Chereads / Walang Tayo by Carmie Lopez / Chapter 15 - Chapter Fifteen

Chapter 15 - Chapter Fifteen

Nakasandal ang likod ni Nathan sa headboard habang pinagmamasdan ang natutulog na dalaga. He never felt so happy in his entire life until Gianelli came. Kinokompleto nito ang kanyang araw. Masaya siya kapag nakikita itong masaya. Wala siyang ibang gustong gawin sa tuwing nakikita ito kundi ikulong ang dalaga sa mga bisig niya upang maramdaman nito kung gaano ito kahalaga sa buhay niya.

Kung nagkataon na naging babae siya at lalaki ito, hindi siya magdadalawang-isip na pikutin ang dalaga. He smiled on his own thoughts but suddenly, he felt worried. Paano niya aaminin sa dalaga ang toong nararamdaman? Paano kung malaman nito pero ayaw siya nitong tanggapin? Napabuntong-hininga siya.

"Ang lalim no'n, ah." Bumangon ito at umupo sa tabi niya at saka sumandal sa headboard. Ang tanging saplot ng dalaga ay ang kumot na nakabalot sa katawan nito. "May problema ba?" Makikita sa mukha nito ang pag-aalala.

"Nothing." Hinalikan niya ito sa noo sabay kabig sa ulo nito patungo sa kanyang dibdib. Sana marinig ng dalaga na ito ang tinitibok ng kanyang puso. "Ang aga mo namang nagising."

"Dahil may pasok ako mamaya."

"It's your rest day today. May pupuntahan tayo." Excited na deklara niya. "Naka-leave ka sa trabaho. Si Bea at ang branch manager niyo ang nag-file ng leave mo."

"Ha?" Umalis ang dalaga sa pagkakahilig sa dibdib niya. Salubong ang kilay nitong humarap sa kanya. "Why? Sayang naman ang oras ko."

Hindi niya inaasahan ang naging reaksyon nito. Akala niya matutuwa ang dalaga kaya sinadya niyang ngayon ipaalam dito na naka-leave ito. Iyon pala nasasayang lang ang oras nito kapag kasama siya. It pained him when she said those words.

"Birtday mo kasi kahapon pero nagtrabaho ka kahit puwede namang hindi." Nabanggit kasi sa kanya ni Bea na kapag birthday ng empleyado sa pinapasukan ng mga ito ay automatic na rest day 'yon. Kaya lang wala sa bokabularyo ni Gia ang magpahinga. "Masyado kang workaholic."

"Masama ba 'yon?"

"Ang sa 'kin lang naman kailangan mo ring magpahinga." Napipikon na siya sa dalaga pero dapat na intindihin niya ito. "Good thing because I'm not your husband. Dahil kung nagkataon, hindi kita papayagang magtrabaho lalo na kung halos ayaw mong magpahinga."

"Good thing because I'm not your wife," galit na wika nito na ikinagulat ng binata. "Dahil ayokong pinakikialaman ako." Tumayo ang dalaga saka pinulot ang nagkalat na damit sa sahig bago nagmartsa patungo sa banyo. Gia slammed the door.

Realization struck him like a lightning. Walang sila kaya wala siyang karapatang pakialaman ang buhay nito. Masakit mang tanggapin pero iyon ang totoo.

***

Naabutan niyang nakaupo sa dulo ng kama si Nathan paglabas niya ng banyo. Laylay ang balikat nito at nakayukyok ang ulo. She felt guilty. She overreacted. Hindi tamang pinagtaasan niya ito ng boses kanina. Nasaktan kasi siya sa sinabi ng binata. Pakiramdam niya kasi'y hindi siya ang ideal wife para rito.

"Nathan," tawag niya dito ngunit 'di niya alam kung anong dapat sabihin. Nag-angat ito ng tingin. Blangko ang expresyon ng mukha nito. "I'm sorry kung nasigawan kita."

"It's okay, naiintindihan kita." Nagpakawala ito ng malalim na hininga. "I'm sorry din dahil pinakialaman ko ang schedule mo. Dapat humingi muna ako ng permiso sa 'yo."

"Huwag na nating pag-awayan 'yon." Umupo siya sa tabi ng binata. "I don't have anything to do. Nabanggit mo kanina na may pupuntahan tayo. Saan ba 'yon?" Nagbabakasakali siyang bumalik ang magandang mood nito kanina.

"Okay lang ba na kasama mo ako?" May pangamba na mahihimigan sa tinig nito.

"Oo naman."

Unti-unting bumalik ang sigla sa mukha ng binata. She wondered why he looked so down. Ayaw niyang nakikitang ganoon ang itsura nito kaya hindi siya papayag na matapos ang araw na hindi sila nagkakaayos.

"Get ready. Medyo mahaba-haba ang biyahe natin."

***

Nanguyapit si Gia sa braso ni Nathan. Abot-abot ang kabang kanyang nadarama. Kumakabog nang malakas ang kanyang puso at halos ayaw humakbang ng kanyang mga paa.

"Nathan, sigurado ka ba?" Nate-tense siya. Wala sa kanyang hinagap na makakarating siya sa Pangasinan. Napasarap kasi ang tulog niya sa biyahe dahil napagod siya sa ginawa nila kagabi. "Huwag na kaya tayong tumuloy. Natatakot ako."

"Relax." Huminto ito sa paglalakad. "Nandito na tayo kaya wala nang atrasan 'to." Tinanggal nito ang kamay ng dalaga na nakapulupot sa braso nito saka pinagsalikop ang kanilang mga kamay. "At huwag kang mag-alala dahil mababait sila."

Hindi niya maiwasang mapabumuntong-hininga. "Iba ang sinabi sa 'kin ni Bea." Nagdalawang-isip siya kung babanggitin niya kung paano nilarawan sa kanya ng kaibigan ang pamilya nito.

Base sa mga kuwento sa kanya ni Bea ay matapobre at mahirap pakisamahan ang angkang kinabibilangan ng magpinsan kaya nakaramdam siya ng takot nang malaman niyang ipakikilala siya ni Nathan sa pamilya nito.

"Forget about what she said. My family is different."

Hindi siya kumibo. Nanatili siyang nakatitig sa binata. Inaarok niya kung dapat ba siyang magtiwala sa sinabi nito.

"I know you're confused. I'll tell you everything, later. But now, you need to trust me."

"Okay."

He smiled. "Good."

Himalang biglang nawala ang takot na naramdaman niya dahil sa simpleng ngiti ng binata. Magkahawak-kamay silang pumasok sa loob ng bahay. Pagtapak na pagtapak nila sa entrada ng pintuan ay sinalubong agad sila ng nakangiting pamilya ng lalaki. Kung gaano kainit ang pagtanggap ng mga ito kay Nathan ay ganoon din sa kanya.

Isa-isang ipinakilala ng binata ang miyembro ng pamilya nito sa kanya at bawat isa ay sinalubong siya ng mainit na yakap at beso. Pagkatapos nitong ipakilala ang buong pamilya sa kanya ay siya naman ang ipinakilala nito. Kinuha nito ang atensyon ng mga kamag-anak.

"Everyone, I would like you to meet Gianelli, my girlfriend," deklara ni Nathan sa lahat bago ito masuyong tumingin sa kanya.

Natunaw ang puso niya sa paraan ng pagtitig nito. Kakaibang damdamin ang nababanaag niya sa mga mata ng binata na para bang sinasalamin niyon ang tunay nilang nararamdaman para sa isa't isa. Sana hindi guni-guni ang nakita niyang pagsuyo't pagmamahal sa mga mata ni Nathan.