Chereads / Love, Heila (Tagalog) / Chapter 11 - Chapter 11

Chapter 11 - Chapter 11

Dear Ms. Heila,

Please accept this letter as formal notification of my resignation from Love Heila Flower Shop. My last day of work will be the day I sent you the rose. Yes, it was from me.

I really appreciate the experience and the opportunity I have gained while working with you; my successor, like me, will be fortunate to be a part of your blooming business.

I can't guarantee that I can give you all the explanations in person why I suddenly decided to leave as I am leaving for good. I know this will upset you, and I'm sincerely sorry. I wish you and Love Heila continued success.

Sincerely,

Rehan Seo

A moment of silence. Iyon lang ang tangi kong nagawa matapos kong basahin ang resignation letter ni Rehan nang makauwi ako kinagabihan. Magkahalong lungkot at pagtataka ang naramdaman ko. Nakakalungkot na bigla siyang umalis at nakakapagtaka kung bakit naman naging biglaan.

Leaving for good? I don't know.

Babalik na ba siya sa Korea? Definitely no idea.

Umiling ako saka nagkibit-balikat. Malay ko. Iniwan niya nga bigla ang trabaho niya, iyon pa kayang malaman ko ang tunay niyang dahilan? Gustuhin ko mang mainis ay para saan pa ba kung hindi ko na iyon masasabi sa harapan ni Rehan. Gustuhin ko man siyang batuhin ng mga tanong ay hindi ko na rin magagawa dahil hindi ko na rin makontak pa ang cellphone number niya.

The hell. Para saan pa ang magulong meaning ng rosas na ibinigay niya kung hindi na siya magpapakita para bigyan iyon ng linaw? He's a big fat paasa at pa-fall. Napairap ako sa mga naiisip ko. Totoo naman. Why would he give me that rose for nothing?

Pero sana ay maayos lang ang kalagayan niya kung ano man ang binabalak niya. Huminga ako nang malalim bago ko isinantabi iyon sa aking isipan.

Tumayo ako sa kinauupuan ko matapos kong kumain ng hapunan. Pasado alas otso na ng gabi nang mapatingin ako sa kalendaryo na nakapaskil sa pinto ng aking kuwarto.

Wala ng Rehan Seo for the future days. Should I hire someone again or just stick with myself? Ewan.

I decided to forget everything and moved on. Walang mangyayari kung iisipin ko pa ang mga bagay na wala na. It's been a month already and I was definitely doing good without the help of anyone. Yes, pretty good.

"Nasaan na si pogi?"

Saglit akong napatigil sa pagpuputol ng tinik ng rosas saka ko nilingon si Karina na narito sa shop upang kunin ang bulaklak na dadalhin niya sa puntod ng kaniyang ama.

Ilang segundo pang nanghaba ang leeg niya sa pagsipat sa taong hindi niya makita bago niya ako nginitian.

"Pogi?" maang na tanong ko saka mapaklang napangiti. Alam ko naman kung sinong tinutukoy niya.

Pero bakit ba may mga ganitong tao? Alam ko namang curious lang siya pero nakakainis pa rin! Paano ko ba siya tuluyang makakalimutan kung palaging may bumabanggit tungkol sa kaniya?

"Rehan Seo," aniya.

Damn that fullname.

I was hesitant at first kasi ano ba'ng dapat kong sabihin? Hanggang sa napabuntong-hininga na lang ako.

"He left," maiksing tugon ko. "500."

Bahagya pa siyang napatigil sa sinabi ko pero agad din naman siyang napadukot sa kaniyang bag para kuhanin ang kaniyang wallet.

"Kaya pala hindi ko na siya nakikitang mag-deliver," sabi pa niya bago kami nagpalitan ng bulaklak at ng kaniyang bayad. "Salamat."

Tumango lang ako bilang tugon at mukhang napagtanto naman niya na hindi ako komportable at interesado sa gusto niyang pag-usapan.

"Then you should maybe hire someone again? Hindi ba mahirap magtrabaho nang mag-isa?"

Napakagat-labi ako. As if namang hindi ko naisip iyon. Pero katulad ng sabi ko, I can manage.

"It's fun... alone," I smiled widely, but sure it wouldn't reach my eyes. "I can manage the shop very well kahit siguro hindi na ako mag-hire."

Hindi siya nakaimik.

"Sige, thanks," tanging nasabi niya bago lumabas ng shop.

Agad akong napatakbo sa kusina ng shop para kumuha ng malamig na tubig na maiinom. Ang init ng pakiramdam ko. Naiinis ako.

I guess hindi ganoong kadali maka-move on lalo at biglaan. Pero ano ba'ng habol ko?

Kahit sobrang higpit ng pagkakahawak ko sa baso ay muntik ko na iyong mabitiwan nang marinig ko ang pagtunong ng chimes. Nagulat ang buong pagkatao ko sa mahinang tunog na iyon.

Damn it! Rehan Seo syndrome na yata ito.

"Heila?" Napaangat ang mga kilay ko. Boses iyon ni Marion Devan.

Agad kong ibinaba ang baso saka nagmadaling inayos ang buhok ko bago ko siya hinarap. Pakiramdam ko ay hagas na ako kahit wala pang tanghaling tapat.

Siya nga ang nakita ko paglabas ko ng kusina habang suot ang isang malapad na ngiti. Pogi, as usual.

"Okay ka lang?" bungad niya sa akin.

Ang daming dahilan para sabihin kong hindi ako okay pero kabaligtaran niyon ang nasabi ko para lang hindi na siya mag-usisa pa. Pero nagkamali ako.

Umismid siya. "May utang ka pang chismis sa akin, Miss Heila," aniya sabay sandal sa counter. "It was a month ago pero hindi ko pa nakakalimutan."

Mahina akong natawa saka nagtaas muli ng kilay. "Chismis? That's not very you."

Bumalik ako sa counter para ihanda ang dahilan kung bakit siya narito.

"You know what I mean."

Tiningnan ko siya. Sagot ko, "Still the same?" I was pertaining to a dozen of red roses na walang palya niyang ipinapadala sa girlfriend niya tuwing kaarawan nito. Agad naman niyang na-gets ang pagsegwey ko sa sinasabi niya.

"Yes, of course." Humarap siya nang ayos akin. "Curious ako. What happened?"

I pursed my lips saka dahan-dahang umiling.

"Nag-away ba kayo kaya nag-resign?" usisa pa niya. "Sinungitan mo? One-sided love?"

People kept asking about Rehan. Paano ako makakausad nito?

"One-sided love? Sino? Ako? Walang ganoon, Marion Devan. Baka babalik na sa pinagmulan niya kaya he decided to resign. Huwag ka ng chismoso. I don't know and I don't mind," diretsong sabi ko na tinawanan lang niya. "Happy birthday sa girlfriend mo. Stay strong sa inyo."

I don't know and I don't mind? Sinungaling ka, Heila!

"Thanks! Pero wala talagang chismis?"

"Wala nga."

"Okay, fine. I won't ask anymore. Pero kapag nagbago ng isip mo, puwede mo pa rin ikuwento." Kung hindi lang siya committed ay iisipin kong may malisya ang pagkindat niya sa akin ngayon.

Agad din siyang umalis matapos niyang ibigay ang letter at bayad niya sa bulaklak na ipadadala ko sa address ni Leticia. Letter pa lang, sweet na. Samahan pa ng fresh red roses.

Paano naman ako? Kahit tangkay o tinik ng rose wala man lang magbigay. I mean, iyong taong hindi sana biglang mawawala after giving me flowers ang magbibigay. Hay Heila! Napairap na lang ako sa mga naiisip ko.

It was 15 minutes before 3 in the afternoon, I was about to exti the shop para magdeliver ng mga bulaklak nang may isang lalaking pumasok sa shop.

I scanned him right of the bat. Mas matangkad nang kaunti si Marion Devan kumpara sa lalaki, mukhang nasa mid-twenties, at moreno. Pogi? Yes.

"Welcome to Love Heila—"

"A bouquet of twelve red roses," putol niya sa pagbati ko. "Nagmamadali kasi ako, puwede bang iwanan ko na lang ang bayad tapos ibibigay ko na lang ang address kung saan ipapadala?"

Agad akong napatango sa sinabi niya. "Yes, sir. That's possible."

Pagkatapos ng ilan pang instructions ay ngumiti siya saka nagmadaling lumabas ng shop. Napangiti ako dahil bukod sa benta ay may swerteng babae na naman ang makakatanggap ng bulaklak.

Pero laking gulat ko na lang nang makita ko ang address ng receiver.

865 B Street, Thomas Village.

Ms. Leticia Talavera.