Naging abala ako hanggang tanghali sa pag-aayos ng mga bulaklak dahil doble ang bilang ng orders ngayon kumpara sa ordinaryong araw. Hindi pa kasama rito ang mga walk-in costumer na hindi na kailangan pang i-deliver ang mga bulaklak.
Habang tinitingnan ko ang listahan ay nagawi ang paningin ko sa dilaw na rosas na ibinigay sa akin ni Marion Devan. Muli akong napangiti dahil doon.
Bago sa akin na may iba siyang biniling bulaklak maliban sa mga rosas para kay Leticia. Nakakagulat at nakakataba ng puso dahil para sa akin pala iyon.
Pumaling lang ang ulo ko sa may pinto ng shop nang tumunog ang chimes na nakasabit dito.
"Good morning! Welcome—"
I was cut mid-way. Si Rehan pala. Akala ko kasi ay costumer. Dahil sa bati kong iyon ay napatigil siya sa may pinto habang nakatitig lang sa akin. Napatikhim ako bago ko binalikan ng tingin iyong listahan ko.
Hindi ko alam kung saan siya galing. Hindi ko na rin napansin dahil abala nga ako sa pag-aasikaso ng mga orders.
"Costumer ako."
Napa-arko ang mga kilay ko saka muling nag-angat ng tingin. Everytime he would speak Tagalog na may kasamang English, halata na hindi niya kinalakihan ito. Ewan ko, wala pa naman akong alam tungkol sa buhay niya.
"Ano?"
Inulit lang niya ang sinabi niya. "Costumer ako," aniya.
Pinanood ko siyang lumapit sa akin sa may counter. Kahit kailan talaga ay pabigla-bigla ito sa kaniyang mga sinasabi. Ni hindi ko pa nga nakakalimutan ang tungkol sa kaartehan niya sa pancake niya kanina, e tapos may panibago na naman siyang pakulo.
Hindi ko na iyon pinansin. Bagkus ay ipinaalala ko sa kaniya ang mga bulaklak na dapat i-deliver niya mamaya pagkatapos kumain ng pananghalian.
"Maraming edi-deliver mamaya," usal ko. "We have—"
"We have almost a dozen of orders from different people and places to be delivered after lunch. I knew that, Boss," he cut in, making my mouth left part open. Inagawan niya ako ng line. Dagdag pa niya, "I could hear you mumbling everytime I would pass in front of you. I already memorized it."
Masyado yata siyang madaldal ngayon. I cleared my throat. Nasabi na niya ang gusto kong sabihin kaya napatango ako.
"I spent most of my time passing in front of you, but you seemed very busy," he announced. "Or I guess my existence was really unnoticeable unlike that Marion Devan?"
Makailang beses akong napakurap sa sinabi niya. Ano raw? Naibaba ko ang hawak kong ballpen. Akma ko na sana siyang kokomprantahin nang bigla na naman siyang nagsalita.
"A piece of long-stemmed orange rose costs 8 dollars, right? That one inside the transparent box?"
I held my breath. Paano ko ba kasi iha-handle ang lalaking ito? Hay! Bahala nga siya. I made a face before I looked over my shoulder to take a glance at the rose he was talking about.
Eight dollars, puwede namang 380 pesos na lang. Pero maayos na iyon kaysa sa Korean Won. Hindi ko kasi alam kung magkano ang palitan niyon ngayon.
"Oo. Three-hundred-eighty," maiksi kong sabi nang bumalik ang tingin ko sa kaniya.
"I'll buy one," aniya. "I told you, costumer ako."
Parang doon lang ako bumalik sa aking huwisyo. Iyon pala ang ibig niyang sabihin. Bigla tuloy akong na-curious kung bakit siya bibili ng bulaklak na iyon. Sa pagkakatanda ko kasi ay wala naman siyang nobya.
Tumalikod ako saka kinuha ang gusto niya.
"Ikaw ha? I thought you don't have a girlfriend?" tanong ko bago ko iniabot sa kaniya iyong bulaklak. Ngumiti ako.
Parang ang peke ko sa parteng iyon. Pabago-bago ako ng mood kapag siya ang kaharap ko. Kasalanan niya ito, e!
Kasabay ng pag-abot ko sa kaniya niyon ay ang paglapag niya ng isang 500-peso bill.
Muling nagtama ang aming mga mata. Hindi siya nagsalita habang kinukuha sa akin iyong bulaklak na nasa box.
"Wala naman talaga, Heila."
Kinilabutan ako bigla sa boses niya. Heto na naman ako. Si Rehan lang naman iyon pero daig ko pa ang may multong kaharap. Nagtaasan kasi ang mga balahibo ko sa aking batok. Idagdag mo pa ang seryoso niyang tingin sa akin habang binabanggit ang aking pangalan.
"Okay. Sabi ko nga, wala," naiilang at nauutal kong sabi. Nagkaroon ako ng pagkakataon para mag-iwas ng tingin nang kunin ko iyong pera niyang pambayad para masuklian siya.
Shoot. Masyado na rin yata akong nagiging tsismosa. Napailing ako habang nagbibilang ng kaniyang sukli. We were just acquaintance to each other kaya ano pa ba ang karapatan kong magtanong tungkol sa personal niyang buhay? Not unless he wanted to tell it to me.
"I will deliver the flowers right now," aniya nang maibigay ko na iyong sukli niya.
Kumunot ang noo ko. Alas onse pa lang kasi mahigit at hindi pa kami kumakain ng pananghalian. Halos lahat kasi ng nag-order ng bulaklak for delivery ay puro panghapon gustong ipadala.
"After lunch na," sabi ko. "Kakain muna."
"You can go eat first. I'll do my job—"
I cut him off by clicking my tongue. "Marami kang kailangan i-deliver. Kailangan mo munang kumain para hindi ka magutom. Sabay na tayong kumain. Gusto kitang kasabay para may kasama ako," dire-diretso kong sabi without minding what would be his reactions.
Habang nagsasalita kasi ako ay inimpis ko muna iyong mga papel sa harap ko pati na rin iyong mga dahon at petals na nakakalat doon.
"It's more convenient if you just tell me straight that you want to eat with me."
Saktong pagtingin ko sa kaniya ay ang pag-alis niya sa harapan ko. Ngunit bago iyon ay muli kong nakita ang pagkurba ng kaniyang mga labi.
Hindi na talaga ako maaring magkamali. Ngumisi siya!
Nagtungo siya sa direksyon kung nasaan ang kusina pero ako? Naiwan akong nakatayo roon at nakanganga. Nang makabawi ako ay agad ko siyang binulyawan.
"Ano? Hoy, Rehan!"
Pero hindi niya ako pinansin. Sa pagmamadali ko para habulin siya ay halos masabit ang paa ko sa upuan. Letse siya! Natututo na siyang mang-asar!
"Hoy, Rehan sandali!" muli kong pagtawag habang nakatikwas ang aking nguso. "Hoy, assuming ka!"
Hindi lang pala talaga siya pala-imik ngunit sadyang nasa loob lang ang kulo niya at itinatago niyang skills sa pang-aasar!
Saktong paglingon niya sa akin ay ang pag-landing ko. Hindi nga nasabit ang paa ko pero nakaapak naman ako ng basang parte sa sahig na naging dahilan ng aking pagkakadulas.
Naging mabilis ang pangyayaring iyon. Nalaman ko na lang na gusto ko na lang sanang mag-slide nang diretso paalis ng mundo.
Nasa sahig kami pareho ni Rehan. In short, sa kaniya ako bumagsak. Nakahiga siya habang nakahawak sa aking baywang habang nakasubsob ang nguso ko sa malambot at makinis niyang pisngi.
"How's my cheek's taste?"
Hindi ko na alam kung paano ko pa siya haharapin nito pagkatapos kong maramdaman na nalawayan ko na pala ang mala-mamon, siopao at monay niyang pisngi. Ahhh!