Chereads / The Day We Watch The Beautiful Sky / Chapter 12 - Chapter 12: Summer Vacation

Chapter 12 - Chapter 12: Summer Vacation

"Gusto mo isuot yan ngayon?" napatingin naman ako kay Zack saka ako parang bata na tumango-tango. "Akin na.."

"Huh?"

"Akin na tapos tumalikod ka."

"T-teka... Bakit?

"Basta tumalikod kana lang."

Halos bumilis ang kabog ng dibdib ko ng tumalikod ako at nang isuot niya sa leeg ko ang kwintas na yon. Ramdam na ramdam ko ang paginit ng pisnge ko pati narin ang tibok ng puso ko. Napapalunok na humarap naman ako sa kanya matapos niya na maisuot sa akin 'yon.

"B-bagay ba sa akin?" nauutal kong tanong sa kanya habang hindi siya matingnan ng deretso sa mata.

"Oo, bagay na bagay sayo." uminit ang buong mukha ko ng sabihin niya yon.

"T-thank you..." naiilang kong sabi at ngumiti naman siya sakin ng unti.

Hindi na rin nagtagal pa ang usapan namin ni Zack ng magpaalam na ako sa kanya kaya naman ay bago ako umalis ay nagpasalamat uli ako sa kanya saka ako nakangiti na kinawayan siya papaalis.

Nang makauwi ako sa bahay ay naabutan ko sila mom na nagliligpit kaya naman ay tumulong ako hanggang sa matapos kami. Nagpasalamat ako ng marami kila mom bago ako umakyat ng kwarto.

Pabagsak na humiga ako sa kama saka ako nagpaikot-ikot at doon ko inilabas ang kilig na gustong-gusto ko na ilabas kanina pa. Nang mapagod ako ay saka ako tumingin sa kisame habang nilalaro ko sa kamay ko ang kwintas na nasa leeg ko.

Ito ang pinaka-masayang birthday ko na nangyari sakin...

Maya-maya lang ay nagpalit na ako ng pangtulog at saka ako nahiga sa kama. Hinding-hindi ko huhubarin ang kwintas na ibinigay sakin ni Zack. Dadalhin ko ito hanggang sa huling hininga ko.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Pagtingin ko sa alarm clock ko ay Alas-syete na ng umaga kaya naman ay bumangon na ako atsaka nagtungo sa banyo para maligo.

Matapos ako sa lahat ay saka ako bumaba at naabutan ko naman si mom na naglalagay ng umagahan sa lamesa habang si dad naman ay nagbabasa ng dyaryo. Humalik naman ako sa pisnge nilang dalawa ng batiin ko sila ng magandang umaga at gayon din sila sakin.

Inumpisahan ko na kumain at nang matapos lang ay umakyat uli ako sa kwarto para kunin ang gamot ko sa banyo saka ko ininom ang limang capsule para guminhawa ang pakiramdam ko.

Nagpaalam na ako kila mom na papasok na ako kaya naman ay tuluyan na akong lumabas ng bahay saka nagpatuloy sa paglalakad. Nang malapit na ako sa harap ng apartment ni Zack ay huminto muna ako sa isang poste saka ako sumandal doon. Dito ang paborito kong pwesto sa tuwing hihintayin ko na lumabas ng apartment si Zack para sabay kami pumasok ng school.

Nang makita ko ng naglalakad na siya ay nakangiti na tinawag ko ang pangalan niya saka siya kinawayan.

"Goodmorning!" masayang bati ko sa kanya at nakangiti na bumati rin naman siya sakin pabalik.

"Oh... Suot mo parin?" tanong niya habang nakaturo sa kwintas na suot ko.

"Oo... Hinding-hindi ko na ito tatanggalin sa leeg ko... Ito yung magandang regalo na natanggap ko mula sayo eh."

"O-ohh okay.."

Namutawi sa amin ang katahimikan habang sabay kaming naglalakad at ilang sandali lang ay nakasakay na kami ng train.

Mabilis kaming nakarating sa Seisen High kaya naman pagpasok sa room at pagupo na pagupo ko ay lumapit sakin si Haley para batiin ako ng "goodmorning". Nagsimula na ang klase ng dumating na si Miss Chavez kaya naman ay mabilis na nagsibalikan sa upuan ang mga classmate ko.

Habang nagtuturo si Miss Chavez sa pisara ay hindi naman sadya na napabaling naman ako ng tingin sa kinauupuan ni Zack habang nakapangalumbaba ako. Naramdaman ko ang init ng buong mukha ko ng pagbaling ko sa kanya ay nakatingin na pala siya sakin at nang makita naman niya na napatingin ako sa kanya ay ngumiti siya sakin na halos ikinabilis ng tibok ng puso ko.

Umiwas agad ako ng tingin dahil hindi ko naman kaya na makita ako ni Zack na mukhang kamatis 'no! Huminga ako ng malalim saka ko hinampas ang magkabilaan kong pisnge atsaka ako nagpatuloy sa pakikinig kay Miss Chavez.

Agad na lumapit sakin si Haley matapos ang klase ni Miss Chavez at breaktime na namin.

Iniwan ako ni Haley sa table namin ng ipresinta na nanaman niya ang sarili niya na siya ang oorder ng makakain namin. Tuloy mukha nanaman akong ewan na nakalutang ang isip habang nililibang ang sarili. Natigilan lang ako nang makita ng dalawa kong mata si Zack na dala ang kanyang pagkain habang patungo siya sa natagpuan niyang mauupuan.

Bakit ba sa tuwing titigan ko siya sa malayo man o malapit ay bumibilis ang tibok ng puso ko... Ganun na ba siya kagwapo sa paningin ko para ganun ang ireaksyon ng puso ko? O sadyang.... Sadyang... May nararamdaman na talaga ako sa kanya? Aish! Ano ba Rachel! Matagal ko naman na talagang gusto si Zack eh, kahit noong nasa middle school palang kami. Sa tuwing nakikita ko siya o nasa tabi ko si Zack pakiramdam ko sobrang safe ako. Hindi ko rin alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko maamin sa kanya yung tunay na nararamdaman ko.

Siguro... Hindi pa ito yung oras at baka sa tamang panahon na lang...

Tamang panahon kung kailan...

"Hoy babae!"

"Ay shokla!!" muntikan na ako mapatalon sa gulat ng sumulpot si Haley. Inis na tumingin naman ako sa kanya habang inilalapag niya yung pagkain sa table.

"Wag mo nga ako tingnan ng ganyan tingin... Nakakasura."

"Tse!"

"Nga pala, bakit lutang na lutang ka? Tapos mukha ka pang ewan habang nakatingin sa pwesto ni Zack." tanong niya matapos humigop ng juice na binili niya.

Nilunok ko muna yung kinakain ko bago ko siya sinagot. "Wala lang... Marami lang pumasok na katanungan sa isipan ko.." sabi ko sa kanya at parang ewan na tumingin naman siya sakin. "Okay! Okay! Hindi ko kasi alam kung kailan ko aaminin sa kanya yung nararamdaman ko." nakasimangot kong usal sa kanya sabay subo uli ng kinakain ko.

"So... You really like him, huh?"

"Oo naman! Gustong-gusto talaga as in sobrang gusto ko talaga siya."

"Ew... I mean okay tsk.. Sabi ko nga diba hahayaan kitang magmahal basta huwag ka lang nila sasaktan dahil yari talaga sila sakin!"

"Dapat na ba akong maiyak sa tuwa?" sarkastiko kong tugon sa kanya at binigyan naman niya ako ng nakakamatay na tingin na ikinatawa ko ng mahina. "Biro lang hahahaha! Mukha kang angry bird sa tuwing sasalubong kilay mo, Haley."

"Shut up or else..."

"Or else... What?"

"Or else sasabihin ko kay Zack na gusto mo siya o pwede rin na pagsigawan ko dito... Ano ba gusto mo? Pili kana habang mabait pa ako, Rachel." natawa naman ako ng sobra dahil sa sinabi niyang yon.

"Sabi ko nga tatahimik ako diba? Haha!"

Hindi na ako pinansin pa ni Haley imbis ay ipinagpatuloy niya ang kain gayon rin naman ako hanggang sa magumpisa nanaman siyang magsalita.

"Ngayon lang ata kita nakita na nakasuot ng necklace?" usal ni Haley habang yung hawak niyang tinidor ay nakaturo sa necklace na suot suot ko.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Regalo kasi ito sa akin ng taong sobrang special sakin." usal ko sa kanya habang nilalaro ko yung necklace sa daliri ko.

"Special, huh." saad niya habang nilalaro niya sa tinidor niya ang kinakain niyang carbonara. "Dami mong alam may pa-special special ka pa... pwede mo naman sabihin ng deretso na si Zack ang nagbigay niyan sayo."

"Ehh... Paano mo nalaman na siya nga nagbigay?"

"Nakita ko kasi kayo kagabi... Bumalik ako sa bahay nyo non dahil naiwan ko yung cellphone ko... Tapos ayun... Nakakayamot makita kayong dalawa na magkayakap."

"N-nakita mo 'yon?!"

"Oyes pero hindi na ako nagtagal pa dahil sabi ko nga nakakayamot na makita kayong dalawa."

"Pweh! Bitter." binelatan lang ako ni Haley matapos kong sabihin yon.

Nang matapos ang breaktime namin ay bumalik na kaming dalawa sa classroom. Saktong dumating na rin naman si Miss Chavez kaya nakinig na ako ng mabuti sa lesson niya kahit na hindi ko bet yung subject.

Mamaya lang ng matapos ang discussion ni Miss Chavez ay biglang tumunog ang speaker. Mukhang may announcement at hindi nga ako nagkakamali meron nga. Sinabi lang ay pinapapunta ang lahat ng mga students ng SH sa gym dahil may announcement daw na importante ang principal. Kaya naman ngayon ay inayos ko muna ang mga gamit ko bago ako lumabas at pumila sa pila ng mga classmate ko.

Pagdating sa gym ay marami na ang mga nandoon na students. Nang matapos ayusin ni Haley ang pila namin ay saka siya nagtungo sa pinaka-unang pila. Agad na nagsitahimikan ang kaninang maingay na mga students nang dumating na si Mr. Yuriko Suzuki ang principal ng SH.

"Goodafternoon, students." usal ni Mr. Yuriko habang nakatingin sa aming mga students. "You are all here because I have a special announcement." seryosong bigkas niya saka siya huminga ng malalim at nagsalita muli. "I just want to say that we will have a summer vacation, you will all be able to rest well and enjoy your vacation with your family or friends." marami ang nagingay sa tuwa matapos sabihin iyon ni Mr. Yuriko.

Luminga-linga naman ako hanggang sa mapahinto ang mata ko kay Zack sa hindi kalayuan niyang pwesto. Napalingon naman ako ng mabilis sa likod ko nang ako'y kalabitin ng isa kong classmate.

Hinanap lang talaga ng mata ko si Zack kung saan siya nakapwesto at kung okay ba siya doon hehehe...

"Bakit?" tanong ko kay Yassy ang classmate kong babae na kumalabit sakin.

Lumapit naman siya ng kaunti sa akin para magkarinigan kami.

"Anong balak mo sa vacation mo, Rachel?" bulong niya sa akin at napaisip naman ako doon.

Ano nga ba ang balak ko sa vacation ko? Hmmm... Gusto ko makasama si Zack sa lugar na gustong-gusto ko puntahan, maka-bonding ang parents ko pati na rin si Haley... Ayun ayun lang naman ang balak ko..

"Marami eh, why?" tugon ko sa tanong ni Yassy.

"Wala lang hehe..."

"Oh... Okay."

Bumaling na ako uli sa harap saka ako tumayo ng deretso at nakinig na lang sa mga anunsyo pa ni Mr. Yuriko.

Walang pumapasok sa isip ko kundi ang balak kong gawin sa vacation...

Sasagarin ko na ang natitira kong araw na makakasama ko sila Haley at ang parents ko pati na rin siya...

Aishh!! Tsupi!! Tsupi!!

Parang tanga na ipinilig ko ang ulo ko hanggang sa huminto na ako at ipinagpatuloy na lang ang pakikinig sa announcement ni Mr. Yuriko.

Maya-maya pa ay natapos na sa anunsyo ang prinicipal ng school kaya naman sabay sabay na nag-bow kaming students bilang pasasalamat at saka kami isa-isa at maayos na lumabas ng gym.

Hindi sa kalayuan ay nahagip ng mata ko si Zack na nangunguna sa paglalakad kaya naman ay patakbo na nagtungo ako sa kanya saka siya kinalabit sa likod na naging sanhi ng pagkagulat niya at natawa naman ako ng mahina dahil sa pangit na reaksyon niya.

"Pfft--" pagpipigil ko ng tawa, gusto ko tumawa ng malakas kaso ayoko dahil nakakahiya at nandito pa rin kami naglalakad patungo sa building namin.

"Look! Alam mo napapansin ko palagi sila magkasama, sa tingin ko magboyfriend and girlfriend na sila."

"Ano kaba! Malay mo bestfriend haha.."

"bestfriend with benefits? Just kidding haha!"

"Shh! Marinig ka nila girl nakakaloka ka."

Napahinto naman ako sa paglalakad nang marinig ko ang malakas na bulungan ng dalawang babae sa gilid habang naglalakad kami.

Ano naman kung boyfriend at girlfriend na kami?! Pakialam ba nila?! Atsaka isa pa.... Malabo naman mangyari yun eh hehe... Manhid kaya si Zack... Hindi ko nga alam kung may nararamdaman na rin ba siya sakin o sadyang assuming lang ako kasi gusto ko siya? Hayewan! Ahh basta ang mahalagang isipin ko ay yung magandang pupuntahan ko. Yung makakarelax ako sa araw ng bakasyon.

Matapos ko kunin ang bag ko ay saka ko inantay si Zack sa labas ng classroom. Pagkalabas niya ay ngumiti lang ako saka sinenyasan siya na sabay kami umuwi at mukhang naintindihan naman niya yun dahil tumango siya.

Habang sa paglalakad namin ay napatingala na lang ako dahil sa kagandahan ng kalangitan. Dapithapon na kaya maganda ang kalangitan ngayon sabay bumaling naman ako kay Zack.

"Zack," tawag ko sa kanya.

"Hmmm?" tugon niya.

"Ano balak mo sa vacation??"

"Hmm.... Kahit ano na lang, wala rin naman ako pupuntahan kaya maganda siguro kung tatambay na lang ako sa bahay magdamag."

"Ahh..."

"Ikaw ba? Ano balak mo sa vacation mo?"

"Ako? Hmmm... Gusto ko sana yayain ka lumabas at pumunta sa lugar na gustong-gusto ko if na okay lang sa iyo."

"Uhmm... Wala naman ako pupuntahang iba... Okay lang sakin." parang lumundag naman sa tuwa ang puso ko ng marinig ko ang responde na yun ni Zack habang may nakaguhit na ngiti sa kanyang labi.

"T-talaga?! Pumapayag ka?"

"Oo dapat bang hindi na lang? Madali lang naman ako kausap..."

"Ha? Hindi! Hindi!! Masaya nga ako at pumayag ka eh! Akala ko hindi ka papayag kasi naiirita ka na makasama ako hahaha..." sabi ko sabay kamot sa gilid ng noo ko.

Bigla naman siya lumingon sakin na may pagtataka. "Bakit mo naman nasabi na naiirita ako kapag nakakasama ka?" napalunok naman ako doon dahil hindi ko alam kung ano isasagot ko.

Bakit ko nga ba nasabi yon?

"Ahh... Ehh.. Kasi ano..." paano ko ba ito sasabihin? walang pumapasok sa isip ko na pwede i-dahilan sa kanya.

"Wala naman akong ikakairita sa tuwing makakasama kita eh... Sa totoo lang masaya ako na nakakasama kita." parang nawalan ako ng rinig matapos ko marinig ang sinabi niya at tanging lakas ng kabog lang ng dibdib ko ang naririnig ko.

"B-bakit ka naman m-masaya?" nauutal na sabi ko. Hindi ko kaya na lumingon sa kanya dahil ramdam na ramdam ko ang paginit ng pisnge ko at sobrang lakas ng tibok ng puso ko ngayon.

"Hmmm.... Bakit nga ba? Siguro dahil ikaw lang yung unang tao na lumapit at kinausap ako saka nakasama ko sa kung saan saan... Masaya ako kasi nagkaroon ako ng katulad mo." matiwasay na sambit niya habang may kaunting ngiti na nakaguhit sa labi niya.

Naubusan ako ng sasabihin dahil mas lalo lang bumibilis ang tibok ng puso ko kaya naman ay naiyuko ko na lang ang ulo ko dahil pakiramdam ko sobrang pula na ng buong mukha ko kaya naman ay nanguna ako sa paglalakad habang siya ay naiwan na nagtataka doon.