Chereads / Walang Tayo by Carmie Lopez / Chapter 8 - Chaptet Eight

Chapter 8 - Chaptet Eight

Hinatid ni Nathan si Gia pauwi sa kanila. Pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse at hinatid siya nito hanggang sa tapat ng pinto ng bahay nila.

"Thank you." Marami siyang gustong ipagpasalamat sa binata pero 'di niya inisa-isa. "And I'm sorry."

"Why are you saying sorry?" kunot-noong tanong ng binata dahil sa labis na pagtataka. "You feel sorry for saying thank you?"

"No." Inayos niya ang nakakunot na noo nito gamit ang palad. "I'm saying sorry because I acted stupid and rude yesterday." Ang tinutukoy niya ay ang pagwo-walk out na kanyang ginawa.

"Forget about it. It's nothing."

"But still, I want to explain." Maliit na bagay 'yon para rito ngunit para sa kanya'y hindi. Hindi siya mapapalagay hangga't di niya nasasabi ang gusto niyang sabihin. May nais din siyang malaman mula sa binata. "Nag-overreact ako dahil na overwhelmed ako sa mga nangyari. I didn't expect that my ex-boyfriend and my best friend ended up together."

"I'm sorry to hear that," sincere nitong wika ngunit tila 'di ito nagulat sa sinabi niya.

"Wala 'yon." She shrugged her shoulders. "Ang totoo niyan mas 'di ko in-expect na bigla kang susulpot at nagpakilalang asawa ko. And it turns out na pinsan ka pala ni Bea."

"I was in the area because Bea asked me to come over. I didn't expect to see you there," nagsimula itong magpaliwanag. "Lalapitan sana kita kaso nakita kong may kausap ka at nakita rin ako ni Nicole. So, I stayed near you and I overheard your conversations. I apologize for interfering but to be honest, I don't feel sorry for doing that because I know that you're Bea's friend," pagtatapat nito.

"Wait, I want to know something." She was confused now. "Kailan mo nalaman na kaibigan ako ni Bea?" Posibleng alam nitong magkaibigan sila ni Bea bago sila magkatagpo-tagpo sa iisang lugar base sa sinabi nito.

"I checked the cctv footage after you left Harmony. Nagkaroon kasi ako ng hinala na ikaw ang ipapakilala sa 'kin ni Bea. And I was right."

Kahit hindi nito sabihin kung bakit naghinala ito na siya ang kaibigan ni Bea ay alam na niya ang sagot. Natitiyak niya na narinig nito ang kanyang sinabi sa bastos na lalaki.

"I'm sorry if I used you to keep myself away from trouble." Nag-iwas siya tingin. "Actually, nahihiya ako sa 'yo. At isa 'yon sa dahilan kung bakit ako nag-walk out kahapon pero napagtanto ko na mas nakakahiya ang ginawa kong pagwo-walk out"

"Don't over think." Hinawakan ni Nathan ang baba ng dalaga. Masuyo nitong kinabig ang mukha ni Gia. Nagtama ang kanilang paningin. He wanted to kiss her. "I heard what you told to that jerk but I don't care. I'm glad you said it and somehow saved you."

"Siguro nakita ka niya kaya siya umalis."

"It doesn't matter. Ang importante 'di ka niya nasaktan." Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha ng babae. "Hindi na siya makakatapak sa Harmony. You can come back there anytime you want."

Oh! That's a very nice idea. Puwede kitang makasama. Puwede tayong magkakilala nang lubusan at…

She aborted the thought of dating Nathaniel. Gusto man niya pero ayaw niyang umasa dahil baka masktan siya. Mukha namang walang balak ang binata na i-date siya. Malinaw na sinabi ni Nathan na kaibigan siya ni Bea kaya ito nagpanggap na asawa niya. At 'yon din marahil ang dahilan kung bakit siya nito palaging tinutulungan.

"I'm sorry. Nawala sa isip ko na ayaw mo sa bar."

She wanted to correct him. Tama ito na ayaw niya sa bar pero exception ang Harmony. Kapag sinabi niya 'yon, nangangamba siya na baka isipin nito na nagbago ang isip niya dahil dito.

"Harmony isn't bad. It's very different from other bars. I'll recommend it to my colleagues if they wanted to unwind."

"Thanks."

They were both silent for a long while. None of them wanted to speak. Wala siyang maisip na puwede nilang pag-usapan. Nahihiya naman siyang itaboy si Nathan pauwi.

Wow! Dead air.

"Umm… Gusto mong pumasok sa loob?"

Nang magsalita ang dalaga'y parang bumalik si Nathan sa mundo. Naubusan ng sasabihin ang binata dahil kuntento na itong pagmasdan ang magandang mukha ng babae.

"Hindi na. I know that you need to take a rest." Subalit ang totoo'y gusto pa nitong manatili roon. "Thank you for spending your time with me." Ginawaran nito ng halik sa noo ang dalaga. "Goodbye!"

Another kiss. Nawiwili na yata itong halikan siya. But she liked it. "Goodbye!"

Matamis na ngiti ang sumilay sa labi nito bago tuluyang umalis. Siya nama'y nanatiling nakatayo sa pintuan hangga't natatanaw pa niya ang kotse nito.

"What's going on between you and my cousin?"

Napakislot siya nang biglang sumulpot si Bea mula sa kanyang likuran. Pagharap niya sa kaibigan ay nang-iintrigang tingin ang sinalubong nito sa kanya.

"Nothing."

"Nothing? Oh, really?"

"Wala nga."

"Kahapon pa ako walang makuhang magandang sagot kay Nathan. Ngayong nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap ka'y wala rin akong magandang sagot na nakuha," lintanya ni Bea. "Pareho kayong dalawa."

Sinadya ni Bea na abangan ang kaibigan na makauwi upang usisain si Gia kaya lang ang ine-expect nitong sagot ay hindi narinig kaya naiinis ito.

"Ano bang gusto mong sabihin ko?" walang ganang tanong niya. "Nagde-date kami ni Nathan." May halong kilig sa kanyang boses. "Mag-on kami ni Nathan." Sa pagkakatong 'yon ay tumili siya ngunit dagling napalitan ang expresyon niya. "Happy?"

"Gianelli naman! Gusto ko lang malaman kung anong mayroon kayo." Tila napipikon na ito. "Sabihin mo na ang totoo."

Kilala niya ang kaibigan. Hindi ito titigil hangga't wala itong nakukuhang satisfying na sagot o paliwanag.

"Fine! I'll tell you everything." MagkukUwento siya para matapos na ang pangungulit nito. "Ang hiling ko sa 'yo'y paniwalaan mo ang sasabihin ko hindi kung ano ang iniisip mo. Okay?"

Tumango ito.