ILANG araw ang lumipas hanggang sa dumating ang linggo at bukas ay balik-eskwela nanaman kami dahil patapos na ang summer break namin.
Nandito ako sa kwarto ko at nakaupo lang dahil kakatapos ko lang maligo. Nakatunganga lang ako habang hinihintay ko ang pag-call sakin ni Rachel, maraming araw rin na hindi kami nakapagusap dahil sobrang inenjoy ko ang vacation ko kasama ang pamilya ko.
Nakakatuwa lang dahil kahit papaano ay wala ng nakaharang na pader sa pagitan namin ng papa ko at napatawad na namin ang isa't isa, masaya din dahil nakasundo ko ng maayos ang dalawa kong nakakabatang kapatid gayon rin ang step-mom ko.
Napalingon naman ako sa gilid ko at nakita ko ang picture frame ni mama sa taas ng cabinet ko. Napangiti na lang ako habang nakatitig sa magandang ngiti ng mama ko habang buhat-buhat ako ng ako ay bata pa kasama namin sa picture na ito ang papa ko at para kaming masayang pamilya dito.
Nagulantang naman ako sa gulat ng agad na tumunog ang ringtone ng cellphone ko at makitang tumatawag si Rachel kaya agad agad ko itong sinagot at itinapat sa tenga ko.
"Hello?" rinig kong sambit ni Rachel sa kabilang linya.
"Rachel? Napatawag ka?" tugon ko.
"Duh! Ilang araw rin hindi kita nakausap 'no, kaya tatawag talaga ako hehe... Naistorbo ba kita?"
"Ahh, hindi. Hinihintay ko nga tawag mo, buti na lang talaga at tumawag ka."
"Namiss mo'ko? Hahahaha! Just kidding.."
"I miss your voice... your angelic voice."
"Ehhh? Hahahaha! Sira ka talaga, btw kamusta vacation mo sa house ng papa mo at ng step-mom mo?"
"Hmmm.. Maayos naman at masaya rin, ikaw?"
"Anong ako?"
"Kamusta vacation mo?"
"Ahh hahaha! Hmmm... Okay naman, magdamag lang na nasa loob ng bahay at walang ginawa kundi manood at kumain."
"Wag ka magalala sa monday ay makakalabas na tayo, yung tayong dalawa lang."
"Parang nakaka-excite naman mag-monday na hahahahaha!"
"Hahahaha... May gagawin ka pa ba?"
"Hmmm.. Yeah!"
"What?"
"Maglinis ng kwarto! Parang dinaanan ng bagyo yung kwarto ko sa sobrang kalat hahahahaha.."
"hmmm okay.. Take your time, call kana lang uli kapag tapos kana ok?"
"Hmmm... Okie dokie!! Bye, Zack.."
"Okay... Bye, Rachel."
-end call-
Wala akong ginawa kundi ang kumain at manood lang ng movies hanggang sa mag-gabi na kaya naman ay habang papasok ako sa banyo para mag-toothbrush bago matulog ay nagtaka ako kung bakit hindi tumatawag si Rachel kaya agad kong kinuha cellphone ko at tiningnan contacts ko kung tumawag siya pero wala kaya naman ay nag-text ako sa kanya.
"Tapos kana maglinis ng kwarto mo?"
Pagkatapos ko i-send ang text na yon ay saka ako dumeretso sa cr para mag-sipilyo at ng matapos ay pumunta na ako ng kwarto sabay nahiga.
Tiningnan ko uli ang cellphone ko kung nag-text back na siya pero wala pa ring response kaya nag-text ako uli para mag-goodnight.
"Goodnight, Rachel."
Saka ako natulog ng tuluyan pagkatapos ko mag-goodnight sa kanya dahil bukas ay lunes na at panigurado naman na makikita ko siya sa school bukas.
Kinabukasan nang sumapit ang monday ay agad na akong bumangon at nagpunta sa banyo para maligo. Matapos ako sa lahat ng gawain ko ay hindi mawala-wala sakin ang pagka-excite dahil balik-school nanaman at makikita ko uli si Rachel.
Wait.... Bakit ba gustong-gusto ko na makita si Rachel? Ang weird hindi naman ako ganito dati... Bahala na..
Lumabas na ako ng apartment ko saka ako naglakad na paalis. Napalingon naman ako sa bahay nila Rachel saka doon sa poste na lagi niyang tinatambayan para hintayin ako, nakakapagtaka dahil wala akong makitang presensya ni Rachel.
Siguro natutulog pa siya pero ang alam ko hindi naman tulog-mantika yung babaeng yon? hmmm... Hayst, makikita ko naman siya sa school pero nagalala ako baka may nangyari sa kanya.
"Arghhh!! Papasok na ako!!" napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil sa pagiisip ko kay Rachel, ipinilig ko na lang ulo ko at nagpatuloy ako sa paglalakad.
Hindi din nagtagal pa nang makarating na ako sa school at dumeretso sa classroom. Nakita ko agad si Haley na nakikipagusap sa mga iba naming classmate at nang mapansin niya ako ay agad siyang lumapit sakin.
"Pwede ba tayo magusap?" kalmadong tanong nito sakin habang nakatingala siya at naiilang na tumango naman ako.
Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin papalabas ng classrom at umakyat kami sa rooftop nitong school. Nagtataka na nakatitig ako kay Haley habang nakatalikod siya sakin at nagulat ako nang nakasalubong ang kilay niya na sinugod ako at agad ako hinawakan sa manggas ng uniform ko.
Nagtataka na nakatitig lang ako sa kilay niyang magkasalubong habang ang mata niya ay galit na nakatitig sa mata ko.
"Napapansin ko na halos araw araw kayo magkasama ni Rachel, ano kayo ni Rachel?" nanggagalaiti niyang tanong sakin habang mahigpit na nakahawak siya sa manggas ng uniform ko na para bang gusto na ako suntukin.
"Magkaibigan lang kami." kalmadong sagot ko sa kanya.
"Siguraduhin mo lang na magkaibigan lang talaga kayo, ano sayo si Rachel?"
"Kaibigan."
"Tss... Haha! Siguraduhin mo lang na hindi mo pinaglalaruan feelings ng bestfriend ko dahil hindi ako magdadalawang-isip na suntukin ka at ilayo kay Rachel."
"Bakit parang galit na galit ka sakin? Wala naman akong ginawang masama sayo at kay Rachel?"
"Ganito ako kasi ayoko na uli pang-makitang masaktan ang kaibigan ko, naiintindihan mo ba 'yon? Isang beses na nakita kong nasaktan si Rachel sa past relationship niya kaya tatandaan mo itong pangyayari na kapag nalaman ko lang na sinaktan mo damdamin ng kaibigan ko, hinding-hindi kita mapapatawad!!" galit niyang sigaw sakin saka niya ako binitawan sa manggas ng uniform ko at agad siyang naglakad paalis.
Ako naman ay naiwan magisa sa rooftop habang dinadamdam ang malamig na hangin at sabay kong inayos ang uniform ko saka ako bumaba ng rooftop at bumalik sa classroom. Naglandas ang mata namin ni Haley pero agad niyang iniwas yon at galit na naupo sa upuan niya. Napabuntong-hininga na lang ako na naupo sa upuan ko at napalingon naman ako sa gilid kung saan yung table ni Rachel. Hanggang ngayon wala pa rin siya, hindi ba siya papasok?
Lumipas ang ilang oras hanggang sa matapos na ang klase at uwian na ngunit bago kami ay tuluyang umuwi ay pinatawag muna ang lahat ng students sa gym.
Lumipas ang mga oras ng klase pero walang dumating na Rachel... Nakakapagtaka lang dahil ngayon ko lang siya nakita na umabsent, pupuntahan ko siya sa bahay nila baka sakali matanong ko siya kung bakit hindi siya pumasok ngayon.
Tahimik lang na nakapila ako habang nakikinig sa pag-welcome samin ng prinicipal at teachers.
"Welcome back, students!!" nakangiti na pagbati samin ng principal. "How's your vacation? Did you all enjoy?" at malakas na nagsi-yes naman ang mga students. Nakinig lang ako sa anunyo ng principal hanggang sa matapos ito at pauwiin na kami.
Nagmadali ako na makauwi at nang makarating ako sa tapat ng bahay nila Rachel ay agad akong nag-door bell pero walang sumasagot at nagdoor bell pa rin ako nang nag-door bell pero wala pa rin sumasagot kaya naman ay napabagsak na lang balikat ko at napatingin sa cellphone ko kung may text si Rachel pero wala rin.
"Hijo?" napalingon naman ako sa likod ko ng may tumawag sakin at nakita ko yung matandang babae.
"Po?" sagot ko.
"Kapitbahay nila ako... Walang tao sa bahay nila ngayon, hijo."
"Bakit po?"
"Sinugod kasi sa hospital kahapon yung anak nilang babae, kaya walang tao dyan." nagulat naman ako sa sinabi ng matanda at halos mapalunok ako sabay kumabog ng mabilis ang dibdib ko.
"A-anong hospital po? Alam niyo po bang kung saang h-hospital??" natataranta kong tanong dahil halos hindi tumigil sa kabog ang dibdib ko sa sobrang pagalala kay Rachel.
"Uhmm... Ang alam ko sa St. Luke's Medical Center? Bakit hijo?"
"M-maraming salamat po! Mauna na po ako sa inyo."
"Huh? T-teka Hi--"
Hindi ko na narinig ang sunod na sasabihin ng matandang babae dahil sobrang nagmamadali na talaga ako kaya naman ay agad akong pumara ng taxi at sinabi ang hospital na yon halos hindi ako mapakali dahil sobrang nagalala talaga ako kay Rachel mamaya kung ano na nangyari sa kanya.
Binayaran ko agad yung taxi driver nang makarating kami sa St. Luke's Medical Center at hindi ko na kinuha pa ang sukli dahil sa pagmamadali ko. Halos tumakbo ako ng mabilis papasok sa hospital na yon at hingal na hingal na pumunta sa Nurse front desk (I dunno if am I right of what I call it, because I really don't know what to call it, I'm sorry.) hindi na ako nagpatumpik pa at tinanong ko ang nurse.
"Meron po bang pasyente dito na ang pangalan ay Rachel Tan?" hingal na hingal kong tanong sa nurse.
"Wait sir, titingnan ko po." palingon-lingon ako sa mga dumaraan na pasyente, nurse at doctor habang hinihintay ko yung nurse na mahanap yung name ni Rachel. "Yes, Sir. Nandito po si Ms. Rachel Tan room no. 215 po."
"Thank you." sagot ko.
Mabilis ako na umalis doon at sumakay ng elevator saka ko pinindot ang 3rd floor. Pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay tumakbo ako at luminga-linga para hanapin yung room ni Rachel. Haggang sa mapadpad ako sa pinaka-dulo at tumigil muna ako para habulin ang hininga ko.
Agad kong inayos ang nagusot kong uniform at pinunasan ang mga pawis ko saka ako kumatok sa kwartong yon.
Bumungad naman sakin ang mama ni Rachel ng buksan niya ang pinto at gulat siya nang makita ako.
"Hijo? Buti pumunta ka.." malungkot na sambit ni Tita habang nakatingin sakin.
"K-kamusta po si Rachel?" nauutal kong tanong at malungkot na lumingon naman siya kay Rachel na mahimbing na natutulog sa kama kaya naman ay napalingon na din ako at halos bumagsak ang balikat ko nang makita ko si Rachel na nakahilata sa kama ng hospital. "Ano po ang nangyari?"
"Pasok ka muna hijo," kaya naman ay pumasok ako sa private room ni Rachel at nakita ko ang daddy niya na nakaupo sa tabi at nakahawak sa kamay ni Rachel. "Nang gabi ng linggo ay nagulat na lang kami na pagpasok ko sa kwarto ni Rachel ay nakahilata ang katawan niya sa sahig at nang hawakan ko siya ay sobrang namumutla siya at halos hindi magising-gising kaya naman ay kinabahan ako at agad kong tinawag ang tito mo para tumawag ng ambulansya." mahabang kwento ni tita kaya naman ay halos bumigat ang pakiramdam ko habang nakatingin kay Rachel.
"Nakapagpahinga na po ba kayo Tita?" tanong ko sa kanya at umiling naman siya.
"Hindi kami makapagpahinga ni Erick dahil sobrang nagalala talaga kami kay Rachel kaya hindi na kami nakauwi pa para kumain at kunin ang gamit ni Rachel."
"Kung ok lang po sa inyo... Ako muna po magbabantay kay Rachel at hayaan nyo po muna yung sarili nyo na makapagpahinga kahit papaano dahil baka kapag po nagising si Rachel ay magalit siya sa inyo dahil pinapabayaan nyo po ang sarili niyong dalawa."
Ngumiti naman sakin ang mama ni Rachel. "Maraming salamat, Zack. Uuwi muna kami ng asawa ko at ikaw na muna bahala, tawagan mo kami kung sakali na may mangyaring hindi maganda ok? Heto yung number ko." sabay abot sakin ni Tita ng number niya kaya naman ay sinave ko ito sa contacts ko at nakangiti na hinatid sila sa labas ng kwarto ni Tito.
"Ikaw na muna bahala sa anak namin... Salamat, Zack." usal ng daddy ni Rachel bago sila umalis ni Tita at nang wala na sila ay saka ako bumalik sa kwarto ni Rachel.
Lumapit ako sa higaan ni Rachel at naupo ako sa kaninang pwesto ng daddy niya saka ko tinitigan ang mala-anghel niyang mukha na mahimbing na natutulog.
"Gumising kana, gusto kitang makausap." mahina kong sabi habang may lungkot ang mata ko na pinapanood ang paghinga niya.
Hinawakan ko ang namumula't maputi niyang kamay saka ko ito dinampi sa pisnge ko at pumikit ako, hiniling ko na sana magising na siya at makita ko ang masiglang si Rachel.
Ilang oras ang lumipas hanggang sa makaramdam ako ng antok kaya naman ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang hawak-hawak ko pa rin ang kamay ni Rachel.
"Buti naman gising kana," narinig kong usal ni Rachel kaya naman ay tumango ako at dahan-dahan uli na ipinikit ang mata ko dahil akala ko ay nananaginip ako. Nang marealize ko na hindi pala ako nanaginip at totoong gising na si Rachel ay sobrang gulat ako na napatingin sa kanya at ngumiti naman siya sakin. "Sobrang higpit ng hawak mo sa kamay ko kaya hindi ko magalaw kanina."
"R-Rachel?! Gising kana?" gulat kong sambit.
"Nakikita mo naman na dilat na dilat ang mata ko diba? Ibig sabihin gising na ako hahahaha!"
"Kamusta pakiramdam mo? Okay ka lang ba?"
"Oo naman, pumayat lang ako unti pero okay na okay naman ako at maayos pa rin paghinga ko."
"Mabuti naman, sobrang nagaalala ako kaya nagmadali ako na pumunta dito dahil napansin ko na absent ka kanina."
"Nagmadali kang pumunta dito?"
"Oo, pasensya na."
"A-ahh... Uhmmm.. Sorry kung hindi kita nasabihan na sinugod ako sa hospital kaya ako hindi pumasok, kahit papaano nakakatuwa dahil nagalala ka sakin." masayang usal niya habang nakatingin sa akin kaya naman ay napangiti na lang rin ako. "T-teka... A-alam rin ba ni Haley na nandito ako??"
"Hindi, pasensya na kung hindi ko nasabihan si Haley."
"Huh?! Okay lang yon! Sigurado ako na mangiyak-ngiyak yun kapag nakita niya ako na nakahilata dito hahahahaha... Sasabihan ko na lang siya siguro bukas."
"Nagugutom kaba?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya habang nakahawak sa tyan niya na kumakalam na kanina pa. "Bibili lang ako ng pagkain sa labas dyan ka lang muna, ok?"
"Okay!! Nga pala, nasaan sila mom?"
"Pinauwi ko muna sila para magpahinga at baka bumalik na rin sila mamaya dala dala yung gamit mo."
"Ahh ganun ba? So, ikaw pala magbabantay sakin magdamag? Haha!"
"Yeah, wait mo lang ako... Bibili lang ako ng makakain nating dalawa."
Pagkatapos ko sabihin yon kay Rachel ay saka ako lumabas ng room niya at naglakad papalabas ng Hospital para bumili ng makakain.
Kahit papano ay may nakita akong bilihan ng lugaw kaya naman ay agad akong bumili ng dalawa saka ako bumili ng tatlong prutas para makakain man lang sya ng masustansya. Pagkabalik ko sa room niya ay nakita ko siya na nakatayo habang nakasilip sa bintana at nang mapansin niya na dumating na ako ay agad siyang naupo sa kama niya at nakangiti na hinihintay ako na lapagan siya ng pagkain niya.
Agad kong nilagay sa maliit na table yung lugaw na dalawa saka yung prutas atsaka ko siya inaya na kumain na.
"Wow lugaw!!" parang bata na masaya niyang sabi sabay kain niya ng sunod sunod. "Ang sarap grabeee!!"
"Maghunos-dili ka baka mabilaukan ka sigh."
"Aye ayeeee master!!"
Nang matapos kami kumain ng lugaw ay saka naman ako naghiwa ng apple para makain niya.
"Kamusta nga pala si Haley?" bigla niyang tanong habang nakadungaw sa bintana.
"Hmmm... Okay naman siya." sagot ko, ayoko i-kwento kay Rachel ang ginawa sakin ni Haley at ang pinagusapan namin mas magandang kaming dalawa lamang ni Haley ang nakakaalam.
"Mabuti naman, alam mo ba kung ano dahilan kung bakit ako natagpuan ni mom na nakahilata na lang sa sahig?" napatigil naman ako sa paghihiwa ng apple ng bigla niyang bigkasin yon.
"Bakit? Ano ba nangyari?"
"Dahil sa sakit ko."
"Sakit mo?"
"Diba sinabi ko na sayo yon dati pa? May sakit akong Pancreatic Cancer? Hahaha."
"Ahh oo... Malala bang sakit yon?"
"Yeah hahahaha... Pwede mong ikamatay yon."
"Sigh... Hindi ka naman mamatay atsaka isa pa malakas kang tao kaya naniniwala ako na malalagpasan mo yang sakit mo at gagaling ka." napatulala na lang sakin si Rachel saka siya ngumiti ng sobrang tamis.
"Thank you, Zack." nakangiting usal niya saka siya umupo ng maayos at kumain ng apple na hinihiwa ko kanina.
Katahimikan lang ang namutawi sa aming dalawa habang nakatingin kami pareho sa bintana, pinagmamasdan namin ang mapayapang kulay asul na kalangitan at ang mga tao na dumaraan. Pasimple na binalingan ko ng sulyap si Rachel at nakita ko sa mata niya kung gaano siya kasaya habang pinagmamasdan yung kalangitan kaya naman ay hindi ko naiwasan na mapangiti na lang rin dahil sa mala-anghel niyang mukha.