"What you like, this one," tukoy niya sa barbie doll na hawak ng kaliwa niyang kamay, "or this one?" tukoy niya sa doll house na bitbit ng kanan niyang kamay.
"Ninang, puwede both?" Nagpa-cute na sabi nito. "Dapat po may doll sa doll house, 'di ba?"
How can a five year old child say that? She can't help but to smile. She looked charming and smart at the same time.
"Naku! Mauubos ang budget ko sa 'yo."
"Please?" Naka-pout ang labi nito habang nagmamakaawa. "I'll be good at school and at home."
"Mmmm…" Kunwari ay pinag-iisipan niyang mabuti kung pagbibigyan ang hiling nito o hindi.
"Please?"
"Sige na nga." Kunwari ay napipilitan siyang bumili. "I-kiss mo muna ako bago ko bilhin ang toys." Bahagya siyang yumuko upang maabot nito ang kanyang mukha. Pinupog siya ng halik ni Nicole. "Ang sweet naman ng baby ko."
"Mommy gusto ko 'to."
Natigil ang lambingan nilang mag-ninang nang may lumapit na mag-ina malapit sa kinaroroonan nila. Gustong magpabili ng manika ng batang babae. Tantiya niya ay magsing-edad ang bata at si Nicole.
"Anak, masyadong mahal 'tong doll." Binalik ng babae ang manika sa stall nang makita ang presyo niyon. "Iba na lang ang piliin mo, iyong mas mura."
"Ayoko! Gusto ko 'to."
Nagsimula nang umiyak ang batang babae. Hindi ito kayang patahanin ng ina nito. Pinagmasdan niyang mabuti ang mag-ina at unti-unti niyang namumukhaan ang babae.
"Anna?"
Nilingon siya ng babaeng tinawag niyang Anna. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat nang makita siya. Matagal ito bago nakapagsalita.
"Gia?"
"Anna!" Masayang niyakap niya ang kaibigan. "Kumusta? Ang tagal nating hindi nagkita."
"Okay naman." Maikli nitong tugon na hindi tumitingin sa dalaga. "Mauna na ako sa 'yo," paalam nito sabay hila sa anak.
Hindi niya maintindihan kung bakit nagmamadali ito at parang iniiwasan siya. Hindi iyon ang inaasahan niyang magiging reaksyon nito kapag nagkita sila.
"Sandali lang." Pinigilan niya sa kamay si Anna. "Magkuwentuhan muna tayo kahit saglit lang."
"Next time na tayo mag-usap. Nagmamadali kasi ako."
Pipigilan niya ulit sana ito subalit natigilan siya nang may tumawag sa buong pangalan niya.
"Gianelli."
Matagal niyang hindi narinig ang boses na 'yon subalit 'di niya nakalimutan ang taong nagmamay-ari niyon. Paano niya makakalimutan ang lalaking nagpatibok ngunit nanakit sa kanyang puso?
"Gia, how are you?" Akmang lalapit ito sa dalaga subalit umatras ang babae palayo rito. Tumigil naman ito sa tangkang paglapit kay Gia, pero nagpatuloy sa pagsasalita. "I'm so glad to see you again."
She didn't bother to say anthing because she was wondering why her college best friend and her ex-boyfriend were at the same place together. Hindi naman siguro coincidence ang lahat ng iyon. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa na para bang may makukuha kasagutan sa mga ito.
"Daddy, ibili mo ako ng doll."
Ang piping tanong na nasa isipan niya ay nasagot nang lumapit ang batang kasama ni Anna sa ex-boyfriend niya na tinawag nitong "Daddy".
"Anak, next time na natin 'to bilhin, okay?"
Maraming tanong ang naglalaro sa kanyang isipan ngayon gaya ng, kailan pa naging kayo? Paano naging kayo? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi ninyo sinabi?
Gusto niyang magtanong, pero bakit hindi niya magawa? Niloko ba siya ng mga ito? Gusto niyang humingi ng paliwanag subalit ayaw bumuka ng kanyag bibig.
Sa 'di niya malamang dahilan ay nawala ang komunikasyon nila ni Anna nang maghiwalay sila ni Edward. After six years, hindi inaasahang nakita niya ang dalawa at may anak na ang mga ito. She was betrayed by her own best friend that she considered as her own sister. Why?
"Palagi n'yo na lang sinasabing next time," maktol ng bata. "Buti pa 'yong mga kalaro ko maraming laruan."
"Wala pa kasi tayong sapat na pera ngayon," paliwanag ni Edward sa bata bago siya binalingan. "Nagulat ka siguro sa inasal ng bata. Nakakahiya mang aminin, pero hindi namin kayang ibigay-" Naputol ang sasabihin ni Edward dahil umeksena si Anna.
"Anong nakakhihiya? Anong hindi natin kayang ibigay? Ayokong maging maluho ang anak natin gaya ng ibang bata kaya 'di ko siya kinukonsinte sa pagbili ng mga laruan na gusto niya."
"Hindi naman siguro maituturing na luho ang pagbili paminsan-minsan ng laruan. Natural naman sa lahat ng bata na gustong magkaroon ng magandang laruan."
Naaawa siya sa bata. Naranasan niya kasi noon na hindi mabilhan ng laruan dahil palagi silang kapos sa pera. Ang kinikita ng mga magulang niya ay sapat lang sa panggastos nila araw-araw.
"Bakit, ano bang alam mo sa tamang pagpapalaki ng anak? Tiyak naman na wala kang alam dahil wala kang asawa't anak."
"Anna, tumigil ka nga sa pagsasalita nang hindi maganda," saway ni Edward.
"Bakit, totoo naman, ah? Dahil hanggang ngayon ay hindi pa siya naka-move on sa break up ninyo kaya wala siyang sariling pamilya."
She can't believe what Anna said about her. Anna, her old friend, changed a lot. The sweet and loving Anna was gone. Ibang Anna ang nakilala niya kumpara sa Anna na kaharap niya ngayon. Tila punong-puno ng galit, selos, at hinanakit ang puso nito. Bakit?
Siya ang may karapatang maging ganoon dahil sa ginawa nito ngunit bakit kabaliktaran ang nangyari?
"I don't know what are you talking about, Anna. It's been six years since we saw each other. In fact, hindi nabalitaan na naging asawa ng tinuring kong best friend ang ex-boyfriend ko," patuya niyang wika pero kalmado ang kanyang boses. "I'm sure wala ka ring balita sa 'kin maliban na lang kung sinubaybayan mo ako nang palihim."
"Why would I do that?" iritadong tanong nito.
Nagkibit-balikat siya. "I don't know."
"You're not even worth my time."
Nasaktan siya sa sinabi nito dahil tinuring niya itong pamilya gayong wala naman pala itong pake sa kanya. Pero 'di na lang niya pinahalata ang nararamdaman.
"Anna, please, don't speak if you don't have something nice to say." Pagkatapos nitong sermonan ang asawa ay binalingan nito si Gia. "Nag-asawa ka na?" tanong nito. Halata sa mukha ng lalaki na ang inaasahan nitong sagot ay "hindi".
"Actually, nandito ako para bilhan ang anak kong babae ng laruan," pagsisinuwaling niya.
"Where's your daughter?" tanong ni Anna.
Dapat inaanak ang sasabihin niya kaso dahil naiinis siya kay Anna at nararamdaman niyang nage-expect si Edward na wala siyang asawa kaya sinabi niya 'yon. Bahala na si Batman kung sakaling dumating si Bea at tawagin itong "Mommy" ni Nicole. And speaking of Nicole, wala ito sa tabi niya. Kinabahan siya.
Nilibot niya ang paningin sa paligid. Nawala ang kaba niya nang makita agad si Nicole subalit laking gulat niya dahil karga-karga ito ng isang lalaki. Hindi lang basta-bastang lalaki kundi isang guwapong lalaki na kanina lang ay nasa isip niya. Pero mas nagulat siya nang pupugin ng halik ni Nicole ang binata na tila sobrang close ng dalawa.