Tahimik. Ni walang umimik sa aming dalawa ni Rehan habang nasa kusina at magkaharap sa mesa. May pritong galunggong na nakahain doon na ginawan niya ng toyo, kalamansi, sili na may kamatis bilang sawsawan. May ginisang munggo rin saka orange juice bilang panulak.
Napasulyap ako sa kaniya habang tahimik siyang kumukuha ng kanin. Ni hindi ko na naamoy ang mga nakahain ngayon habang niluluto niya iyon kanina. Hindi ko alam na ganoon na pala ako kalutang.
Infairness, lutong Pinoy ang lahat ng nakahain ngayon. Noong nakaraan kasi, Sangyeupsal ang inihanda niya. I refused at first kasi hindi kaya ng budget ko, pero he still insisted dahil pera naman niya ang ginastos. Nakakahiya tuloy kasi parang hindi boss ang lagay ko nito.
"Okay na. Ako na. Kaya ko naman."
Tinangka niyang ipaglagay ako ng kanin sa aking plato pero agad ko siyang pinigilan. Masyado naman niya akong pinagsisilbihan.
"Alright."
It was my turn to help myself, but when my eyes unconsciously met his, I froze. Dang! Parang hindi na ako si Heila na NBSB na walang pakialam kahit gaano pa ang kaguwapo ang isang lalaki! Kaunting titig lang ni Rehan sa mga mata ko ay parang mahuhulog na ang puso ko sa kaba.
"May dumi ba ako sa mukha?"
That was the time when I almost dropped the spoon. Bahagya akong napapitlag sa boses niya.
"Wala naman," patay-malisya kong sagot saka nag-iwas ng tingin bago ipinagpatuloy ang pagkuha ng kanin.
Naging mapayapa ang aking pananghalian dahil naging tahimik na ulit si Rehan katulad noong unang beses niya rito. Sinulyapan ko siya ng ilang beses pero nasa pagkain lang ang pokus niya na siyang ipinagpapasalamat ko.
Pagkatapos niyon ay bumalik na kami sa aming trabaho. Nauna akong matapos kaya agad akong bumalik sa counter dahil na rin sa pagpasok ng ilan pang costumer.
"Miss Heila, balita ko may kasama ka rito?"
Agad akong napaharap sa dalagang kasing edad ko lamang nang sabihin niya iyon. Siya si Karina, isa sa mga regular costumer ng shop. Inaayos ko noon ang order niyang bulaklak para daw sa kaniyang ina.
Ngumiti ako. "Kasama?" tanong ko kahit obvious kung sino ang tinutukoy niya.
"Teka sandali. May picture siya sa phone ko."
Napatigil ako habang pinanonood ko siya na nagmamadaling binuksan ang kaniyang telepono. Napangisi ako sa ideyang mukhang umabot na kabilang ibayo ang balita tungkol kay Rehan.
"Ito," aniya sabay iniharap niya sa akin iyong telepono niya na may stolen picture nga ni Rehan.
Napatitig ako roon. Hindi ko kasi inaasahan na ganoon pala siya kasarap pagmasdan lalo pa at nakangiti siya. Tama. Nakangiti siya roon sa larawan habang iniaabot iyong isang bouquet ng rosas sa isang matandang babae.
"Nakita ko siya noong isang araw sa lugar namin na nagde-deliver ng mga bulaklak. Naglalakad ako noon at nang makita ko siyang nakangiti, hindi ko napigilan na hindi iyon kuhanan ng larawan. Nakilala ko iyong van ng shop kaya naisip ko na baka dito nga siya nagtatrabaho."
"Tama ka," wala sa huwisyong sambit ko bilang pagsang-ayon na ang hirap i-resist ng mga ngiting iyon. "Dito nagtatrabaho si Rehan."
"Rehan?"
"Siya si Rehan Seo."
Ngumiti si Karina. May halo iyong kilig at pananabik na makita si Rehan. Muli niyang pinasadahan ng tingin iyong picture bago siya napakagat-labi.
"Heila, I've already eat lunch with you. I even washed the dishes. I bet you won't fire me anymore. Can I go deliver the flowers now?"
Kapuwa kami napatingin sa gawi kung saan galing ang boses ni Rehan. Pag-angat ng ulo niya habang papalabas ng kusina ay napatigil siya nang makita kaming dalawa. Para yata akong nabilaukan dahil sa pagrereklamo niya ngayon.
Agad na napatingin si Rehan kay Karina. Mayamaya'y yumuko rin siya. Aniya, "Good afternoon. Welcome to Love Heila flower shop."
Hindi sa pagtili ni Karina ako nagulat kung hindi sa pagngiti ni Rehan habang binabati si Karina. Pag-angat kasing muli ng kaniyang ulo ay binigyan niya si Karina ng isang napaka-rare na ngiti mula sa kaniya. That was the same smile in the picture. So brilliant and genuine. It was very rare for me because I had never seen that smile when he's with me. O, baka ayaw lang talaga niyang ngitian ako?
Sandali, tama. Baka may problema siya sa akin kaya palaging masungit ang mukha niya?
"Kahit nga noong nag-a-apply pa lang siya, ni hindi siya ngumiti nang ganiyan!"
Huli na nang mapansin kong may nagawa na naman akong kahihiyan.
"Heila?" untag ni Rehan.
"Miss Heila, ayos ka lang?" usisa ni Karina.
Shoot. Napalakas na yata ang boses ko! Tiningnan ko iyong dalawa na parehas nasa akin ang mga tingin. Agad kong natutop ang aking bibig bago bumalik sa pag-aayos ng mga bulaklak. Umiling din ako. Pakiramdam ko tuloy ay lukot ang aking mukha.
"Ha? Ayos lang ako," nauutal kong sabi. "Itong bulaklak ang kausap ko."
Napairap ako sa likod ng mga bulaklak. Halos isubsob ko kasi roon ang aking mukha habang inaayos iyon dahil hindi ko alam kung bakit bigla akong naiinis.
"Heila?"
Muli kong narinig ang boses ni Rehan pero hindi ko siya tiningnan. Muli akong napairap. Pasimple rin akong napadabog habang sinasalansan nang maigi iyong mga rosas.
Sabi ko, "Puwede mo na nga palang i-deliver iyong mga bulaklak."
"Heila?"
Kumunot ang noo ko sa muli niyang pagtawag sa pangalan ko. Kahit ganoon ay hindi ko pa rin siya tinitingnan.
"Ano pa? May kailangan ka pa ba? Bilisan mo na para mai-deliver mo ang lahat ng iyon sa—"
"Heila..."
Halos maglabasan ang lahat ng daga sa aking dibdib sa sumunod na ginawa ni Rehan. Hinawi niya kasi iyong bouquet na inaayos ko at halos atakihin ako sa puso dahil sa kaba at pagkagulat nang tumambad ang kaniyang mukha na halos dumikit na sa aking mukha. Idagdag pa ang kuryenteng dumaloy sa lahat ng parte ng aking katawan dahil nagkadikit pa ang aming mga ilong dahil sa kaniyang ginawa.
"Why are you not looking at me?"
Walanghiya! Ang lakas ng loob niyang itanong iyon sa akin nang hindi natitinag sa posisyon naming dalawa! Not looking? Sa lagay naming ito?
"Ano ba'ng sinasabi mo?" tanong ko nang mabawi ko ang lakas ko upang magtaray. Sinabayan ko iyon ng pagtampal sa kaniyang noo kaya agad siyang napalayo mula sa akin.
Mayamaya'y nakarinig ako ng isang nahihiya at pilit na tawa. Si Karina.
"Close kayo, 'no?" aniya.
Grabe. Halos makalimutan kong may costumer nga pala ako! Iyong mga bulaklak, halos malagasan na ng mga petals! Hay!
Binalingan ko siya ng tingin saka ngumiti rin nang pilit. Sagot ko, "Close? Hindi naman. Heto na ang mga bulaklak."
Habang iniaabot ko kay Karina iyong bouquet ay pansin kong natuod na si Rehan dahil hindi pa rin siya umaalis. Binalingan ko ulit siya ng tingin.
"Akala ko ba magde-deliver ka na?"
Muling bumalik ang tingin ko nang iabot ni Karina ang kaniyang bayad sa akin.
"Miss Heila, relax ka lang," sabi ni Karina na nakangiti.
Huminga ako nang malalim saka iniabot sa kaniyang ang sukli. Pansin niya siguro na sobrang tense ako ngayon. Ngumiti na lang ako pabalik.
Mayamaya'y nagsalita na ulit si Rehan.
"I'll be leaving then."
Sinundan namin ng tingin si Rehan habang patungo sa pinto ng shop. Kumakalansing pa iyong susi ng van dahil pinaglalaruan iyong ng kaniyang kamay. Ngunit hindi pa man siya nakakarating doon ay bigla siyang tumigil sa paglakad.
"Ah, hold it," sambit niya.
Tumaas ang kilay ko nang lumingon siya pabalik sa akin. Walang ngiti, just the mysterious Rehan I used to know.
Aniya, "Hiding behind those flowers won't hide the fact that you are more beautiful than them. See you later."
"H-ha?"
Muli na namang nakalampag ang aking sistema sa mga last words niya. Bigla na naman akong nawalan ng dila para makapagsalita pa.
Pagkalabas na pagkalabas ni Rehan ng pinto ng shop ay agad kong narinig ang malakas na tili ni Karina.
"Omg! Miss Heila, mas maganda ka raw kaysa sa mga rosas!"
Hindi ko alam kung maaasar ako sa sinabi ni Karina. Marunong naman akong mag-English kaya alam ko kung ano iyon sa Tagalog. O, kikiligin na lang ba ako dahil mas pumasok sa kokote ko na lalaki si Rehan at nagagandahan siya sa akin? Hay, Rehan Seo!