Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Love, Heila (Tagalog)

🇵🇭AMBANDOL
--
chs / week
--
NOT RATINGS
51.3k
Views
Synopsis
A 24-year-old, no-boyfriend-since-birth, Heila, owns a flower shop. For the past years, a handsome guy, Marion Devan has come in to order a dozen of red roses to be sent to his longtime girlfriend, Leticia. But one time, another man comes in to send a dozen of red roses to the same woman. She don't know what to do. Heila was worried about Rehan, the Filipino-Korean guy who applied as floral delivery man at her shop which suddenly resigned and disappeared. Now, she is left with a dilemma: tell Marion Devan about the man or let him find out on his own, or look for Rehan, the guy he is maybe in love with?
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

MY HEAD WAS HEAVY at ang init ng pakiramdam ko. Madilim sa paligid at para akong nasa isang masikip na silid. Malamig din ang bandang likuran ko kung saan ako nakahiga ngayon. Pero parang may kakaiba.

I couldn't help but to moan. May kumikiliti sa pagkababae ko and I did entertain the feeling. There was something pressing softly against my folds outside my undies. Nananaginip ba ako?

"Hmm..."

The fuck! I couldn't lie, masarap iyon sa pakiramdam. It was a foreign feeling na gustong-gusto ng katawan ko. There was a throbbing sensation down there at para akong naiihi.

"Ahh..." I continued to moan as I bit my lower lip.

"You like it?"

A familiar voice of man made me come back to my senses. Agad akong napabangon at doon ko lang napagtanto na hindi ako nananaginip. Nasa loob ako ng isang madilim na tent. Someone was taking advantage of me and he was the guy earlier!

"You're wet," he said teasingly and before I could even shout for help ay sinunggaban niya ako ng halik sa labi habang gumagapang ang kamay niya sa katawan ko.

My mind went blank. He was too strong enough to take over my body, and I was trembling in fear. Hindi ako makawala sa hawak niya dahil masyado akong nanghihina. Naiiyak akong napapikit dahil sa ingay ng paligid ay malabong may makarinig sa akin.

Not until I heard someone called my name.

"What the hell! Heila!"

***

Bata pa lang tayo, itinuturo na sa atin ang tama at mali. Pilit iyong ipinapasok sa utak natin; kung alin ang tama sa hindi, at kung alin ang mali at hindi dapat gawin. Pinag-aaral tayo para mamulat sa katotohanang dapat gawin upang hindi maging mangmang at maging inutil.

Ngunit naroon pa rin ang pagtataka ko. Bakit marami pa rin ang hindi sumusunod kahit buong buhay nang itinuturo ang pagkakaiba ng tama at mali?

Akala ko ay magiging masaya ang araw na ito sa lahat, ngunit hindi sa mag-asawang ito.

"Hayop ka talaga!"

Dahan-dahan akong napahinto sa aking paglalakad isang umaga ng Biyernes. Pasado alas syete pa lang iyon ngunit isang malutong na mura agad ang bumungad sa mga tainga ko.

Sa makipot na kalsada kung saan ako naglalakad ay pumihit ako nang bahagya patalikod kung saan ko narinig ang galit na boses ng isang ginang.

"Kung kailang anim na ang anak mo, saka ka pa nambabaeng hayop ka!" muli niyang sigaw at doon ko nakita ang isang lalaking may edad na rin na tumatakbong lumabas mula sa kanilang gate hanggang sa kalsada.

Kumunot ang noo ko. Bakit ganoon? Mas mabuti bang nambabae sana siya noong wala pa silang anak?

"Ano ba? Tama na! Nakakahiya!" saway ng lalaki ngunit mas lalo lang nanggalaiti sa galit ang kaniyang asawa.

"Nakakahiya? Ngayon mahihiya ka pero noong nasa puder ka ng kirida mo, hindi ka nahihiya kahit may anim na anak ka na?"

Dala ang isang walis tingting ay hinabol ng ginang iyong lalaki hanggang sa mapadpad na sila sa isang iskinitang tago na mula sa mga mata ko. Ngunit ang lakas ng mga boses nila ay rinig pa rin mula sa kinatatayuan ko.

Napailing ako. Kawawa ang mga bata.

"I'm sure they're old enough to know what's the right thing and the bad one, but that old man chose to have another woman despite having six damn kids with his wife."

Sa gilid ko ay nakita ko ang isang maputi at guwapong lalaki. Nakasuot siya ng isang pale green na jacket at black pants. Halos mamula-mula pa ang kaniyang mukha habang nasisinagan ng papataas pa lamang na araw.

Bahagya akong tumingala, masyado kasi siyang matangkad kumpara sa akin.

"Mr. Seo, nariyan ka na pala," sambit ko saka ngumiti.

Siya si Rehan Seo. Isa siyang Filipino-Korean na lumipad dito sa Pilipinas mula South Korea. Hindi ko alam ang buong kuwento pero alam kong may problema siyang dinadala. Isang linggo pa lang simula nang makilala ko siya.

"You should've ignored them," aniya sabay pamulsa. "Isa pa, just call me Rehan. Ikaw ang boss dito at hindi ako."

Iyon ang katotohanan. Ngunit kung pagmamasdan kaming dalawa at ipagkukumpara, mas mukha talaga siyang boss kaysa sa akin kahit parehas lang kami ng edad.

"Pasensya na. Hindi ko kasi maalis sa isip ko na—"

"Heila, nagtatrabaho ako sa iyo. I mean, Ms. Heila."

"Heila na lang, Rehan."

Sa pag-uusap naming iyon ay ni hindi siya nagpalit ng expression. Hindi naman siya galit ngunit parang takot siya sa ngiti. Mukha siyang masungit. Napaka-plain ng hitsura niya. Dominant at intimidating. Masyado siyang reserved, minsan naman ay bigla na lang magsasalita at ilalabas kung ano man ang iniisip niya. Katulad na lang kanina.

Tumango siya pagkatapos saka naunang naglakad. Parehas lang naman kami ng pupuntahan, iyong flower shop na pagmamay-ari ko.

Tatlong taon na simula nang ako na ng pumalit sa namayapa kong ina sa pagpapatakbo ng flower shop. Hindi naman iyon mahirap dahil masayang kasama ang mga bulaklak.

Habang naglalakad nang mabagal sa likod ni Rehan ay hindi ko maalis sa isip ko iyong mag-asawa kanina. Kung ano man ang problema nila, hindi pa rin dahilan ang maghanap ng iba. Kahit kailan ay hindi magiging tama ang pakikiapid at iyon ang hindi ko maunawaan gayong alam kong matatanda na sila para maintindihan iyon.

Alam nila ang tama, ngunit pilit na gumagawa ng mali. Sumulyap ako sa likod ni Rehan. Mabagal din siyang naglalakad, parang parehas lang kami ng bilis ng paghakbang. Bigla kong naisip ang kuwento niya. Nasa magandang buhay na siya pero mas pinili niya ang magtrabaho sa akin na wala pa sa minimum ang sahod ngayon bilang floral delivery driver kung ikukumpara sa suweldo niya noon.

Hindi naman ako ganoong katsismosa para magtanong pa at mag-usisa nang husto tungkol sa buhay niya. Isa pa, magkatrabaho lang naman kami. Sapat na sa akin na matino siya at masipag.

Mayamaya'y napansin kong lumingon siya sa akin. Hindi ko alam pero bigla akong nagulat nang magtama ang mga mata namin. Ganoon pa rin siya katulad kanina, walang ekspresyon sa mukha. Saglit lamang iyon at dumiretso na ulit siya sa kaniyang paglalakad. Parang sinigurado lang niya kung nasa likuran pa ba niya ako.

Napatingin ako bigla sa suot ko. Puting blouse at jeans lang ang suot ko pero alam ko namang maayos ang hitsura ko. Hindi ako maganda, pero hindi rin naman ako pangit.

Napailing ako. Ano ba'ng pakialam ko kung pangit ako at hindi ako matipuhan ni Rehan? Hindi hamak na mas guwapo naman sa kaniya si Marion Devan.

Napairap ako. Sa tanang buhay ko ay hindi pa ako naghangad ng boyfriend. Hindi sa pihikan ako o tomboy, baka hindi pa lang siguro ako tinatamaan nang husto para mahulog at magmahal ng isang lalaki.

Napabuntong-hininga ako.

Sakto lang ang dating namin sa shop. Si Rehan ang nagbukas nito, ang nagdilig mga nakapasong halaman na naka-display sa labas, at naglinis sa buong shop. Ni ayaw niyang maghati kami sa gawain at doon na lamang daw ako sa loob para mag-ayos ng mga bulaklak.

"Bakit ka nakasimangot?" bigla niyang tanong habang nagpupunas ng bubog na salamin ng shop. Sa loob ng isang linggo, ngayon lang niya yata napansin ang hitsura ko.

Napakagat-labi ako habang nag-a-arrange ng bulaklak. Sagot ko, "Masyado ba akong nakasimangot?"

Tumango lang siya saka ipinagpatuloy iyong pagpupunas doon. Parang hindi naman talaga siya interasado kung bakit ako nakasimangot. Hindi na ulit kasi siya nagtanong o nagsalita pa.

Napataas na lamang ang kilay ko dahil sa ugali niya. Parang sa maghapon, mabibilang sa daliri kung ilang beses lang siyang nagsalita.

"If you were thinking about the couple's fight earlier, let me tell you one thing," aniya na nakapagpakisap sa aking ng ilang beses.

Heto na naman siya. Bigla na namang magsasalita.

"Ano?" nauutal kong tugon bilang siya naman ang nag-o-open ng conversation sa pagitan naming dalawa.

Umikot siya sa kabilang side para banlawan iyong basahang hawak niya. Naroon kasi iyong maliit na palangganahang may tubig. Natutuwa naman ako kasi kahit kutis porselana siya ay hindi siya maarte sa dumi at alikabok.

"That man isn't afraid to cheat on his wife at all. He's actually afraid to get caught."

Infairness, kahit minsan lang siya magsalita ay palagi namang may laman ang mga sinasabi niya.

Napatingin ako sa kaniya. Tama naman siya. Ang takot na baka mahuli sila ng kanilang mga asawa o partner at hindi ang takot na manloko ang kadalasang idinadahilan nila kapag may nag-uudyok sa kanilang mangaliwa.

"How'd you know that it bothers me?" tanong ko.

"I just feel it." Mabilis ang naging sagot niyang iyon nang mapatingin naman ako sa malaking kalendaryong nakasabit sa may pinto. Kusa na ring namatay ang usapan namin tungkol sa mag-asawa kanina dahil naagaw na rin ng petsa ngayon ang atensyon ko.

Muli akong tumingin kay Rehan na abala naman sa pag-i-spray sa maliliit na halamang nakasabit sa loob.

"Wala ka bang girlfriend?" walang kagatul-gatol na tanong ko bigla sa kaniya.

Agad na pumihit ang ulo niya patungo sa direksyon ko. Halata ko sa hitsura niya ang bahagyang pagkagulat dahil sa aking tanong kahit wala naman talagang nagbago sa seryoso niyang mukha. Tumitig siya, tinatantiya siguro kung seryoso nga ba ang tanong kong iyon sa kaniya.

"I don't have yet."

Ika-14 ng Pebrero ngayon, Araw ng mga Puso. Pagpatak ng alas otso ng umaga ay hindi ako nabigo nang makita ko ang papalapit na bulto ng isang lalaking patungo sa shop.

For the past 3 years ay limang beses siyang nagtutungo rito sa flower shop para umorder ng isang dosenang pulang rosas.

Nang tumunog ang chimes dahil sa pagpasok niya sa pinto ay kusa akong napangiti sabay sabing, "Marion Devan."