Chereads / Walang Tayo by Carmie Lopez / Chapter 6 - Chapter Six

Chapter 6 - Chapter Six

At last, may nakapansin kay Gianelli. May humintong sasakyan sa tabi ng kanyang kotse. Ang iritasyon at pagod na naramdaman niya ay napawi dahil may mahihingian siya ng tulong.

Pagbaba ng lulan ng sasakyan ay nakaramdam siya ng samu't saring emosyon. Gusto niyang matuwa ngunit sa kabilang banda ay gusto niyang kumaripas ng takbo o kaya bumalik sa loob ng kanyang kotse.

"What happened?" tanong ng binata na mahihimigan sa boses ang concern kaysa curiosity. "How can I help you?"

"Uhm," she can't utter a word.

Naalala ng dalaga ang katangahang ginawa noong huli silang nagkita. Pero kung muli niyang paiiralin ang katangahan ay male-late siya sa trabaho.

"Pumutok ang gulong ng kotse ko. I have a spare tire but unluckily, I don't have any tools. Nakalimutan kasing ibalik ng kapatid ko." Wala sa loob na tiningnan niya ang oras sa relong pambisig.

"Gosh! I'll be late. Sinubukan kong pumara ng sasakyan upang humingi ng tulong. Unfortunately, I'm stuck here under the scorching hit of the sun because nobody wants to help me." Nanlalagkit na siya sa pawis dahil tumitindi na ang sikat ng araw. "Can you help me?"

She didn't hear anything from him. He just stood in front of her and stare at her. She felt uncomfortable.

"What? Do you want to help me or not?" inis niyang tanong upang 'di nito mahalata na naiilang siya sa paraan ng pagtitig nito.

"I'm sorry." Napakamot ito sa ulo. "Of course I want to help you."

"Then, stop starring at me."

He didn't response. Tinalikuran siya ng binata at tinungo ang kotse nito. Pagbalik nito ay may dala itong tools at inabutan siya nito ng t-shirt.

Nagtaka man sa ginawa ng binata ay tinanggap niya ang t-shirt. "Anong gagawin ko rito?"

Napakamot ulit ito sa ulo. "Well," pinag-isipan nitong mabuti ang sasabihin sa dalaga bago ito nagsalita. "I don't want to sound rude or something but please forgive me for saying this."

"Go on." Naiinip na sabi niya.

"I think that nobody wants to help you because of your clothing."

She wanted to slap the man in front of her but she stopped herself from doing it. Tiningnan muna niya ang sarili bago gawin ang nasa isip. Ngayon, naunawaan niya kung bakit 'yon nasabi ng binata.

She remembered that she removed her coat before she get out from the car because she's afraid to get dirty. Ang tanging suot niya ay tube at pencil skirt na above the knee.

Mabilis na tinalikuran niya ang binata at sinuot ang t-shirt na inabot nito sa kanya.

"I'm sorry. I don't mean to offend you."

Bakit sobrang gentleman nito?

"You don't have to say sorry," nahihiya niyang wika. "It's my fault." Marahan siyang humarap sa binata ngunit hindi niya sinalubong ang tingin nito. "Imagine, isang babaeng kapirasong tela ang suot tapos pinara ka, anong iisipin mo?"

"Kailangan mo ng tulong."

Tiningnan niya ang binata. "Because you know me, somehow. Paano 'yong iba na 'di ako kilala? Baka iniisip nila na prosti ako or modus ko lang ang masiraan ng sasakyan 'yon pala may binabalak na masama."

"I don't think so," then he smiled. "You look decent even if you're just wearing a piece of cloth. Malay mo busy sila at male-late rin sa trabaho o 'di naman kaya may kasamang asawa o nobya kaya 'di ka matulungan. Alam mo naman ang mga babae."

She chuckled. "I get your point." Nawala ang pagkailang niya sa binata dahil sa sinabi nito.

"Anyways, gusto pa kitang maka-usap pero ayokong maging dahilan nang pagka-late mo sa trabaho."

"Right!" She almost forget her work. "Dapat mapalitan ng gulong ang kotse ko."

"I have a better idea." May kinuha ito mula sa bulsa at inabot sa kanya. Car key. "I suggest that you use my car."

"Ipinagkakatiwala mo sa 'kin ang kotse mo?"

"Only if you trust me." Mataman siyang pinagmasdan ng binata.

"I trust you." Kinuha niya mula rito ang susi ng kotse nito at ibinigay naman niya ang sa kanya. "Thank you."

He smiled sweetly at her. "Thank me later. Mag-ingat ka sa biyahe."

"Thanks!"

***

The meeting went well. As usual, naka-quota ang teams under sa supervision ni Gia at isa siya sa mga nangungunang sales manager sa buong company. Maliban sa meeting ay nagkaroon din ng updates sa mga policy ng insurance company.

Malaki ang pasasalamat niya sa pinsan ni Bea dahil nakarating siya bago magsimula ang meeting. At sa sobrang pagmamadali kanina ay 'di niya nagawang magpalit ng damit sa loob ng sasakyan.

Bitbit niya ang coat papasok sa opisina at ang suot niya ay t-shirt. Nakantiyawan tuloy siya ng receptionist at napagkamalan na natulog siya sa bahay ng kanyang boyfriend.

Sabagay, kung nobyo niya ang binata ay malamang na mag-overnight siya sa bahay nito. Magla-love making sila buong magdamag na parang wala ng bukas.

Silly! Why would she think that? She was never been like that. Kapag narinig siya ng kanyang mga magulang ay tiyak na makakatikim siya ng kurot sa singit.

"Miss Gia."

"Natigil siya sa pag-iisip nang tawagin siya ng receptionist na si Sally. Nakangisi ito habang papalapit siya sa receiving area.

"Ang guwapo naman ng boyfriend mo," kinikilig na sabi ni Sally. "Miss Gia, kung ako sa 'yo pipikutin ko na 'yan."

"Boyfriend?" Nagsalubong ang kanyang kilay. "Wala akong boyfriend," tanggi niya. Dahil wala naman talaga.

"Papalapit na siya." Lalo itong kinilig. "Huwag mo nang i-deny."

Nagtataka man sa sinabi ni Sally ay sinundan niya ang direksyon na tiningnan nito. Laking gulat niya nang makita ang binatang tumulong sa kanya. Naglakad ito patungo sa direksyon nila.

Kanina habang nasa meeting siya ay iniisip niya kung paano niya isasauli ang kotse nito at kung paano niya makukuha ang kanyang kotse mula rito. Siya na yata ang pinaka-maswerteng nilalang ngayong araw dahil ito na mismo ang gumawa ng paraan.

"Hi!" bati nito sabay halik sa pisnge ng dalaga. "How was your day?"

Bakit ang sweet nito? "Everything went well. Thanks to you."

"Thank you lang?" dismayadong turan nito.

Hindi niya inaasahan ang naging reaksyon ng binata subalit naiintindihan niya ito. Wala nang libre sa panahon ngayon kaya kailangan niyang magbayad.

"How much do you need?"

"I only need a little bit of your time."

"Huh?" Hindi niya ma-gets ang sinabi nito. "What do you mean?"

"Hey, masyado mong sineseryoso ang sinabi ko," natatawang wika nito. "I don't need money. Ang tanging kailangan ko'y konting oras mo. Puwede mo ba akong samahang kumain? Kung okay lang sa 'yo."

Nakahinga siya nang maluwag. Dirty-minded lang talaga siya.

"Sure."

"Good."

Hinawakan nito ang kanyang kamay habang naglalakad sila patungo sa parking lot. Gusto niyang bawiin ang kamay mula sa binata ngunit 'di niya ginawa nang maramdaman na masarap sa pakiramdam ang init na nagmumula sa kamay nito.

Pagatapat nila sa kotse nito ay kusa niyang binitiwan ang kamay ng lalaki upang kunin ang susi ng kotse nito mula sa kanyang bag.

"Here's your key." Tinanggap nito ang susi. "By the way, where's my car?"

"Nakauwi na sa inyo ang kotse mo at ibinigay ko ang susi kay Janella."

"How did you know that I'm here and how did you know my sister?"

"Tinawagan ko si Bea. Inalam ko ang address ng opisina n'yo. Unfortunately, wala ka roon dahil nandito ka kaya hiningi ko ang address mo kay Bea at sinabi ko kung anong nangyari. Tinawagan niya ang kapatid mo kaya naihatid ko ang kotse sa inyo."

"I see. Nag-abala ka pa talaga." Ang suwerte naman ng babaeng mamahalin nito. "Ibig sabihin nag-commute ka papunta rito?"

Tumango ito.

She felt like a princess now. Gusto niyang tumalon, sumigaw, at msumayaw sa harapan nito. Kinikilig siya kahit alam niyang walang halong malisya ang ginawa nitong kabutihan sa kanya.

"Sorry kung naging hassle ako sa 'yo. Paano ko ba masusuklian ang kabutihan mo?"

"You're not a bother to me. Sapat nang samahan mo akong kumain."

Gosh! Why? Why he's so handsome, kind, sweet, and gentleman? Mahuhulog yata siya nang wala sa oras sa binata.

"Shall we go?"

Matamis na ngiti ang ginawad niya rito bilang tugon. Sino ba siya para tumanggi?