Pangalawang okasyon, pangalawang beses sa isang taon. Narito na ulit siya... si Marion Devan. Nakasuot siya ng isang sky blue na long sleeves na nakalilis ang mga kamay hanggang siko, itim na pants at magarang sapatos. Napakadisente niyang tingan lalo sa buhok niyang nakaayos.
Sa paglapit niya sa akin ay nakita kong may tangan ang kaniyang kanang kamay na isang parihabang kahon.
Sinalubong niya rin ako ng mga ngiti sabay sabing, "Good morning, Heila!"
Very manly voice, soothing. Daig pa ang kumakanta siya.
"Good morning, Marion Devan," bati ko pabalik. "You're here."
"Well, I won't be here anymore kung break na kami ni Leticia," nangingiti niyang paalala. "Luckily, we are still strong."
"Glad to hear that."
Mas lumapad ang ngiti niya, hindi pansin ang dumaang si Rehan sa kaniyang gilid na bumalik sa kaniyang ginagawa.
I felt jealous yet happy for them. Marion Devan was such a worth it guy.
"Ang traffic. Inabot ako ng dalawang oras on my way here," parang batang nagsusumbong na sabi pa niya. "I can't go to any other flower shop unless ikaw ang makikita kong mag-a-arrange ng mga bulaklak."
Mahina akong natawa. "Were you tempted to order at other shops?"
"I admit, yes. Less hassle sana." Mabilis ang naging pagsagot niya pero agad niya iyong binawi sabay tawa. Aniya pa, "I told you, special occasions, dito ako pupunta."
Bagong taon, Araw ng mga Puso, anniversary nilang mag-nobya, birthday ni Leticia, at Pasko ang mga espesyal na okasyong sinasabi niya.
Lahat ng okasyong iyon ay nagpapagawa siya ng bulalak para lang ibigay kay Leticia. Siya ang mundo ni Marion Devan. Sa kaniya umiikot ang mundo nito na parang siya ang nagbibigay buhay sa lalaki.
"Anyway, I got something for you," ani pa ni Marion Devan sabay inilahad sa akin iyong kahong hawak niya upang ibigay. "A little gift."
Kinuha ko iyong kahon at doon ko napansing mga donuts ang laman niyon. Mas umarko ang aking mga labi dahil doon. Paborito ko iyong kainin sa tuwing wala akong ginagawa o tuwing meryenda.
"Para saan ito?" tanong ko. "I mean, thank you pero..."
Tiningnan ko siya na may kasamang paghihintay ng kaniyang sagot. Ngayon lang niya ito ginawa, bagay na hindi ko inaasahan sa katulad niyang may nobya na.
Well, usually, boys with girlfriends would not make any kind gesture towards other girls like this.
"You're a friend to me, Heila, kahit limang beses lang sa isang taon tayo magkita. It's just a little thank you gift for making my girlfriend the best arrangements of flowers. Please accept it."
I remembered, we're friends.
Marion Devan could really make me smile. Hindi dahil gusto ko siya o may pagtingin ako sa kaniya, pero dahil sa kabaitan niya at pagiging one-man-woman niya na bihira na para sa isang lalaking nasa isang relasyon.
I admire him for being the best guy he could be to his girl, unlike those husband and wife I saw earlier.
"Fine," may pagsukong sambit ko. "Salamat sa pasalubong."
Natawa siya. "Pasensya ka na at ngayon lang kita nabigyan ng pasalubong."
"Thank you. I'll enjoy this later!"
Itinabi ko muna iyon. Kakainin ko iyon mamaya at susubukan kong alukin si Rehan.
Marion Devan was my very first costumer when I took over in handling this flower shop. Napakamasiyahin niya, madaldal at makuwento. Unang kita niya sa akin, hindi niya ako iniwan hanggang hindi niya nakukuha ang loob ko. Close sila ni Mama kaya kinaibigan niya ako. Kada punta niya rito ay may baon siya palaging kuwento.
"So, a dozen of red roses?" tanong ko, bagay na alam kong pakay niya kaya narito siya ngayon.
Tumango siya. "The usual, Heila. Her favorite."
Iniabot niya sa akin ang tatlong tig-iisang libong perang papel bilang bayad sa bulaklak.
"Alright."
At sinimulan ko nang ayusin ang mga bulaklak habang siya ay naupo sa isang bakanteng upuan. Inilibot niya ang paningin. Kahit ako ay bahagyang napalingon din dahil hindi ko makita si Rehan.
"Aren't you leaving?" mayamaya'y tanong ko kay Marion Devan.
Usually, he would leave right after paying and chatting a little with me dahil sa trabaho niya pero ngayon ay kumportable siyang naupo roon na parang wala nang ibang iniisip maliban sa bulaklak na ipade-deliver niya sa bahay ni Leticia.
Bumalik ang tingin niya sa akin. Aniya, "I'm a boss. I can do whatever I want."
Umarko naman ang isa kong kilay. Sabi ko, "Alam kong nagbibiro ka lang."
He was working as a Marketing Department Head sa isang sikat na department store pero hindi naman siya abusado at walanghiyang boss.
Agad siyang tumawa nang malakas. Buking na siya agad kaya nangingiting napailing ako habang pinuputulan ng tinik iyong mga rosas na pulang-pula.
"I'm just kidding," sabi niya sabay tayo sa kinauupuan. "Teka, magkano ba iyong isang rosas na dilaw?"
Tumingin ako sa aking likuran at nakita ko ang itinuturo niyang bulaklak. Dilaw na rosas iyon na may magarbong laso. Nangiti ako dahil kahit simple iyon ay gustong-gusto ko naman iyon.
"350," sagot ko. "Bakit?"
"I'll buy one."
Kahit nagtataka ay ipinaghanda ko siya niyon. Nang mabayaran niya ay ngumiti siya nang pagkalapad-lapad.
"Para kanino iyan?" usisa ko nang maiabot ko iyon sa kaniya.
"Sa iyo."
"Sa akin?" Parehong napataas ang aking mga kilay.
Naunsyami ang pag-aabot ni Marion Devan ng bulaklak sa akin. Ilang segundo lang kasi ang lumipas nang may marinig kaming kalabog na nanggaling sa may maliit na kusina ng shop. Nasa pinto niyon si Rehan, nakatayo siya at napatitig sa amin nang maibagsak niya ang tumbler niyang nakapatong sa gilid. Natabig siguro niya nang papalabas siya.
"I'm sorry if I disturbed the both of you," tipid at walang ganang sabi ni Rehan saka pinulot iyong asul na tumbler.
Humilig ang ulo ni Marion Devan, nanliliit din ang kaniyang mga mata. Sinisilip niya ang mukha ni Rehan. Naiintindihan ko naman siya dahil ito ang unang beses na nakita niya ito.
Natuod naman si Rehan doon habang tahimik na hawak ang tumbler.
"For the past 3 years, I never see you with a guy here in your shop except for me kapag narito ako, but I bet he's not a costumer," agad na kumento ni Marion Devan sabay lingon sa akin. Makahulugan ang naging tingin niya sa akin. Never pa kasi akong magka-boyfriend at mukhang alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin.
Bumalik ang tingin ni Marion Devan kay Rehan na hindi ko alam kung ano nang tumatakbo sa utak.
Dagdag niya, "He looks like some decent guy and a prominent boss of some kind. Wow! Finally, hindi ka na palaging mag-isa rito sa shop mo." Paglingon niya sa akin pabalik, aniya pa, "Is he your boyfriend, Heila?"
"A-ano?" Napalunok ako sa tanong niya. "Hin—"
I was automatically cut off when Rehan spoke. Sabi niya, "I made you pancakes in the kitchen, Heila. You can eat after entertaining your costumer."
Agad siyang tumalikod pabalik ng kusina. Iyong mga tingin ni Rehan ay nagbigay ng kaba sa akin. Para akong nagpa-palpitate. Mas tumalim kasi ang mga mata niya. Hindi ko alam pero para akong nabulunan at hindi na nakapagsalita pa agad.
Mayamaya'y narinig ko na lang na mahinang tumawa si Marion Devan.
"I really bet that he's not a costumer and he's not working for you. He called you by your name comfortably," sambit niya. "Nakakatakot pala iyong boyfriend mo. Hindi marunong ngumiti. Pero I'm happy. Finally may boyfriend ka na."
Ang hirap din pala kapag madaldal ang lalaki. Napasapo ako sa aking noo bago ko hinila sa kuwelyo si Marion Devan.