Chereads / Walang Tayo by Carmie Lopez / Chapter 17 - Chapter Seventeen

Chapter 17 - Chapter Seventeen

"Sino siya?" Wow! Hanep! Nakuha pa niyang magtanong kahit nasasaktan siya.

"Si Andrea, kaibigan ko," sagot nito sabay kuha sa picture frame na hawak niya. Inilagay 'yon ng binata sa drawer imbes na i-display.

"Ah…"

Kaibigan lang pala pero bakit mo tinago?

Parang nabasa nito ang nasa isip niya dahil bigla itong umiwas ng tingin. Mukhang ayaw nitong pag-usapan si Andrea. Pero kung totoong kaibigan lang nito si Andrea, bakit wala itong ikinukuwento sa kanya? Bakit 'di niya nakikita ang babae? Well, kung sinoman si Andrea sa buhay ni Nathan ay sana 'di na ito bumalik.

"By the way, sabi ni lola sa kuwarto niya ako matutulog mamayang gabi," pag-iiba niya sa usapan. Lumingon ito sa kanya. Muli niyang nakuha ang atensyon ng binata.

"Kung alam ko lang na hindi kita masosolo mamayang gabi sana 'di kita dinala rito," nakasimangot na turan nito.

Saturday bukas kaya pumayag siyang mag-overnight doon at sa lingo ng hapon na sila babalik sa Maynila. Mukha namang plano talaga ng binata na mag-stay sila ng ilang araw doon dahil nagdala ito ng damit niya na hindi niya alam. Si Janella ang kasabwat nito sa palihim na pagkuha ng mga gamit niya.

"Huwag ka nang magreklamo. Naka-quota ka na kagabi, sobra pa nga," lintanya niya. "Pagbigyan mo na si lola."

"Oo na," napipilitan nitong pagsang-ayon pero nakangiti. "I think my family likes you." Kumikinang ang mga mata ni Nathan habang nagsasalita. "Actually, they love you especially Lola. Ang bilis mong nakuha ang loob nila."

Sana ikaw rin.

"Ramdam ko nga," nakangiti niyang pahayag. "Nagi-guilty tuloy ako dahil pinag-isipan ko sila nang hindi maganda."

"I told you, iba sila."

Hinila siya nito patungo sa higaan. Umupo ang binata sa dulo ng kama saka siya pinaupo sa kandungan nito. Humilig siya sa dibdib nito at ito nama'y pinulupot ang mga kamay sa kanyang baywang.

"Kung anoman ang nakuwento sa 'yo ng pinsan ko'y totoo 'yon. Magkapatid si mama at Tito Raphy, ama ni Bea. Close kaming dalawa dahil sabay kaming lumaki at madalas si Bea sa 'min kaysa sa kanila."

"Teka, naguguluhan ako. Kung totoo ang sinabi ni Bea, bakit mabait ang pamilya mo sa 'kin?"

"Hindi mo pa kasi nakikilala ang pamilya sa side ni Mama. Si lola Linda ay ina ni papa. Kung makikilala mo ang lola ko sa kabilang side, maiintindihan ko kung matatakot ka sa kanya dahil magkaiba sila ni lola Linda."

"Ganoon pala."

"Ang totoo niyan, kaya may Nathaniel kang kasama dahil ipinaglaban ni mama si papa. Kahit na itakwil si mama ng pamilya niya ay wala siyang pakialam."

Ang kapalaran ng ina ni Nathan ay nangyari din kay Bea. Ang kaibahan lang ay parehong nanindigan ang mga magulang ni Nathan, 'di tulad nang nagyari kay Bea. Ang babae lang ang lumaban. Parang siya, hindi ipinaglaban.

"I'm very grateful to your parents. Kundi sila parehong naging matapang, wala sanang Nathan sa tabi ko ngayon," makahulugan niyang wika. "Sana lahat katulad nila."

"Naalala mo ba ang ex mo?"

Wala sa kanyang hinagap na itatanong 'yon ng binata sa kanya pero sinagot niya ito. "Somehow." Bigala siyang natigilan. Wala siyang nabanggit kay Nathan tungkol doon. "Teka, paano mo nalaman?" Bahagya niyang inangat ang ulo upang makita niya ang mukha nito.

"Sinabi ni Bea."

"Ang daldal talaga ng babae na 'yon." Binalik niya ang ulo sa pagkakahilig sa balikat ng binata. "Huwag na nating pag-usapan si Edward. Nasisira ang mood ko," nakasimangot niyang turan.

Naiinis kasi siya kay Edward dahil sa ginawa nito kay Anna. Pinanindigan nga nito ang bata pero binale-wala naman nito ang kaibigan niya.

"Siya nga pala, bakit mo ako pinakilalang nobya sa kanila?" tanong niya rito ngunit 'di niya ito tiningnan. Natatakot kasi siyang makita ang ekspresyon ng mukha nito. "Baka mag-expect sila."

At mag-expect ako.

Gusto niyang malaman kung bakit 'yon sinabi ng binata upang alam niya kung saan niya ilulugar ang sarili sa buhay nito.

"Kinukulit kasi nila akong mag-girlfriend na," saglit itong tumigil sa pagsasalita. "Madalas kitang nababanggit dahil kay Bea kaya nag-expect sila na tayo na."

Kung kagabi at kanina lang ay gusto niyang umiyak dahil sa tuwa, ngayon ay kabaligtaran ang nararamdaman niya. Gusto niyang humagulhol dahil sa sakit na nararamdaman. Dapat hindi siya nag-assume na may ibang kahulugan kaya siya dinala roon ng binata at ipinakilala bilang nobya nito.

Nagbago na ang kanyang isip. Sasarilinin na lang niya ang tunay na nararamdaman para sa binata. Pag-iisipan niya ring mabuti kung ipagpapatuloy pa niya ang malabo nilang relasyon.

"Okay."

"Don't worry, ako na ang bahalang mag-explain sa kanila kung 'di ka makabalik dito at hanapin ka nila."

Ang sakit naman. Hindi ba puwedeng manatili ako sa tabi mo para 'di mo na kailangang magpaliwanag sa kanila?

"Okay."

***

"Hindi mo man lang ba ako aaluking mag-kape? Napagod kaya ako sa pagmamaneho," reklamo ni Nathan na may halong paglalambing. Hinalik-halikan niya ang batok ng dalaga sabay hapit sa baywang nito mula sa likuran. Nakauwi na sila mula sa probinsya at hinatid niya ang dalaga sa bahay nito. "Hindi ka ba naaawa sa akin?"

"Nathan, kung gusto mong ng kape ipagtitimpla kita." Pinigilan nito ang labi ng binata na muling lumapat sa batok nito. "Hindi naman ako kape. Bakit parang ako yata ang gusto mong inumin?"

"Puwede rin, at mas gusto ko 'yon."

Tinanggal nito ang kanyang kamay na nakapulupot sa katawan nito at hinarap siya. "Akala ko ba pagod ka?"

Hindi niya mapigilang sumimangot. "Oo, pagod ako at kailangan kong mag-recharge." Muli niyang hinapit ang baywang nito ngunit sa pagkakataong 'yon ay nakaharap ito sa kanya at wala siyang balak na pakawalan ito. "Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na masolo ka kaya babawi ako ngayon." Wala naman doon si Janella kaya solo niya si Gianelli.

Siniil niya ng halik ang dalaga. Wala siyang naramdaman na katiting na pagtutol mula rito kaya wala siyang inaksayang panahon. Pinangko niya ito at dinala sa kuwarto. Tinggal niya agad ang saplot ng dalaga pagsara ng pinto at sinunod niya ang sa kanya.

Narinig niyang humagikhik si Gia nang mahirapan siyang tanggalin ang suot na belt. "Nathan, you look like an idiot." Tinulungan siya nitong maghubad. "Masyado kang nagmamadali, eh, hindi naman ako mawawala." Napakislot siya nang hawakan nito ang kanyang pagkalalaki. "You're so excited," nakangising wika nito na tila inaasar siya kaya binuhat niya ito at hiniga sa kama.

"Nathan!" napatili ito nang sambahin niya ang pagkababae nito. "Nathan…" usal nito sa pagitan ng pag-ungol. Nilamukos nito ang bedsheet. "Please…"

Hindi na ito nakatiis at hinila siya pataas at siniil ng halik sa labi. Hinablot niya ang hinubad na pantalon at may kinuha mula sa bulsa noon at nilagay sa sarili bilang proteksyon bago naglakbay ang kanyang mga kamay sa malambot at makinis na balat ng dalaga habang naramdaman niya ang kamay nito na humahaplos sa hubad niyang katawan.

He positioned himself between her legs. He lowered himself to kiss her teasingly while thrusting with his shoulders as well as his pelvis. He entered slowly with just the tip, plunging just halfway in, then removing himself and stroking her outside with his member. He did it continually to tease her.

"Nathaniel, this is not fair. Nananadya ka ba?" She said through gritted teeth. She reached down and grabbed his shaft and rubbed her swollen knot with it. "Better." A satisfied smile curved on her lips as she closed her eyes.

He chuckled. Ilang minuto niyang pinagbigyan ang dalaga bago ito muling inangkin. "This is the best." When their bodies became one. He pounded deeper and faster on top of her while kissing her feverishly until they reached the peak.