RACHEL TAN POV:
SOBRA ang saya ko ngayon na kasama ko si Zack. Mabuti na nga lang at napayagan ako ni dad na gumala dahil paalam ko sa kanya na aalis ako ngayong saturday at kasama ko si Haley kaya pinayagan niya ako. Habang si mom naman ay alam niya na kasama ko si Zack.
Hindi ko nga alam na nakatulog ako sa bathroom ko. Akala ni mom na nawalan na ako ng malay at bumagsak sa sahig ng banyo. Ang hindi niya alam ay nakatulog ako dahil sa pagod.
Basta ang mahalaga ngayon ay masaya ako na kasama ko si Zack. Kakapalan ko na ang mukha ko na hawakan siya at hilahin hangga't hindi siya nagrereklamo.
Hindi lang dahil sa pasasalamat ko kaya ko ito ginagawa o hindi dahil na gusto ko siya, ginagawa ko ito dahil gusto ko na kahit papano ay ma-enjoy naman niya yung saya dito sa mundo.
Gusto ko makitang masaya si Zack kahit na sa huling hininga ko...
Nakahawak parin ako sa kamay ni Zack habang hila-hila siya at maya-maya lang ay nakarating na kami sa Amusement Park.
"Grabe!! Nakaka-excite tuloy lalo!!!" masayang sigaw ko ng tumigil na kami sa pagtakbo at nakarating na kami dito.
"Ito yung sinasabi mo na sunod na pupuntahan natin?" tanong sakin ni Zack at nakangiting tumango naman ako.
"Masaya dito sobra!! Lalo na kapag sumakay ka ng mga rides wohooo!!! Tara! Tara!!" hindi na kami nagusap pa ng umpisahan ko nanaman siyang hilahin hanggang sa tuluyan na kaming nakapasok sa loob.
Manghang-mangha na inilibot ko ang mga mata ko sa paligid at hindi mawala-wala ang pagkakangiti sa labi ko ng makita ko ang mga nakakamatay na rides.
"Tara!" nakangiting usal ko kay Zack ng lumingon ako sa kanya.
"Saan naman?"
"Sasakay tayo ng rides!!!" napapalunok na tumingin naman siya sakin habang ako naman ay malawak na nakangiti sa kanya.
"S-sasakay tayo sa rides?" nauutal niyang sabi at tumango naman ako.
"Natatakot ka man o hindi wala ka nang magagawa dahil kasama mo ako! Let's go!!" parang bata naman na sobra ang tuwa ko ng hilahin ko siya at nagtungo kami sa bilihan ng tickets.
Pumila muna kami ni Zack ng ilang sandali hanggang sa nakuha ko na yung mga tickets na sasakyan namin. Unang pinili kong sasakyan namin ay yung drop tower para nakaka-excited lalo.
Nakasunod lang sakin si Zack habang ako naman ay tumatakbo sa sobrang excitement. Napabuntong-hininga naman ako ng lumingon ako kay Zack at nakita siyang nahuhuli kaya naman ay tumakbo ako palapit sa kanya saka siya hinawakan sa kamay at patakbo kami na tumungo sa rides na sasakyan namin.
Nang makarating kami sa drop tower ay agad na napangiti ako atsaka ko binalingan ng tingin si Zack na napapalunok na nakatingin sa drop tower.
"Okay ka lang ba Zack?" tanong ko sa kanya kaya agad na bumaling siya sakin.
"Ahh... Oo naman medyo nagulat lang ako na dito agad tayo sasakay."
"Hahaha! Ano kaba! Tiyak na matutuwa ka kapag nakasakay kana."
"Hindi ba delikado?"
"Anong delikado? Haha! Syempre hindi for sure na magugustuhan mo sumakay dito kapag nakasakay na tayo."
Hindi na siya kumibo pa ng matapos ko sabihin yon. Hindi na rin naman ako nakipagkwentuhan pa sa kanya ng kami na ang susunod sa pila at makakasakay na sa drop tower.
Huminga muna ako ng malalim ng makasakay na kami ni Zack sa drop tower at inaayos na ni manong ang aming harang sa upuan.
Bumaling naman ako ng tingin kay Zack ng makita kong nanginginig ang kanyang kamay.
"Siguradong okay ka lang?" tanong ko sa kanya kaya napalingon siya sakin.
"Oo naman."
"Nanginginig ka kasi eh..."
"Sorry... First time ko kasi sumakay sa ganito kaya medyo kinakabahan ako."
"Okay lang yan, kaya mo yan ikaw pa." nakangiting sambit ko sa kanya at parang nakahinga naman siya ng maluwag saka tumango.
Nang magumpisa ng bumilang at naguumpisa ng umandar pataas ang drop tower ay agad kong hinawakan ang kamay ni Zack kaya agad siyang napalingon sakin. Tumango lang ako sa kanya habang may ngiti sa aking labi.
Hangga't nandito ako Zack hinding-hindi kita papabayaan... Hinding-hindi ko hahayaan na parati kang malungkot... Sasamahan kita kahit saan ka man magpunta..
Mabilis na napasigaw ako sa saya ng biglang mabilis na bumaba ang drop tower at mabilis na umakyat din pataas.
Napataas na lang ako ng isang kamay habang ini-eenjoy ang saya habang ang kamay ko naman ay mahigpit na nakahawak sa kamay ni Zack.
Habang pataas at pababa ang drop tower ay hindi ko naman maiwasan na matawa ng mahina ng makita ko ang reaction ni Zack. Nakapikit ito habang ramdam ko ang mahigpit na paghawak niya sa kamay ko.
Ang cute niya hahaha...
"Woooohhhh!! Waaaaahh!!!" malakas na sigaw ko habang sobra ang saya.
Nang tumigil na ang pagandar at nakababa na kami ay agad na kaming bumaba ni Zack saka kami naglakad. Parang lantay na gulay ng lumakad si Zack nang makaalis na kami sa drop tower.
Hindi ko agad naiwasan matawa ng mahina nang bigla ko siyang makita na muntikan na masuka-suka.
"Grabe! Sobrang saya diba?!" nakangiting sambit ko sa kanya at masama na tiningnan naman niya ako. "Hahaha! Kalalaking tao takot sa rides hahahaha! Ang cute cute mo talaga..."
"Tss... Hinding-hindi na ako sasakay sa ganun." seryosong usal niya na ikinangiti ko.
"Tara may sasakyan pa tayo na dalawa kaya wag kang ano dyan! Let's goowww!!!"
Magrereklamo pa sana siya ng bigla ko siyang hawakan sa kamay at tumakbo kami papunta sa susunod na sasakyan naming rides.
Sobra ang saya lalo na kasama ko siya...
Nababagot na nagpahila na lang sakin si Zack hanggang sa nakarating na kami sa next na sasakyan namin. Para naman nakakita ng multo ang reaksyon ni Zack ng makita niya ang sunod na sasakyan namin.
"Masaya dyan promise!" nakangiting sabi ko saka ko siya hinila uli at pumila kami.
Mas nakaka-excite itong sunod na sasakyan namin. Mas nakakatakot pa ito kumpara sa drop tower. Hindi mawala-wala sakin ang pagka-excitement ng kami na ang susunod na sasakay.
Nang makasakay kami sa dream twister ay agad na inayos ni manong yung saraduhan ng harang sa upuan namin.
Napalingon naman ako kay Zack at hindi ko agad napigilan na matawa ng mahina nang makita ko siyang nakapikit at naguumpisa nanaman na manginig kaya mabilis ko siyang hinawakan sa kamay. Nagulat pa siya ng maramdaman niya na hinawakan ko siya kaya lumingon siya sakin at nginitian ko naman siya habang tumatango at sinasabi na kaya mo yan.
Maya-maya pa ay nagumpisa ng umandar ang dream twister at napapikit na lang ako habang humihinga ng malalim. Natatakot din ako lalo na dito kasi first time ko lang sumakay sa ganito kaya hindi ko alam kung ano ang mangyayari.
Humawak ako ng mahigpit sa kamay ni Zack ng magumpisa ng umandar ng mabilis ang dream twister. Hindi ko agad naiwasan na mapasigaw nang pabilis ito ng pabilis at saka umikot-ikot na hindi ko inaasahan.
"Waaahhhh!!! Jusko gusto ko na bumaba!! Mommmyyyyyy!!!!" mangiyak-ngiyak na sigaw ko habang bumibilis ng bumibilis ang pagbaliktad nitong sinasakyan namin.
Para akong aatakihin sa puso sa sobrang takot. Ngayon ay nakakaramdam na ako ng hilo pero hindi ko ito pinansin dahil baka masuka ako.
Nawala lang ang takot ko ng maramdaman ko ang paghawak ni Zack sa kamay ko ng mahigpit saka ako nilingon nito kaya naman ay gulat na napatingin ako sa kanya.
Nang makababa na kami at huminto na ang pagandar ay dali dali agad akong umalis saka patakbo na pumunta sa basurahan para magsuka.
Agad na may inabot sakin si Zack na tubig na mabilis ko rin naman na ininom. Pinunasan ko naman ang bibig ko ng tissue atsaka ako naghabol ng hininga.
"Ayos ka lang?" kalmadong tanong sakin ni Zack at umiling naman ako.
"Hindi ayos yon dahil hindi ko inaasahan na ganun katindi yung dream twister na yon." reklamo ko sabay lagok uli ng tubig.
"Sabi sabi ka pa ng masaya tapos ikaw din pala itong matatakot psh."
"Woahh! Grabe ka sakin ahh! Sabi ko nga hindi na tayo sasakay sa ganung nakakatakot na rides hehe."
"Nahihilo ka parin ba?"
"Uhmmm... Medyo, bakit?"
"Magpahinga muna tayo at kumain para mawala yang hilo mo." seryosong sambit niya na agad kong ikinangiti.
Kinikilig ako grabe. "Wow... Concern? Iisipin ko na talagang boyfriend kita haha!" biro ko sa kanya sabay tawa ng mahina.
"Tsk... Tara na, kaya mo ba?"
"Kapag bang sinabi kong hindi ko kaya maglakad medyo ay bubuhatin mo ako?"
"Hindi... Iiwan kita dito."
"Ansama mo! Sabi ko nga kaya ko eh tara na nga..."
Napanguso na lang ako pero agad din na napangiti ng palihim habang sabay kaming naglalakad ni Zack patungo sa bibilihan namin ng makakain.
Kung may ihihiling man ako sana boyfriend ko na lang si Zack... I love him so much...
Tahimik na nakasunod lang ako kay Zack hanggang sa nakarating na kami sa bilihan ng pagkain. Kumulo agad ang tyan ko ng matakam ako sa mga pagkain na nasa tindahan.
Parang kumislap ang mata ko ng makita ko ang takoyaki saka ang yakitori. Myghad! Nakakatakam naman yung pagkaing ito.
Hindi ko na hinayaan na si Zack ang umorder at mabilis na akong umorder ng pagkaing gusto ko. Sinabi ko agad kay manong ang takoyaki atsaka ang yakitori. Marami ang binili ko saka ko ito binitbit sa isang table na katapat lang ng tindahan niya.
Parang bata na sarap na sarap ako habang kumakain ng takoyaki saka ng yakitori. Umupo naman si Zack sa harap ko saka siya kumain ng binili niyang siopao at siomai.
Nang mabusog ako ay agad akong napasandal sa upuan saka napahimas sa tyan ko. Grabe! Sobrang sarap at sobrang nakakabusog talaga kapag kumain ka nun.
"Hindi kana ba nahihilo?" napabaling naman ako kay Zack ng tanungin niya yon.
"Uhmmm... Oum, salamat nga pala." nakangiting tugon ko sa kanya at tinanguan naman niya ako.
Agad ko naman na kinuha ang natitirang tickets sa bag ko saka ako tumayo at inaya si Zack na agad nitong ipinagtaka.
"Huh? Kakakain lang natin ahh? Wag mong sabihin na sasakay nanaman tayo ng rides?"
"Tumpak! Kaya tumayo kana dyan at baka maunahan pa tayo!! Don't worry hindi na nakakamatay na rides ang sasakyan natin."
"Tsk..." sininghalan niya lang ako matapos kong sabihin iyon. Hindi na siya nagreklamo pa ng magumpisa nanaman akong hilahin siya patungo sa pupuntahan naming rides.
Nang makarating kami ay agad na kaming sumakay doon. Marami-rami rin ang sinakyan namin ni Zack na rides at sobra ang saya ko dahil kasama ko siya bawat sakay ko sa mga gusto kong rides.
Sa ngayon ay nandito kami sa isang maliit na tindahan na kung saan mayroon na mga stuffed toys at kung ano ano pang cute na laruan. Naglalaro kami ngayon dito at yung laro kasi ay may mga lata na nakatayo sa isang maliit na lagayan tapos babatuhin mo ito ng maliit na bola kapag natamaan mo o natumba mo ang lahat ng lata makakakuha ka ng malaking stuffed toys at maliit naman kung ilan lang ang mga natumba mo.
Tatlo ang bola na meron ka tapos malayo ang pagbabatuhan mo. Halimbawa may apat kang natumba bale lima kasi lahat ang lata. Kapag natumba mo ang apat na lata at mayroon pang natira na isa tapos hindi mo natamaan ng tatlong bola ang natitirang lata makakakuha ka lang ng maliit na stuffed toys.
Sa ngayon ay sobra na ang pagbuhos ko ng energy ko para lang makabato ng maayos pero kahit anong lakas o gawin kong pagbato, hinding-hindi parin natatamaan ang limang lata na nakatayo kaya sa sobrang irita ay napairap na lang ako.
Napabaling naman ako kay Zack ng makita ko siyang magbayad kay manong at magumpisang kunin ang bola saka ito sinukat ang layo.
Nagtataka na pinapanood ko lang ang ginagawa niya hanggang sa tinaas niya ang right hand niya pati narin ang left legs niya saka siya kumuha ng lakas at binato iyon na para bang nasa laban siya ng baseball.
Hindi makapaniwala na napabuka na lang ako ng bibig nang makita ko na natamaan niya ang limang lata at tumumba ito.
Gulat na lumingon naman ako kay Zack at ngumisi lang siya sakin habang nakakibit-balikat siya. Pati sila manong ay nagulat sa ginawa niya kaya naman ay hindi agad ito nakakilos.
"Paano mo yon nagawa?!" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Hmmm... Sabihin na nating sinuwerte lang ako ngayon."
"Aysus! Swerte daw imposible 'no!"
"Tsk... Okay.. Okay.. Baseball player kasi ako noong nasa middle school pa ako."
"Woahh?! Galing!!" pumapalakpak pang usal ko at natigil lang ako ng ibinigay na ni manong yung premyo.
Naiinggit ako kay Zack kasi mabuti pa siya nakuha niya yung teddy bear na cute dahil sa pagkapanalo niya doon tapos ako? Eto nganga.
Bagsak ang balikat na napanguso na lang ako habang naglalakad na kami papunta sa susunod naming pupuntahan.
Napatigil lang ako sa paglalakad ng magulat ako nang bigla akong hinawakan ni Zack sa ulo. Napatingin naman agad ako sa kanya dahil doon.
"Wag kana malungkot dahil hindi bagay sayo... Ohh! Sayo na yan wala naman akong paglalagyan niyan eh." seryosong sabi niya habang iniaabot niya sakin ang teddy bear na nakuha niya.
Hindi makapaniwala na nakatitig lang ako sa teddy bear na inaabot niya sakin at hindi ko yon kinukuha. Napapabuntong-hininga na kinuha ni Zack ang dalawa kong kamay saka niya pinanghawak yon sa teddy bear.
"S-seryoso ka? Dapat sayo ito dahil n-napanalo mo ito..." nahihiya kong tugon sa kanya.
"Tsk... Pinanalo ko talaga yung laro para makuha ko ang teddy bear na yan at para ibigay sa'yo." bigla akong natigilan sa sinabing yon ni Zack at napatingin na lang sa kanya habang naglalakad siya na nakapamulsa.
Hindi ko naman naiwasan na mapangiti ng sobra nang dahil doon. Napahawak na lang ako sa dibdib ko ng maramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko.
Buhat-buhat ang teddy bear na tumakbo ako para habulin si Zack. Isa na lang ang sasakyan namin at ayun ay ang Ferris Wheel. Sabi nila ay maganda daw ang sumakay doon dahil kitang-kita mo ang kagandahan ng lugar kapag nasa pinaka-tuktok kana.
Mabuti na lang papalubog pa lang ang araw kaya maganda talaga ang tanawin.
Nang makarating kami ni Zack ay agad kaming pumila at maya-maya lang ay nakasakay na rin kami. Habang papaakyat nang papaakyat ang ferris wheel ay hindi ko na agad naiwasan na tumingin sa labas nito.
Manghang-mangha na napatingin na lang ako sa baba ng makita ko na parang mga langgam na lang mga tao. Nang makaakyat na kami sa pinakatuktok ay napangiti na lang ako ng tumingin ako sa napaka-gandang tanawin. Ang ganda ng kalangitan sobra.
Napalingon naman ako kay Zack ng makita kong nakatingin siya sa labas at namamangha na nakatingin sa magandang tanawin.
"Ang ganda 'no?" biglang sambit ko kaya naman napalingon siya sakin habang nakatingin ako sa labas.
"Oo, sobrang ganda." tugon niya na nagpangiti sakin.
"Zack..." tawag ko ng lumingon ako sa kanya at magtama ang mga mata namin. "Sobrang saya ko ngayon dahil nakasama kita."
Parang nagulat naman siya sa sinabi ko kaya hindi siya agad nakapagsalita pero agad din niya binawian yon ng ngiti na hindi ko inaasahan.
Nagulat naman ako ng bigla siyang ngumiti kahit na hindi malawak ang ngiti niya at kahit na tipid lang yon bigla na lang bumilis ang kabog ng dibdib ko.
"N-ngumiti ka?!" napahawak na lang ako sa bibig ko dahil sa gulat.
"Bakit? Pangit ba ako ngumiti?" bumalik sa pagkaseryoso ang mukha niya ng sabihin niya yon.
"Ha! A-anong pangit? Hindi pangit!! Nagulat lang ako! D-dahil sino ba naman ang hindi magugulat kung makita mo yung taong ubod ng seryoso ang pagkatao tapos biglang ngingiti?!"
"Tsk... Edi hindi na ako ngingiti."
"Anong hindi?! Ngumiti ka!"
"At bakit naman?"
"K-kasi..."
"Kasi ano??"
"K-kasi... Dahil bagay sayo ang nakangiti." parang nakaramdam naman ako ng pagkailang matapos ko sabihin yon kaya agad akong umiwas ng tingin.
"Hmmm... Talaga? Bagay sakin?"
"Oo... Ang gwapo mo tingnan.." hindi naman siya agad nakapagsalita ng sabihin ko yon at ng marealize ko ang sinabi ko ay mas lalo ako nailang.
"Salamat kung ganun." nakangiti niyang usal at mas lalo naman bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon kaya ngumiti na lang din ako at hindi na nagsalita pa.
Hindi na kami nagtagal pa ni Zack ng makababa na kami ng ferries wheel at naglalakad na lang kami ngayon. Nang tingnan ko ang oras sa cellphone ko ay ala-sais na ng gabi. Mahigpit ang pagkakayakap ko sa teddy bear habang naglalakad kami ni Zack at hindi naman mawala-wala sa isipan ko ang magandang ngiti niya.
Ang gwapo niya kung ngumiti...
Nakakainlove...
Sobrang saya ko talaga ngayon dahil nakasama ko siya...
Habang tahimik na naglalakad kami ay bigla naman akong nagulat ng may umapak sa suot kong sandals at biglang na lang ito nasira kaya naman ay natigilan ako at napapalunok na tumingin sa sandals ko.
Oh god!!!! Ang malas naman ng buhay oh...
Marami kasing mga tao kaya hindi ko na alam kung sino ang nakaapak sa sandals ko eh. Iika-ika na nagpatuloy ako sa paglalakad kasabay si Zack at ayoko naman makita niya na nasira ang sandals ko 'no!
"Anong nangyari sayo?" nabigla naman ako sa tanong ni Zack.
"H-huh?" natataranta kong usal.
"Anong nangyari kako sayo at ganyan ka maglakad?"
"Ahh... Uhmm.. Haha.. Wala ito."
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko kahit na mukha akong tanga dahil iika-ika ako kung maglakad.
Ramdam ko ang pagtataka ni Zack sakin habang nangunguna ako sa kanya sa paglalakad. Halos magulat naman ako ng bigla niya akong hilahin at nang mapagtanto ko ay wala na kami sa mga maraming tao at nakaupo na lang ako sa isang bench.
Teka...
Napatingin naman ako kay Zack ng makita kong seryosong nakatingin siya sa akin saka sa sandals kong sira. Napapalunok na napaiwas na lang ako ng tingin dahil sa kahihiyan at baka kasi pagtawanan niya ako.
Akala ko pagtatawanan niya ako pero nagkakamali pala ako dahil hindi ako makapaniwala na napatingin sa kanya ng bigla siyang tumalikod saka umupo sa harap ko.
"Ano bang ginagawa mo, Zack?" naguguluhan kong tanong habang nakatingin sa kanya at seryosong nilingon naman niya ako.
"Tss.. Sakay."
"Ano?"
"Sabi ko sakay... Sumakay ka sa likod ko at bubuhatin kita dalian mo na."
"Seryoso kaba??"
"Mukha ba akong nagbibiro? Sakay."
"O-oh.. O-okay.."
Naiilang na tumayo ako saka sumakay sa likod niya. Nang tumayo na siya at buhat-buhat na ako ay nagumpisa na siyang maglakad. Nahihiya na yumakap ako sa leeg niya para hindi ako mahulog.
"Sigurado kabang okay lang sayo na buhatin ako? Hindi kaba nabibigatan sakin kasi kaya ko naman magtiis na maglakad." nahihiyang usal ko sa kanya.
"Ang gaan-gaan mo nga eh parang hindi ka kumakain."
"Ang sama mo! Baba mo na ako."
"Sige tapos maglakad ka ng sira ang sapatos mo para pagtawanan ka ng mga nakakakita sayo."
"Hmmp!! Sabi ko nga hindi ako baba eh."
"Wag kana lang magulo at baka mahulog ka pa."
Hindi na ako kumibo pa at nanahimik na lang ako habang buhat buhat parin ako ni Zack sa likod niya. Mas nakakaramdam tuloy ako ng kahihiyan dahil naka-piggyback ako sa kanya pero ang sarap din sa pakiramdam kasi yung gusto mong tao buhat buhat ka.
Habang patuloy sa paglalakad si Zack ay bigla naman ako napahikab. Napagod ata ako ng sobra kaya nakakaramdam na ako ng antok pero ayoko naman matulog dahil baka mas lalo mahirapan sakin sa pagbuhat si Zack.
"Kung inaantok kana, magpahinga kana."
"Hindi ako inaantok 'no!"
"Okay."
Pero bigla na lang akong napahikab tapos parang babagsak na ang mga mata ko sa sobrang antok. Dahil wala naman na akong magagawa ay maiidlip na lang siguro ako sandali.
Humawak ako ng mahigpit kay Zack saka ko ipinatong ang ulo ko sa likod niya.
"Thank you for everything, Zack..."
Ayun na ang huling sinabi ko hanggang sa unti unti nang pumikit ang mga mata ko at tuluyan na akong nakatulog.
Ito ang pinaka-magandang araw at pinaka-masaya na nangyari sa buhay ko...