Chereads / Walang Tayo by Carmie Lopez / Chapter 10 - Chapter Ten

Chapter 10 - Chapter Ten

Tila bumalik si Gia sa pagiging teenager. Ang tagal niyang nakatulog nang nagdaang gabi dahil sa kaiisip sa date nila ni Nathan at kung ano ang kanyang isusuot na damit. Nang magising siya ay napagtanto niyang 'di pala sila magde-date. Nagpapasama lang ito sa kanya.

Ang excitement na naramdaman ay napalitan ng inis. Hindi niya kasi alam kung saan sila pupunta. Wala itong nabanggit na oras at meeting place. Wala siyang natanggap na text o tawag mula sa binata. Siguro 'di na matutuloy ang lakad nila.

Gia, gamitin mo ang 'yong common sense. Siyempre, paano ka ite-text o tatawagan ni Nathan, eh, 'di naman kayo nagkapalitan ng numero.

Right!

"Pero puwede naman niyang hingiin kay Bea." Hindi namalayan ng dalaga na naisatinig nito ang nasa isip.

"Ate, okay ka lang ba? Kanina ka pa hindi mapakali para kang pusang 'di matae," sita ni Janella. "Sinong maghihingi ng ano kay Ate Bea?" 

Kanina pa nahihilo si Janella sa ginagawa ng kapatid nito. Paroo't parito kasi si Gia. Pagkatapos libutin ng dalaga ang sala ay lilipat ito sa kusina tapos babalik ulit sa sala. Paulit-ulit.

"Ha? Ah, wala, wala naman," hindi magkandatutong sagot niya. "Huwag mo akong pansinin."

"Ate, lately, napapansin kong may pagka-weird kang kumilos. Samahan kaya kitang magpa-check up sa psychiatrist."

Inirapan niya si Janella. "Tigilan mo nga ako." Bubungangaan pa sana niya ang kapatid nang may nag-doorbell. "Ako na." Inunahan niya ang kapatid na magbukas ng pinto. Nagbabakasakaling si Nathan ang dumating.

"Ninang!"

Si Bea at Nicole ang nakita niya sa labas ng gate. Nawaglit sa isip niya na iiwan sa kanya ni Bea si Nicole dahil tutulong ang kaibigan niya sa birthday preparation ng anak ni Momshie K.

Pagbukas ng gate ay sinalubong siya ng yakap at halik ni Nicole. Naalala niya tuloy si Nathan na mahilig ding humalik.

"Ikaw na ang bahala kay Nicole."

"Sure."

Nagpaalam ito sa anak bago tuluyang umalis.  Ilang minuto lang ang nakalipas nang makaalis si Bea nang muling may nag-doorbell.

"Janella, ikaw na ang tumingin kung sino ang tao sa labas." Tinatamad siyang alamin kung sino 'yon dahil baka kapitbahay lang nila. "Biglang sumama ang pakiramdam ko." Sumasakit ang ulo niya dahil wala siyang matinong tulog kagabi.

"Sige."

"Ninang, anong masakit sa 'yo?" malambing na tanong ni Nicole. Tinuro ni Gia ang ulo. "Gusto mo hilutin kita?"

She smiled. "Kiss at hug mula sa 'yo gagaling na'ko." Nicole did what she said. "Unti-unti nang nawawala ang sakit ng ulo ko. Effective talaga ang kiss at hug mo."

"Talaga po, Ninang?"

"Oo."

"Ate, may bisita ka."

Naputol ang paglalambinagn nilang mag-ninang nang bumalik si Janella kasama ang guwapo niyang bisita.

"Hi!"

"Hi!" Nagulat siya nang makita ang binata. Si Nicole naman ay natuwa nang makita ang tito nito. "Paano ka nakapasok sa subdivision?"

Mahigpit kasi ang security sa subdivision nila kaya hindi basta-bastang nakakapasok doon. Last time, naihatid ng binata ang kanyang kotse dahil may gate pass na nakadikit sa kanyang sasakyan.

"Nasa guest list ako ni Bea."

Kaya pala.

"Sorry, hindi kita masasamahan ngayon."

"It's okay." He walked towards her. He kissed her and it made her heart jumped. "Nabanggit sa 'kin ni Janella na iniwan ni Bea sa 'yo si Nicole at masama ang pakiramdam mo. Nilalagnat ka ba?" nag-aalalang tanong nito habang sinasalat ang kanyang noo at leeg. "Wala ka namang lagnat pero namumula ka."

"Ha?" Awtomatikong napahawak siya sa kanyang pisngi na hindi niya dapat ginawa. Parang inamin niyang nag-blushed siya kaya namumula siya. "Ah, baka nasa loob ang lagnat ko kaya ako namumula," palusot niya. Sinalat niya pati noo't leeg upang 'di nito mahalata.

"Uminom ka ng gamot?"

"Iinom pa lang." Mabilis siyang tumayo at tinungo ang kusina. Uminom siya ng tubig dahil pakiramdam niya'y sasabog siya. Kakaiba ang bilis ng tibok ng kanyang puso kaya baka sakaling kumalma 'yon kapag nakainom siya ng malamig na tubig.

"Gia."

"Ay tipaklong!" Nagulat siya nang sumulpot si Nathan sa kusina. Muntik niya tuloy mabitiwan ang basong hawak. "Ginulat mo 'ko."

"Sorry kung nagulat kita. Nag-aalala kasi ako dahil ang tagal mong bumalik sa living room kaya sinundan kita rito," paliwanag nito na punong-puno ng sincerity at pag-aalala ang boses. "Okay ka lang ba?"

"Medyo," alanganin niyang sagot.

"Liar! You don't look good."

Bigla siyang na conscious sa sinabi nito. "Ang panget ko ba ngayon?"

"Silly!" Pinisil nito ang baba ng dalaga. "I didn't say you're ugly. Maganda ka, pero hindi ka magandang tingnan ngayon dahil mukha kang may sakit," pagtatama nito na ikinatuwa ng puso ng dalaga. "Sasamahan kitang magpa-check up."

"Huwag na," mariing tutol niya. "Magpapahinga lang ako gagaling na 'to."

"Are you sure?"

"Uhm…"

"Okay. Take a rest." Hinila ng binata si Gia patungo sa living room. Pagdating doon ay pinaupo ni Nathan ang dalaga sa sofa. "I'll take care of Nicole."

"Hindi na kailangan. Kaya kong bantayan si Nicole."

"Don't be stubborn." Seryoso ang mukha ng binata. Mistula itong isang ama na nagagalit sa anak. "Magpahinga ka lang. Don't worry about the food. I'll cook. Ano bang gusto mong kainin?"

She felt something warm when he said those words. And when she looked into his eyes, she knew that moment that her feelings changed.

"Huwag ka nang mag-abala. Nandito naman si Janella."   

"I insist."

"Pero may pupuntahan ka, 'di ba? 'Di na nga kita masasamahan tapos naaabala pa kita. Nakakahiya naman sa 'yo."

"You're not a bother to me." Hinaplos ni Nathan ang mukha ng dalaga. "I like what I'm doing. At huwag mo nang isipin ang lakad natin ngayong araw."

Grabe! Hindi niya inakala na may magandang idudulot ang pagsakit ng kanyang ulo. Nathan is sweet and caring. Hindi malabong mangyari na isang araw paggising niya'y tuluyan na siyang nahulog sa binata.

"Ikaw ang bahala. Mapilit ka."

Gusto din naman niyang makasama si Nathan kaya hahayaan niya ang binata sa kung anong gusto nitong gawin. Bahala na si Batman kung anong mangyayari sa kanyang puso sa mga susunod na araw dahil natitiyak niyang maraming magbabago.