DALAWANG araw na ang nakakalipas simula nung mangyari ang pagkamatay ni Rachel at heto ako ngayon nasa apartment ko lang nakakakulong sa kwarto. Dalawang beses ng pumunta si Haley sa bahay ko at kumakatok lang siya pero hindi ko siya pinagbubuksan gayon rin ang papa ko na ilang beses na rin ako binisita. Hindi ko alam wala akong gana tumayo man lang sa higaan ko o kumain.
Halos nakatunganga lang ako magdamag at walang ginagawa. Nailibing na ngayon si Rachel at hindi man lang ako pumunta sa burol niya dahil mas ginusto ko na manatili sa bahay at magkulong sa kwarto magdamag.
Hanggang ngayon hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko yung pagkamatay niya, hindi ko matanggap na agad siyang nawala.
Napakadaya mo...
Iniwan mo'ko nag-iisa..
Hindi ko namalayan na agad akong nakatulog sa sobrang lungkot.
~Dreams~
Nakakapagtaka bakit puro puti ang nasa paligid ko? Sobrang liwanag ang sakit sa mata.
"Zack!" nagulat naman ako ng marinig ko ang boses ni Rachel na nangingibabaw.
"Zack!! Dito!!" sinundan ko lang ang boses hanggang sa mapunta ako sa isang lugar na kung saan dati ako tumatambay simula pagkabata ko palang.
Kung saan ako nakita ni Rachel na nagmumukmok sa tabing dagat...
"Zack!!" nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makakita ako ng babae na nakatalikod habang nakasuot ng bistidang puti.
Nang makalapit ako sa pwesto niya ay halos matigil ako sa paglalakad sa sobrang gulat ng maaaninag ko ang postura niya. Mas lalong nanglaki ang mata ko nung dahan-dahan siyang humarap sa pwesto ko.
"R-rachel?" saad ko.
"Hi Zack!" nakangiting sambit niya habang nililipad ng malakas na hangin ang ilang hibla ng kanyang buhok.
"P-paano? Hahaha.. Naghahallucination ata ako.."
"Nasa panaginip mo'ko."
Panaginip?
"Nanaginip ako?" nagtatakang tanong ko at nakangiting tumango naman siya.
"Namiss mo ba ako? Hahaha!"
"Sobra." malungkot kong sabi at napatigil naman siya sa pagtawa niya saka siya ngumiti sa akin ng sobrang tamis.
Namiss ko ang pagngiti niya...
"Ako rin, mamimiss kita!" parang sinaksak naman ang dibdib ko sa sobrang sakit.
"Mamimiss rin kita, sobrang mamimiss."
"Huwag mo akong kakalimutan ha! promise?" parang batang sabi niya pa habang nakapinky swear.
"Promise." sabay pinky swear ko rin na may ngiti sa labi.
"Aalis na ako... Hanggang sa muli, bye-bye!" usal niya sabay kaway sa akin at tumango naman ako na nakangiti rin sabay kaway ko sa kanya bilang paalam.
Mag-iingat ka sa paglalakbay mo...
Hanggang sa unti-unti na ngang naglaho si Rachel at ako naman ay naabutan ko na lang ang sarili ko na nagising na ako.
Ngumiti lang ako ng may lungkot saka ako naligo at nagasikaso. Pagkatapos ko ay saka ako nagbihis ng simpleng damit lang atsaka ako lumabas ng apartment ko.
Nakapamulsa lang ako habang nakasuot ng hoodie atsaka ako nagtungo sa bahay nila Rachel.
Nagdoorbell agad ako at hindi pa nagtatagal ng magbukas ang pinto at nakita ko ang mama ni Rachel na gulat na gulat ng makita ako.
"Hijo.. Pasok ka," nakangiting usal ng mama ni Rachel sa akin atsaka ako pumasok. "Buti pumunta ka dahil may ipinapabigay si Rachel sa akin at ibigay ko daw sayo."
"Po? G-gusto ko lang po kayong kamustahin."
Bigla namang ngumiti sa'kin ng malaki ang mama ni Rachel. "Ganun ba? Kahit papaano ay unti-unti na naming tinatanggap mag-asawa ang pagkawala ng nagiisa naming anak." saad niya at ipinaupo naman ako ng Mama niya sa sofa kaya agad akong naupo. "Ikaw ba hijo? Kamusta ka? Alam ko kung bakit hindi ka pumunta sa burol ni Rachel."
Nalungkot naman ako. "Sorry po, hindi ko pa po kasi matanggap-tanggap eh.." sabi ko at bigla naman siyang umupo sa kabilang sofa atsaka tinap ang balikat ko.
"Ito yung hinabilin ni Rachel bago siya mamatay na ibigay ko daw sayo." bigla namang inabot sakin ng Mama ni Rachel yung isang notebook at nanlaki ang mata ko nung mabasa ko ang harapan nito.
My Secret Diary?
Diba ito yung diary ni Rachel na nahulog niya nun sa locker na napulot ko? Ibinibigay niya na sakin? Bakit?
"B-bakit niya nga po pala ito ipinabibigay?"
"Sayo na daw yan at ang pagkakaalam ko ay may isinulat daw siyang letter para sayo kaya basahin mo daw." sambit ng mama ni Rachel kaya naman ay dahan-dahan kong binuksan yung diary.
Maraming nakasulat kaya binasa ko ang mga yon, simula pagkabata palang pala ay sinusulat na niya ang lahat ng mga nararamdaman niya o ang mga masasayang nangyari sa buhay niya. Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko habang nagbabasa ako ng nagbabasa hanggang sa paglipat ko sa isang pahina ay nabasa ko agad ang 'Hi Zack!' at natagpuan ko na yung letter niya para sa akin kaya ipinagpatuloy ko ang pagbabasa dito.
"Hi Zack! I know na binabasa mo na itong diary ko dahil sinabihan ko kasi si mommy na ibigay niya sayo itong diary ko kapag wala na ako, sorry kung dito na mismo ako magpapaalam.
Naalala mo ba yung araw na una tayong nagkita? Yung nangyari sa tren na ikaw yung pinagbintangan ko na manyakis even though hindi naman talaga ikaw yon, pasensya na sa inasta kong yon nasampal pa tuloy kita pero atlis nakabawi ako sa nagawa ko diba?
Sobrang saya ko nung unang labas natin bilang pangbawi ko sa pagligtas mo sa akin at sobrang saya ko rin nung pangalawang labas natin na pumunta pa tayo sa Ocean Park saka nanood ng fountain, alam mo ba na sobrang saya ang naramdaman ko nun ng nanood tayo ng fountain dahil hindi ko akalain na sa buong buhay ko makakapanood ako ng ganun.
Walang araw na hindi ako masaya sa tuwing kasama kita, pakiramdam ko ako na ang napaka-swerteng babae sa buong mundo.
Tulad nung kinuwento ko sayo na dati noong bata pa tayo ay nagkita tayo.. Niligtas mo ako nun sa mga bully kahit na ang sungit mo nung bata ka hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya nun kaya thank you!!
Ang dami kong magagandang memories na binuo natin, hinding-hindi ko makakalimutan lahat ng yon, lahat-lahat. Alam mo nung nakita kitang ngumiti saka tumawa? Parang matutunaw na ewan ang puso ko, gusto ko tumalon sa saya dahil finally nasilayan ko na ang maganda mong pagngiti at pagtawa.
Nung una kita makita sa school nagkaroon na agad ako ng interes na kilalanin ka kaya tingnan mo napalapit nga ako sayo at naging parte ka ng buhay ko.
Sorry sa lahat... Sorry kung hindi ko na sinasabi sayo na lumalala na ang sakit ko puro ako 'okay lang ako' pero yung totoo palala nang palala yung dinadamdam kong sakit.
Pinaka-masayang araw na kasama kita para sa akin ay yung nanood tayo ng fireworks show! Alam kong nagtataka ka nun kung bakit ako nag-thank you sayo, nagpasalamat na ako mismo nung araw na yon kasi alam kong hindi na magtatagal pa ang buhay ko dito sa mundo. Sorry kung dito ako magpapaalam dahil hindi ko kayang magpaalam sayo ng personal, hindi ko kaya na makita ka baka ikadurog ko. I know na selfish kung tawagin yung ginawa ko, pasensya na.
Sana kahit wala na ako hindi mo ako makalimutan, ipagpatuloy mo lang ang buhay mo and I want you to be happy.
Sayang hindi ko rin nasabi sayo ng malinaw yung gusto ko sabihin dahil nagsimula na yung fireworks show. Alam mo ba kung ano yung gusto ko sabihin doon?
Mahal kita matagal na! Mahal na mahal na mahal kita... Thank you for everything, you made me happy so much.
Goodbye, Zack."
~Rachel Tan
Napahinga naman ako ng malalim ng magumpisa nanaman manlabo ang paningin ko kaya agad ako tumingala para hindi mahulog ang luha ko. Tumingin naman ako sa mama ni Rachel na nakangiting nakatingin sa akin.
Gusto kong umiyak...
"Pwede po ba akong umiyak?" tanong ko at nakangiting tumango naman ang mama ni Rachel.
Sunod sunod na nagsibagsakan ang mga luha ko at umiyak lang ako nang umiyak dala ng kirot sa dibdib ko. Hindi ko maiwasan mapangiti habang umiiyak ng mabasa ko yung pinakahuli na sinabi niya na mahal na mahal na mahal niya ako.
Mahal na mahal na mahal rin kita...
Sobrang mahal...
Dapat sinabi ko na pala agad para alam mo kung gaano kita kamahal...
Kahit na huli na ako patuloy pa rin kitang mamahalin...
Pangako..
Hinimas-himas ng mama ni Rachel ang likod ko hanggang sa tumahan na ako at agad niya akong ipinainom ng malamig na tubig.
"Okay na ba pakiramdam mo? Nailabas mo na ba lahat?" tanong ng mama ni Rachel sakin.
"Opo, thank you po Mrs. Tan." usal ko.
"Ayshoo! Huwag mo na ako tawaging Mrs. Tan, tita na lang mas maganda pa!"
"Okay po, Tita."
"Ayan!! Osya kapag bumisita ka uli dito isama mo si Haley ha? Gusto kong bumisita kayo uli sa akin dito."
"Bibisitahin pa rin po namin kayo, huwag kayo mag-alala tita sasabihan ko po siya."
"Salamat Zack... Magiingat ka sa paguwi mo, matutuwa ang anak ko dahil bumisita ka."
"Salamat rin po." atsaka ako nagbow at nagpaalam na.
Nagumpisa na akong maglakad paalis hanggang sa maisipan kong pumunta sa malapit na cafe at makipagkita kay Haley.
May inihabilin kasi si Rachel sa likod ng pahina na ibigay ko ang diary kay Haley at ipabasa sa kanya yung letter na ginawa ni Rachel para sa kanya.
Alam ko na para din kay Haley ay mahirap tanggapin na mawalan ka ng kaibigan, lalo na yung kaibigan na yon ay pinaka-iniingat- ingatan mo.
Hindi din naman nagtagal ng makarating na ako sa cafe kung saan ako makikipagkita kay Haley. Pagpasok ko palang ay nakita ko na agad siya na tahimik na nakaupo lang habang hinihintay ang pagdating ko.
Lumapit naman ako sa pwesto niya at ng maramdaman niya presensya ko ay tumingin na siya sakin at hindi ko maiwasan makaramdam ng awa ng makita ko ang mata niya na malungkot.
"Anong kailangan mo sakin?" tanong niya habang nakayuko ang ulo niya at hindi ako tiningnan pa.
Huminga naman ako ng malalim bago ko inilapag yung diary ni Rachel sa table namin at nagtataka na tumingin naman siya sakin.
"Diary ni Rachel yan... May letter siya sayo, basahin mo." kalmadong usal ko at malungkot na kinuha niya yung diary saka niya yon binuklat.
Pinanood ko lang si Haley na basahin ang diary ni Rachel hanggang sa nagbagsakan ang mga luha niya habang nanginginig ang kamay niya na nakahawak sa diary.
"Hahaha... A-ang duga niya..." bigkas niya habang umiiyak at wala naman ako magawa kundi hayaan na lang siyang mailabas yung saloobin niya. "K-kung alam ko lang... Kung alam ko lang na huling araw na pala niya nun... S-sana hindi na lang ako pumunta sa family gathering ko imbis binisita ko na lang s-siya..."
Wala akong masabi parang nakatahi ang mga bibig ko at hindi ko alam kung paano ko siya dadamayan. Ramdam na ramdam ko yung sakit na nararamdaman ni Haley ngayon.
Sino nga ba naman ang hindi masasaktan kung yung importanteng kaibigan mo mawala ng biglaan...
"K-kung alam ko lang... S-sorry... Sorry Rachel... Sorry... I'm so sorry.." paulit-ulit niya lang sinabi ang paghingi ng tawad habang umiiyak hanggang sa tumahan na siya.
Pinunasan niya agad ang mga luha niya saka siya tumayo kaya napatayo na rin ako.
"Aalis na ako, thank you dahil pinabasa mo sakin yung letter niya para sa'kin." usal niya saka siya nagsimulang maglakad paalis ng cafe at naiwan naman akong nakatayo.
Agad akong mabilis na lumabas ng cafe at patakbo na hinanap si Haley. Tumakbo lang ako nang tumakbo dahil alam kong hindi pa siya nakakalayo may importante akong gusto sabihin sa kanya.
Napahinto na ako sa pagtakbo ng maabutan ko na siya mabuti na lang ay hindi pa siya sumasakay sa taxi.
"Haley!" malakas kong tawag sa kanya na agad niyang ikinalingon at nagtataka na nakatingin sakin. "Pwede ba tayo maging mag-kaibigan?!!!"
Nanlaki naman ang mata niya sa gulat ng malakas kong isigaw yon at naghahabol naman ako ng hininga ko. Bigla naman siyang ngumiti.
"Sure." tugon niya saka siya sumakay sa taxi at humarurot na ito paalis.
Napangiti na lang din ako ng pumayag siya na kaibiganin siya. Isa ito sa hiling ni Rachel bago siya mamatay na makipagkaibigan ako kay Haley at bantayan ko si Haley kaya susundin ko 'yon para sa kanya.
Tutuparin ko yung sinabi mo na gusto mo ako maging masaya at ipagpatuloy ko lang ang buhay ko, tutuparin ko yon mahal ko.