Chereads / Love, Heila (Tagalog) / Chapter 6 - Chapter 6

Chapter 6 - Chapter 6

Abot-abot ang pasasalamat sa akin ni Lola na hindi ko na rin nagawang itanong ang pangalan dahil sa pagkahuwindang nang bigyan ko siya ng tatlong rosas na inayos ko mismo sa kaniyang harapan. Nilagyan ko iyon ng pulang laso at ng isang maliit na card na may pirma ko.

Pinagpapawisan pa nga ako habang inaayos iyong bulaklak kanina dahil muling bumalik si Rehan sa tabi ni Lola na kapuwa nakapanood lang sa akin. Susko! Para akong nasa isang contest na may nangangain na judge! Huwindang na huwindang ang buong sistema ko.

***

"Hija, sino ba ang lalaking iyan at parang gusto nang bakuran ka?"

Namilog ang mga mata ko dahil sa bulong ni Lola sa akin. Dumiretso ang tingin ko kay Rehan na parang walang ideya sa sinabi sa akin ng matanda.

Tiningnan ko si Lola saka ko sinabing, "Bakuran? Naku, Lola! Wala po. Katrabaho ko po siya. Hindi po... hindi po kami mag-ano..."

Napalunok ako sa nasabi ko. Mag-ano? Mag-ano, letse.

Binigyan ako ni Lola ng isang nakakalokong ngiti bago nilingon si Rehan na tahimik na nakatingin sa amin.

"Mga apo, ayos lang ang mag-away minsan," sambit ni Lola. "Gagana kasi ang isip ninyo kung paano susuyuin kapag nagtatampo ang isa. Doon ninyo rin madidiskubre ang kiliti ng bawat isa. Pero sana ay huwag sa trabaho. Mabuti na lang at ako na matanda na ang nakakita sa inyo kanina! Kaya naiintindihan ko ang init na naramdaman ninyo—"

"Lola!"

Hindi ko na napigilan ang aking sarili na hindi mapasigaw. Grabe! Ang sarap siguro magkulong sa kuwarto ngayon ng isang taon lang!

"Lola, maraming salamat po. Sana po makabalik ulit kayo sa shop namin," utal na sabi ko bago ko iginiya papuntang pinto si Lola.

"Ay siya, sige. Maraming salamat sa bulaklak, hija. Ang ganda nito!" Ngumiti na lamang ako nang pilit bilang tugon.

Hindi naman sa itinataboy ko si Lola paalis ngunit parang ganoon na nga. Mahirap na at baka dagdagan pa niya ulit ng gatong ang apoy!

At ang Rehan ninyo, muling ngumisi.

***

Humigpit ang pagkakahawak ko sa ballpen bago huminga nang malalim. Umiling rin ako at pilit na inalis sa utak ko ang mga nangyari kanina.

"Heila, kalma. Ang puso, at risk," bulong ko pa saka saglit na pumikit at kinalma ang sarili.

Unti-unti ring pumihit ang ulo ko pakaliwa na parang may nagkokontrol niyon at pasimple akong tumingin sa direksyon papuntang kusina.

Pagkaalis na pagkaalis kasi ni Lola sa shop dala ang bulaklak na iniregalo ko sa kaniya ay bigla ring umalis si Rehan pabalik ng kusina. Pasado alas dose na at kanina pa siya roon. Wala rin akong marinig na kahit anong tunog mula sa loob.

O baka naman masyado lang akong nabibingi ngayon? Nabibingi sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Umiling ako. Parang hindi ko na yata kaya na makasama pa siya rito dahil sa hiya!

Ibinaba ko iyong ballpen at iniwan ang pagsusulat saka dahan-dahang lumakad papuntang kusina. Sa sobrang pag-iingat ko ay parang may huhulihin akong pusang namumungkal doon.

"Sisantehin ko na kaya si Rehan para makagalaw ako nang maayos dito? Okay naman akong mag-isa, e. Pero ano namang idadahilan ko sa kaniya? Paniguradong magtataka iyon kung bakit biglaan," bulong ko sa aking sarili saka nagpatuloy sa paghakbang. "Kung bakit kasi hindi kumakalma ngayon ang puso ko, e. Okay naman ako noong mga nakaraang araw, bakit ba ako ganito kapag kaharap ko si Rehan ngayon? Heart transplant na yata ang kailangan ko."

Isang hakbang na lang sana ako at makakapasok na ako sa bukas na pinto ng kusina nang bigla namang lumabas si Rehan mula roon.

Parang tuluyan nang tumigil sa pagpa-pump ng dugo ang puso ko. Damn! Why were there so may instances today na kailangan magkakadikit kami ni Rehan nang sobra?

"Got you," halos pabulong na niyang sabi nang mahigit niya ako sa aking baywang.

Muntik na naman kasi akong lumanding sa kaniya dahil sa maling paghakbang at pagkagulat.

We were facing each other, again. Sobrang lapit niya at kung ihahalintulad sa isang drama sa TV ay sobrang romantic na parang maglalapat na ang aming mga labi—damn it! Every details of his face were very vivid to my eyes; ang mga singkit at mapupungay niyang mata, ang mataas at matangos niyang ilong, at ang labi niyang walang bahid ng dehydration.

Iyan iyong mga bagay na hindi ko nabibigyan ng pansin noong mga unang araw niya sa shop. Bukod sa nasa mga bulaklak ang madalas kong pagtuunan ng aking atensyon, ngayon ay pati ang galaw, tingin, at hitsura ni Rehan ay hindi ko maiwasang isipin.

"I don't want you to fall on me twice. Baka hindi ka na makaalis pa."

Pakiramdam ko ay naging malisyosa rin ako nang mga sandaling iyon. Sa tuwing magsasalita siya, palagi na lang niya akong binibigyan ng isipin sa buhay.

At hindi iyon maganda sa puso kong malapit nang mawalan ng buhay. Napakurap ako nang maraming beses bago ko siya naitulak palayo sa akin. Mukhang napalakas pa dahil bumangga ang likod niya sa pader.

Mabuti nga.

Mabuti na lang din at nagawa ko pa iyon sa kabila ng nakaka-cardiac arrest niyang sinabi.

"Ano ba'ng sinasabi mo riyan?" reklamo ko saka pasimpleng inayos ang sarili ko. Umiwas na rin ako ng tingin dahil baka hindi ko na talaga kayanin. "Ayos lang naman ako. Hindi mo naman kailangang gawin pa iyon."

"If I didn't catch you, you'll get hurt."

Bumalik ang tingin ko sa kaniya. Same expression, still the signature look of Rehan. Sa sinabi niya, parang pakiramdam ko ay hindi na tungkol sa pag-landing ko sana sa kaniya ang tinutukoy niya.

Bahagya naman akong nakalma nang ibahin niya ang usapan.

"Anyway, I prepared the lunch. You can eat now," aniya.

Hindi na iyon bago sa akin dahil simula nang i-hired ko siya, siya na ang nagluluto ng pananghalian. Not to mention, masarap siyang magluto. Free ang lunch niya rito.

Pagkasabi niya niyon ay lumakad siya at nilampasan ako. Mukhang patungo siya sa labas ng shop. Ngunit bago pa man siya makahakbang pa ulit ay agad akong nagsalita.

"Kakain na pala, saan ka pa pupunta?" tanong ko.

Ang weird ko rin. Parang kanina lang ay ayaw ko nang makita niya ako tapos ako ito ngayong ang lakas ng loob magtanong kung saan siya pupunta.

Humarap siya saka niya sinabing, "The flowers to be delivered are all inside the van. I'm going back to work."

Tumingin naman ako kung saan nakalagay ang lahat ng bulaklak na kailangang i-deliver at wala na nga ang mga iyon doon.

"You were too busy right before Lola came over, so maybe you haven't noticed me moving all those."

Napakamot ako sa batok ko at hindi nakaimik. Mayamaya'y humarap ulit siya sa may pinto. Nakahawak na siya sa roon at handa nang buksan iyon para lumabas nang mapasigaw ako.

"Hoy, Rehan! Kakain pa, 'di ba?" sabi ko. "Malayo ang location ng ibang nagpapa-deliver!"

Hindi niya ako nilingon. "I can eat later after this—"

"Kapag hindi mo ako sinabayan ngayong lunch, sisisantehin kita!"

Shoot! Napatigil siya. Dahan-dahan ay inalis niya ang kaniyang kamay sa pinto saka humarap sa akin. Doon ko lang napagtanto na hindi iyon ang iniisip kong plano ko kanina ng pagsisante sa kaniya.

Sisisantehin nga kasi, Heila! Bakit mas lalo mo siyang binigyan ng dahilan para mag-stay? halos naisigaw ko na sa isip ko bago ako napatakbo papuntang kusina dahil sa panibagong kahihiyang ako rin naman ang may kasalanan.