Dumiretso ako sa kuwarto ko pagkapasok na pagkapasok ko ng apartment. Iyong dilaw na rosas na ibinigay sa akin ni Marion Devan kanina ay ipinatong ko sa katabing mesa ng aking higaan.
Nahiga ako bago huminga nang malalim. Hindi man ako sigurado pero ganoon na lang ang kabog ng aking dibdib dahil sa kahel na rosas na hawak ko ngayon. May letter sa loob ng paper bag na agad ko namang kinuha.
Unang bumungad sa akin ang pangalan ni Rehan doon sa papel na nagbigay na naman ng kaba sa aking dibdib. Bukod sa tanong na bakit niya ako binigyan ng rosas, paano niya nalaman kung saan ako nakatira?
Yellow offers friendship, so here's orange.
Sa lapad niyong papel ay iyon lang ang nakasulat na sadyang nakapag-iwan na naman ng kakaibang curiosity sa akin.
Agad kong kinuha ang aking telepono at saka dumiretso sa notes ko para lang mabasa na, "This bold and fiery bloom often stands for desire, fascination, enthusiasm, and energy. The orange rose can say "I am so proud of you" with its meaning of admiration and excitement. Or maybe it can help you say that you are ready to take your relationship to the next level."
Relationship to the next level?
Kinabukasan ay maaga akong nagising kumpara sa oras ng palagi kong pagbangon sa umaga. Hindi naman talaga ako nakatulog, more like nakaidlip lamang.
Hindi ko mabilang sa aking daliri kung ilang beses akong nagising sa magdamag dahil minumulto ako ng letter na iyon galing kay Rehan. Hindi ako nakatulog nang maayos dahil naguluhan ako sa kung ano'ng gusto niyang sabihin.
Naiiyamot akong nagtimpla ng instant coffee saka iyon hinigop kasabay nang pagkain ng monay na may palamang margarine at asukal.
Relationship to the next level.
Napanguso ako bago ko kinalma ang aking sarili at papaniwalaing baka pinagtitripan niya lang ako.
Pumangalumbaba ako sa counter saka tumingin sa labas ng flower shop. Alas nuebe na ng umaga pero walang Rehan na dumating ngayon. Unang beses niyang hindi sumipot sa trabaho nang wala pang paalam.
"Pagkatapos niya akong pabaunan ng sakit sa ulo, a-absent siya ngayon? Tch."
Napasubsob ako roon. Hindi ko alam kung dahil ba sa kakulangan sa oras ng pagtulog o dahil talaga ito sa pakulo ni Rehan kung bakit wala akong gana ngayong araw.
"Babawasan ko talaga nang malaki ang sahod niya!" naiinis kong sabi bago ako bahagyang mapapitlag nang marinig ko ang tunog ng pintong bumubukas at ang chimes na kumalansing.
Pinilit kong pasiglahin ang hitsura ko kahit pakiramdam ko ay tig-isang kilo ang bigat ng eye bags ko ngayon.
"Good morning—"
I was cut off by the sudden appearance of a guy in suit. May bitbit siyang dalawang bote ng soda na mukhang kakukuha lamang sa freezer.
"Good morning, Heila! You looked surprised to see me," aniya sabay ngisi.
"Marion Devan?"
Siya nga. Parang kahapon lang, narito siya. Wala namang okasyon ngayon, ano kayang sadya nito?
"Yes, it's Marion Devan."
Umikot ang mata ko. Umayos ako ng upo saka siya hinarap nang maayos. Tanong ko, "Ano'ng ginagawa mo rito? Extended ba ang Valentine's Day?"
Dahan-dahan niyang ipinatong iyong isang soda sa counter sa harapan ko saka niya ako tiningnan.
"Was that supposed to be a joke that I should laugh about? Corny ka na ngayon, CEO," aniya sabay bungisngis. Mayamaya'y dagdag niya, "Wala man lang ba munang greetings bago mo ipahiwatig na ayaw mo akong narito?"
Tanging pagsubsob muli ang naging sagot ko sa kaniya. Wala akong energy. Ni hindi ko masyadong ma-appreciate ang presence ng taong matagal ko nang hinahangaan dahil sa puyat. Tama. Antok lang ito.
"Anyway, I was at a meeting earlier at the coffee shop just around the corner. Naisipan ko lang munang dumaan dito bago bumalik sa office," kuwento niya na hindi ko tinugon.
Mayamaya'y tumahimk siya pero hindi ko naman ganoong pinansin pa.
"You look tired," aniya pa. "Nagsisimula pa lang ang araw pero mukhang wala ka ng energy. Nag-away ba kayo ng boyfriend mo? Where is he? Is he isn't around?"
Nag-away? Boyfriend?
Agad akong nag-angat ng aking ulo. Nakita ko si Marion Devan na palinga-linga sa paligid at halatang may hinahanap. Pagbaling niya sa akin ay kaniyang tanong, "Where is Rehan?"
Naiikot ko ang aking mga daliri sa magkabila kong sentido bago ko siya sinagot.
"First of all, I am telling you that Rehan is not my boyfriend. Two, puyat ako. Three, hindi kami nag-away. Four, pero hindi ko alam kung nasaan siya at kung bakit siya wala sa shop ngayon. At panlima, bakit ang dami mong tanong?"
Tinawanan niya ako marahil dahil sa iritado kong boses. Pumangalumbaba ako pagkatapos saka napabuntong-hininga.
"You're so cranky today. What happened?" mahinahong tanong niya na tila nakapagpabalik sa akin sa aking huwisyo. "I got you some cold drink. Take it and talk."
"Inuutusan mo ba ako?"
"Yes."
I gasped. Tinaasan ko siya ng kilay. Sabi ko, "Ayaw ko."
"Sure. Patibayan na lang tayo tutal naiintindihan ko naman na parehas tayong boss."
Pagkatapos ay pinanood ko siya kung paano niyang laklakin ang soda hanggang sa maubos ang kalahati niyon.
"Parang hindi mo naman ako kaibigan. Kumusta ba ang araw mo kahapon? Well, I know you had a lot of costumer than regular days which is good, pero ang sarili mo? I mean, wala talagang nangyari sa inyo ni Rehan?"
Hindi ko alam kung paano ko ite-take ang tanong niya. Ano nga ba'ng nangyari sa amin ni Rehan?
"Wala namang nangyari," sagot ko bago ko binuksan ang bote niyong soda. "Puyat lang ako ngayon kaya wala akong gana."
Ininom ko iyon at para iyong alak na gumuhit sa aking lalamunan.
"Wala ba talagang namamagitan sa inyo? I bet Rehan likes you."
Muntik na akong masamid sa sinabi ni Marion Devan.
This bold and fiery bloom often stands for desire, fascination, enthusiasm, and energy. The orange rose can say "I am so proud of you" with its meaning of admiration and excitement. Or maybe it can help you say that you are ready to take your relationship to the next level.
"Imposible!" bulalas ko. "Saka kung mayroon man, imposibleng magustuhan ko rin siya! Wala pa talaga sa isip ko iyan."
Nagkibit-balikat naman siya bago ako napalingon sa may pinto. Mahina man ang kalansing ng chimes doon ay alam kong may tao roon. Pero hindi iyon costumer.
Ganoon na lang ang kabang naramdaman ko nang makita ko si Rehan na naglalakad na palayo ng shop.