"What's with the long face?" salubong na tanong ni Nathan sabay halik kay Gia. "You looked tired and gloomy. May nangyari bang hindi maganda sa office?"
"Wala," masungit niyang sagot. "Ihatid mo ako sa Harmony."
"Why? Magtsi-chill out kayo ng officemates mo?"
Matalim na tingin ang ipinukol niya sa binata. "Nakalimutan mo rin pala."
"Ano bang mayroon?" clueless nitong tanong.
"Never mind." Nauna siyang pumasok sa kotse nito. Mabilis namang sumunod ang binata sa kanya. "Huwag mo akong kausapin dahil matutulog ako." Ipinikit niya agad ang mga mata pagkatapos magsalita.
Mainit ang ulo niya ngayong araw. Nag-overtime siya sa opisina dahil may urgent report na ipinagawa sa kanya ang kanilang branch manager. Maliban doon, ang pinag-ugatan ng inis niya ay nakalimutan ng lahat na kaarawan niya.
Akala niya noong una ay sinadaya ng officemates niya na hindi siya batiin dahil may surprise ang mga ito para sa kanya. Ganoon kasi ang ginawa ng mga ito last year sa pamumuno ni Bea.
But this year, totoong nakalimutan ang kaarawan niya. Nang maalala ni Bea kaninang lunch ay saka lang ito nagpabili ng cake. Hindi naman siya naghahangad ng bonggang surprise ang gusto niya lang ay may makaalala sa kanya.
Pagsapit ng uwian ine-expect niyang baka si Nathan ang magsu-surprise sa kanya pero siya pala ang masu-surprise dahil nakalimutan din nito ang espesyal na araw sa kanyang buhay.
What do you expect Gia? Wala namang kayo, kaya bakit ka niya susurpresahin?
Tama! Assuming lang talaga siya.
Walong buwan ang matuling lumipas simula nang magkakilala sila ni Nathan. Madalas silang lumabas na magkasama. Hatid-sundo siya ng binata sa trabaho kapag hindi ito busy. Ipinagluluto siya nito ng masasarap na pagkain kapag tinamad silang gumala at gusto lang nilang manatili sa bahay. Napagkamalan nga silang magkasintahan.
Hindi niya alam kung anong mayroon sila dahil wala naman itong sinsabi sa kanya. Wala naman siyang lakas ng loob na tanungin ito sa estado ng kanilang relasyon dahil baka isipin nitong nage-expect siya at baka maudlot ang maganda nilang samahan. Ang importante ay wala itong ibang babaeng pinagkakaabalahan maliban sa kanya.
Paano ka nakasisiguro na ikaw lang ang babae sa buhay niya? Paano kung magsawa siya sa 'yo? Paano kung may hinihintay pala siyang bumalik mula sa nakaraan?
Gusto niyang burahin ang mga agam-agam sa kanyang isipan. Pero paano kung magkatotoo ang isa sa mga 'yon? Paano siya?
***
Naramdaman ni Gia para siyang dinuduyan habang natutulog kaya unti-unti niyang iminulat ang mga mata. Nakaramdam siya ng takot at kaba dahil wala siyang makitang liwanag. Nakapiring ang kanyang mga mata.
Nananaginip ba siya?
"Nathan." May panic sa kanyang boses nang tawagin niya ito.
"Darling, just relax. I'm here. You're safe."
Nakahinga siya nang maluwag nang marinig ang boses ni Nathan. Alam na niya kung bakit para siyang dinuduyan dahil buhat-buhat siya ng binata habang ito'y naglalakad.
Nakahilig ang ulo niya sa matipuno nitong dibdib. Nasasamyo niya ang pabango nito. She liked it. Kung mala-vacuum lang ang kanyang ilong ay malamang nasinghot niya ito nang buo.
"Nathan, ano ba 'to?"
Ang takot at kaba na kanyang naramdaman kanina ay naglaho. Napalitan 'yon ng excitement. Buong akala niya ay nakalimutan nito ang kanyang kaarwan, hindi pala.
"Stop asking. Malapit na tayo." Halata rin ang excitement sa boses ni Nathan. "Actually, napapagod na ako sa pagbuhat sa 'yo kaya binibilisan ko ang paglalakad. Ang bigat mo kasi."
Kinurot niya ito sa dibdib. "Sinabi ko bang buhatin mo 'ko? Ikaw ang may gusto niyan," sisi niya rito. "Ibaba mo nga ako."
Natawa si Nathan. "Ang sungit mo. 'Di ka mabiro."
"Tse! Ibaba mo 'ko."
"Heto na, ibababa na kita."
Dahan-dahan siyang ibinaba ng binata hanggang sa maramdaman niyang nakatapak na siya sa sahig. Bigla tuloy siyang nagsisi dahil gusto naman niya ang pagkarga sa kanya ni Nathan.
"Saang direksyon ako maglalakad?"
Imbes na sagot ang narinig niya mula sa binata ay mga taong sabay-sabay na kumakanta ng birthday song ang kanyang narinig. Habang may kumakanta ay unti-unting natanggal ang piring sa mata niya. Bumulaga sa kanya ang maraming tao.
Naroon ang kanyang officemates. Naiintindihan niya na ngayon kung bakit nagyaya ang mga ito na pumunta sila sa Harmony. Akala niya gustong magpalibre ng mga ito 'yon pala may sorpresang nag-aabang sa kanya.
Present din ang mag-inang Bea at Nicole pati ang kanyang kapatid na si Janella. Maging ang branch manager nila ay naroon din. Kahit ang dati niyang mga kliyente na naging kaibigan niya ay present din.
"Happy birthday, Gia." Napalingon ang dalaga kay Nathan. May dalang cake ang binata. "Make a wish."
May bahay, lupa, at kotse siya; may stable na trabaho, may ipon sa bangko, may insurance at stock investment, may magandang kalusugan at pangangatawan. Lahat ng 'yon ay mayroon siya. Ang gusto niya ay magkaroon ng asawa't sariling pamilya. Aba! Thirty years old na siya.
She closed her eyes and made a wish. She opened her eyes and blew the candle. Sana ibigay ng Maykapal ang kahilingan niya. Pagkatapos niyang ihipan ang kandila ay ibinigay ng binata ang cake kay Janella.
"Thank you." Hindi siya nagdalawang-isip na halikan at yakapin ang binata sa harap ng maraming tao. Buong puso naman siyang tinugon nito. Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga tao. "I can't express how much happy I am," madamdaming wika niya nang maghiwalay ang kanilang mga labi.
"You don't have to express it, just feel it." Hinaplos nito ang kanyang buhok. "Masaya ako dahil alam kong masaya ka."
Tiningala niya ang binata. Nagtama ang kanilang paningin. "How can I repay you? Simula nang makilala kita wala ka nang ibang ginawa kundi tulungan at pasayahin ako."
"You don't have to repay me." Bahagyang yumuko si Nathan upang magdikit ang kanilang noo. "I'm doing this because I want too. I don't expect something in return."
"Salamat." Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. "Salamat sa lahat."
"Hey, I don't want to see you cry." Pinunasan ni Nathan ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. "May sorpresa pa ako sa 'yo."
Tinuro ng binata ang kinaroroonan ng projector. Maya-maya lang ay may nag-play na video. Kuha 'yon ng kanyang mga magulang, kuya at bunso nilang kapatid ni Janella, na bumati at nagbigay ng mensahe para sa kanyang kaarawan. Nasa Davao kasi ang mag ito kaya sila lang ni Janella ang magkasama sa Maynila.
Pagkatapos mapanuod ang video ay hindi niya mapigilang lumuha. Na-miss niya kasi ang pamilya sa Davao. At sobang na-touch siya sa effort ni Nathan.
"Stop crying." Inalo nito ang dalaga. "Dapat nagsasaya ka ngayon."
"Masaya ako." Sumisinghot pa siya habang sinasabi 'yon. "Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya."