Chereads / Walang Tayo by Carmie Lopez / Chapter 5 - Chapter Five

Chapter 5 - Chapter Five

"Where have you been?" nag-aalalang tanong ni Gianelli sa bata. "Akala ko nawala ka na. Come here." Kinuha niya si Nicole mula sa estranghero subalit ayaw nitong lumapit sa kanya. Yumakap ito nang mahigpit sa lalaki.

"It's all right. I'll carry her," wika ng lalaki sabay halik sa pisngi ni Gia na ikinagulat ng dalaga. "Darling, sorry I'm late. Nagkaroon ng problema sa Harmony, but don't worry everything is under control."

"It's okay. Ang importante dumating ka." Sinakyan niya ang sinabi nito kahit nawiwindang siya sa mga nangyayari. Kahit na magulo ang sitwasyon ay aaminin niyang hulog ito ng langit sa kanya. "And I'm glad that you're here," sincere niyang wika.

"Siya ba ang asawa mo?" paniniyak ni Anna.

She wanted to say "yes" but she couldn't. Paano kung tawagin siyang "Ninang" ni Nicole at mabuko sila?

Naputol ang kanyang iniisip nang hawakan ng guwapong lalaki ang kanyang kamay. Napatingin siya sa binata. Nagtama ang kanilang paningin at nginitian siya nito sabay pisil sa kanyang kamay.

Tila pinapabatid nito na huwag siyang mag-alala dahil ito ang bahala sa kanya. Hindi niya tuloy mapigilang mahawa sa nakakaakit nitong ngiti at magpatangay sa agos na nilikha nito.

"I'm Nathan, Gia's husband," pakilala nito sa sarili. "And this is Nicole, our beautiful daughter, na mana sa mommy niya." Nakangiti nitong pahayag na para bang ang babae ang pinakamagandang babae sa buong mundo. 

O baka nagha-hallucinate lang siya?

"I'm Edward," pakilala ng ex-boyfriend ni Gia. "Hannah is my daughter and she is Anna. We're Gia's college friend."

Wow! College friend? Natatakot ba itong magpakilalang ex-boyfriend niya o nahihiya ito? And take note, hindi nito ipinakilalang asawa si Anna.

"I'm Edward's wife and Gia's old friend," pagkaklaro ni Anna sabay baling sa dalaga. "Good catch. Good for you." May halong insulto't bitterness ang komento ni Anna ngunit 'di na pinansin ni Gia.

"Nice meeting you Edward and Anna."

"Same here." Pilit itong ngumiti samantalan walang imik si Edward. "We have to go."

"Are you all right?" tanong ng lalaki nang makaalis ang mag-asawa.

Nabaling ulit ang kanyang atensyon sa guwapong estranghero. Mababasa sa mga mata nito ang pag-aalala na animo'y alam nito ang buong nangyari sa kanya. Siguro, na-gets nito ang sitwasyon kaya siya nito tinulungan.

"To be honest, I can't say yes but I can't say no. Nalilito ako sa nararamdaman ko." Magpapatuloy sana siya sa pagsasabi kung anong nasa isip niya subalit may naalala siyang itanong dito. "Teka, anong ginagawa mo rito? Bakit kilala mo si Nicole at kilala ka niya? Bakit nagpanggap kang asawa ko?" sunod-sunod niyang tanong.

Sasagutin na nito ang kanyang mga katanungan nang biglang dumating si Bea.

"Did I hear it correctly, na nagpanggap kang asawa ni Gia?" Nakataas ang kilay na tanong ni Bea sa lalaki. "Why? May nangyari ba habang wala ako? At teka nga, paano kayo nagkakilala?" takang tanong nito.

"The two of you have something in common. And dami ninyong tanong," komento nito. "Hindi ba puwedeng isa-isa lang?"

Nagsalubong ang kilay niya sa pagtataka. "Alam n'yo ba na sobrang naguguluhan at nawiwindang ako sa mga nangyayari?" Huminto siya sandali sa pagsasalita bago nagpatuloy. "Ipaliwanag mo nga sa 'kin Bea kung anong nangyayari."

"Huh? Bakit ako? Ako nga ang dapat makarinig ng explanation not the other way around. Sinong mag-aakala na magkakilala kayo ng pinsan ko? Ginulat ninyo akong dalawa."

"What?" bulalas niya. "Magpinsan kayo?" nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. At mukhang 'di nagbibiro si Bea dahil marahang tumango ang binata. "Siya ba 'yong dapat na ipakkilala mo sa 'kin?" nanghihina niyang tanong.

"Yup!"

Napapikit siya. Sumasakit ang ulo niya. Sobra-sobrang information ang kanyang nalaman at nao-overwhelm siya sa mga kaganapan.

Naalala niya ang una nilang pagkikita ng binata. Ang buong akala niya ay security personnel ito sa Harmony. Hindi man lang niya naisip na ito ang may-ari ng bar. Inangkin pa naman niya itong nobyo at may posibilidad na narinig 'yon ng binata dahil naroon ito malapit sa kinaroroonan niya noong gabing nasa bar siya.

Posible rin na kaya umalis ang lalaking nambastos sa kanya ay hindi dahil sa pananakot niya kundi nakita nito ang may-ari ng bar. Nakakahiya!

Nabanggit niya kay Bea na may nambastos sa kanya habang wala ito pero mabuti na lang dahil at 'di niya ikuwenento ang buong pangyayari at 'di niya nabanggit na ang natitipuhan niyang lalaki ay nagtatrabaho sa Harmony.

"By the way—"

"I'm sorry, but I have to go."

Sinadya niyang putulin ang sasabihin ng binata. Kumaripas siya ng lakad. Kahit narinig niya ang pagtawag ni Bea ay 'di niya pinansin ang kaibigan. Wala siyang ibang nasa isip ngayon kundi ang makaalis sa lugar na 'yon.

***

She was doomed. Pagkatapos malagpasan ni Gianelli ang pagkahaba-habang traffic ay pumutok naman ang gulong ng kanyang kotse. Tsinek niya ang compartment kung mayroon siyang dalang spare tire. Luckily, she has but unfortunately, wala siyang tools.

"Gosh! Bakit ngayon pa?"

Imposibleng mawala roon ang gamit niya dahil palagi niya 'yong dala maliban na lang kung pinakialaman 'yon ng kanyang kapatid.

"Janella, nasaan ang tools ko?" pasigaw niyang tanong nang sagutin nito ang kanyang tawag. "Nasiraan ako ng sasakyan at malapit na akong masiraan ng ulo dahil male-late ako sa meeting."

"Ate Gia, sorry. Nakalimutan kong ibalik sa 'yo."

"Bakit 'di ka bumili ng sarili mong gamit? Bibili-bili ka ng kotse pero 'di ka makabili ng tools," nanggigigil niyang sermon.

Hindi ito ang unang beses na nangyari 'yon sa kanya kaya talagang uminit ang ulo niya. Idagdag pa na posible siyang ma-late.

"Ate, sorry na. Promise, bibili ako ng tools kapag lumakas ang benta sa coffee shop."

"Janella, lalong umiinit ang ulo ko sa 'yo!"

Paano kung malugi ang coffee shop nito? Ibig sabihin hindi ito makakabili ng sariling tools.

"Ate, saan ka ba nasiraan ng sasakyan? Pupuntahan kita. Mamayang hapon na ako papasok sa coffee shop."

"No thanks. Katakot-takot na traffic ang madaraanan mo kaya magtrabaho ka na lang. Malay mo lumakas ang kita ng coffee shop nang makabili k ang sarili mong gamit."

Hindi niya hinintay ang sagot ng kapatid. Basta na lang niyang pinutol ang tawag at hinanap ang numero ni Bea. Pero 'di niya tinuloy ang pagtawag sa kaibigan dahil sa main office siya pupunta. Walang saysay kung sasabihin niya rito ang nangyari dahil wala rin itong maitutulong sa kanya.

"Gianelli, pumara ka ng sasakyan 'tapos manghiram ka ng tools. Okay?" parang baliw na kausap niya sa sarili habang nakaharap sa side mirror. 

Walang malapit na pagawaan ng sasakyan doon kaya no choice siya kundi ang humingi ng tulong. Mabuti't naitabi pa niya sa gilid ang kanyang kotse dahil kung hindi ay magiging sanhi pa 'yon ng traffic.

Pumihit siya paharap sa kalsada at nagsimulang pumara ng sasakyan. Sa kasamaang palad, walang pumapansin sa kanya. Gustong-gusto niyang itigil ang ginagawa subalit naisip niyang walang mangyayaring maganda kung titigil siya.