"I'll be leaving then."
Sinundan namin ng tingin si Rehan habang patungo sa pinto ng shop. Kumakalansing pa iyong susi ng van dahil pinaglalaruan iyong ng kaniyang kamay. Ngunit hindi pa man siya nakakarating doon ay bigla siyang tumigil sa paglakad.
"Ah, hold it," sambit niya.
Tumaas ang kilay ko nang lumingon siya pabalik sa akin. Walang ngiti, just the mysterious Rehan I used to know.
Aniya, "Hiding behind those flowers won't hide the fact that you are more beautiful than them. See you later."
"H-ha?"
Muli na namang nakalampag ang aking sistema sa mga last words niya. Bigla na naman akong nawalan ng dila para makapagsalita pa.
Pagkalabas na pagkalabas ni Rehan ng pinto ng shop ay agad kong narinig ang malakas na tili ni Karina.
"Omg! Miss Heila, mas maganda ka raw kaysa sa mga rosas!"
Nang biglang bumukas muli ang pinto ng shop at iluwa niyon pabalik sa loob si Rehan ay mas kumabog sa kaba ang dibdib ko.
"Heila..."
Hindi ko pinansin ang tumitiling si Karina bagkus ay tinitigan ko si Rehan.
"May nakalimutan ka ba?" nauutal kong usisa sa kaniya.
"Yes," aniya. "I forgot to tell you that I like you."
Sa kabila ng nakarinding sigaw at tili ni Karina ay mas rinig ko ang malakas na kalabog sa loob ng dibdib ko. Parang tataas ang presyon ko nito dahil sa narinig ko. Did I hear it right?
"Heila, gusto ka raw ni Rehan!" sigaw ni Karina.
Halos malaglag naman ako sa kinauupuan ko nang magmulat ako ng aking mga mata. Dang! Ang malisyoso ng panaginip ko para ipahiwatig na gusto ako ni Rehan! Umiling ako para mabura sa isip ko ang bagay na iyon.
Lumingon ako sa paligid ng shop at agad kong kinuha ang telepono ko sa aking gilid nang mahimasmasan ako. Nakatulog na pala ako sa counter kahihintay kay Rehan na makabalik sa shop. Pasado alas singko na pero wala pa rin siya.
"Nasaan na kaya iyon?" bulong ko saka tumayo mula sa kinauupuan ko.
Simula kasi nang i-hired ko siya ay lagi kaming sabay lumabas ng shop. Siya rin kasi ang nagla-locked ng mga pinto rito. Doon lang kami maghihiwalay sa sunod na kanto kasi magkaiba na kami ng daan.
Lalabas sana ako nang mapansin kong parang may nakadikit sa noo ko. Pagkuha ko niyon, isang sticky note pala.
***
I didn't disturb you anymore once I got back to the shop. You sleep so soundly. Anyway, I went home already, emergency. Go home safely.
***
Iyon ang nabasa kong sulat sa sticky note na mula kay Rehan. Tumaas pa ang kilay ko dahil doon. Humarok kaya talaga ako habang natutulog? Kinusot ko ang aking mata saka tumingin sa labas. Doon ko lang napansin na naroon na nga ang van.
"Ano kaya'ng nangyari sa kaniya?"
Napabuntong-hininga ako bago ko sinimulang ayusin ang loob ng shop. Inipon ko ang mga tuyong petals at sanga ng mga bulaklak sa paligid saka iyon winalis at itinapon sa basurahan. Mayamaya'y nahagip ng aking paningin ang dilaw na rosas na ibinigay sa akin ni Marion Devan. Kinuha ko iyon saka pinagmasdan. Bagamat palagi kong nakikita ang bulaklak na iyon ay parang mas gumanda iyon sa paningin ko ngayon.
Pag-angat naman ng aking tingin ay nakita ko iyong orange na rosas. Iyon iyong oras na binili ni Rehan kanina.
***
"A piece of long-stemmed orange rose costs 8 dollars, right? That one inside the transparent box?"
I held my breath. Paano ko ba kasi iha-handle ang lalaking ito? Hay! Bahala nga siya. I made a face before I looked over my shoulder to take a glance at the rose he was talking about.
Eight dollars, puwede namang 380 pesos na lang. Pero maayos na iyon kaysa sa Korean Won. Hindi ko kasi alam kung magkano ang palitan niyon ngayon.
"Oo. Three-hundred-eighty," maiksi kong sabi nang bumalik ang tingin ko sa kaniya.
"I'll buy one," aniya. "I told you, costumer ako."
Parang doon lang ako bumalik sa aking huwisyo. Iyon pala ang ibig niyang sabihin. Bigla tuloy akong na-curious kung bakit siya bibili ng bulaklak na iyon. Sa pagkakatanda ko kasi ay wala naman siyang nobya.
Tumalikod ako saka kinuha ang gusto niya.
"Ikaw ha? I thought you don't have a girlfriend?" tanong ko bago ko iniabot sa kaniya iyong bulaklak. Ngumiti ako.
Parang ang peke ko sa parteng iyon. Pabago-bago ako ng mood kapag siya ang kaharap ko. Kasalanan niya ito, e!
Kasabay ng pag-abot ko sa kaniya niyon ay ang paglapag niya ng isang 500-peso bill.
Muling nagtama ang aming mga mata. Hindi siya nagsalita habang kinukuha sa akin iyong bulaklak na nasa box.
"Wala naman talaga, Heila."
***
Tumikwas ang nguso ko.
"Baka naman kasi may girlfriend talaga siya, ayaw niya lang sabihin? Baka iyong emergency na sinasabi niya sa sulat ay may ka-date siya? Tss. Kanino ba naman kasi niya ibibigay iyong bulaklak?" reklamo ko sa aking sarili bago ko pa napagtantong masyado na akong mausisa sa buhay ni Rehan. Napairap na lamang ako bago ako nagpatuloy sa aking paglilinis.
Mag-aala sais na ng gabi nang matapos ako saka ko isinara ang shop. Habang bitbit ang rosas ay dumaan muna ako sa isang convenient store para bumili ng snacks bago dumiretso sa apartment na tinutuluyan ko.
Katulad ng inaasahan ko ay maraming magkatipan ngayon ang nasa paligid. May kumakain nang magkasama o kaya naman ay naglalakad sa daan nang magkahawak-kamay. Ako? I was thankful enough na buhay pa ako ngayon.
Muli akong napadaan doon sa bahay ng mag-asawang nag-away kanina. Nakita ko iyong ginang na nakaupo lang sa terrace nila habang nakakalong sa kaniya iyong paslit na lalaki. Tahimik sila at walang maririnig na sigawan. Hindi ko rin makita kung naroon ba ang asawa niya. Iyong iba pa niyang mga anak ay naroon sa bakuran habang naglalaro ng bulaklak ng Santan.
"Mama!"
Tumigil ang aking paghakbang at napako ang aking tingin sa mag-iina ng mga oras na iyon.
Isa sa mga anak na babae ng ginang na sa tingin ko ay nasa limang taong gulang ay biglang lumapit sa kaniya habang bitbit ang isang koronang yari sa mga sa bulaklak ng Santan.
"Mama, gumawa ako ng korona, o!" ani ng paslit na halos sumigaw sa tuwa. "Mama, yumuko ka!"
"Ano ba naman anak? Para saan iyan?" Kahit tila nakukulitan ang babae ay agad naman siyang yumuko para maabot ng kaniyang anak iyong kaniyang ulo.
"Korona, Mama. Maganda sa iyo. Parang prinsesa!" sagot niyong bata.
Ngumiti ako sa nakita at narinig ko nang ipatong niyong bata ang koronang Santan sa ulo ng kaniyang ina. Magkahalong saya at lungkot ang nakita ko sa mukha ng babae ng mga oras na iyon. Sana nakita iyon ng asawa niya ngunit tila wala ito doon.
"Hayaan mo, anak. Kahit wala ang papa mo, hindi ko kayo pababayaan."
Kumirot ang puso ko sa narinig ng mga tainga ko. Hindi pala talaga lahat ay masaya sa araw na kung saan pag-ibig ang ipinagdiriwang.
Huminga ako nang malalim. Tumingin ako sa kalangitan at napansin kong makulimlim na. Muli akong sumulyap sa mag-iina bago ko napagpasyahang tumakbo bago pa ako maabutan ng ulan sa daan pauwi.
Nasa gate na ako noon ng apartment na tinutuluyan ko nang mapansin kong may nakasabit doon na plain brown paper bag. Unang pumasok sa isip ko na baka may mga batang nang-trip lang at isinabit iyon doon at kung mahalaga mang bagay ang nasa loob niyon, kung hindi para sa kapitbahay kong sugar mommy ay para sa akin iyon.
Kinuha ko iyon mula sa pagkakasabit saka tiningnan ang tinutuluyan ni Ka Dahlia.
"Ka Dahlia, sa inyo po ba itong paper bag sa labas?" sigaw ko nang makita ko siyang palalabas ng pinto. "Nakasabit po dito sa gate. Kinuha ko na!"
Kumunot ang noo niya nang iwagayway ko iyon para kaniyang makita. Umiling siya. Aniya, "Hija, hindi. Baka para sa iyo talaga iyan! Wala akong inaasahang padala bukod sa natanggap kong bouquet ng rosas kanina."
Ngumiti na lang ako saka tumango. Bumalik ang tingin ko sa bag na iyon bago ko binuksan ang gate saka pumasok. Disente ang hitsura niyon at mukhang hindi nga galing sa mga batang mahilig mang-trip. Pero kanino naman kaya ito galing?
Napahinto na lang ako nang makita ko ang pamilyar na bagay sa loob ng paper bag nang buksan ko iyon.
Orange rose.