kong si Athena. Sana wala munang makakaalam tungkol sa nangyari sa amin ni Greige. Tanging ako, si Gin at Zen lang nakakaalam.

"Hello my pretty sis." masayang bati sa akin ng kakambal ko.

Namengeke lang ako ng ngiti sa kanya pagkatapos tumungo na rin kami sa conference room.

Siya na ang naging C.E.O at President ng kumpanya namin habang ako naman ang C.O.O.

Pagkatapos ng pulong kaagad na rin akong bumalik sa opisina at napag-isipan kong tawagan si Greige. Hindi na akong nagdalawang isip na kung tatawagan siya o hindi. Tinipa ko na kaagad ang numero niya at nag-ring muli sa kabilang linya.

Greige please answer the phone. Mag-usap naman tayo ohhh.

Lumipas ng dalawang minuto hindi pa rin siya sa sumasagot hanggang sa kinancel niya ang tawag ko dahilan para muli akong lumuha.

Pagkatapos ng office work, napag-isipan kong dumalaw ulit kila Gin. Gusto ko rin makausap si Harold dahil may nais akong malaman sa kanya tungkol kay Greige baka may alam siya kahit hindi na ito nagkakausap masyado ng boyfriend ko.

Tama baka may alam si Harold iyan ang tutuklasin ko.

Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan at binuksan ang stereo saktong nagplay ang isang kantang may connection sa nangyayari sa akin ngayon.

Forever's not Enough by Sarah Geronimo

If I would have to live my life again I'd stay in love with you the way I've been

Your love is something no one ever can replace

I can't imagine life with someone else

I promise I will share my life with you

Forever may not be enough it's true

My heart is filled with so much love

I feel for you

No words can say how much I love you so

Kahit binabalewala mo ako ngayon Greige, mahal pa rin kita. Alam kong mahal mo pa rin ako, nagawa mo lang ito dahil nagseselos kay Zen. Ngayon wala na siya, ngayong iniiwasan ko na siya at nilalayuan na rin niya ako kahit masakit para sa kanya, sana bumalik ka na sa akin. Sana mapatawad mo ako Greige, sana hindi mabawasan ang pagmamahal na nararamdaman mo para sa akin. Sana.

And if forever's not enough for me to love you

I'd spend another lifetime baby

If you ask me to

There's nothing I won't do

Forever's not enough for me to love you so

They say tomorrow seems so far away And now we see that everything can change

My love for you gets stronger as tomorrow comes

I know this love will stand

The test of time

Sumasabay lang ako awitin ng kanta habang tinatahak ng sasakyan ang daan patungo sa bahay ni Gin. Masasabi kong nakakarelate akong sa kantang 'to kaya naman feel na feel kong bawat lyrics at himig ng kanta.

And if forever's not enough for me to love you

I'd spend another lifetime baby

If you ask me to

There's nothing I won't do

Forever's not enough for me to love you so

They say tomorrow seems so far away And now we see that everything can change

My love for you gets stronger as tomorrow comes

I know this love will stand

The test of time

Pataas ng pataas na yung kanta kaya nakinig na lang ako hanggang sa matapos na ang kanta at saktong nakarating na rin ako sa bahay nila Gin.

Nakita ko rin si Harold na pinaparada ang kotse niya kaya mabilis akong bumababa sa sasakyan at lumapit kay Harold.

Nagulat ito pagkakita sa akin at may pagtataka ang itsura.

"Oh ikaw pala 'yan Althaea." sabi niya. "Halika pasok ka muna sa loob at tamang-tamang may nihanda ang asawa kong masarap na merienda."

Umupo na muna ako sa salas at nakita na lamang ako ni Gin kaya bigla niya akong niyakap nang napakahigpit.

"Kamusta ang bestfriend ko?" tanong niya sa akin habang nakayakapa pa rin kami sa isa't isa.

"Ayos naman."

"Weh parang hindi eh. Kita sa mukha mo." pang-aasar pa niya.

Niyaya na rin ako ng mag-asawa na samahan sila sa hapunan at maya-maya nagtanong na rin ako kay Harold tungkol kay Greige.

Bigla naging iba itsura niya pagkatapos kaya nagtaka na ako sa naging reaksyon nito. Parang may alam siya na hindi niya masabi-sabi sa akin. Sa unang tingin ko pa lang sa kanya kanina, napapansin kong may tinatago siya.

"May problema ba kayo ni Greige?"

Sa tanong niya pa lang parang may tinatago siya sa amin ni Gin tungkol kay Greige na hindi niya masabi at dinadaan niya lang sa tanong na kunwari na wala siyang nalalaman.

"Pasensya na Harold pero ngayon ko lang sayo ito sasabihin." si Gin muna ang nagsalita. "Nagbreak sila ni Greige ilang linggo ng lumipas."

Hindi siya nagulat sa sinabi ni bez so mukhang alam na nga niya at sinabi sa kanya ni Greige.

"Harold kung nagkakausap man kayo ng boyfriend ko, pwede ko ba malaman kung nasaan siya ngayon? Gusto kong magkausap at magkaliwanagan kami." bungad ko sa kanya.

Bumuntong-hininga siya pagkatapos niya marinig aking mga sinabi.

"Siguro dapat ko na 'to sabihin sayo Althaea. Ayaw ko lang kasi makialam sa relasyon niyo pero ito ata ang tama kong gawin. Bestfriend ka ng asawa ko at nalulungkot siya kapag nakikita ka niyang nasasaktan."

Humigop muna siya ng kape saka muling nagsalita.

"Simula kasi nung nakipagbreak si Greige sayo madalas nanaman siyang naglalasing at kung minsan pumpunta ng bar. Niyayaya nga niya ako pero tumatanggi ako kasi may asawa na'ko at hindi pwede."

Sa sinabi iyon ni Harold hindi ko maiwasan sisihin ang sarili sa nangyari kay Greige. Dapat pala siya pa rin ang pinili ko at hindi na dalat pa ako tumanggi. Kasalanan ko kung bakit siya naglalasing ngayon.

"Maaari ko bang malaman kung saang bar siya madalas magpunta?" balik kong tanong kay Harold.

Tumititig muna ito sa asawa niyang si Gin bago niya sinabi sa akin ang lugar kung saan madalas puntahan ni Greige para uminom at maglasing.