Chereads / Forever is not Enough (Book 2 Unanticipated Love) / Chapter 3 - Chapter 3: The Accident

Chapter 3 - Chapter 3: The Accident

Kasalukuyan na akong nagmamaneho patungo sa disco bar na sinabi kanina sa akin ni Harold. Masasabi kong hindi ko na kilala si Greige sa aking nalaman ngayon o baka hindi ko lang siya lubusang kilala kahit apat na taon na kami at maglilimang taon naman na sana kami next month dahil hindi ko siya kinikilala, naka-focus lang ako sa relasyon namin at sa nararamdaman ko para sa kanya.

Mga ilang sandali nakarating na rin ako sa nasabing lugar. Walang anu-ano pumasok na kaagad ako sa loob. Napapatakip na rin ako ng tainga dahil sa sobrang ingay pati ilong na rin dahil naman sa naaamoy kong sigarilyo.

Hindi ako makapaniwala na dumadayo na si Greige sa ganitong klaseng lugar. Umiinom na siya ng alak at nagsisigarilyo? Kailan pa?

Patuloy lang ako sa paghahanap sa kanya subalit ni anino ni Greige hindi ko makita. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid baka sakaling masumpungan ko na siya pero wala pa rin.

Mag-iisang oras na ako dito di ko pa rin siya mahanap. Napapangiwi na rin ako sa mga nakikita kong babaeng sumasayaw na sobrang wild na rin hanggang sa bumalik naman ako sa paghahanap kay Greige.

Mga ilang minuto, pumasok sa isip ko na magtanong sa mga narito o kaya sa isang bouncer baka kilala nila ang boyfriend ko, hindi ex-boyfriend na pala dahil nakipaghiwalay na pala siya sa akin. Masakit lang isipin na natapos ang relasyon namin sa ganoong klaseng kaliit na bagay.

Dumako ang tingin ko sa isa na tingin kong bouncer din.

"Kilala niyo ba si Wexford Greige Escorial?" sigaw ko sa kanya dahil hindi ako nito maririnig sa lakas ng tugtog.

"Ah si Sir Greige po ba?" napatango kaagad ako. "Naroon siya sa VIP room puntahan niyo na lang po." sabi niya sabay turo roon sa isang pintuan sa bandang gilid na may nakalagay na 'VIP ROOM'.

"Salamat." kaagad na rin ako dumiretso sa tinuro ng lalaki.

Huminga ako nang malalim bago binuksan ang pintuan hanggang sa bumungad sa akin ang ilang mga tao na tulad ko rin na may magandang estado sa buhay. Napalinga-linga ako sa paligid matapos nagulat at naibagsak ko ang isang kopita ng alak na inorder ko kanina lang nang makita kong may kahalikan na iba si Greige sa di kalayuan. May ibang nakapansin sa nangyari.

Tumagal lamang ako sandali baka sakaling mapansin niya ako pero hindi pala kaya naglakad na akong mabilis palabas ng VIP room habang walang tigil na paghikbi.

Napansin ako ng ibang tao roon pero hindi ko na sila tinignan pa at dumiretso lang din palabas ng disco bar dahil hindi ko na kaya na makita siya na may kasama at kahalikan pa.

Napakasakit Greige ang ginawa mo sa akin. Parang sinasaksak mo na rin ako ng paulit-ulit sa iyong ginawa. Mas matindi pa ang ginanti mo sa akin.

Naiinis akong pumasok sa kotse at pinaghahampas ang manibela. Labis-labis akong nadismaya at nasaktan sa ginawa niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayong niloloko na niya ako.

Patuloy pa rin ako sa paghampas ng manibela at humagulgol. Maya-maya pa ay pinunasan ko na ang tumulong mga luha at sinimulan ang pagmaneho pauwi ng bahay.

Inis na inis ako sa sarili habang nagmamaneho dahil sa hindi ko matanggap na nagtaksil na sa akin si Greige. Hinayaan kong tumulo muli ang aking mga luha sa pag-iyak dahil hindi ko pa rin mainda ang aking nararamdamang sakit.

Sa sobrang pagbuhos ng aking luha unti-unting nagblurred ang aking paningin hanggang sa may makita akong kotseng babangga sa akin kaya kaagad kong niliko ang sasakyan subalit tumama ito sa isang malaking puno hanggang sa nawalan na ako ng malay.

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang kulay puti hanggang sa nilibot ko ang aking paningin at napansin ko ang isang lalaking nakasampa sa aking kama habang natutulog.

Napansin niya siguro ang paggising ko kaya na napamulat na rin siya at nagulat nang makita niya ako. Si Zen.

"Thaea?" gulat pa ring saad niya. "Sandali lang tatawag ako ng doctor upang tignan ka." dagdag pa ni Zen pagkatapos lumabas na siya ng kwarto upang tumawag ng doktor.

Umaasa akong si Greige ang makikita ko kapag magigising ako subalit wala. Ni anino niya hindi ko nakita. Nakalimutan na ba niya talaga ako ng ganun na lang? Mahal pa ba niya ako? May pakialam pa ba siya sa akin? Siguro wala na nga kasi may iba na siyang pinagtutuunan ng pansin. Masaya pa nga siya sa ginagawa nila habang ako naman tinutusuk-tusok ng karayom ang puso ko sa sobrang sakit nang makita ko ang ganoong eksena.

Muli nanamang tumulo ang aking luha at agad ko naman itong pinunasan nang marinig kong bumukas ang pinto at nakita ko si Zen kasama ang doctor na magtitingin sa akin.

"Finally you woke up, Miss Thaea." she sighed but I frowned of what she said. "You are in a coma within three days."

Nagulat naman ako sa kanyang naging pahayag sa akin. Hindi ako makapaniwala buhat ng aksidente, na-coma din ako katulad ng nangyari kay Athena.

"Bakit naman po?"

"Dahil sa stress at sa dami na ring nawala na dugo sa katawan mo at mabuti na lang naagapan ng boyfriend mo." napatitig ako kay Zen na siyang tinutukoy ni doktora.

"Pasensya na po doktora hindi ko po siya girlfriend, magkaibigan lang po kami."

"I am sorry akala ko magjowa kayo, hehe." paghingi niya ng paumanhin saka niya muli akong inobserbahan.

"Nasa trabaho po yong boyfriend niya." sabi ulit ni Zen saka siya tumititig sa akin kaya napaiwas ako sa pagtitig dahil ayaw kong malaman niya ang nararamdaman ko ngayon.

"So today Thaea, all you can do is to eat green vegetables para unti-unting madagdagan ang mga dugo mo sa katawan at bumalik ang lakas mo." huminga itong malalim. "Sige maiwan ko na kayo may bibisitahin pa akong ibang pasyente.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo Thaea?" kitang-kita sa mga mata niya ang pag-alala sa akin.

"Ok naman na ako Zen at salamat nga pala sa tulong mo."

"Walang anuman 'yon Thaea basta para sayo." nakangiting tugon niya.

"Si Mom and Dad?"

"Kakaalis lang nila para pumasok sa opisina." sabi niya. "Siya nga pala, bakit hindi ko nakikitang dumalaw si Greige dito?"

Sa tanong niyang 'yan tumagilid ako ng pagkakahiga at tinalikuran siya.

"Alam niya ba ang nangyari sayo?" sunod niya pang tanong. "Althaea? Kanina pa kita kinakausap bakit hindiĀ  ka sumasagot! May kinalaman ba ang pagkaaksidente mo kay Greige? Ang mga magulang mo labis-labis ang pag-alala ng mabalitaan nilang naaksidente ka. Si Ginger halos mabaliw kakaalala sayo at lagi niya akong tinatanong sa text kung gising ka na?"

Humikbi lamang ako bilang tugon dahilan para paharapin ako ni Zen sa kanya, "Bakit ka umiiyak, Thaea? Si Greige ba ang dahilan nito?" naiinis pero puno pa rin ang pag-alala makikita sa kanyang mga mata.

"Hayaan natin siya Zen." sabi ko at pinigilang tumulo ang luha.

"Anong hahayaan? Sa palagay mo ba ang mapapalagay ako ng ganito?" giit niya.

"Zen please hayaan mo na si Greige." huminga ako ng malalim. "Tinapos na niya ang sa amin kaya tigilan na natin siya."

"Wala na kayo ni Greige? Kailan pa?"

"Dalawang linggo na kaming wala Zen."

Akmang aalis na si Zen para sugurin si Greige ngunit pinigilan ko siya.

"Huwag na Zen. Dito ka na lang at hindi mo na kailangang sugurin siya sa bahay nila."

"Gusto ko matauhan ang isang 'yon. Nangako siya sa akin na hinding-hindi ka na niya sasaktan pero di siya tumupad sa usapan."

"Zen hayaan na natin siya. Huwag ka nang sumugod doon." pakiusap ko sa kanya ulit.

"Ako ba ang dahilan kung bakit kayo naghiwalay?"

Hindi ko pwede sabihin sa kanya na siya ang dahilan kung bakit nakipag-break sa akin si Greige at sumama sa ibang babae.

"May iba na siya Zen." iyan na lang ang ginawa kong dahilan kasi kung sasabihin ko sa kanya mas lalo lang siya masasaktan.

Napa-facepalm siya sa akin sinabi dahil sa frustrations niya kay Greige.

"Dapat pala hindi na lang kita hinayaan sa kanya dahil masasaktan ka pa rin." saad ni Zen na may labis na pagsisisi sa kanyang sarili. "Kasalanan ko ito, Althaea."

"Hindi mo kasalanan, Zen. Ginawa mo lang 'yon dahil si Greige ang nagpapasaya sa akin. Ginawa mo lang nararapat para sa akin kaya wala kang kasalanan."

"Pero kasalanan ko pa rin na hinayaan kita sa walang kwentang lalaking 'yon. Hindi siya deserving para sayo, Althaea."

"Kahit mukha siyang hindi deserving para sa akin, mahal ko pa rin siya Zen. Mahal na mahal ko si Greige."

Ewan ko ba aking sarili bakit pa nasabi 'yon? Mas lalo lang nasaktan si Zen sa ginawa ko.

"Pero sana Althaea isipin mo naman sana ang sarili mo." nakikiusap na saad niya.

Mukhang di ko na ata kilala ang sarili sa inaakto nitong mga nakaraang araw. Feeling ko parati na lang ako naka-focus kay Greige kahit sinaktan na niya ako. Masyado ko nang binababa ang sarili sa isang lalaking tulad ni Greige na walang pakialam sa mararamdaman ko. Hindi naman ganito ganito ang pananaw ko noon, simula na lang na minahal ko siya ng sobra nagbago na. Gusto ko na ngang maibalik ang dating paniniwala kong 'yon pero may pumipigil sa akin na gawin 'yon. Siguro hindi pa ito ang tamang oras lalo na hindi pa ako nagmo-move on sa sa kanya. Iyon ata tama ang isa sa paraan para maibalik ako sa pagiging ganun.

Mga ilang sandali, bumukas ang pinto at iniluwa nito si Gin.

"Althaea." malakas niyang sigaw pagkakita sa akin saka ako niyakap. "Salamat kay Bathala gumising ka na. Hindi na ako napapakali sa sarili nang mabalitaan ko ang nangyari sayo." sabi niya habang nanatili pa rin kaming nakayakap.

"Mas lalo akong nagagalaiti sa kanya...ayyy." nagulat siya sa kanyang nasambit dahil nakalimutan niya pala na nandito si Zen kaya nagpalit ang tingin ni Gin sa aming dalawa.

"Alam na niya bez." sabi ko sa kanya kaya napatakip siya ng bibig sa gulat. "Nasabi ko pa lang sa kanya kanina."

"Oh nga pala. Gin ikaw na muna bahala magbantay kay Thaea. Uuwi muna ako ng bahay para makapaglinis ng katawan at magluto ng makakain niya."

Napangiti ako kay Zen habang napatango-tango lang sa kanya si Gin.

Dapat si Zen na lang ang pinili ko kahit nawala na yung feelings ko for him. Matututo ko naman siyang mahalin dahil wala ng ibang hahanapin pa sa kanya. Napaka-perfect niya parang maging boyfriend.

Pinagsisihan kong minahal ko si Greige lalo pa sa umabot sa ganito ang nangyari sa akin pero hindi maiwasan mangibabaw ang pagmamahal ko para sa kanya kaya hindi ko magawang magalit at kamuhian siya.

"Thaea alis muna ako."

"Mag-iingat ka Zen."

"Huwag ka mag-alala Zen maaasahan mo ako rito kay Thaea at di ito makakapalag sa akin."

Confident na sabi ni Ginger kay Zen kaya hindi ko maiwasan simangutan si bez.

"Alam ko Gin. Ikaw pa haha." napangising tugon ni Zen.

Maya-maya nakaalis na rin si Zen kaya kaming dalawa na lang ni bez ang narito.

"Anong balak mo na ngayon niyan bez?"

"Ano ibig mo sabihin Gin?"

"Kapag na-discharge ka na dito sa ospital at gumaling ka na, ano na ang susunod mong gagawin?"

"Magmo-move on?"

Tama ba? Ang mag-move on na lang. Tutal masaya naman na si Greige tapos ako heto nagdurusa pa rin dahil sa pagmamahal ko sa kanya.

"Sigurado ka na ba diyan?"

Tumango naman ako.

"Advice ko lang sayo bez kung balak mo na talagang mag-move on at kalimutan si Greige, dapat buo ang inyong desisyon at loob dahil hindi ganoon kadali at dapat kaya mo nang panindigan ang mga sinabi mo."

Iyan naman talaga kaya kailangan ko ng oras para diyan.

"Oo naman bez dapat siguradong-sigurado na ako."

"Wala ka rin bang plano mag-out of town?"

Hmmm, wala pa sa isip ko 'yan. Alam ko namang isa iyan sa way para maka-move pero hindi pa sa ngayon.

"Hindi pa ako sigurado diyan bez. Kaya ma-isettle ko muna lahat sa kumpanya namin, kailangan kong maka-usap muna si Mom and Dad para diyan at magpaalam kay Athena."

"Teka. Alam na ba ito ng kakambal mo?"

"Hindi pa nga eh saka wala akong balak sabihin sa kanya tungkol sa break up namin dahil hindi iyon magpapapigil at susugurin niya si Greige baka masira lang din ang reputasyon niya."

"Overprotective rin pala yung kakambal mong 'yon."

Dati kasi nangako si Greige kay Thena na hindi niya ako sasaktan at pababayaan pero nang dahil sa nangyari sa akin ngayon, walang impossible na hindi niya puntahan si Greige sa kanilang opisina.

Dalawang oras tumambay si Gin dito sa hospital at marami kaming napag-usapan rito hanggang sa dumating na rin ang parents ko at laking tuwa nilang makita akong mulat na ang mata.

Niyakap nila ako nang mahigpit pagkatapos.

"Laking pasasalamat na lang na gumising ka na, Thaea." nakangiting bungad sa akin ni Mom.

"Tito, Tita mauna na po ako. Bukas naman po ulit."

"Maraming salamat, Gin." sabi ko.

"Walang anuman, bez. Sige aalis na po ako." sabi ni Gin habang naka-waving ang kamay niya sa amin.

"Gusto naming malaman ngayon Thaea mula sayo. Ano ba ang dahilan bakit ka naaksidente? Sabihin mo nga sa amin?"

Seryosong tanong ni Dad kaya nakaramdam ako ng kaba sa dibdib.

Sasabihin ko ba sa kanila?

"Hiwalay na po kami ni Greige." diretsahang sagot ko na ikinagulat at ipanagtaka rin nila.

"Kailan pa?" tanong ulit ni Dad.

"Two weeks ago po, Dad?"

"Bakit naman anak? May bagay ba kayong hindi napagkasunduan o nagkasakitan kayong dalawa." tanong ni Mom.

Hindi ko maaaring sabihin sa kanila ang tunay na rason na si Zen ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay sa akin si Greige. Ayaw ko nang idawit pa si Zen dito.

"May ibang babae na po siya Mom and Dad." pagsisinungaling ko.

"Nakita mo ba?" tanong naman ulit ni Dad.

Tumango lang ako bilang sagot sa tanong nila.

"Sa aming pagkakakilala kay Greige hindi siya yung tipong mambabae maliban sa pagiging immature din mag-isip at workaholic."

Iyan nga tinanong ko sa sarili dahil hindi ako makapaniwala na magagawa niya sa akin 'yon. I think that he really change a lot. Lahat ng tao nagbabago. Parang hindi ko na nga siya kilala.

"Hindi rin ako makapaniwala, Dad." kasabay ng pagpatak ng aking luha sa aking pisngi.