Nathan waited patiently. Gustuhin man niyang makinig sa usapan ng dating magkasintahan ay 'di niya magawa dahil wala siyang karapatan. Pinanatili niyang kalmado ang sarili kahit hindi siya mapalagay.
Matagal lumipas ang oras bago niya natanaw mula sa bintana ng living room na hinatid ni Gia si Edward sa gate. Tapos na sigurong mag-usap ang dalawa. Nakahinga siya nang maluwag.
Nakasimangot si Gia pagpasok sa loob. Mukhang malalim ang iniisip ng dalaga dahil malayo ang tingin nito.
"Hungry?"
"Nandiyan ka pala." Tila nagulat ito nang maabutan siya sa sala. "Kanina pa ako nagugutom." Nilibot nito ang tingin sa paligid. "Nasaan si Janella at Nicole?"
"Siguro mahimbing na ang tulog nila. Inaantok kasi si Nicole pagkatapos kumain kaya umakyat sila sa kuwarto."
"Tapos na pala kayong kumain. Hindi niyo man lang ako tinawag." Ang nakasimangot na mukha ng dalaga ay lalong lumala. "Wala na akong kasabay kumain," nakangusong reklamo nito. He found it cute.
"Sinong may sabing kumain na 'ko?"
Unti-unting nagliwanag ang nakasimangot na mukha nito. "Hinintay mo 'ko?"
"Oo, kaya dapat ubusin mo ang lahat ng niluto ko. Ang hirap kayang maghintay lalo't 'di ko alam kung hanggang kailan kayo matatapos mag-usap. Ayoko namang gambalain kayo."
"Sorry. It's not my intention to make you wait." Kumapit si Gia sa braso ni Nathan na ikinagulat ng huli. Hindi niya inaasahang malabing pala ang dalaga. "Kumain na tayo." Hinila siya nito patungo sa dining room.
Walang inaksayang oras ang dalaga. Pagdating sa dining room ay agad itong kumain. Wala siyang ibang narinig mula sa bibig nito habang kumakain kundi "ang sarap". Aaminin niyang masaya siya dahil nagustuhan nito ang kanyang niluto.
"Nathan, bakit walang bawas ang pagkain mo? Akala ko ba 'di ka pa kumain?" sita nito sa kanya.
"Nabusog kasi ako habang tinitingnan kitang kumakain."
"Sus!" Inirapan siya ni Gia ngunit 'di niya maintindihan kung bakit iba ang epekto no'n sa kanya. "Huwag mo akong titigan habang kumakain dahil baka mabulunan ako," saway nito. "Kumain ka na nga."
"Mukha ngang kailangan ko nang kumain dahil malapit mo nang maubos ang pagkain," Biro niya. Bilib siya kung gaano ito kalakas kumain, pero 'di naman nadadagdagan ang timbang nito. "Ayokong magutom."
"Grabe ka naman!" reklamo nito ngunit mahahalata sa mata ng dalaga na 'di ito galit. Tumigil ito sa pagkain at mataman siyang tinitigan. "Nathan, thank you."
"Saan?"
"For cooking."
He smiled. What he liked about Gia was she knew how to say thank you. Malaki man o maliit ang nagawa ng isang tao para rito. "Kahit araw-araw pa kitang ipagluto." Gia didn't respond. She looked so serious. "Hey, what's wrong?"
"First time na ipinagluto ako ng isang lalaki. Siguro mababaw para sa iba, pero na appreciate ko."
Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at marahan 'yong pinisil. "I'm glad that you appreciate what I did."
And I'm more than willing to do it every day.