Chereads / Walang Tayo by Carmie Lopez / Chapter 7 - Chapter Seven

Chapter 7 - Chapter Seven

Dinala ni Nathan si Gia sa SAJ's Restaurant. Madalas iyong madaanan ng dalaga tuwing pumupunta siya sa main office ng insurance company. Gusto niyang kumain doon subalit ni minsan ay 'di niya nagawa dahil wala siyang kasama.

"I hope you like it here."

"I think I'll like it here."

"You will like this place even better when you come inside and taste the food."

Inalalayan siya nito papasok sa restaurant.

Sa labas ng restaurant ay may garden at table sets sa ilalim ng bawat malalaking payong. Pagpasok sa loob ay bubulaga ang iba't ibang pictures na naka-display sa wall.

Every pictures tells a story. Actually, she thinks that it's a love story of two beautiful people. Hindi man niya alam ang kuwento sa bawat larawan ay naramdaman niya na may happy ending ang mga ito.

"What you see in the pictures is real couple. They are the owners of this place. In fact, SAJ's came from their initial name, Samantha and Jeffrey."

"Oh, really? How did you know?"

"Na-feature ang story nila sa magazine at tv," paliwanag nito sabay hila sa upuan na nasa harapan ng dalaga.

"I should read their story. Feeling ko nakaka-inspire ang kuwento nila kaya na-feature."

"Nakaka-inspire sa mga taong naghahangad ng mabigyan ng second chance ang love story nila."

She can't read his emotion while his commenting on Samantha and Jeffrey's story. Hindi ba ito naniniwala sa second chance o talagang hindi ito romantic?

"Aside from their love story, masarap talaga ang pagkain dito kaya dinarayo ng customers at 'yon ang dahilan kung bakit na-feature sila sa magazine at tv."

"I see."

"By the way, how should I call you?"

Hindi niya alam kung tatawa o maiinis sa sitwasyon nila. Ilang beses na silang nagkatagpo at ilang beses na siya nitong tinulungan pero hindi nila nagawang magpakilala sa isa't isa.

Alam niyang Nathaniel ang pangalan nito at alam siguro nito na Gianelli ang pangalan niya dahil kay Bea pero iba pa rin kapag nagpakilala sila sa isa't isa.

"This is weird." Pininili niyang tumawa kaysa mainis. "Ilang beses na tayong nagkita at nagsama pero 'di pa rin tayo magkakilala."

"I agree that this is weird," natatawang sabi nito. "But it's not too late to introduce ourselves." Inilahad nito ang kanang kamay. "I'm Nathaniel Vergara."

Inabot niya ang kamay nito. "I'm Gianelli Pineda. It's nice to meet you Mr. Vergara."

"It's my pleasure to meet you, Ms. Pineda."

At sabay silang nagpakawala ng tawa. Mukha silang praning sa ginagawa nila pero aaminin niyang masaya siya.

"Itigil na nga natin 'to. Pinagtitinginan tayo ng mga tao baka isipin nila na baliw tayo."

"It's okay to be crazy sometimes." Tumigil ito sa pagtawa pero nanatiling nakangiti. "Especially when you're with the right person," makahulugang wika ng binata subalit 'di 'yon batid ng dalaga.

"Dahil baliw rin ako?"

"Ikaw ang nagsabi niyan, hindi ako."

Inirapan niya ang binata. Kunwari naiinis siya subalit 'di niya mapangatawanan kaya tumawa ulit siya. "I know I'm crazy. Mag-order na nga tayo." Dinampot niya ang menu na nakapatong sa lamesa. "Anong masarap kainin dito?"

"Ano bang klaseng food ang gusto mo? So, I can give suggestions. But I can assure that their food is delicious and healthy.

"Since you're more familiar with this place," binigay niya rito ang menu, "I'll let you choose."

Mataman nitong tinitigan ang dalaga na waring tinatantiya nito kung babawiin ba ang sinabi o hindi. "Are you sure?"

"Oo naman, bakit ayaw mo ba?"

A smile formed on his lips and excitement was written all over his handsome face. "Of course, I want too." 

Binuklat nito ang menu. Mistula itong batang paslit na hinayaan ng magulang na pumili ng kakainin nito.  He looked so cute and innocent. Gusto niyang kurutin ang mukha nito subalit pinigilan niya ang sarili.

Ibinaling niya ang atensyon sa kabilang dako ng restaurant dahil baka mahuli siya ng binata na nakatitig sa mukha nito. Pagbaling niya sa isang sulok ay napansin niyang maraming nakadikit na sticky notes sa pader. Napa-isip tuloy siya kung para saan 'yon.

"That's called 'Wall of Thoughts'." Tila narinig ng binata ang nasa isip ni Gia. "You can write what you feel or anything you think," patuloy nito kahit nakatuon pa rin ang atensyon ng dalaga sa Wall of Thoughts. "According to the article, naisip ng couple na maglagay ng wall of thoughts simula nang magkabalikan sila."

Gia looked at Nathan. She caught him looking at her intently. Kanina pa kaya ito nakatitig sa kanya?

"Why?"

"To express one's feelings and thoughts."

Yeah! She knew it. What she wanted to know was the deeper reason not the obvious one. But based on Nathan's expression, he didn't want to explain further so she keep quiet.

"Kung gusto mong magsulat mayroong sticky notes at ballpen sa table."

Noon niya lang napansin na mayroon ngang sticky notes at ball pen sa lamesa. She grabbed the pen and paper and started to write. "I'll be right back." Pagkatapos niyang magsulat ay tinungo niya ang Wall of Thoughts at idinikit doon ang kapirasong papel na hawak niya.

She started reading some of the notes. Different kind of emotions were written on the notes. Happy. Lonely. Angry. Confused. Hopeful. Blessed. Thankful. Inspired. Demotivated. Excited. Worried. 

How about her? Pinakiramdaman niya ang sarili. She was happy and thankful at the moment.