Chereads / Love, Heila (Tagalog) / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

"I've never expected that you would be this so aggressive, Heila."

Parang nahulog mula sa itaas ang diwa ko pabalik sa katawan ko at agad na binitiwan ang kuwelyo ni Marion Devan. Halos maitulak ko pa nga siya palayo dahil masyado ko pala siyang nahila palapit sa mukha ko kanina. Nakakahiya!

"Sorry. Nabigla lang ako," paghingi ko ng paumanhin. Makailang ulit pa akong napatikhim at lumingon sa magkabilang gawi bago ko siya natingnan nang maayos.

"It's okay, but I need an explanation."

Tumambad sa akin ang malaki niyang ngisi habang ibinababa iyong dilaw na rosas sa mesa malapit sa kaniya saka niya inayos ang nagulo niyang kuwelyo. Kusa akong napakagat-labi dahil doon.

"Do I really owe you an explanation, Marion Devan?" mahina at nahihiya kong sabi.

Tumawa naman siya. Aniya, "Hindi sana kaso hinila mo ang kuwelyo ko. Nagulo tuloy ang porma ko."

Gusto kong maglupagi dahil sa kahihiyan. Totoo naman kasi. Sa lakas ng pagkakahila ko ay kumalas nang kaunti iyong kurbata niya.

"Sorry na. Ikaw naman kasi! Kung anu-ano'ng sinasabi mo."

Muling humilig ang ulo niya habang nakangiti. Mukhang naintindihan niya agad ang punto ko. Tanong niya, "So mali ako? Hindi mo siya boyfriend?"

Ewan ko pero kusang pumaling ang ulo ko sa pinto ng kusina. Wala na talaga roon si Rehan pero nag-aalala ako na baka marinig niya kami.

"Manliligaw?"

Kasabay ng paglingon ko pabalik kay Marion Devan ay aking sagot, "I hired him as a floral delivery driver. Less hassle para hindi na ako maghanap ng iba at mag-rent ng magde-deliver. Nagtatrabaho siya sa akin. Boss niya ako at hindi ko siya boyfriend."

Napatitig siya sa akin. I bet all the withered roses in the trash that Marion Devan wasn't expecting that Rehan was actually working here. Katulad nga ng sabi ko, mas mukha pa siyang boss kaysa sa akin.

Rehan really looked so decent just like Marion Devan.

"Kung magtatrabaho pala ako rito, hired agad ako?" He sounded so confident at may pag-chin up pa siya saka namulsa.

Nanliit naman ang aking mga mata dahil tinatantiya ko kung ilan ang ibig sabihin ng kaniyang sinabi. For the record, yes. Rehan and Marion Devan had their own kind of good-looking faces, pero hindi naman iyon ang naging basehan ko para i-hired si Rehan!

Pinagkrus ko ang mga braso ko saka itinaas ang isa kong kilay. "What are you implying then?"

Agad naman niyang itinaas ang pareho niyang kamay na parang sumusuko saka muling bumungisngis.

Sabi niya, "No harm. I just really thought that he's your boyfriend. He's really a good catch when it comes to this." Hinimas niya ang mukha niyang walang bakas ng pimples at pores. Parang si Rehan lang din. Dagdag pa niya, "Matutuwa pa naman sana ako."

Pabiro ko na lamang siyang tiningnan nang masama bago itinuloy ang pag-aayos ng mga bulaklak.

"How long would you cage yourself as NBSB?"

As long as hindi ko pa natatagpuan ang katulad mo, sa isip-isip ko.

Tiningnan ko siya saka umirap. "I'm happy being entitled as NBSB."

Pagkasabi ko niyon ay ibinaba ko ang tingin ko saka itinuloy ang papuputol ng tinik sa natitirang tatlong rosas.

"Fine," pagsuko niya saka kinuha iyong dilaw na rosas. "At least may kasama at katulong ka rito. Mukha naman pati siyang mapagkakatiwalaan."

Muli akong nag-angat ng tingin. "Rehan will deliver this to Ms. Leticia Talavera after lunch," sabi ko bilang pag-iiba ng usapan. Mukha namang nakahalata siya kaya ngumiti na lamang siya.

"Sure." Pagkasabi niya niyon ay muli niyang iniabot sa akin ang dilaw na rosas na binili niya kanina. Sa mga oras na iyon ay tuluyan ko na ngang tinanggap ang bulaklak. "Happy Valentine's Day, Heila."

Those smile of him as he stepped out of the shop made my heart flatter. He was the first guy to give me a flower on Valentine's Day.

I would definitely let go the crown of NBSB if I could find a man similar to him. Pero posible kayang may isa pang Marion Devan?

Nawala lang ang atensyon ko sa papalayong si Marion Devan nang may babasaging kumalampag sa aking harapan. Halos tumalon ang puso ko sa gulat nang makita ko si Rehan.

May ipinatong siyang isang platito ng pancake na may chocolate syrup sa ibabaw. Iyon iyong kumalampag dahil bubog ang pinagpatungan niyon.

"Kanina ka pa riyan?" mautal-utal kong tanong habang pasimpleng itinatago sa ilalim iyong bulaklak galing kay Marion Devan.

Hindi ko alam kung bakit kabado ako ngayon kapag malapit siya sa akin. Mukha kasi siyang wala sa mood ngayon kahit sa buong isang linggo ay pare-parehas naman ang hitsura niya.

"I guess my presence isn't that strong," aniya na agad tumingin sa gilid kung nasaan iyong kahon ng mga donuts na bigay sa akin ni Marion Devan.

Napakamot ako sa batok ko. Masyado yata siyang sentimental ngayon.

"Hindi naman sa ganoon," pag-alo ko.

Paglingon niyang muli ay sumalubong sa akin ang singkit niyang mga mata. Kitang-kita ko ang mahahaba at malalantik niyang pilik. From those eyes came a sense of vague expression. Kung sanay tayo sa kasabihang eyes speak all the mouth can't say, sa kaniya, iba. Kahit ano sigurong titig ang gawin ko sa mga mata niya ay hindi ko mahuhulaan ang ibig sabihin niyon.

"With effort or without? Choose."

Nawala ang kaba ko nang magsalita siya. Agad pang umarko ang pareho kong kilay sa biglang tanong niya na hindi ko maisip kung saan galing. Kahit pa tonong inuutusan niya akong sumagot ay binalewala ko iyon dahil minsan lang naman siya magsalita. Instead of asking why he's asking me that all of a sudden, sinagot ko na lang.

"With effort?" sabi ko sabay kinuha iyong tinidor sa gilid ng platito. Tinusok ko iyong pancake saka kinagat iyon. Dagdag ko habang ngumunguya, "With effort, of course. Thank you sa pancake. Masarap!"

Nangingiti pa ako habang ngumunguya sa harap niya. Pero agad iyong nawala at napalitan ng bibig kong halos malaglag ang nasa loob. Napanganga ako.

Sandali, ngumiti ba si Rehan?

Hinabol ko siya ng tingin habang pabalik siya ng kusina.

"Tama ba iyong nakita ko? Ngumiti siya?" bulong ko sa sarili ko dahil hindi ako makapaniwalang hindi pala siya takot sa ngiti. Alam kong nakita kong kumurba ang mga labi niya. "Oo. Ngiti iyon bago siya tumalikod. Oh, first time."

He looked better. Nagkibit-balikat ako. Nang mapalingon ako sa donuts, muling pumasok sa isip ko ang tanong niya kanina. Nakailang beses pa akong napatingin doon at sa pancake sa harap ko.

My eyes squinted in wonder. Donuts and pancakes?

"Was he pertaining to these foods?" sabi ko. "Itong pancake na siya mismo ang nagluto, with effort. Tapos iyong donuts na binili lang ni Marion Devan sa shop, without? Ganoon ba iyon?"

Ilang segundo pa akong natuod bago ako nasamid sa mga naisip ko. Natapik ko ang aking dibdib.

"Anong pakulo ni Rehan iyon?" Muli akong tumusok ng pirasong pancake saka iyon sinubo. "So napangiti ko siya dahil pancake niya ang una kong kinain? Ang corny niya, ha?"

Napailing ako bago mahinang natawa.