Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The Day We Watch The Beautiful Sky

🇵🇭Miracle_Gorgeous
21
Completed
--
NOT RATINGS
50.4k
Views
Synopsis
Zachary "Zack" Corpuz is not a talkative person and he is not sociable, his personality has only changed since he lost his dear mother and had a big problem. And he didn't expect the woman in her life will change his personality and will serve as a light in his new life. Rachel is the woman who every day will make her feel the pleasure of the world and will change her personality, but their love story will be end. The saddest part of life is when the person who gave you the best memories becomes a memory.
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1: The Worst Day

ZACHARY CORPUZ POV:

PAGKAGISING sa umaga ay dumeretso agad ako sa banyo upang maligo. Matapos maligo ay lumapit naman ako sa salamin para magsipilyo.

Unang araw ng pasukan sa Seisen High at panibagong araw nanaman para layuan at hindi pansinin ng mga students.

Sanay na ako na hindi nila ako pinapansin o kinakausap man lang dahil iniisip nila na 'Weird' akong tao at ang laki daw ng pinagbago ko.

Hindi naman sila nagkakamali, aminado naman akong malaki ang pinagbago ko dahil sa isang problema na hanggang ngayon ay dala dala ko parin.

Hindi ako masayahing tao, hindi rin ako palakausap na tao at higit sa lahat napabayaan ko na ang sarili ko.

Dati-rati ay masayang nakikipagbiruan ako kasama ang mga kaibigan ko, dati-rati ay ako ang numero uno sa top, dati-rati ay palakausap ako at palakaibigan pero dati lang yon dahil marami ng nagbago.

Nagbago lang ang lahat simula ng mawala ang Mama ko. Dalawang taon na rin ang nakakalipas ng pumanaw ang Mama ko dala ng kanyang sakit sa lungs, hindi siya nagyoyosi pero walang araw na hindi siya umiinom ng alak dala ng problemang dinadala niya.

Nagsimula lang ang pagiinom ni Mama ng iwan kami ni Papa at sumama siya sa bago niyang asawa.

Galit ako sa papa ko, galit din ako sa mundong kinatatayuan ko..

Dahil isang tao na nga lang ang meron ako at inalagaan ako ay nawala pa...

Ako nga pala si Zachary "Zack" Corpuz, 16 years old at Fourth Year in High School.

Mabilis akong kumilos para hindi na mahuli pa sa unang klase. Pagkalabas sa apartment ay agad ko munang sinuri kung na-lock ko ng maayos ang pinto atsaka ako bumaba ng hagdan at nagpatuloy sa paglalakad.

Tumingin ako sa relos at malapit ng mag-alas nuwebe kaya tumakbo na ako dahil sasakay pa ako ng tren.

Pagkasakay ko sa tren ay hindi na ako nagulat pa ng dumami ang sumakay at nagumpisa ng magsiksikan.

Palagi naman nangyayari 'yon, ano pa ba ang pagbabago sa pinas.

Habang nakasabit ang kamay ko at nakatayo ay hindi sadyang napalingon naman ako sa pinto ng tren kung saan may isang student na babae at kapareho ko rin ng suot na uniporme. Hindi maipinta ang mukha nito habang iwas ng iwas sa paghawak sa kanya ng isang matandang lalaki na halatang binabastos siya.

Lumingon-lingon naman ako sa paligid kung may nakakakita o nakakapansin rin ba sa kanila pero mali ako dahil mukhang ako lang ang nakakapansin sa kanila dahil busy ang lahat ng tao sa pagpipindot sa kanilang mga gadgets.

"Excuse me po." paulit-ulit kong sinasabi habang sumisiksik sa kanila para puntahan ang pwesto ng babae at ng matandang lalaki na kanina pa siyang minamanyak.

Inis ang mukha ng iba habang sumisiksik ako sa kanila dahil siguro ay natatapakan ko na ang mga nakaharang nilang paa.

At nakahinga lang ako ng maluwag ng sa wakas ay nakapunta din ako sa pwesto ng dalawa.

Hanggang ngayon ay iwas parin ng iwas ang babae habang patuloy naman yung lalaki sa paghawak sa kanyang legs.

Tsk... Mga tao nga naman...

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad kong hinawakan sa wrist ang lalaki na agad nitong kinagulat at nilingon ako.

"Gusto mo bang makulong?" blangko ang mukha na tumingin ako sa kanya habang malalim na sinasabi ko 'yon.

Parang umurong ang dila nito at hindi na makapagsalita imbis ay sininghalan na lang ako nito at umalis sa kanyang pwesto kung saan kanina ay nasa likod siya ng babae.

Ako ang pumalit sa pwesto ng lalaki at maigi na sumabit ako sa hawakan ng train habang nakatayo at nasa harap ko naman ang babaeng hindi ko naman kilala.

Paano ba naman kasi hindi mababastos, e sobrang ikli naman kasi masyado ng palda niya. Sabagay ganun naman talaga ang palda sa Seisen High.

Nang makalabas sa tren ay magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng biglang may humawak sa braso ko.

"Sandali..."

Agad kong nilingon ito at blangko ang mukha na tumingin sa kanya. Naghahabol pa siya ng hininga bago ako deretso tiningnan sa mata at binigyan ako ng nakakamatay na tingin.

Anong problema nito?

"Ikaw....Ikaw.." pahinto-hinto ang sabi nito dahil sa paghahabol ng hininga na akala mo isang daang kilometro ang tinakbo. "Ikaw na lalaki ka! Bastos ka!"

"Ano?" salubong ang kilay na tugon ko dito.

Ako? Bastos? Kailan pa ako nambastos?

"Manyak kang lalaki ka!!" galit na sigaw nito kaya naman ay naagaw agad niya ang mga atensyon ng mga tao na dumaraan. "Kanina mo pa hinahawakan ang legs ko at nagtitimpi lang ako sayong manyak ka!!!"

"Ano ba pinagsasabi mong babae ka?"

"Anong ano pinagsasabi ko, tanga kaba? Nagmamaang-maangan ka pa e kanina mo pa nga ako minamanyak sa tren!!"

"What the fvck???..."

Hindi ko alam i-rereact ko sa babaeng ito at hindi ko rin alam sasabihin ko. Naiinis na rin ako dahil pinagbubulungan na ako ng mga tao habang walang tigil naman sa pagpuputak ang tanga na babaeng 'to.

Siya na nga tinulungan, ako pa napabitangan na manyakis hanep...

"Anong what the fvck... What the fvck ka dyan! Ehh kung ipakulong kaya kita dahil kabastusan yung ginawa mo!"

"Teka... Hindi ako yung lalaking nambastos sayo, ako pa nga yung tumulong sayo para hindi kana tuluyan mabastos eh." kalmadong pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Anong tinulungan? Maang-maangan ka pang bastos ka! Ito dapat sayo!!"

Hindi agad ako nakareact ng bigla niya akong malakas na sinampal at halos ramdam ko yung sakit sa pisnge ko.

Pst!! Pst!! Pst!!

Malakas na pito ng guard at lumapit sa aming dalawa.

Ngayon lang ako nakaranas ng malakas na sampal lalo na sa babae...

"Ano po nangyayari dito?" tanong ng guard sa babaeng ito at agad naman nito sinabi yung nangyari.

Hindi na ako nakapagsalita pa ng bigla akong hawakan sa braso ng isang guard at yung isa naman ay inaalalayan yung babae.

Parehas kaming dinala sa station nitong LRT at ngayon ay nakaupo kami habang yung guard naman ay nakikinig sa sinasabi ng babaeng ito.

"Bakit nyo naman po ginawa yun? Alam niyo po bang pwede kayo makulong dahil kabastusan yung ginawa nyo?" sambit ng isang guard habang nakapalumbaba at nakatingin sakin.

"Ako? Seryoso? Ha!" inis kong sabi at halos mapahawak na lang sa noo. "Bakit hindi niyo subukan tingnan yung CCTV ninyo sa tren ng malaman ninyong wala akong ginawang kasalanan sa babaeng yan."

"Hindi na kailangan tingnan pa ang CCTV dahil halata namang ikaw talaga 'yon eh!" salubong ang kilay na sigaw nya sakin.

Piste naman oh...

"Nakita mo ba na ako ang may gawa?"

"Hindi... P-pero..."

"Tingnan nyo muna ang CCTV ng malaman mo kung ako nga talaga ang may gawa nun, tsk."

Dahil sa sinabi kong yon ay agad agad na kumilos ang isang guard at lumapit sa computer at may pinindot-pindot doon.

Gulat at hindi makapaniwala ang mukha ng babaeng ito ng mapanood niya sa CCTV ang nangyari kanina habang nakasakay kami sa tren.

"O-omy.... Omyghad!!!!" napatakip na lang ito sa bibig habang nanlalaki ang mata na tumingin sakin at doon sa computer.

"See? Inosente ako dito at wala akong ginagawang masama.."

"Sorry po sir..." paghingi ng paumanhin ng dalawang guard na nagdala samin dito.

Seryoso na bumaling naman ako sa doon sa babae at hindi parin makapaniwala ang reaksyon nito habang nakatingin sakin at nakaturo.

Tss... Stupid girl...

Tumayo na ako sa pagkakaupo at kinuha ang bag ko saka iyon isinakbit sakin at seryosong bumaling sa kanila.

"Pwede na ba akong umalis? dahil magiging kasalanan nyo ito kapag nalate ako sa unang klase ko."

"A-ahh... O-opo sir... Ingat po kayo."

"Thanks." huling sinabi ko bago ako yumuko at lumabas ng opisina na yon.

Mabilisan na akong naglakad dahil unti na lang at malalate na talaga ako. Kasalanan kasi ito ng babae eh! Imbis na magpasalamat sa pagligtas ko sa kanya ay nakatanggap pa ako ng malakas na sampal.

Hinimas-himas ko yung kaliwa kong pisnge habang naglalakad papasok sa gate ng Seisen High.

Marami-rami din na mga students ang nagmamadali papasok sa loob at yung iba naman ay masaya habang naglalakad papasok.

Nang makapasok sa loob ay agad akong huminto sa locker ko at binuksan iyon saka kinuha ang isang sapatos at sinuot iyon. Inilagay ko naman yung sapatos na suot ko kanina doon sa loob atsaka ko sinara yon.

Patuloy lang ako sa paglalakad at pagakyat hanggang sa nasa second floor na ako at makarating sa classroom.

Syempre ano paba ang aasahan mo sa mga kaklase mo na dati mo narin naging kaklase noong last school year.

Naguumpisa lang naman uli sila na tingnan ako hanggang sa makaupo ako sa table ko at halos pagbulungan ako na akala mo hindi nila ako kilala.

Buti na nga lang at wala pa yung teacher kaya hindi ako masyadong nalate.

Habang tahimik na nakadungaw sa bintana ay napabaling agad ang tingin ng saktong pumasok sa room si Miss Chavez kaya agad na nagsiupuan ang mga classmate ko.

"Goodmorning class!!" nakangiting bati samin ni Miss Chavez.

"Guys... Stand up!" sigaw ni Haley ang president ng classroom.

Agad kaming nagsitayo at sabay sabay na yumuko at bumati ng magandang umaga kay Miss Chavez saka kami nagsiupo.

"Okay everyone! Masaya ako dahil kayo nanaman ang magiging students ko ngayong grading." masaya nitong sambit habang may palakpak pa sya sa kanyang kamay. "Ngayon ay bago ako magumpisa sa pagtuturo at siguro naman ay hindi nyo na kailangan pa magpakilala isa-isa dahil kilala nyo narin naman ang isa't-isa." huminga muna ito ng malalim atsaka ngumiti uli. "May bagong transferee kasi tayo at alam kong magiging masaya ang mga boys dahil magandang babae ang transferee-ng ito!!"

"Yooonnn!!!"

"Woohhhh!!! Chikababe ba Miss?"

"Yes namannn!!!!"

Masayang sigawan ng mga kaklase kong lalaki matapos sabihin yon ni Miss Chavez.

Sino naman kayang transferee yon...

"Okay! Tahimik! Tahimik! Ahh... Miss Tan pasok kana at ipakilala ang iyong sarili sa mga kaklase mo." pagkasambit ni Miss Chavez nun ay agad na bumukas ang sliding door at halos mapasinghal na lang ako ng makita ko kung sino ang pumasok.

Ibig sabihin siya pala ang transferee? Hanep... Malas nga naman ng buhay...

Parang nakakita ng miss universe ang mga lalaki sa sobrang ingay nila ng makita nila yung transferee.

Aaminin ko maganda siya pero hindi ko siya type, tss.

"Uhmmm... Ahh... A-ako nga pala si Rachel Tan at 16 years old... Nice to meet you all!!" ngumiti ito bago yumuko at ng ilibot niya ang kanyang mata ay halos magulat ito na akala mo nakakita ng multo.

Nakatingin siya sakin at gulat na gulat ang itsura....

"Waaahhh!!!" sigaw niya habang nakaturo sakin kaya agad na nagsilingunan sakin ang mga classmate ko at nagsipagtakahan.

"May problema ka ba kay Mr. Corpuz, Rachel?" nagtatakang tanong ni Miss Chavez sa kanya at ng matauhan ito ay agad siyang umiling. "Kung ganun ay kailangan mo ng humanap ng bakanteng upuan para doon ka maupo."

Luminga-linga si Miss Chavez hanggang sa huminto ang mata niya sa isang bakanteng upuan na nasa likod ni Garcia na katabi lang ng table ko.

Hindi kami totally na magkatabi ng babaeng yon dahil yung table namin ay pangisahan lang at magkakalayo-layo unti.

"Doon ka maupo sa likod ni Ms. Garcia, Rachel."

"Okay po, Miss."

Matapos niya sabihin yon ay naglakad siya patungo doon at ng mapansin niyang medyo magkatabi ang table namin ay agad siyang umiwas ng tingin.

Sinira ng babaeng ito ang unang araw ko at itong unang araw na ito ay nakatikim ako ng malakas na sampal na hindi ko inaasahan...

-Miracle_Gorgeous