1 years later~
Nandito ako ngayon sa sementeryo kung saan inilibing si Rachel. Inilapag ko ang bulaklak na dala dala ko at sinindihan ko naman ang kandila sa tapat ng lapida niya.
Nakapikit lang ako habang nagdadasal, nagdadasal ako para sa kanya at para din sa mga minamahal niya sa buhay.
Isang taon na rin ang lumipas simula nung mamatay si Rachel at heto ako ngayon binisita ko siya dahil ilang araw din nung hindi ako nakabisita baka magtampo na siya sakin at multuhin ako.
"Amen." usal ko ng matapos ako magdasal.
Sa isang taon na dumating ay maraming nagbago sa pananaw namin. Ako at si Haley ay nakapagtapos na ng High School kaya naman ay College na kami ngayon at same kami ng unibersidad na pinapasukan kaya sabay na kami kung pumasok at umuwi. Naging maganda ang pagkakaibigan namin pareho at sobrang nakasundo ko siya. Parehas rin kaming nakapasok sa With Honors nung grumaduate kami kaya sobra ang saya namin. Ang parents ni Rachel ay naging maayos at natanggap na nila ang pagkawala ni Rachel at ngayon ay may business na pinapatakbo ang mama ni Rachel habang ang daddy niya ay naging isa ng manager sa company na pinapasukan niya.
Ang papa ko at ang pangalawa kong pamilya ay masayang kasama ko na sa iisang bahay. Nakatira na ako sa bahay nila at naging masaya rin ako dahil yung dalawa kong kapatid ay nakakasama ko na. Ang business na pinapatakbo ng parents naman ni Haley ay lumago nang lumago.
Marami ang nagbago, sobrang dami...
Bigla naman akong nagulat ng bigla akong malakas na batukan ni Haley kaya agad akong napahimas sa ulo ko.
"Ang sakit nun ha!" angal ko at binelatan naman niya ako.
"Ang drama mo kasi hahaha joke!" biro niya sabay harap naman niya sa lapida ni Rachel. "Rachel... Sobrang swerte ko dahil nagkaroon ako ng bestfriend na tulad mo! Ikaw pa rin ang pinaka-the best sa lahat! Mag-iingat ka dyan... Mahal na mahal kita." saad ni Haley habang may ngiti sa labi at natawa naman ako ng mahina ng bigla siyang suminghot.
"Pfft.... Sino kaya yung madrama." natatawa kong usal at malakas na hinampas naman niya ako sa likod. "Aray!"
"Yan napapala mo! Pangit mo kabonding... Bahala kana nga dyan... Bye, Rachel!" nagpaalam muna siya bago siya naglakad paalis at tinalikuran ako.
"Tamo 'to! Hoy! Hintayin mo'ko!"
"Bahala ka dyan! Mauuna na ako pumunta sa bahay nila Tita(mama ni Rachel)." usal niya saka nagpatuloy sa paglalakad paalis ng sementeryo.
Oo nga pala.. Pupunta kami sa bahay nila Rachel dahil pinapapunta kami ng parents niya at gusto rin namin ni Haley na bumisita.
Binalingan ko uli ng tingin ang libingan ni Rachel saka ako ngumiti at naglakad na rin paalis. Napahinto naman ako sa paglalakad ng biglang humangin kaya agad akong napalingon sa libingan niya.
"Hanggang sa muli, mahal ko." nakangiting sabi ko bago ako naglakad na paalis.
Kahit wala kana patuloy pa rin kitang mamahalin at mananatili ka dito sa puso ko. Thank you sa memories na pinaranas mo sa akin, hinding-hindi ko makakalimutan una hanggang huli na alaala ko sayo.
Sana masaya kana kung nasaan ka man ngayon... Mahal na mahal kita at patuloy na mamahalin.
The saddest part of life is when the person who gave you the best memories becomes a memory.
-THE END-
AUTHOR'S NOTE:
Hi guys!! I just want to thank youuuu all because finally natapos na ang story ng The Day We Watch The Beautiful Sky. I just want to thank my bestfriend for always supporting me and sa mga tao sa paligid ko na patuloy akong sinusuportahan sa paggawa ng story. Ang saya ko sobra dahil hindi ko akalain na matatapos ko ang kwentong ito nagsimula ako nung september 2020 at nagtapos ako ngayong april 2021 sobrang nakakaproud sa sarili. Thank you everyone!! Please pagpatuloy niyo lang po ang pagsuporta sakin at sa pagbabasa ng mga gagawin kong story, I love youuuu all!! Keep safe!!